Milli Malakas pa rin ang ulan nang napag-desisyonan kong tumayo na at maglakad pabalik sa sasakyan ko. Wala naman akong mapapala kahit magdamag pa akong humilata sa buhanginan at saluhin lahat ng tubig ulan. Wala pa ring pagbabago, masakit pa rin sa loob ko. Kahit na nai-iyak ko na ang lahat, ganoon pa rin katindi ang epekto sa akin. "How I wish it would lost in just a snap." malungkot kong hinaing at pumasok na sa sasakyan. Ang balak kong gabi bumalik ay hindi natupad. Wala pa nga akong isang oras doon pero sumuko na ako. "I needed time to think, pero hindi ako makapag-isip ng mabuti. Siya pa rin ang pumapasok sa isip ko. How can I think?" napabuntong hininga ako at pumasok na ng tuluyan sa sasakyan ko kahit basang-basa ako ng ulan. Agad akong umalis sa resort at diretso sa condo na

