Habang abala sina Jhajha at Celestine ng hapon na iyon, sa pag-aasikaso sa mga customers sa loob ng coffee shop. Nanlaki ang mga mata ni Jhajha nang mahagip ng paningin niya ang pumasok na isang babae. Hindi siya maaring magkamali, pamilyar sa kanya ang mukha ng magandang babae na iyon. At Ito ang babae na nakita niya na kasama ni Alex noon sa harap ng building. Nakaramdam siya ng kaunting inggit sa katawan sa katotohanan na maganda naman talaga ito at nababagay kay Alex kumpara sa kanya. Sa tindig pa lang nito ay halata na galing sa mayamang pamilya. Ito ang tipo ng babae na mula ulo hanggang paa ay mapapatingin talaga ang mga kalalakihan sa taglay na ganda. Isa iyon sa nagpapahina ng loob niya na hindi siya tatanggapin ni Alex, dahil ni katiting ay wala siyang binatbat kumpara sa babae na nasaharapan niya ngayon.
"Hi!" Nakangiti na bati sa kanya ni Jessica.
"Hello po Ma'am, ano po ang order n'yo?" Mabilis na sagot ni Jhajha ng makabawi ito sa pagkatulala.
"I'm looking for Clyde, Is he there?" ani Jessica sa kanya.
"Uhm, si sir Clyde po, wala po siya rito sa ngayon ma'am, five to six thirty po ang dating ni sir Clyde," tugon niya sa babae at pilit na ngumiti. "Pero kadalasan naman po eh, mga five thirty lang po na nandito na siya kung wala pong 6pm class si sir," She added.
"Okay! I'll just seat over there to wait him." Sagot nito sa kanya at lumakad papunta sa solo table sa isang parte ng coffee shop.
habang naglalakad si Jessica ay hindi maiwasan ni Jhajha na panoorin ito sa paglalakad.
"Hoy! baka matunaw si ma'am Jessica," Bahagyang nagulat si Jhajha ng magsalita si Celestine buhat sa likod niya.
"Grabe ka naman makatitig kay ma'am Jessica. Alam ko na, nagagandahan ka rin sa kanya 'no?" Sabi pa ni Celestine sa kanya.
"Ah, oo, eh," tipid na sagot ni Jhajha sa kaibigan.
"Grabe, ang ganda-ganda niya 'no? alam mo ang gwapo din ng boyfriend niyan ni miss Jessica. Haist! mapapa sana all na lang talaga ang mga babae sa kanya—" napatigil sa pagsasalita si Celestine nang mapaubo ng wala sa oras si Jhajha.
"Okay ka lang ba friend?" tanong ni Celestine sa kay Jhajha kasabay ng marahan pagtapik sa likod nito.
"Oo, okay lang ako." Pagkukunwari na sagot niya sa kaibigan.
"Mmm... number 1!"
"Huh?" takang tanong niya sa sinabi na number ng kaibigan.
"Sabi ko number 1, 'di ba sabi nila pagnasasamid ang isang tao means may nakakaalala raw."
"Eh, ano naman ang koneksyon ng number 1 sa tao na nakaalala sa 'kin kung totoo man 'yan sinasabi mo?"
"Number 1 is equivalent of letter A sa alphabet letters 'di mo ba alam 'yon?"
"Ah..." Usal ni Jhajha at lihim na natuwa sa sinabi ni Celestine. But reality hit her. Paano naman siya maalala ni Alex, eh, ni pangalan nga niya ay hindi nito alam. At paano naman siya nakakasiguro na sumasagi man lang siya sa isip ng lalaki? Haist! ito na naman siya nag-a-assumed na naman siya sa bagay na malabong mangyari.
"Hoy, bakit ba parang ang lalim ng ini-isip mo na naman?" ani Celestine sa kanya nang mapansin nito na tila kay layo-layo na naman ng iniisip ni Jhajha.
"Wala-wala naman, siguro excited lang ako sa pag-uwi ko sa amin," Muling pagdadahilan ni Jhajha.
