Ngumisi siya at tinampal ang pisngi ng binata. Mabilis itong sumimangot dahil sa kaniyang ginawa. "May nararamdaman ako sayo, pagka inis Earl alam mo ba yun?!" natatawa niyang sambit para gumaan ang hangin sa pagitan nila. Inirapan siya ng binata. "Seryoso ako Evelyn. Wala ba talaga? Kahit konti?" tanong nito sa kaniya. "I love you Earl, and I care for you, pero pang kaibigan lang iyon. Mahal kita bilang isang kaibigan. Kahit gustuhin ko mang bigyan ka ng pagkakataon ay mas masasaktan lang kita. Kung pwede lang turuan ang puso ko ay matagal ko ng ginawa. " mahaba niyang litanya, seryoso na din. It's true. Kahit ano ang gawin niya, hindi nawawala ang puwang sa puso niya ang lalaking ama ng anak niya. Kahit gaano ka sakit ang idinulot nito, lumipas man ang panahon ay hindi iyon nagbago.

