Dwayne Nagulat ako sa biglang pagsuntok sa akin ni Cynth. Isa sa mga kaibigan ni Milli. Tinignan ko sila ng masama, pero hindi pa ako nakakabawi nang sumunod namang sumuntok si Renz. Hindi ko alam ang nangyayari, kung bakit bigla-bigla nalang silang susugod at mananapak nalang. Nang makita kong paalis na sila. Galit akong nagsalita at napamura. "f**k! What was that all about?" galit tanong ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin. "Queenie," walang emosyong tawag ko dito na ikinalingon niya sa akin. Makikita ko sa mata niya ang galit at pagtitimpi. "Anong kasalanan ko sa inyo para manuntok nalang kayo bigla?" galit na tanong ko. Nakita ko namang inaalis niya ang kamay ni Renz na nakayakap sa kanya pero hindi nito binitawan. "You want to know kung bakit?" sarkastiko niyang tanong sa