"Hay, oo nga, ma mi-miss kita... pero okay lang kailangan mo na talagang umuwi sa pamilya mo, para sa baby mo. Mahirap kaya mag buntis ng walang kasama sa bahay, 'no."
"Kaya nga... pinangunahan lang ako ng takot kaya ako lumayas sa amin."
"Ikaw naman kasi eh, ano ba ang pumasok sa kokote mo at lumayas ka? 'di ba nga, ang mga magulang kahit gaano man kabigat ang mga nagawa nating mga anak nila, mapapatawad at mauunawaan parin nila tayo, kasi nga mahal nila tayo."
Bigla tuloy nakaramdam ng pangungulila si Jhajha sa ina dahil sa katotohanan na sinabi ng kaibigan. Alam niya na mali ang ginawa niyang paglalayas sa kanila nang hindi niya sinabi ang dahilan sa pamilya niya, at maling-mali na hinusgahan na niya agad ang mga ito na hindi siya mapapatawad ng mga ito, lalo na ang kuya Roldan niya. Pero buo na talaga ang pasya niya tatapusin na lang niya ang buwan at babalik na siya sa bahay nila. Isa pa, miss na miss na niya ang kuya at ate niya, lalong higit ang nanay niya.
Habang nakaupo si Jessica sa isang sulok sa loob ng coffee shop ay hindi ito makapaniwala na makikita niya doon ang babae na minsan niyang nakita sa mansyon nila Alex. At sinabi ng ina ni Alex sa kanya na hinahanap raw nito ang lalaki dahil buntis ito at si Alex ang ama. Small world. Sa dinami-rami ng coffee shop na mapapasukan nito ay sa pinsan pa ni Alex? Pero tama ang tita Alexandra niya, baka isa lamang itong babae na gustong perahan si Alex. Hindi siya papayag na maagaw ng kahit na sinong babae si Alex sa kanya, because Alex is belongs to her. She'll assure of that no matter what. At habang nasa panig niya ang ina ng lalaki ay she has nothing to worry about.
"Hi, ate Jess, kanina ka pa?" bahagya pa siyang nagulat nang mag-salita si Clyde buhay sa likod niya.
"Uhm, hindi naman, just a few minutes ago." Nakangiting sagot niya rito.
Humila ng silya si Alex at umupo roon. "So, what's up, and what's brings you here ate?"
"Mmm... nothing. I just miss to visit you here, at na-miss ko rin ang kape na sini-served mo sa 'kin every time I came here."
Pagsisinungaling na sagot niya kay Clyde. Pero ang totoo ay hindi rin niya alam kung bakit naisipan niya na mag-drive papunta sa coffee shop nito, but after she saw Jhajha, now she'd knew why her fates brings her there.
"Talaga, ate? Thank you!" Masayang sabi ni Clyde sa kaharap.
" Oo naman, the best kaya ang mga kape mo dito, anyway, may bagong hired ka na crew? Na saan na 'yung isa?"
"Ah, nag-resig na 'yun ate, itong bagong crew ko ilang linggo pa lang siya dito—"
"—Ilang linggo?" putol ni Jessica sa pagsasalita ni Clyde
"Opo, ate Jess, kilala mo po ba s'ya?"
"Ah, no, no." Mabilis niyang tanggi kay Clyde.
"Bakit mo po pala na tanong?"
"Uhm, wala naman, na starstruck lang ako sa kanya, ang ganda n'ya kasi,"
"Ang ganda po n'ya talaga," tila may mga bituin sa mata na nagniningning na pagsang-ayon ni Clyde sa pahayag ni Jessica na maganda si Jhajha.
Lihim na natuwa naman si Jessica sa nakikita niyang expression ni Clyde ay mukhang tinamaan ito kay Jhajha.
"Mmm... It's seem you likes her, am I right?" Pilya tanong ni Jessica sa lalaki.
"Your taste is not bad. She's young and beautiful. And If I'm not mistaken, you are both on the same age," She added.
"Too sad, she's pregnant ate Jess..." malungkot na sabi ni Clyde.
Tila yumanig ang mundo ni Jessica ng marinig ang sinabi ni Clyde na buntis si Jhajha.
"B-buntis?" Gulat na ulit niya sa sinabi ni Clyde. at napalunok ito. "D-do you know her? I mean her family, where did she lives? Does she live with her husband or partner?"
Sunod-sunod na tanong niya kay Clyde, at umaasa na sana'y mali ang nasa isip niya. Hindi maari na si Alex nga ang ama ng bata sa sinapupunan ng Jhajha na iyon. Pinaglalaruan ba sila ng tadhana? o 'di kaya naman ay talagang gumagawa ng way ang kapalaran para paglapitin silang dalawa?
"Hindi ko alam ate Jess, basta ang sabi n'ya lang sa'kin eh hindi s'ya kilala ng magiging ama ng baby n'ya,"
Tila pinag bagsakan ng langit at lupa si Jessica, ang pinaka-ayaw niyang sagot na marinig ay siyang lumabas sa bibig ni Clyde. At kung pagtatag ni-taniin niya ang bawat sitwasyon ay malaki ang posibilidad na si Alex nga ang ama ng bata. At ng dahil dito ay mas lumiit ang tyansa niya sa pinapangarap na maikasal sila ni Alex. Pero hindi, hindi siya susuko. At hinding-hindi niya basta hahayaang makuha ng iba ang lalaki na simula noon pa ay mahal na niya. Si Alex lang ang nag-iisang lalaki sa puso't isip niya. Kaya naman if she need to be mean on this situation, she will. She would never hesitates to be evil for the sake of the man she loves. At kung maging makasarili man siya ay wala na siyang pakialam pa. Ang dami na niyang sakripisyo para kay Alex, kaya lahat ay gagawin niya matuloy lang ang kasal nilang dalawa.
"Ang tanong mahal mo ba s'ya?" Kapagkuwan ay tanong ni Jessica kay Clyde.
Tumingin ng diretso si Clyde sa kanya, tsaka ito sumagot.
"Sobra ate Jess, feeling ko nga na love at first sight ako sa kanya. At sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, nagawa kong mag-propose ng kadal eh," nahihiyang pag-amin ni Clyde sa kaharap.
"And then?" ani Jessica na naghihintay ng karugtong na sasabihin ni Clyde.
"And then, she refused me..." malungkot na sabi ni Clyde.
"Alam mo ganyan talaga kaming mga girls, minsan, paiba-iba kami ng mood, kaya nga sabi nila mahirap espilingin ang mga babae. Like for example na lang kami ng kuya Alex mo,"
Napalunok si Jhajha nang marinig na binanggit ni Jessica ang pangalan ni Alex. Sinadya niyang bagalan ang pagpupunas ng mesa na malapit sa kinaroroonan nila Jessica at Clyde. Hindi niya alam kung bakit kahit masakit sa pandinig niya ay pinanatili pa niya ang sarili roon upang marinig ang iba pang sasabihin ni Jessica tungkol sa ama ng anak niya.
"Your kuya, Alex, proposed to me,"
Tila na manhid ang buong katawan ni Jhajha sa narinig na sinabi ni Jessica.
"I accepted him, but I insisted na ipagpaliban muna namin this year ang wedding. I don't think that I am ready to get married, and to be his wife, yet. And I just want to enjoy my life as a single person for now. Ang mommy lang naman n'ya ang excited na maikasal kami, dahil gusto na daw n'yang bigyan na namin s'ya ng apo ni Alex,"
Hindi na tinapos pa ni Jhajha ang pakikinig sa pagkukuwento ni Jessica kay Clyde. Mabilis nitong tinapos ang paglilinis ng mesa at naglakad pabalik sa loob ng counter. Habang pinipigilan bumagsak ang mga luha sa sobrang sakit dala ng mga narinig.
Lihim naman nagdiwang si Jessica nang makita nito na lubhang naapektuhan si Jhajha dahil sa mga narinig nito. Sinadya talaga niya na iparinig kay Jhajha ang mga kasinungalingan na binuo niya upang pasakitan ito at huwag na nitong lapitan pa si Alex. Masaya siya dahil nagtagumpay siya na itaboy si Jhajha sa buhay ni Alex, sa wakas ay mapapanatag na rin siya na matutuloy ang kasal nila ng lalaking mahal niya.
