"Ano naman 'to?" Takang tanong ni Jhajha sa kaibigang si Daisy, matapos iabot sa kanya ang printed flyer ng isang politiko.
"Bakit hindi mo tignan, para malaman mo," makahulugang sagot sa kanya ni Daisy. "But wait, bawal kiligin, ah!" She winked.
Inirapan ni Jhajha si Daisy at kinuha ang flyer sa kamay ng kaibigan. Sandaling tumigil sa pagtibok ang puso niya nang makita ang picture ni Alex sa flyer na hawak niya. It's been five years na wala siyang balita sa lalaki. At simula ng gabi na makita niya ito sa labas ng apartment ni Clyde noon ay hindi na niya itong nakita pang muli ito.
"Grabe ang gwapo pa rin ng first love mo 'no!" Basak ni Daisy sa pananahimik niya matapos makita ang gwapong picture ng lalaki.
"So?" Taas kilay na sagot niya kay Daisy. At binaba ang flyer sa ibabaw ng kama ng anak. "Para sabihin ko sa 'yo nakalimutan ko na po s'ya," she said.
"Mmm... talaga ba? kahit pa sabihin ko sa 'yo na single pa rin s'ya hanggang ngayon?" pilyang sabi ni Diasy.
Nabitawan ni Jhajha ang hawak na laruan ng anak, ilalagay sana niya iyon sa box ng mga lauran, pero tila nanghina at nawalan ng lakas ang kamay niya nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Hindi siya makapaniwala na wala pang asawa ang lalaki. Dahil sa pagkakaalam niya ay nag-proposed na ito kay Jessica. Kaya na gulat siyang talaga nang sabihin ni Daisy na wala pa itong asawa.
"Oh, nagulat ka di'ba? kahit ako nga nagulat rin eh, sabi mo kasi sa 'kin noon narinig mo na sinabi ng Jessica na 'yon na nag-proposed na sa kanya si Alex," ani Daisy.
"Hindi ko rin alam. Pero 'yun ang sabi n'ya noon kay Clyde, na narinig ko,"
"Mmm... I smell something fishy, hindi kaya..."
"Hindi kaya?" Ani Jhajha sa nabitin na sasabihin ng kaibigan.
"Hindi kaya sinabutahe ka lang ng babae na 'yon? O 'di kaya naman eh, sinadya niya talagang marinig mo siya habang nagsasalita siya para kusa mong layuan si Alex?"
Nangunoot ang noo niya sa tinuran ng ni Daisy. "Malabo sigurong mangyari 'yon, Isa pa, hindi naman niya ako kilala di 'ba? kaya bakit niya gagawin 'yun?"
"Anong hindi kilala? Heller! nakalimutan mo na ba nang pumunta tayo sa mansyon nila Alex noon, 'di ba nga at nakatayo 'yung Jessica na 'yon?"
Saglit na napa-isip si Jhajha sa nangyari noong araw na na roon sila sa mansyon nila Alex. Pero malabo na naman kasi na mamukhaan silang dalawang magkaibigan ni Jessica ng araw na iyon, dahil masyadong malayo ang kinaroroonan nito sa kanila that time. Pero siya, kahit pa malayo si Jessica noon ay nakilala niya ito. Isang beses lang niya na nakita ang babae sa labas ng building kasama si Alex ay tila nakaukit na sa isip niya ang bawat detalye ng mukha nito.
"Oh 'di ba? hindi imposible na mangyari 'yon. At sinabi mo rin na minsan mo na silang nakita na magkasama ni Alex sa labas ng Building, and take note, dumaan pa sila sa likuran mo 'di ba? So how sure are you na hindi ka namukhaan man lang nun Jessica na 'yon?"
Muli ay natahimik na naman si Jhajha at hindi nakakibo sa kaibigan. Kung pagtatagni-tagniin niya ang mga nangyari noon ay malaki nga ang posibilidad na tama ang kaibigan niya. At natanong niya ang sarili kung bakit hindi nga ba niya na isip ang bagay na iyon? Marahil sa sobrang gulo ng isip niya at idagdag pa ang takot sa kuya Roldan niya noon, kaya hindi na niya napansin pa ang posibilidad na iyon.
"Alam friend, maybe it's about time para sabihin mo na sa kanya, ang tungkol sa anak ninyo. Tutal naman, eh okay na, at happy ending na ang love story ng kuya Roldan mo, 'di ba?"
"Paano naman 'yung nanay ni Alex? Aber? 'di ba nga ayaw niya sa amin ng anak ko,"
"Hay, If I were you, pupuntahan ko na si Alex at sasabihin ko na ang tungkol sa anak ninyo. Aba'y lumalaki na ang anak mo, and for sure na kinukulit ka na rin n'ya sa kakatanong tungkol sa ama n'ya. Hanggang kailan ka magsisinungaling at bubuo ng kung ano-anong kasinungalingan sa tuwing magtatanong ang anak mo, sa ama di ba? Isa pa, hindi mo ba na kita na si destiny na talaga ang gumawa ng paraan para sa inyong dalawa? Para naman mabuo na ang pamilya ng anak mo," Mahabang litanya sa kanya ng kaibigan.
"Mommy! Mommy! Look I have three star!" Natigil ang pag-uusap ng dalawa nang bumukas ang pinto at patakbong lumapit kay Jhajha ang anak nito. Masayang-masaya ang bata na ipinagmamalaki ang tatlong star na binigay ng teacher sa bata.
"Wow! Good Job, baby!" Masayang sagot ni Jhajha sa anak. At niyakap ito.
"Thank you, Mommy!" Anang bata at hindi mapatid ang ngiti sa labi na tanda ng kaligayahan sa tatlong star na nakatatak sa likod ng kamay nito.
"Ang galing naman pala ng inaanak ko, eh! Pero hindi ka pa nagki-kiss sa 'kin huh? Hmm... sige ka hindi ko sa'yo ibibigay ang pasalubong ko?" singit ni Daisy sa pag-uusap ng mag-ina. At isa pa'y kanina pa niya gustong kurutin ang pisngi ng bata sa sobrang panggigil rito. Hindi naman sobrang taba ng bata pero nakakaakit na kurutin at panggigilan ang pisngi nito.
"Hi, ninang ganda! Look, I have three stars, oh!" Pagmamalaki rin ng bata kay Daisy matapos itong humalik sa kanya.
"Wow! Ang galing-galing talaga ng ina-anak, ko! Manang-mana ka talaga sa daddy mo!—"
"Daisy!" Mariing tawag ni Jhajha sa pangalan ng kaibigan at tinitigan ng masama. Ngunit hindi nakinig sa kanya si Daisy at ipinagpatuloy ang pakikipag usap sa anak niya
"Di ba gusto mong makita ang daddy mo?" Sunod-sunod na tumango ang bata kay Daisy at rumihistro sa mukha nito ang labis na excitement nang mabanggit ni Daisy ang ama ng bata.
"Opo! opo!" Masayang sagot ng bata habang paulit-ulit na itinataas baba ang ulo.
"Pwes! malapit mo nang makasama ang daddy mo, baby maxi!"
Nagtatalon sa sobrang saya si Maxi sa narinig na sinabi ni Daisy na malapit na nitong makasama ang ama.
"But when po ninang ganda? I'm so excited to meet him na po kasi, eh!"
"Mmm... hindi ako ang dapat na tanungin mo n'yan baby, eh, si Mommy mo,"
Pinanlakihan ni Jhajha ng mata si Daisy sa sinabi nito. Ang loka-loka talaga ng kaibigan niyang ito! matapos magkwento sa anak niya tapos siya ang ibabala sa huli? haist!
"Baliw ka talaga!" pasimpling bulong niya kaibigan upang hindi marinig ng anak.
Inilahad niya ang dalawang kamay sa anak at lumapit naman sa ito kanya.
