Chapter 3- Lame Kiss

1557 Words
Chapter 3 BECKY Hell! She bit my upper lip! She really looks shock after she saw me. Well? What? Ngayon lang nahalikan ng babae? Haha! I was expecting my friends to cheer `coz I did their stupid dare. But what now? Bakit parang gulat na gulat pa sila at parang mukhang kinakabahan? “What? Give me my money. Ginawa ko ang dare.” Nilahad ko ang kanang kamay ko sa kanila. “Come on!” “Girl!” hinila ako ni Yuki sa tabi niya. “Hindi mo ba nakilala `yong hinalikan mo?” “Hmm?” I opened a can of beer. “Why?” “Gaga! Si Miss Terror `yon! Professor sa Dong Feng! Ano ka ba?!” She worriedly said. “Gagi! Lagot tayo nito! Baka pag-initan tayo.” “Empleyado lang siya doon. Okay? Sino ba ako? Sino?” Pagyayabang ko sa kanila. “Enjoy the night!” Miss Terror huh? Her lips taste strawberry. Uminom ulit ako and hell. Humapdi ang labi ko. Miss Terror pala ha? Napapatingin ako sa table nila. May pagtingin sa akin si Miss Terror. Masama nga lang. Me being such a tease, itinaas ko pa ang canned beer para kunwari ay alukin siya. The lights got dimmed so I didn’t see her reaction. Truth be told, she has the most tasteful lips I ever kissed. “Becky! Nakakaloka ka? Bakit ka nangingisi diyan? Ano na naman `yan?” said Jea. “Hindi ka nakakatuwa kapag ganyan ka!” “Hmm? Nothing really. Umuwi na tayo maya-maya. Maaga ang klase natin bukas.” --- I can’t believe it! It’s almost midnight, gising pa rin si Papa. Mukhang hinihintay talaga niya ako. Dito pa sa living room niya naisipang gawin ang trabaho niya. “`Pa, why you still awake?” Bebeso sana ako sa kanya pero itinuro niya ang maliit na sofa. “Maupo ka.” “Antok na ako `Pa. Bukas na lang po tayo mag-usap.” “I said maupo ka.” Darn! Wala na akong nagawa kung hindi maupo sa maliit na upuan. Isinara niya ang laptop saka iniabot sa akin ang isang envelope. May mga pictures sa envelope at mga back statements ng account ko. “You’re not attending your classes. Your dating different women at the same time. Nagwawaldas ka ng pera. Ano bang plano mo sa buhay Rebecca Patricia?” “`Pa, I’m enjoying my life. At least hindi lalaki. Safe ako sa teenage pregnancy, right?” It was supposed to be a joke! Pero seryoso si Papa na nakatingin sa akin. Humalukipkip pa siya. “Ano bang dulot sa`yo ng pambababae mo? Nakakahiya ka! Mga anak pa naman ng kaibigan namin ng Mama mo `yang iba.” “Hmm, and? At lea—” “Huwag mo akong ma-at least atleast, Patricia. Mas magastos ka pa sa amin ng Mama mo. Gold ba ang mga babaeng `yan para gastusan mo sila?” “Fine. Give me capital. Then magnenegosyo ako para pera ko ang gagamitin ko.” “Here we go again! Ilang negosyo na ba ang nalugi dahil sa kakagastos mo? No. You’re not wasting money again.” “Okay. Baka pwedeng ibigay niyo na lang ang inheritance ko. Then bahala na ako kung paano ko palalaguhin? I’ll live independently. Hindi ko kayo guguluhin ni Mama.” Natameme si Papa. Nakipagmatigasan din ako ng titig sa kanya. I know she’s soft for me. I’m their only child after all. A miracle baby since pareho silang babae ni Mama. I’m brought to life through IVF. Hindi niya pababayaang maging miserable ang buhay ng nag-iisa niyang anak. “I know you’re gonna use that argument again. So here.” Iniabot niya ang folder sa akin. Binasa ko ang content but heck? Whattahell? Bakit ganito?! “Makukuha mo ang mana mo when you turn 23 at kung magpapakasal ka sa mapipili namin para sa`yo. Don’t worry. Babae siya.” She casually explains. “No babies required. Magsama lang kayo.” I look at her in disbelief. I don’t care with the age. Pero `yong magpakasal? It’s suicide! “Hmm? You will be engaged soon. And get marry as soon as possible. And you’ll get your inheritance when you turn 23. Easy right? It will be kept secret.” “Pa! This is ridiculous! Bakit mo ginagawang biro ang pagpapakasal?” “Bakit mo ginagawang biro ang mga babae?” She argued. “Ganyan ba kami ng Mama mo?” Umiling ako. I accept my defeat this time pero crazy idea talaga ang naisip niya! “Nabibingi na ako sa pagsasabi ng mga kaibigan kong niloko mo ang anak nila. Naapektuhan ang negosyo natin. And I’m telling you, kung hindi ka magtitino mawawalan ka ng karapatan sa mamanahin mo. Not even a single cent, Rebecca. Ido-donate