Matapos ang tagpo na naganap sa coffee shop ay hindi na muling bumalik pa roon si Jhajha. Hindi na rin ito nakipag-usap pa ng personal kay Clyde para pormal na mag-resign sa trabaho. Sobrang na bigla si Celestine at ganun rin ang may-ari ng apartment sa ginawa niyang pag-alis. Lahat ng mga gamit sa apartment niya ay ibinigay na lang niya sa pamilya ng kaibigan si Celestine. Mabuti na lang ay pumayag ang may-ari ng apartment na ang gagamit na lang ng paunang bayad niya sa ginang para sa upa ay ibibigay na lang niya sa pamilya ni Celestine. Simula rin ng araw na umalis siya sa trabaho ay tuluyan na niyang pinutol ang pakikipag-ugnayan sa pinsan ni Alex na si Clyde.
Tuwang-tuwa ang ina niya ng umuwi siya sa kanila. Maging ang kuya at ate Liezel niya ay na luha pa ng umuwi siya. At nangako ang kuya Roldan niya na hindi niya mararamdaman na mag-isa lang siya na magpapalaki sa magiging anak niya. Kaya naman pinili na lang niya na ilihim sa pamilya niya at lalong lalo na sa kuya Roldan niya ang tungkol sa ama ng bata. Ang lahat ay naging magaan sa kanya sa paglipas ng mga araw, at paglaki ng tiyan niya. May mga oras na nalulungkot pa rin siya, pero sa tulong ng pamilya niya at ng kaibigang si Daisy, kahit papaano ay nalilimutan niya si Alex.
Nang ipanganak ni Jhajha ang baby niya ay tuluyan na niyang nakalimutan ang sakit ng nakaraan. Ang lahat ng pangungulila niya kay Alex ay nawala sa sobrang saya na makasama ang anak niya.
"Maxi, 'wag mong hawakan 'yan, baka masira mo pa ang kotse na 'yan," sunway ng tagapag-alaga sa batang lalaki na anak ni Jhajha. Mag aapat na taon na to sa darating na kaarawan nito pero ang pag-uugali at kilos nito ay hindi tugma sa isang bata na four years old Masyado itong matured mag-isip at matalas ang dila idagdag pa na palaging nakasalubong ang dalawang kilay kaya nagmumukhang maldito.
"Maxi! No!" sita muli ng tagapag-alaga sa bata, ngunit hindi ito nakinig. Walang sabi-sabi na kinuha ni Maxi ang box ng de-remote na laruang kotse-kotsehan at pinaandar iyon. At habang pinaandar ng bata ang laruang de-remote ay may lumapit na Sales Clerk sa bata at mabilis na kinuha ang laruan. Bumulahaw naman ng iyak ang bata sa ginawa na iyon ng Sales Clerk. Na-agaw ang atensyon ni Alex sa nasaksihan niya na ginawa ng Sales Clerk sa bata. Nilapitan niya ang mga ito at pinagsabihan ang babaeng sales clerck na may hawak ng laruan.
"You don't need to be mean with him," Magkasabay na napatingin ang tagapag-alaga ng bata at ang Sales Clerk kay Alex ng magsalita ito.
"Hi, little boy!" ani Alex sa bata at ginalaw-galaw pa ang buhok nito.
"S-sorry sir, ano po kasi... sa 'kin po macha-charge ito pag nasira," Nakayukong hingi ng dispensa ng Sales Clerk kay Alex.
"That's okay. Just let him to have that toy, I'll pay for it," mabilis na binalik ng Sales Clerk kay Maxi ang laruan, at nakayuko na umalis sa harapan nila. Samantalang ang tagapag-alaga ng bata naman ay nakatitig lang kay Alex na hindi makapaniwala na babayaran ng lalaki ang worth 3500 na de-remote kontrol na laruan.
"Naku. Sir, maraming salamat po pero ang mommy na lang po ng alaga ko ang magbabayad sa laruan, palabas na rin po siguro ang mommy ng alaga ko sa loob ng banko," Anang tagapag-alaga ni Maxi kay Alex.
"It's okay, Ms. I insist to buy that toy for him." Nakangiti na sabi ni Alex sa babae.
"Take care of that toy, okay! See you next time little boy!" Ani Alex sa bata. Muli nitong ginulo ang buhok ng bata at bahagya pang kinurot ang tungki ng ilong nito, at pagkatapos ay sinimulan niyang lumakad palayo sa mga ito. Pero hindi pa man nakakailang hakbang ay nagsalita ang bata sa kanya..
"Thank you! But I'm not a little boy. My mom told me that I'm a big boy!" sigaw ni Maxi kay Alex.
"Okay! If that's what you think, fine! You're a big boy!" Taas kamay na sagot niya sa bata at napapangiti na ipinagpatuloy ang paglalakad.
"Oh, Ate Ana bakit may hawak na naman na laruan ang anak ko? 'di ba ang sabi ko sa'yo 'wag mo ng hayaan na humawak pa si Maxi ng mga karuan?" Ani Jhajha sa tagapag-alaga ni Maxi nang makita ang anak na may hawak na laruan.
"Eh, kasi naman hija, kilala mo naman ang anak mo na 'yan, pag-ginusto, ginusto at walang makakapigil. Sinabi ko naman kasi sa'yo na sasama na kami sa'yo dahil alam mo namang hindi ko kaya ang kamaldituhan ng anak mo," sagot ni Ana kay Jhajha.
Napabuntong hininga na lang si Jhajha sa sinabi ng tagapag-alaga ng anak niya.
"Oh, sige na nga tara na sa counter para mabayaran na po 'yang laruan,"
"No need na Hija, bayad na 'yan,"
"Salamat po, Ate Ana. Babayaran na lang kita mamaya sa bahay, magkano po ang laruan na 'yan?" Wika ni Jhajha kay Ana sa pag aakala na ito ang nagbayad sa laruan ng anak.
"3500 pesos ang presyo ng laruan na 'yan. Pero hindi ako ang nagbayad,"
"Po?!" Gulat na ani Jhajha sa narinig. "Kung ganun po eh sino? At para mabayaran ko po para hindi nakakahiya sa tao na 'yon," she added.
"May lalaki kanina na lumapit sa amin at binayaran ang laruan na 'yan, marahil ay naawa sa anak mo nang umiyak kanina dahil sapilitan na kinuha ng Sales Clerk 'yung laruan,"
Natampal ni Jhajha ang noo sa sobrang kakulitan ng anak. Minsan talaga pag-inatake ito ng tantrums ang hirap unawain. Ilang beses na rin niya na sinabi sa anak na hindi na muna sila bibilin ng laruan pagpupunta sa mall dahil sandamakmak na ang mga laruan nito sa kakabili ng kuya Roldan niya at ng ate Liezel niya. Isa pa'y nanghihinayang na siya sa pera sa pinambibili ng mga iyon dahil isa o dalawang beses lang naman kung paglaruan ng anak niya tapos wala na kasasawaan na lang ito ng bata.
"Will talk later sa bahay okay, baby." Sabi ni Jhajha sa anak. Kailangan niyang kausapin ng masinsinan ang bata dahil sa naging behavior nito sa mall. At kung sino man ang tao na nag magandang loob na bayaran ang laruan para sa anak niya ay sana makita niya para mapasalamatan ito kabutihan loob nito sa anak niya.
"Don't worry Mommy, I thanked him for buying this toy for me before he left." Proud na sabi ni Maxi sa ina.
Tila nakararamdam ito na mapapagalitan na naman siya ng mommy niya mamaya pag-uwi nila sa bahay.
"Really? well that's good, baby! But still, we'll talk later. Mmm." Nakangiti na ani Jhajha sa anak.
"Okay po..." paawang sagot ni Maxi sa ina.
Marahang natawa si Jhajha sa nakatulis na nguso ng anak.