Chapter 1-Meet Freen

1877 Words
FREEN "Please be mindful of your acads. Hindi kayo pwedeng makasali sa mga performance kung mabababa ang grades niyo." I do sound like nagger Mom to these students. "Upon checking your grades marami ang mababa n'ong prelims. How are you going to work this out?" Nangako naman sila isa-isa na iimprove ang mga grades nila. Sayang naman kasi ang mga talents nila kung hindi sila makakasali. To think scholars rin sila. "Miss Freen, ipe-perfect namin ang mid-terms! 'Di ba Guys? Hindi pwedeng ma-disappoint si Miss Freen sa atin." Napangiti na lang ako sa mga ito. 'Yong kaninang down na down spirits ay biglang nabuhayan. "Fine. You better review well. Baka isipin ng ibang instructors niyo pinapabayaan ko rin kayo. You better go home na. Myko, paki-arrange 'yong auditions. Baka may mga freshies na gustong mag-PA din." "Yes po, Miss. Sure thing! Update ko kayo bukas." Isa-isa na silang nagsialisan. Isang sem na naman ang nangalahati. Mababawasan na naman sila dahil marami-rami ang graduating. Nakakalungkot pero gan'on talaga. "Freen, our friend!" Napatingin ako sa entrance ng AV room. Sina Jim, Kade at Tee pala. Exaggerated na naman ang pagkaway ng tatlong 'yan. "Hoy! Wait ka namin sa labas! Gutom na us!" Dugtong na sigaw pa ni Kade. Hoy. Wala talaga silang galang e! Buti na lang at wala na ang mga estudyante. Paano naman kaya nakapasok ang mga 'to dito? Hindi naman sila nagtatrabaho dito? Inaayos ko ang mga gamit ko nang tumunog ang phone ko. Hmmm? Ang daddy pala. Angdami namang messages dito. Ilang beses ba niya ito sined? Tsk! "Dinner date sa weekend, 'Nak ko! Huwag kalimutan!" Nakailang scroll na nga ako pero 'yan at 'yan pa rin ang message. Tinawagan ko na nga. Parang inaabangan talaga ang call ko—sinagot agad e. "Anak namin ng Mama! Hahahaha!" "'Ddy! Bakit naman angdami-daming beses mo sinend. Mababasa ko naman e." Reklamo ko na. "Dapat hindi na kita tinuruang mag-copy-paste." Hindi pa nakontento ang daddy gusto pa ng video call. Huh? Nasaan naman kaya itong mga magulang ko? Kumaway-kaway pa ang Mama. Pinakita ni Daddy ang view. Riverside? Nag-date na naman sila. "'Ddy naman. Hindi kayo nagsabi. Bakit kayo lang ang nagbakasyon?" "Hahaha! 'Nak, gusto kong masolo ang mama mo. Ayaw mo ba ng kapatid? Haha!" Gosh! Korni-korni ng dalawa e. "'Ddy mahirap magpalaki ng anak. Naubos nga pera niyo sa akin." Saka hindi sila makakabuo dahil pareho silang babae. Ako naman e tunay nilang anak. Malaki-laki daw ang nagastos nila para maipagbuntis ako. "Nilibre lang kami ng kaibigan ko. See you sa weekend Freen namin ng Mama." "Ingat kayo diyan. Nagtatampo ako. Hi—." Gustong-gusto yata talaga ng Daddy na magtampo ako. Binabaan ako ng tawag e. Sunod-sunod naman ang pictures na sinend niya. Hindi talaga kumukupas ang ganda at kapogian ng mga magulang ko. Hindi naman makapaghintay sina Kade! Tumatawag pa! Tsk! Kinansel ko nga. Ginusto naman nilang pumunta dito e. Manigas sila sa kakahintay. May narinig akong paghikbi. s**t? Kinilabutan ako dahil ang alam ko e ako lang ang naiwan dito. Pinakiramdaman ko ang paligid. Huwag naman sanang ang susunod na eksena ay pagpatay-sindi ng ilaw. Hayan na naman iyong iyak. Sinundan ko ang pinanggagalingan nito. Bobo na ako siguro pero paano kasi kung tao talaga 'to? Sa bandang dulong linya ng mga upuan. Konti na lang. May naaninag akong liwanag. Hay! Nawala ang kaba ko nang mapagtanto kong tao nga 'yong umiiyak. Nakaupo ito sa sahig. Yakap-yakap niya ang tuhod niya. "Miss..." Aligaga itong tumayo na parang takot na takot. Nalaglag pati ang cellphone niya. "Ma'am Freen..." Napansin ko agad ang kinuyumos niyang papel at ang cellphone. s**t? Picture niya na naked. Dinampot ko ito saka sinuring maigi. Ikinumpara ko ang katawan ng nasa picture sa built ng pangangatawan niya. It's edited. --- "Sino naman ang gagawa nito? Grabe! Parang totoo! E ito 'yong sa—" "Oh gagu!" Kade cuts Tee "Kaka-porn mo ano? Alam na alam mo ang background! Hahaha! Grabe ang bullying naman dito. Pangit nilang ka-bonding." "Kawawa naman 'yong estudyante. Kahit naman edited 'to marami ang maniniwala." Napabuntonghininga ako. Nakuha ko ang details n'ong bata. Gusto kong tulungan but how? People nowadays love to spread hate. "Gusto mo i-trace natin? Expert si bebeloves ko diyan." Mayabang na suggestion pa ni Jim. "Tapos bayaran mo ako siyempre! Haha! Alam mo naman wala nang libre ngayon." "May experts naman ang univ. Pwedeng sila na lang." "Gaga! Remember the last time? May ganito na ring nangyari 'di ba? Sabi mo, nireport naman sa admin pero walang result. Na-kick out pa 'yong victim." Hindi nga first time mangyari 'to. Galit na galit ako doon sa pagpapatalsik sa victim pero wala akong magawa. 'Yon daw ang desisyon ng board. f**k that mentality. "Hoy! Ano ba? Mabasag mo 'yang baso!" Kinuha ni Tee ang baso sa kamay ko. Pinanggigigilan ko na pala ito. "Anong gagawin mo naman kung malaman mo kung sino 'yong may pakana nito? Paano kung malakas na sa itaas?" "I'll give him or her the same favor she did. I-expose ko siya. Then let's see what will happen." "Blackmail natin! Haha. Huthutan natin, my friend!" Nakakaloko talaga ang mga suggestion ni Kade! Hindi maasahan! "Ginawa mo pa akong scammer!" "Uy, nangamusta pala si Kirk. Nag-chat na ba sa'yo?" baling sa akin ni Jim. "Hindi yata 'yon nagdi-day off. Mayaman naman sila pero kayod kalabaw." Umiling ako. "Hindi na kami nag-usap mula n'ong nag-break kami. Mas maigi 'yon. Dati napaka-happy go lucky niya. Sakit siya ng ulo ng parents niya." "Pinatino mo tapos nag-break din kayo! Haha! Anong silbi naman n'on?" pang-aasar pa ni Kade. "Magbalikan na kayo para happy na tayong lahat! 'Di ba? Si Freen na lang ang singgol!" "Huwag niyo ngang problemahin ang lovelife ko. Buhay pa naman ako oh. Humihinga pa. Kumakain pa ako ng limang beses sa isang araw. Shut up kayo o kayo ang magbabayad dito?" --- Weekend. Limang minuto na naman ang katumbas nito tapos Lunes na naman. Pinagluluto ako ni Mama ng creamy macaroni soup. Pampalubag loob daw sa akin dahil hindi ako isinama sa Zambalaes. "Kapag nag-asawa ka dapat 'yong mahusay magluto. Para hindi ka magutuman." "Marunong akong magluto. Pinapaalala ko lang, Mama. And no plans of marrying." I said clearly. Pina-meywangan ba naman ako? "Ma, HB ka naman." "Aba naman, 'Nak. Bakit hindi ka mag-aasawa?" "Ayaw ko lang. Pero baka magbago ang isip ko. You know? Hindi naman ako forever tinatamad mag-asawa. Haha! Saka gusto ko pang mag-enjoy 'no. Kung mag-aasawa man ako gusto ko 'yong makakasundo niyo. 'Yong botong-boto kayo." Napangiti naman siya. "Buti naman. Oh, malapit na 'to maluto. Anong oras daw ba tayo susunduin ng Daddy mo?" "Si Mama naman, galang-gala. Kakauwi lang e. 7:00 daw. Huwag ka namang mag-overdress 'Ma. Tayong tatlo lang naman ang magdidinner." "Advance birthday dinner mo 'yon, 'Nak. Dapat dress to kill tayo." Nagtaas-baba pa siya ng kilay. I find it weird. Parang mas excited pa siya kaysa sa akin. --- Nasa parking space na kami. Kumuha ng ilang larawan si Mama. Napaka-active niya sa social media, kulang na lang pati isusuot niyang medyas ay ipo-post niya. "I'll post this one. Kuhang-kuha tayong tatlo. Buti na lang mahaba ang bisig ko. haha! 