Chapter 2- That Smirk

1622 Words
CHAPTER 2 FREEN Naging tahimik ako sa dinner kanina. Ayokong mabastusan sina Mrs. Armstrong. Baka tanggalin ako sa trabaho. Kahit ngayong pauwi kami ay hindi ako umimik. Kung may tanong lang sila saka ako sumasagot. “`Nak, for sure naman magugustuhan mo ang anak nila. Maganda siya at matalino.” “Hindi kayo sure.” Masungit kong sagot. “Naging mabuti naman akong anak. Bakit kailangan ipagkasundo niyo pa ako? `Ddy, new generation na. Hindi na uso ang contract marriages!” “Final decision na namin ng Mama mo `yon. Kailangan mong sundin.” “`Ddy, ayokong pang magpakasal! Saka bakit sa babae naman?” “Dahil `yon lang ang paraan para makabayad tayo ng utang na loob. Please. Para sa amin ng Mama mo.” Napabuntonghininga ako sa hiling nila. Alam naman nilang hindi ko sila kayang tiisin. Pero kaligayahan ko ang nakasalalay dito. Hindi ako interesado sa babae pero heto ako mapipilitan pa yatang magpakasal. O better yet, magpasakal. “Ano na lang ang sasabihin ng mga katrabaho ko sa university?” “Anong ibig mong sabihin? Ikinahihiya mo rin bang tulad namin ang magulang mo?” “Hindi! Hindi ganon.” Frustrated na ako. Wala naman akong problema sa kanila e. Ako lang talaga `yong iniisip ko. Ayokong danasin ng magiging anak ko ang mga dinanas kong pangungutya. “Bigyan niyo pa ako ng time, please.” “Sa ayaw at sa gusto mo, Freen. Magpapakasal ka sa kanya. Patinuin mo siya, baka sakaling magbago ang isip ni Tina.” “Ipapakasal niyo na nga ako sa babae, tapos hindi ko pa nakikita. Grabe naman `Ddy. Pambayad utang na nga, guidance counselor pa?” “Siguradong magugustuhan mo siya. Mabait si Rebecca. Magkakasundo kayo.” “`Ddy, kung mabait siya hindi niya kailangan ng arranged marriage para may magpakasalan sa kanya.” --- Maaga akong umalis ng bahay para iwasan muna si Daddy. Tinawagan ko sina Kade. Agad-agad din naman silang pumayag na magkita kami sa mall. Nabasa lang `yong libre ko na breakfast nila. Buti na lang doughnut and coffee lang ang gusto nila. Sa labas kami ng doughtnut shop nag-stay. “Hoy! Friend pala ng family mo ang mga Armstrong!” Tinapik-tapik pa ako ni Tee sa balikat. “Grabe! Angyaman nila! Super lowkey pero very rich!” “Hmm?” Wala talaga ako sa focus. Pinost ni Mama ang isang picture namin kagabi. Ito ngayon ang pinagpi-fiestahan nilang tatlo. “Freen my friend, pretty talaga si Miss Aom sa personal? As in?” Tumango ako. “Hindi mo mahahalata ang edad.” “Bakit parang pinagbagsakan ka naman ng langit at lupa. Close siguro sila `no? Imagine ha? Birthday mo tapos sila ang bisita mo. Baka naman may share ka sa kayamanan nila! Haha!” dagdag pa ni Kade. “Heard ko ha? Billions ang net worth ni Miss Tina. Si Miss Tina lang `yon ha?” Baka share sa sakit ng ulo ang ibig nilang sabihin. “Wala. Alam niyo naman ang parents ko. Minsan show off. Pati sa akin nagyayabang.” Nagi-guilty ako na naglilihim ako sa kanila. Hindi rin naman kasi good news `yong magpapakasal ako. Nakatanggap ako ng notification galing sa mobile banking app. Nanlaki literal ang mga mata ko sa natanggap ko! 20,000 pesos! Kasunod nito ang sms notification galing din sa app. May kalakip itong mensahe. “Happy birthday, Freen! This is Mama Aom. I saw you with your friends. Hindi ko na kayo inistorbo. Do treat them for me.” Nakamot ko ang ulo ko kahit wala naman akong kuto o balakubak. Biglang nangati e. Sinabi ko agad ito kay Mama. Sabi ko ibalik niya `yong sinend ni Miss Aom. “Naku, `Nak. Magtatampo `yon. I-treat mo na lang sina Tee.” Hay! Pinaforward ko ang line number ni Mrs. Aom para makapagpasalamat. Ang reply lang niya ay welcome at tatlong emoji na nakangiti. God! Ano ba naman itong pinaglagyan sa aking sitwasyon nina Daddy! “Gusto niyong magshopping?” Tanong ko sa mga kaharap ko. Para namang silang mga nakakita ng multo. Titig na titig sa akin. “Adik ka ba? Wala pang sahod. Shopping ka diyan.” May inis na sabi ni Jim. “500 na lang laman ng wallet ko. Haha! Manglilibre ka ba Tee? Baka naman.” “My treat.” Tipid kong sagot. “Hhmm?” “Naku! Busog na pala ako. Tara shopping muna tayo.” Nilagay ni Kade sa paper bag `yong doughnut na kakagatin sana niya. “Hoy. Baka magbago ang isip nito. Tara na.” Hinila-hila pa niya sa braso si Jim. “Once in a lifetime lang `to.” --- While they are busy looking for some clothes, inabala ko naman ang sarili ko sa pagtitingin ng pictures n`ong Rebecca Armstrong. Freshman pala siya sa Dong Feng. Hindi na nakakapagtaka naman na doon siya nag-aaral. I just don’t hear about her. Or I am just focus sa work ko? Nonetheless, she is pretty. Based on her posts and pictures, she’s out and proud into women. Is it safe to say that she’s a womanizer? Paiba-ibang babae ang naka-post na kalambingan niya. May mga pictures na they are almost kissing. And this woman ang gusto ni daddy na pakasalan ko? This is living in hell! Plus ilang taon na ba siya? 18? God! Parents ko talaga! “Sino `yan? Hoy! Angganda!” Exclaims Jim. Nag-exit ako agad sa app. “Nothing. Tapos na kayo?” Mapangduda ang tingin niya sa akin. “Ikaw, Freen ha? May nililihim ka ba? Saka bata pa `yon ha? Makasuhan ka ng child abuse! Haha!” “I just happened to stumble on it. Tinignan ko lang. Pila na tayo sa counter. Then magpa-footspa tayo.” --- Nakikinig lang ako sa mga kwentuhan nila habang nakapikit ako. Sana kasabay sa pagtanggal ng kalyo ng paa ko ay matanggal din ang stress ko. Just thinking about marrying without my consent is fvcking irritating. Paano pa kung magkasama kami sa iisang bahay? “Bakit kayo nag-break ng gf mo? Boring ba siya?” asked Kade. “Deleted lahat ng pictures niyo ha? Saan ka kumukuha ng sipag para magdelete? Haha! “Nope. Individual differences. And I met someone.” “Gago! Individudal differences ka pa. Ma-chics ka lang talaga! Haha!” Nang-aasar na sagot ni Kade. “Bueset ka talaga. Tumino ka na! Hindi ka na bumabata.” “Oo nga naman, Tee. Tingnan mo itong si Freen. Matino na. Hindi na adik! Bugnutin na lang! Haha!” Panunukso pa ni Jim. Buti hindi niya nababanggit `yong nakita niya kanina. Siguro ay naniwala siya na hindi ko sadya ang pagtingin ko sa profile n`ong Rebecca. “Oh my God! Freen!” Napamulat ako nang tumili si Jim. Nakakahiya sa mga nag-aattend sa amin! Pati paa niya ay napasipa e. “Ano ba `yon? Bakit ka tumitili?!” Inis kong tanong. Naghihintay nga kaming tatlo sa sasabihin niya. “Freen! Naalala ko na! Naalala ko na!” “Ang alin?” Para kasi itong tumama sa jackpot. Napalo-palo pa niya ang braso ni Kade. “`Yong girl kanina. `Yong tinitingnan mong profile! Only daughter nina Miss Tina `yon!” Fvck? Akala ko naman nalimot na niya! Act normal as if nothing is happening, Freen. “Teka ha? Baka naman friend mo din siya in secret? Parang parents niyo? Don’t tell me, bukod sa amin may friends ka pang close sa`yo.” Safe! `Yon lang pala ang concern niya. “Student namin siya.” Sagot ko saka muling nag-relax ng upo. “Hindi ko pa siya na-meet.” And sana nga hindi ko na ma-meet. Cancel wedding sana. --- Chill and Heal Bar. Tee owns this bar. Everyone is welcome here. Evident naman sa mga interior designs na nagsusumigaw ng LGBT! Pero karamihan nang nagpupunta dito ay mga girls. Siguro kasi kilala naman na ang owner ay lesbian. “Madalas tayong tumambay dito. Hindi ka naman nababaliko?” Asked Jim after drinking her shot. “`Yong totoo?” Umiling ako. “Nothing interesting.” Umusog pa siya sa tabi ko. “Hindi ako sigurado ha? Hindi ko lang sinabi kanina. Pero `yong Rebecca. At `yong pagkunot ng noo mo n`ong chinecheck mo ang profile niya. Girl, I know you. May problema ka ba sa kanya?” Umiling ako agad. “Something just came up. Kaya na-curious ako.” “Sure ka? Hind sa wild ang imagination ko ha? Girl, child abuse `yon. Bata pa `yon.” “Walanghiya ka talaga! Iniisip mo bang type ko `yon? No way!” Pinagtawanan pa talag ako. Curious talaga sila kung baliko ako kasi parents ko nga ay parehong babae. Kaso wala e. Hindi pa ako nagkakagusto sa babae. And if ever? Not that Rebecca. I’ll just think of a possible option para hindi magpakasal sa kanya. I excused myself. Lalabas na muna ako. Sumasakit ang ulo ko sa mga ilaw. “Bumalik ka ha? Baka mamaya escape to house na `yan. Wala ka pang ambag dito. Hindi pa `to bayad! Haha!” Kade talaga! Mukhang pera! “Oo. Masakit lang sa mata `tong pailaw.” Iniwan ko pa ang phone ko sa kanya para maniwala siya. Tumayo na ako. Ininom ko pa ang natitirang alak sa glass ko. Paglingon ko, hindi ako agad nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil may kumawit sa batok ko! Angbilis ng pangyayari! Magkalakip na ang mga labi namin! Shit! Anglambot ng labi niya. She’s like tasting my lips like candy. She pulls me even closer! Babae siya! Come to your senses, Freen! s**t! Kinagat ko ang labi niya. Saka lang siya tumigil sa paghalik at itinulak ako. Sumakto ang sabay-sabay na switch ng mga led lights. It’s her! It’s Rebecca! Ngumisi pa siya saka tumalikod at lumayo. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD