Tumalima siya at ipinagtimpla ng kape ang binata. "Thank you baby, I'm sorry for panicking" saad nito at tumungo. Napangiti siya. "So ganun pala ang reaksiyon mo kapag umalis ako?" natatawa niyang biro ngunit nang tiningnan ang binatw ay para itong galit, umigting ang panga nito ngunit may takot naman sa mga mata. "may plano ka pa ring umalis?" saad nito sa mababa at mahinang boses. Napatawa siya dahil iba ang pag initindi ng kasintahan sa kaniyang sinabi.. "Wala Damian! Ano ka ba naman" natatawa niyang saad dito at binigay ang timplang kape rito. Pinagpatuloy niya ang kaniyang pagluluto habang pinapanuod siya ng binata. Napaigtad siya ng naramdaman niya ang mainit na hininga ng binata sa kaniyang batok. Yumakap ito mula sa kaniyang likod at hinalik halikan ang batok at leeg niya.