'Nak, next time naman mag-pink ka or green." "Hmm? Nothing wrong with Gray." I'm wearing a gray suit. More comfy talaga ako kapag ganito ang suot ko. Naiinis lang si Mama kasi colorful ng dress niya samantalang kami ni 'Ddy ay naka-dark. Matchy-matchy! "Angdami ng pwede mong manahin sa Daddy mo, 'yang choice of colors pa talaga." "Dark is gorgeous." Pagrarason ni Daddy. "Look naman. Angpogi namin pareho ng 'Nak ko oh." "Maganda ako 'Ddy." Pagtatama ko sa Daddy. "Magbobolahan pa po ba tayo dito? Pasok na kaya tayo ano po?" Sinalubong kami ng waiter. May reservation na daw si Daddy. Nagwaldas na naman po siya. Naku! Pero at least, tinupad niya ang gusto kong simple ang pag-celebrate ng birthday ko. Taon-taon ba naman e parang children's party ang ginawa nila. Never pa nagkaroon ng parehong theme. Bakit para sa limang katao ang naka-reserve na table? "May iba tayong kasama?" Tumango si Daddy. "For sure hindi ko 'yan kaibigan. Kasi tatlo sila. 'Ddy, baka naman isinabay mo pati business meeting mo sa dinner. Magtatampo talaga ako. Sinasabi ko sa'yo." Inalo ako ni Mama. "Hindi business meeting 'to 'Nak. Kaya maupo na tayo. For sure matutuwa ka ring makita sila." Kung sino man ang tinutukoy nila e sana nga matuwa ako. Foods were served! Seafoods—my favorites! Happy birthday to me! Thank you for the foods, Lord! "They're here!" Tumayo si Daddy nagtungo ito sa direksyon ng entrance. Automatic na napalingon ako. Huh? They look familiar. I'm sure she's not a guy kahit nakapormang panlalaki siya. And the other woman, pretty! They're like the age of my parents. Nakita ko na sila, I just can't remember. Politely, tumayo kami ni Mama. Udlot 'yong pagkain ko naman! Nagbeso pa sila ni Mama. Ako naman ay nagmano. Natatawa pa sila e. "Naku, pinatanda mo naman kami agad, Hija. Kumusta ka na ba?" Ay? Close ba kami? Confused pa ako sa confused! "Ah 'Nak. Hindi mo ba sila nakikilala?" Honestly hindi. Kaya umiling ako. And pinakaworse scenario na ang naisip ko! Mayroon pa bang ikakakumplikado ang buhay ko? "Sila ba ang tunay kong magulang?" What? Bakit nila ako tinawanan? E pinaka-worse nang pwedeng mangyari 'yon! "Naku, 'Nak! Maupo na nga muna tayo." Napamura ako sa isip ko nang pinakilala sila ni Daddy. Holy s**t! Napaayos nga ako ng upo dahil isa sila sa shareholders ng university—sina Mrs. And Mrs. Tina Armstrong! Angganda ni Ma'am Aom, by the way. Kahit bakas na ang mga guhit ng katandaan sa mukha ay hindi maikakaila ang ka-pretty-han niya. "Pasensya na po, Ma'am. Hindi ko po kayo nakilala. I mean, you're not always attending university events po. We barely know you." Hingi ko agad ng tawad. Wala nga sila sa school profile e. Unlike the others na kilalang-kilala namin. "By the way po? How am I going to address you? Ma'am? Sir? Sorry po talaga." Seryoso akong nagtatanong natatawa lang sila. Ano ba naman 'tong magulang ko? hindi ako inorient! De sana alam ko ang mga sasabihin ko ngayon? "That's okay, Hija. Choice naman naming maging lowkey." Sagot ni Ma'am Tina. "You can call us whatever you're comfortable with kung hindi ka pa sanay sa Papa at Mama." "Po?!" Daddy and Mama's faces turn pale white. Napakamot pa sa ulo ang daddy. "Haven't you told her already, Mare?" Ma'am Aom looks at Mama. Nag-alangan na umiling si Mama. She then gazes at me. "Oh, I see. Sorry." "'Ddy? Ano bang nangyayari?" "You're about to marry their only daughter, 'Nak. Hindi ko matiyempuhang sabihin sa'yo." God! Happy birthday to me! Damn it! ---- AN: Hi! I will be posting some free chapters here. Soon, the story will be posted in a PRIVATE GROUP in sss with a "ONE TIME PAYMENT" via gcash or paypal to enter the group. Hindi naman po ito sapilitan. it will just be for those who wanted to support the writer and at the same time enjoy the story. GIVE ME YOUR FOREVER will be a 40 chaptered story with 80,000-100,000 word count. to my Seasoned Readers, i hope to see you there. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD