Their secret relationship continues as every night thrives. Alam ni Evelyn na mali ang ginagawa, alam niyang malaking eskandalo ito hindi lang sa trabaho pati na rin sa buhay niya. Tiyak na itatakwil siya ng pamilya kapag nalamang may ganito siyang ginagawa but she can't resist the guy's charm! She tried to resist it but nothing happens. Hindi niya mapigilan ang sarili, there's something about this mysterious guy that she can't pinpoint but at the same time it's giving her the thrills. Her night duties became thrilling and she's always excited because of the guy. She always found herself looking forward at her night duties for him. And this night is not an exemption! Nakangiti niyang binuksan ang pinto ng kwarto ng binata ngunit nawala rin ang ngiting iyon nang mapansing may kasama ang binata sa kwarto.
"Oh your dinner's here D. Great! I want to feed you." maarteng saad ng babae at mabilis na kinuha ang pagkain ng binata. She rolled her eyes secretly dahil naaamoy niya agad ang pabebeng babae na ito!
Nang tumingin siya sa lalaki ay nakita niya itong nakatingin sa kaniya at nay ngiti sa labi. Mas lalo siyang nainis. Tss, tuwang tuwa talaga ang gago.
"I can do it Tess." dining niyang sambit ng binata. Hindi niya tiningnan ang mga ito at lumapit siya sa binata upang icheck ito. Ramdam niya ang tingin ng binata sakaniya ngunit hindi niya ito pinansin at ginawa lamang ang trabaho.
"You should make yourself better as much as possible D, this place sucks my gosh!" saad pa ng maarteng babae may pakumpas pa itong ginawa. Hindi pinansin ang sinabi ng lalaki. Sumampa ito sa kama at iniumang ang pagkain sa lalaki. Ganun ba sila ka close para may nickname na ito? Edi wow. Lumingon ang babae sakaniya at pekeng ngumiti.
"Oh you can go out already. Is this his meds? I'll take care of it." makahulugan pa itong ngumiti sa kaniya.
"come on Tess, just let her do her work." singit naman ng binata na siyang nagpairita sakaniya. Tumango siya sa babae at mabilis na lumabas. Alam niya sa sarili kung bakit siya naiirita. Kanina pa din gustong tumulo ng mga luha niya ngunit pinigilan niya iyon. She won't let anyone see her cry because of a man! She won't just admit what's making her feel this feeling. Ano ba sila ng binata? f**k buddies right? She don't have the right! Malalim siyang napabuntong hininga. She needs to compose herself! Kailangan niyang lumugar sa kung saan dapat. Bumalik na muna siya sa nurse station at naabutan ang kaibigang si Earl na nagbabasa sa patient's chart nito kasama ang ibang nurses. She patted his head bago pasalampak na umupo. Napaangat naman ng tingin ito.
"tapos kana?" tanong nito habang nakatingin sakaniya. Tumango siya bilang tugon dito. Wala siya sa mood makipag usap. Napansin naman iyon ng kaniyang mga kasamahan kaya hindi na siya inusisa. Nagulat siya nang mag vibrate ang phone na nasa bulsa niya. Mabilis niya itong kinuha at medyo lumayo sa mga nag uusap na nurses para mabigyan sila ng privacy.
Halos mabitawan niya ang cellphone na nasa tenga dahil sa narinig. Dali dali siyang bumalik sa station at kinuha ang mga gamit niya. Nagulat din ang mga nurses sa ginawa niya.
"Eve what happened? May problema ba?" tanong sakaniya ni Earl. Nanginginig siya at halos maiyak na din.
"E-earl help me, I need to get a duty off m-my f-father is in the hospital." nanginginig niyang sambit.
"Heyy, calm down okay? I'll drive you there." napailing siya dahil sa sinabi ng binata.
"N-no, I can drive just please take care of my patients." saad niya at binigay ang patient's chart sa binata.
"Are you sure?" tumango siya sa sinabi ng binata. She immediately drove to the hospital in their town. Nanginginig pa siya habang ipinapasok ang susi para magstart ang kotse. Pagdating niya sa bungad ng ospital ay sobrang dami ng media. She didn't bother, hindi naman siya halos kilala ng mga ito dahil madalang lamang ang kaniyang exposure sa madla. Pagkapasok ay magtatanong sana siya kung saan dinala ang kaniyang ama but she saw her mother Infront of an emergency room crying, and her brother na pinapakalma ang ina ngunit hindi umeepekto. Naiiyak siya sa nakita. No, no not her father please!
"Mom!" mabilis siyang tumakbo at niyakap ang ina.
"E-ve" banggit nito at tinanggap ang kaniyang yakap.
"E-ve, y-your f-father. I can't leave with him" her eyes are already swollen because of crying. She's hurting too. Lalo na ng makita ang inang nagkakaganito. She doesn't know kung kakayanin niya rin bang makita ang ama sa hospital bed. She'll be shattered. She always finds her dad to be the strongest one and this, she can't accept this! Tumingin siya sa kaniyang nakakatandang kapatid. Tahimik lamang ito ngunit may mapanganib na awrang nakapalibot. He's angry. She knows that. Her brother loves her father so much. He's his idol. Kaya nga ito pumasok sa politika kagaya ng kaniyang ama. If this is hard for her, she can't imagine what her brother's feeling right now. Nasa loob pa din ng emergency room ang kaniyang ama with doctors all over his bed. Malubha raw ang natamong tama nito dahil sa ambush. They're having a business meeting together with the two senators, Sen. Samuel Vargas and Sen. Rico Martin when this happens. Si dad ang mas napuruhan though the two are in this hospital too but they're all stable already. Her dad got hit in the stomach. When her mom calm down already, her brother called her. Hinila siya nito di kalayuan sa mom niya. She look at her mom again, lutang ito. The tears are already dried in her cheeks but she's still beautiful. She's already wearing her sleeping silk dress. May jacket lang na nakapatong sa balikat nito, maybe from her brother.