"Look, Baby, hindi ko pa alam kung kailan uuwi si daddy mo kasi... ano..." hindi maituloy-tuloy ni Jhajha ang kasinungalingan na naman na gustong lumabas sa bibig niya. Dahil sa totoo lang ay nakukunsensya na siya sa pagsisinungaling na palagi niyang ginagawa sa anak.
"Kasi?" Pilyang ani Daisy sa naputol niyang pagsasalita, habang ang anak naman niya ay nakatitig lang sa kanya. Swear. Kung wala lang talaga roon ang anak niya ay kanina pa niya sinabunutan ang kaibigan niyang iyon!
"Di' ba baby, Maxi, sabi ni Jesus bawal ang nagsisinungaling?" Mapang inis na tanong ni Daisy sa bata. At siyang dahilan upang tuluyang mamula ang mukha ni Jhajha sa labis na nanggigil sa inis kay daisy.
"Opo, sabi rin ni Mommy, bawal ang magsinungaling, right Mommy?" Walang kamuwang muwang na sabi ni Maxi sa ina.
"A-ah, y-yes baby, b-bawal ang magsinungaling," nagkanda utal utal na sagot ni Jhajha sa anak.
"Good! then tell the truth, Mommy!" Ang ma pang inis na si Daisy ulit.
Sobrang naiinis talaga siya ng mga oras na iyon dahil na-corner siya sa tanong ng anak niya dahil sa pasaway na kaibigan.
"Ah, baby, why don't you change your clothes first, so we can eat the cookies we baked last night. Mm?" Nakangiting sabi ni Jhajha sa anak, para siyang nabunutan ng tinik nang makaisip siya ng paraan para makaiwas sa isasagot sa bata.
"Okay po, Mommy," anang bata sa ina. At kinuha ang pamalit na damit sa ibabaw ng kama nito.
Kaagad na hinila ni Jhajha ang buhok ni Daisy nang lumabas ng kwarto ang anak.
"Ouch! Masakit ah!" Reklamo ni Daisy.
"Baliw ka talaga 'no! Bakit mo ginawa 'yon? Alam mo naman na pag nagsimulang mangulit ang anak ko na 'yan, eh grabe, haist! Daisy!" Mariing sabi ni Jhajha.
Hay nako, problema mo na 'yan, friend. Oh paano, aalis na ako," nakangisi na si Daisy hahang inaayos ang buhok.
"Kita mo 'to! May balak ka na palang umalis, hindi ka pa umalis kanina, kung ano ano pa ang pinagsasabi mo sa anak ko—"
"Bye! Friend, sya nga pala. Bawal kiligin pag nakita mo na si Mayor, ah!" Pilyang paalala ni Daisy tsaka ito nakangising lumabas ng kwarto nila Jhajha.
"Loka, loka ka talaga! Mag ingat ka," sagot ni Jhajha sa kaibigan.
"Good night baby..." mahinang usal ni Jhajha sa natutulog na anak at humalik sa noon ng bata. Dahan-dahan ito na tumayo upang hindi magising ang bata at lumakad papunta sa sofa na naroon sa isang gilid sa loob ng kwarto nila ng anak. Umupo siya sa mahabang sofa at inabot ang bag niya tsaka kinuha sa loob niyon ang flyer na ibinigay ni Daisy kanina sa kanya. Pinagkatitigan niyang mabuti ang litrato ni Alex na naka-print doon.
It's been five years, Alex... Pero bakit mahal pa rin kita... Hindi ako sigurado kung tama ang gagawin ko... Pero baka tama si Daisy, baka ang universe na ang gumagawa ng way para malaman mo na ang tungkol sa anak natin.
Ani Jhajha sa sarili. Muli ay napaisip siya sa nalaman kanina buhat sa tagapag alaga ng anak. Nang makita ni Ana ang flyer sa loob ng kwarto nila ay sinabi nito na ang lalaki na naroon sa flyer at ang lalaki nag bigay ng laruan sa anak niya ay iisa.
"Small world…"
Aniya sa kawalan at pinikit ang mga mata.
"Hija! Jhamaica, mabilis ka dali,"
Halos magkanda dulas si Jhajha sa pagmamadali na lumabas ng banyo sa pag-aakala na may masamang nangyari sa tagapag alaga ng anak niya, sa lakas ng boses nito.
"Ate Ana ano po ang nangyari sa 'yo?" Kinakabahan na tanong niya rito pagkalabas ng banyo.
"Jhamaica, hija, naalala mo ba 'yung mabait at gwapo na lalaki na nagbayad ng laruan ng anak mo, noong nakaraang araw?" Tanong nito sa kanya.
"Susko! Naman po kayo Ate Ana, akala ko naman po kung ano na ang nangyari sa inyo, kung nakasigaw kayo d'yan eh wagas!" Sabi niya at inayos ang naka paikot na tuwalya sa katawan.
"Pasensya kana hija, nagulat lang ako sa nakita ko," dahilan nito.
"Eh, ano po ba ang nakita n'yo?"
"Ito nga oh," Inilahad ni Ana ang nakitang flyer sa ilalim ng kama sa kwarto nila Jhajha.
"Ito hija, ito 'yung lalaki na bumili ng laruan ng anak mo,"
Tila binuhusan ng isang timba ng malamig na tubig ang buong katawan ni Jhajha sa narinig na tinuran ni Ana sa kanya. Sa dinami-rami ng tao sa mall sa mundo, ay si Alex pa talaga ang makakasalubong ng anak niya doon? Mukhang hindi na talaga niya mapipigilan ang paglabas ng katotohanan sa pagitan ng mag-ama. At naisip rin niya ang sinabi ni Daisy na lumalaki na ang anak niya. At dapat na mas maaga na niyang sabihin ang totoo sa bata at kay Alex. At kung tanggapin man ang anak niya o hindi ng ama nito, at least nasabi niya.
***
Maingat na nakikipag siksikan si Jhajha sa kumpol ng mga tao na supporters ng kandidato sa pagka-Mayor na si Alex, habang nakatayo sa gitna ng stage ang lalaki at tila walang kapaguran na mag-alay ng matamis na ngiti sa lahat ng mga tao na naroon. Lumipas man ang ilang taon. Nadagdagan man ang edad ng lalaki pero ganoon parin ito ka tulad ng dati. Gwapo at maganda ang pangangatawan ng lalaki. Iyon nga lang eh mas naging matured at prominente itong tignan sa kulay puting barong tagalog na suot nito. Masyado itong kagalang-galang tignan sa kasuotan ng lalaki na iyon. Kahit na hindi niya alam kung paano at ano ang unang step na gagawin niya upang sabihin kay Alex ang tungkol sa bunga ng ginawa nila noon ay bahala na si Batman! Basta kagaya ng sinabi niya sa sarili niya kagabi. Kailangan na maka-usap niya sa lalong madaling panahon si Alex, ngunit bigla siyang napa atras matapos makita na sumulpol sa likod ni Alex ang ina nito at si Jessica. Biglang tumaas ang kilay niya matapos makita ang ginawang pag-abot ng bottled water ni Jessica kay Alex at lalo pang tumaas ang kilay niya ng masuyong pinunasan ni Jessica ang buong mukha ng lalaki. Sa gesture nito ay daig pa ang asawa kung kumilos. Nakaramdam ng kaunting inis at selos si Jhajha nang nakita na gustong-gusto naman ni Alex ang ginagawa na pagpupunas ng pawis sa kanya ni Jessica.
"Oh, teka, bakit parang nagseselos ka? 'Di ba nga kaya ka lang nan d'yan para sa anak mo? Ano ini'emote mo te?
Saway sa nararamdaman niya na selos ng sarili.
So, ano, aasa ka na naman ba na mapapansin ka n'ya? Sa palagay mo sa dami ng tao ngayon sa paligid ni Alex makikilala ka n'ya? Kun 'di ka ba naman sira eh, pupuntahan mo lang rin 'yung tao sa oras pa ng pangangampanya n'ya natural hindi ka mapapansin n'yan. Tsek!
Laglag ang balikat na tumalikod si Jhajha at sinimulan maglakad palabas ng lugar na iyon. Oo nga masyadong maraming tao roon at hindi rin iyon ang tamang lugar na makita at makipag-usap siya sa lalaki. Maybe some other time...
Isang beses pa niyang nilingon at sinulyapan si Alex sa stage. Pero ang ginawa niyang paglingon na iyon ay talagang pinagsisisihan niya. Sana pala ay hindi na lang niya iyon ginawa kung ang bubungad lang rin naman sa kanya ay ang eksenang binubulungan ni Jessica si Alex at sabay tumawa ang dalawa matapos bumulong ni Jessica sa tainga ng lalaki.
Haist! Nakaka-asar!
Naputol ang inis na nararamdaman niya nang marinig ang nagri-ring na phone. Kaagad niya iyong kinuha at nagulat pa ito nang makita sa phone registered ng call ng ate Liezel niya.
"Hey! Na saan kanaba? Kanina pa ako nandito sa meeting place natin!" Halata ang pagka-inip sa boses ng ate Liezel niya nang sagutin niya ang tawag nito.
Oh my gosh! Nakalimutan ko na may lakad nga pala kami sa catering para sa birthday ng anak ko!
"Ahm, I'm on my way there," sagot niya sa kapatid.
"What? I can't hear you! Where are you ba kasi? bakit ang ingay d'yan sa kinaroroonan mo?"
"A-ano... ah, may inasikaso lang ako, sige na. I need to drop this call! Just wait me there, okay, I'm on my way up!" Aniya sa kapatid at tuluyan ng ini-end call ang tawag nito. At nagmamadali na lumakad sa nakaparada na sasakyan sa di kalayuan.
Nang makarating ito sa loob ng kotse niya ay tsaka niya ito pinaharorot ng mabilis papunta sa mainipin na kapatid. Bata palang silang dalawa ng ate niya ay masyado na itong ma-organized sa mga bagay-bagay. Mainipin ito at ayaw ng hindi natutupad sa oras na napagkasunduan at napag-usapan. Tahimik at may sariling mundo na animo'y matandang dalaga na ewan. Simula ng ma-heartbroken sa dating manliligaw ay hindi na ito muling nagkaroon pa ng hilig na tumanggap ng manliligaw. Ang hindi naman niya talaga maunawaan sa kapatid eh, hindi pa naman sila ng long time suitor niya, bakit siya ma-ha-heartbroken 'di ba? kung hindi ba naman kasi loka-loka ang ate Liezel niya. Buntis pa lang siya kay Maxie ay nanliligaw na si Adriel sa ate Liezel niya. kaya siguro ang loko hindi na nakatagal sa paghihintay sa tamang panahon na madalas sabihin ng ate niya sa lalaki, kaya ayon ang ending nagpakasal sa iba. Tssk! Ang sakit naman talaga ganun ah, tatlong taon na nasa ligawan silang stage. Hatid-sundo siya, plus halos gabi-gabi ay nasa bahay nila para manuyo sa ate niya at magdala ng kung ano-ano sa tuwing paparoon sa bahay nila. Kulang na nga lang e, doon na tumira sa kanila si Adriel tas mababalitan niya sa ate Liezel niya na nagpakasal na pala sa iba ang lalaki na 'yon! Haist! Mukhang pareho sila ng ate niya, pareho silang sawi sa buhay pag-ibig. Ang saklap naman talaga!
