Napasinghap si Evelyn ng biglang lumuhod ang binata sa kaniyang harapan at mahigpit na niyakap siya sa bewang. "B-Baby don't do this please wag mo akong iwan!" umiiyak ito at nagsusumamo sa kaniya. Hindi niya kayang makita ang kasintahang ganito. "Damian what are you doing?! Tumayo ka nga diyan!" asik niya habang humihikbi. Umiling lamang ang binata at mas lalo siyang niyakap. Tuloy tuloy ang pagdaloy ng mga luha sa kaniyang mga mata. Mas masakit makitang kayang kayang ibaba ni Damian pati ang dignidad nito para sa kaniya. What's so special about her? "Wag mong gawin to please Damian!" saad niya rito ang pilit na tinatanggal ang mga braso ng binata sa kaniyang bewang. "Ayoko iiwan mo ako, nangako ka sa akin diba? Nangako ka na hindi mo ako iiwan. Baby naman pag usapan naman natin to