"Evelyn." mababang saad ng kaniyang nakakatandang kapatid na nagpalingon sakaniya.
"Take care of mom, I need to do something." he calmly said but she can sense his anger. Kinabahan siya sa narinig at mabilis na umiling.
"N-no don't...." mas lalo siyang naiiyak.
"I'm sorry Eve, but I'm the only one who can avenge dad. I need to know who did this!" matigas na saad nito sakaniya. Napatulo ang luha niya dahil sa narinig. No, no! She can't loose her brother too!
"N-no kuya please... I can't..." naiyak na siya ng tuluyan. Niyakap siya ng kaniyang kapatid para patahanin. As far as she remembers, mga bata pa sila nung last na nararamdaman niya ang yakap ng kaniyang kapatid and she missed it! Mas lalo siyang napaiyak. Simula nang pumasok ito sa politika ay naging malamig ang pakikitungo nito sakaniya.
"Hushhh princess, I promise I'll be back okay?" pang aalu nito sakaniya.
"K-kuya I can't loose you. M-mom is already devastated." hikbi niya.
"I know princess, I promise I'll be safe. I need you to be strong, mom need us." tumango siya sa sinabi ng kapatid at pinahiran ang mga luha. Tiningala niya ang kapatid.
"I-its dangerous o-outside Kuya. We don't know who's behind this." banggit niya. Nakita niyang tumango ang kapatid.
"I know, I'll be very careful okay? I won't let them touch our family again " matigas na saad nito sakaniya. Tumango naman siya at humiwalay sa yakap ng kapatid. She saw her mom turn her eyes to their direction.
"Okay, I'll take care of mom." mahina niyang saad. Bumalik sila at umupo sa upuan sa hallway katabi ng kanilang ina. Nagpaalam naman ang kaniyang kapatid sa kaniyang ina, saying he has something important to do. Mahina lamang na tumango ang ina. He kissed her mother's forehead before turning to her and patted her head lightly.
"I'll be off princess. I'll be back immediately okay?" saad nito. Tumango naman siya. After an hour waiting outside, the doctor came and explain to them what's the status of her dad. Nakahinga siya ng malalim ng marinig na stable na ito at ililipat lang sa VIP room. Her mom cried because of that.
"Oh my god! Thank goodness!" iyak na sambit nito at niyakap siya. After how many minutes ay nailipat na ang kaniyang ama sa kwarto. They're already inside and her mom doesn't want to leave her father's side. Nahihirapan siyang makitang nakaratay ang kaniyang ama. He's still unconscious but already stable. That's a good relief. He already texted her brother para hindi ito mag alala ng sobra. The door opened and her brother walked inside the room.
"How's Dad?" bungad na tanong nito at tumingin sa kanilang dalawa ng kaniyang ina. Nang mapansing walang balak sumagot ang ina ay siya ang sumagot.
"Still unconscious but already stable." mahina niyang saad. Tumango naman ang kaniyang kapatid.
"Mom, do you want to go home and rest?" malambing sa tanong nito sa kaniyang ina. Umiling naman ang ina nila bilang tugon.
"I'll stay. I don't want to leave Dencio's side." tumango ang kapatid niya at lumingon sakaniya.
"How about you Evelyn? You ditch your duty." baling niyo sakaniya.
"Earl covered me up." sagot niya. Napatingin naman sa kaniyang suot ang kuya niya. She's still in her uniform. Napabuntong hining siya dahil sa napagtanto.
"I'll just go home and change." saad niya.
"Just go home and get rest princess. I'll drive you there." napailing naman siya sa sinabi ng kapatid.
"No, I can drive home Kuya. Just stay here and take charge for mom and dad." mahina niyang saad. Aangal pa sana ang kuya niya but he immediately dismissed it. She can handle herself. Wala nang nagawa ang kaniyang nakakatandang kapatid dahil pinal na ang kaniyang desisyon. Nagpaalam lang siya sa kaniyang ina at kapatid. They agreed na sa mansion nalang siya uuwi dahil mas malapit iyon sa ospital. Mabilis niyang pinaharurot ang kotse at tinahak ang daan patungong mansion.
Pagod siyang napasalampak sa kaniyang kama. It's already past midnight nang makarating siya. She's remembering what happened earlier. Ang bilis! She can't still absorb what happened to her dad. Ang daming tanong sa isip niya. She's closing her eyes but open it immediately nang maramdaman ang lamig ng ihip ng hangin. Mabilis siyang bumangon at nilapitan ang bintana. Her room's in the second floor kaya naman tanaw niya ang paligid. Walang ibang tao ang mansion maliban sa mga maids and the guards in ther front door. Isasara niya na sana ang bintana when she accidentally looked at the fountain side. Her brows furrowed nang may nakitang silhouette ng lalaki. She narrowed her eyes para kilalanin, If it's their guards she can immediately distinguish it. Kilala niya ang mga trabahador sa mansion. Her family doesn't change their workers every now and then. Nagbabago lang ito kapag may nag resign. But the silhouette is not familiar to her. Kinakabahang sinarado niya ang bintana ng mapansing tumingin ito sa direksiyon niya.