Habang abala si Alex sa pakikipag-usap sa mga kasama nitong politiko ng mga oras na iyon ay biglang tumigil ang oras niya nang mahagip ng mata niya ang isang pamilya na babae sa kumpol ng mga tao na naroon. Gusto sana niyang bumaba sa stage at lapitan ito ngunit hindi na niya iyon nagawa dahil isa-isa ng nagbigay ng speech at plataporma ang mga kaanib niya sa grupo. Ayaw naman niya na mag mukha siyang walang galang kung gagawin niya iyon. Isa pa'y kinakabahan rin siya kung paano makikipag-usap sa mga tao para sa plataporma niya bilang tumatakbong Mayor. Wala sa isip niya ang maging Mayor, pero ang daddy at mommy niya ang nagtulak sa kanya na ipagpatuloy ang legacy ng pamilya nila sa politics. His father was a former Mayor of their City. At matapos nga ang halos dalawang dekada na iyon ay hindi na muling pinayagan ng ina niya ang ama na muling tumakbo sa politika. Kahit pa ang puso ng ama niya ay nasa paglilingkod sa bayan. Ang dahilan ng ina niya ay nawawalan na ito ng oras para sa kanilang mag-ina. At dahil na rin doon ay hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon na mabiyayaan pa siya ng kapatid. Dahil matapos ang termino ng ama niya, bilang isang Mayor ay nag focus naman ito sa pagpapalago ng kanilang mga negosyo, at patuloy na sumusuporta sa children's foundation nito. Ang foundation na iyon ay itinatag ng ama niya na may layuning makapagpaaral sa mga bata na walang pamilya sa lansangan. At simula ng gawin yun ng ama niya ay madalas na rin magtalo ang mga magulang niya dahil sa imbes na daw ang pamilya nila ang pinagtuunan ng oras ng ama ay kumuha pa ito ng panibagong obligasyon sa ibang tao. Ganun pa man ay hindi niya rin masisi ang ina. Pero at the same time ay proud siya sa ama niya sa kabutihang loob na pagtulong sa nangangailangan. Kaya naman ng ang ama na niya ang lumapit at humiling sa kanya na ipagpatuloy niya ang paglilingkod sa lungsod nila bilang isang Mayor ay hindi niya ito nagawang tanggihan. Isa pa, tatandang binata na lang ata siya kakahanap ng babae na kaisa-isang laman ng isip at puso niya.
Maglilimang taon na rin niya itong
pinapahanap pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makita ang babae. Hindi nga niya alam kung nasasabik na ba siyang magka-anak. At patuloy siyang nakiki baby sa anak ng dati niyang niligawan, kahit pa halos lunukin na siya ng buhay ng asawa ni Camille, na alam niya na malaki ang ikinaseselos sa kanya. Dahil siya ang tumayong ama ng bata na si Rhiane ng mga panahon na nagkahiwalay ng landas ang mga ito. Tsk! Kahit siya ay hindi makapaniwala na ang dating babae at kauna-unahan niya minahal ay magiging bestfriend pa niya at kukunin pa siya bilang ninong nito. At ang pinaka nakakatawa ay kumpare pa niya ang lalaki na naging katunggali niya sa puso ni Camille noon. But that was before, dahil sa ngayon ay ibang babae na talaga ang gumugulo at patuloy na laman ng isip niya, ang babae na kauna-unahan niyang nahalikan at nayakap. Halos oras-oras ay ito pa rin ang laman ng isip niya. At isang dahilan pa kung bakit niya naisipan na tumakbo sa pagka-Mayor ay baka ang bagay na iyon ang makatulong sa kanya upang mapadali ang paghahanap niya rito. Kung mailalahathala ang mukha niya sa mga poster sa paligid at makikilala ang pangalan niya ay baka mag-kusa nang lumapit sa kanya ang babae. Pero small chances lang naman ang nakikita niya sa bagay na iyon. Dahil siguro ay ayaw talaga magpakita sa kanya ng babae na iyon. Matapos siyang baliwin ng gabi na iyon, bigla na lang siyang iniwan ng ganun na lang?
"Hijo, ang lalim na naman ng iniisip mo?" Ani mana Lorna kay Alex habang nakaupo ito sa veranda at nakatuon sa malayo ang pag-iisip.
"Kayo po pala 'yan nana, Lorna," Sagot niya sa ginang at muling sumimsim ng wine sa kopita na hawak nito.
"Tila ang lalim ng iniisip mo hijo, may problema ka ba?" nag-aalala na tanong ng ginang sa kanya.
"Wala naman po nana. Iniisip ko lang po baka tumanda na akong binata kakahanap sa babae na nakita mo sa Condo ko..."
"Hay! Ano ka ba naman bata ka! 'wag mo nga isipin ang bagay na iyan. kung talagang kayo ang nakatakda para sa isa't-isa, gagawa at gagawa ang tadhana para pagtagpuin kayo. Naniniwala ako sa bagay na 'yan,"
"Sana nga po nana, para naman bago ako mag kwarenta eh magka-anak pa po ako!" biro na sagot ni Alex kay nana Lorna na simula pa ng pagkabata niya ay ito na ang kasa-kasama niya sa lahat ng oras.
"Ay, sus na bata ka! Baka magulat ka na lang at hindi ka pa magka-kwarenta eh makikita mo na rin ang magandang babae na 'yon, at pag nakita mo, anakan mo na agad! at nang hindi na maagaw pa sa'yo ng iba!" payo ni nana Lorna kay Alex.
"Talaga! nana, gagawin ko po 'yon at isa pa, matagal ko na rin po s'yang hinahanap. Malaki na rin ang naubos ko na pera sa pagpapahanap sa kanya, at kahit dumating pa ang panahon na maubos ang pera ko ay okay lang, basta makita ko lang siya!"
Sabay na napa tawa ang dalawa matapos magsalita ni Alex, habang back up naman si nana Lorna.
"Oh, di'ba memorized ko na ang speech mo!" biro ng ginang sa kanya.
"Oo nga po nana!" tumatawa na sabi naman ni Alex.
"Oh, sige na at ako ay matutulog na, pagkatapos mo r'yan matulog ka na ha. Alalahanin mo mangangampanya ka pa ulit bukas. At tsaka nga pala nai-balot ko na 'yung mga regalo mo sa tatlong mga bata, teka, 'di ba't gabi ka pupunta sa bahay ni Camille?"
"Opo nana, salamat po sa pagbabalot ng mga regalo ko sa mga bata, at sana magustuhan nila."
"Magugustuhan nila 'yon panigurado ako, kay gaganda at halatang mamahalin ang mga laruan na mga 'yon, oh sige na papasok na ako sa loob, ikamusta mo na lang ako Kay Camille, ah."
"Sige po nana. Salamat po ulit, pahinga na po kayo. Sunod na rin ako sa loob."
"Good night, hijo." anang ginang at tuluyan na itong lumakad papasok ng kabahayan.
Kung maari ko lang sa'yo sabihin hijo na may anak na kayo ng magandang babae na 'yon... Sana makita mo na ang mag-ina mo... Umaasa ako na didinigin ng panginoon ang mga dalangin natin sa kanya. Matatagpuan mo rin s'ya, magsasama na rin kayo bilang isang pamilya.
Anang ginang sa isip nito habang patuloy na naglalakad papasok sa kwarto nito. Sa isang banda naman ay ang ina ni Alex na tahimik na nakasilip sa bintana ng kwarto nito at nanonood sa naging masayang pag-uusap nina Alex at nana Lorna. Minsan malaki ang selos ng ina ni Alex sa matanda. Masyadong malapit ang loob ng anak niya sa kasambahay kumpara sa kanya. Marahil ay masyado nitong bini-baby ang kaisa-isang anak kaya naman minsan ay nasasaklawan na nito ang kaligayahan at gusto ng anak niyang gawin. Hindi naman niya masisisi ang sarili niya sa pagiging over protective sa anak. Minsan ng muntik mawala sa kanya si Alex dahil na rin sa maselan siya ng ipinag-buntis niya ito. At isa rin iyon sa dahilan kung bakit hindi na nila nagawa pang mag-asawa na sundan si Alex. Ang sabi ng doctor ay mahina ang puso niya at risky sa kanya ang mag dalang tao pang muli... Kaya naman lahat ng pagmamahal at atensyon ay Ibinigay niya kay Alex.