namin sa charity.” Gosh! My inheritance! There’s no way na mapupunta sa charity `yon! That’s mine! “Who’s this woman?” “You’ll know, soon.” --- 3:00 Am. I can’t sleep! Onti-onting nagsi-sink in sa isip ko ang plans nina Papa. Sumasakit ang ulo ko paano ko `yong lulusutan. Kung mayroon man akong gustong pakasalan, `yon ay `yong saviour ko! That person who saved my life five years ago! I won’t forget her angelic face. Siya ang una kong nakita n`ong nagkaroon ako ng malay after almost drowning. But after that, hindi man lang kami nagkita. Hindi ako nakapagpasalamat. Kinuha ko ang mga sketches sa drawer ko. Ito `yong features niya na naalala ko. `Yong tangos ng ilong niya at naninigkit na mga mata niya ang hindi ko malilimot. May sketch ako sa kanya na mahaba ang buhok, maikli o kaya naman ay kulot. One of the reasons why I’m dating women is the hope na isa siya sa kanila. Silly me! Hopeless as it may sound, I’m praying na magkita kami. That may change me. Naalala ko `yong sa bar kanina. What was the name of Miss Terror again? Yeah. Right! I search Freen Sarocha in PopBook. How boring naman! She only has few pictures. Probably naka-only friends lang ang mga posts niya. Hmmm? Looking at her profile pictures, mayroong kasama niya ang isang lalaki. Straight? Probably no more! I’m sure she’ll gonna question her sexuality after I kissed her. That’s the Becky Effect! Haha! I took a snap, emphasizing this cut on my lips. I posted it and captioned, “That was a nice bite, MT. Want more?” --- Jea, Yuki and I are in the library. Sa pinakadulong table kami nag-i-stay. Tabi na namin ang mga shelves ng books na hindi gaanong pinapansin. Dapat wala na `to dito e. Pare-pareho kaming late sa mga first subjects namin kaya hindi na kami pumasok. Pagagalitan lang naman kami e. Hihikab-hikab pa sila habang nakapangalumbaba. “Girl, tibay mo talaga sa inuman. Walang hang-over?” Umiling ako. Walang hang-over sa inuman pero may hangover ako sa conversation namin ni Papa. Nag-iisip pa ako ng plano paano i-convince si Mama na hindi ituloy ang kasal. Ne hindi ko pa nga nakikilala. Ano `yon? Mystery box? Siniko ako ni Jea. May inginuso siya sa right side, bandang entrance ng library. Nag-abot ang mga kilay ko. “So, she still has the kapal ng mukha talaga?” “With your ex pa oh. Naks naman! Knight in shining armour? Hindi pa yata nakontento sa nude pics! Hahaha!” Jea says annoyingly. “I didn’t know ganyan kalakas ng loob ha?” Yna is my ex-girlfriend. Magwa-one week pa lang kami but I found out she was just toying with me. Nagpustahan silang magkakaibigan kung mapapasagot niya ako. And that Esmeralda? First love niya `yan. Haha! Kanino pa ba ako gaganti? De sa kanyang first love? That should hurt her big time! “You did the editing right? Can you do face swap also?” tanong ko kay Yuki. “Girl, kulang pa `yong pictures. Haha!” “Sure! Madali lang `yan. Maghahanap ako mamaya ng best movie for them. Haha!” “So, you’re behind that picture.” Fvck? Pare-pareho kaming lumingon sa nagsalita. Si Miss Terror! Nakahalukipkip pa siya at nag-aabot ang kilay. Ano bang kinagagalit niya? Hindi naman siya `yong nasa picture? “Alam niyo bang pwede kayong makasuhan sa pagpapakalat ng mga larawang `yon?” She then looks at Yuki. “Or ma-expel. Hmmm?” “Ah eh…” Yuki startles. Siniko ko siya para hindi na magsalita. “And? Ano po ngayon?” Masungit kong sagot-giving emphasize to po. Empleyado lang naman siya dito. Anong magagawa niya? Marami nang beses na nakalusot kami sa admin e. Tapos sisindakit niya kami? “You’ll see. Pwedeng makalusot kayo sa admin but you can’t with your parents.” Fvck! Napahawak sa braso ko si Yuki. Her parents are too strict! And sa aming tatlo siya talaga ang madaling sindakin. “Balik na tayo sa AV? I found the book na.” Someone comes out from the other side of the shelf. The other instructor confusedly gazes at us. “Or mauna na lang ako?” “Pahintay na lang sa labas, Miss Florence.” Answered MT. That certain Miss Florence nods and left. “Looking forward to meet your parents.” She walks away but after a few steps she spun to face us. “By the way Miss Armstrong, that was a lame kiss.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD