KABANATA 14

2289 Words
THIRD PERSON POV Pagkakita sa ipinadalang malaswang larawan ni Priscilla ay agad na binura iyon ni Charles. Mula nang dumating sila ng kanyang asawang si Chelsea galing sa kanilang honeymoon ay hindi pa rin tumitigil ang mga kaibigan ni Chelsea na sina Graciela, Kathleen, Laura, at Priscilla sa pagpapadala ng mga malalaswang larawan ng mga pribadong parte ng mga ito kay Charles. Ngunit tulad nang dati kahit burahin pa ni Charles ang mga mahahalay na larawang iyon ay hindi na mawawala at mananatili na sa kanyang isipan ang mga pribadong parte ng katawan ng mga kaibigan ng kanyang asawa. Sa tuwing katalik ni Charles ang kanyang asawa ay palaging sumisingit sa kanyang isipan ang mga imahe ng mga nakakaakit na parte ng katawan nina Graciela, Kathleen, Laura, at Priscilla Hindi man gustong aminin ni Charles pero dumodoble ang kanyang gana pagdating sa pakikipagtalik sa tuwing iisipin ang maalindog na katawan ng mga kaibigan ng kanyang asawa. Ngunit nang huling magtalik sina Charles at Chelsea ay hindi ganoon ang nangyari. Dahil sa kahayukan sa laman na ipinakita ni Chelsea kay Charles nang huli silang magtalik kaya naman tanging kay Chelsea lamang natuon ang buong atensyon ni Charles at hindi naglakbay ang kanyang diwa sa mga malalaswang imahe ng katawan ng mga kaibigan ng kanyang misis. Mga imaheng walang dudang bumubuhay sa dugo ni Charles. Ngunit kahit alam ni Charles na kayang pag-initin ng mga kaibigan ni Chelsea ang kanyang katawan ay hindi sapat iyon para pagtaksilan ni Charles ang kanyang asawa. Mahal na mahal ni Charles si Chelsea at hindi niya hahayaang masira ang kanilang masayang pagsasama rahil lamang sa matinding pagnanasang kanyang nararamdaman para sa mga kaibigan ng kanyang esposa. Bagkus ay nakadadagdag lamang sa nararamdamang inis ni Charles para sa mga kaibigan ni Chelsea ang kanyang pagnanasa para sa mga ito. Inis na inis si Charles sa mga kaibigan ni Chelsea rahil kung magpahayag ang mga ito sa kanya kung gaano siya kamahal ng mga ito ay parang hindi kaibigan ng mga ito ang kanyang asawa. Na para bang walang pinagsamahan ang mga ito. Kung makapagsabi ang mga kaibigan ni Chelsea kay Charles na gusto ng mga itong iparamdam at ipakita sa kanya ang pagmamahal ng mga ito para sa kanya ay para bang hindi nila ipinagkakanulo ang tiwalang ibinigay sa kanila ni Chelsea. Walang kaide-ideya ang misis ni Charles na ang apat na babaeng naglakad sa kasal nila ng asawa bilang bridesmaids nito ay pawang nagpahayag ng pagmamahal ng mga ito kay Charles. Walang kaalam-alam si Chelsea na ang lalaking pinakasalan nito ay ang lalaking iniibig din ng apat na kaibigan nito. Ano kaya ang magiging reaksyon ng asawa ni Charles oras na malaman nitong araw-araw na nakatatanggap ng mga malalaswang larawan ang asawa nito mula sa apat na kaibigan nito? Paniguradong hindi iyon ikatutuwa ni Chelsea. Kaya naman agad na binubura ni Charles ang mga mahahalay na larawang natatanggap niya mula sa mga kaibigan ng asawa. Umaasa rin si Charles na sana ay hindi na siya matuksong isipin pa ang nakakaakit na katawan ng mga kaibigan ng kanyang asawa sa tuwing nagtatalik sila ni Chelsea katulad na lamang ng nangyari noong huli silang magtalik ng kanyang misis. Hindi pumasok sa isipan ni Charles ang mga kaibigan ng kanyang asawa. Ngunit alam ni Charles na nangyari lamang iyon dahil sa kakaibang ganang ipinakita ni Chelsea pagdating sa pakikipagtalik noong isang gabi. Paano kung muli na namang bumalik si Chelsea sa nakasanayan nitong istilo sa pakikipagtalik? Muli na naman bang maglalakbay ang diwa ni Charles patungo sa maalindog na katawan ng mga kaibigan ng asawa? Ipinilig ni Charles ang kanyang ulo. Hindi niya gustong isipin ang posibilidad na muli na naman niyang pagpapantasyahan ang mga kaibigan ng kanyang asawa habang nakikipagtalik siya rito para lamang maabot ang rurok ng kaligayahan. Dahil sa aminin man ni Charles o hindi ay talaga namang nakatatakam at nakapaninigas ng laman ang katawan ng mga kaibigan ng kanyang asawa. At naiinis si Charles sa katotohanang iyon. Naiinis siya na naaapektuhan siya sa mapang-akit na katawan nina Graciela, Kathleen, Laura, at Priscilla. Dahil dito kaya lalong naiinis si Charles sa mga kaibigan ni Chelsea. Pinahihirapan siya ng mga ito rahil sa ginagawang panunukso ng mga ito sa kanya. Talagang sinusubukan ng mga kaibigan ni Chelsea na agawin ang atensyon ni Charles mula sa kanyang asawa. Walang respeto ang mga ito sa sagradong kasal nilang dalawa ni Chelsea. Walang pakialam ang mga kaibigan ni Chelsea kung masira man ng mga ito ang pagsasama nina Chelsea at Charles. Ang mahalaga para sa kanila ay ang maipakita at maiparamdam kay Charles kung gaano nila siya kailangan at kamahal. Naniningkit ang mga matang tumingin si Charles sa labas ng bintana ng kanyang opisina. Dahil sa kanyang nararamdamang inis para sa mga kaibigan ng kanyang asawa kaya naman unti-unti na rin siyang kumikilos para makakalap ng mga impormasyon tungkol sa mga ito na maaari niyang magamit laban sa mga ito para tuluyan na siyang tigilan ng mga ito. Napangisi si Charles nang maalala ang video na ipinadala niya kay Graciela. Sa video na iyon ay kitang-kita kung paanong gumigiling si Graciela bilang si Lady In Heat sa stag party na in-organize ng kanyang mga kaibigan para sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Charles na si Graciela ang babaeng kanyang naka-chat noon na nagngangalang Rosela. Tandang-tanda pa ni Charles kung paano siyang nakipagpalitan ng mga mahahalay at malalaswang mensahe kay Rosela nang gabing nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ni Chelsea na girlfriend pa lamang niya noong mga panahong iyon. Kahit kailan ay hindi binanggit ni Charles kay Chelsea ang tungkol sa bagay na iyon dahil maituturing niya iyong isang pagtataksil dito. Kaya naman ang ibig sabihin ay may lihim si Charles na tanging si Graciela lamang ang nakaaalam. Ngunit ngayong may hawak ng video si Charles na naglalaman ng katibayan na si Graciela ay nagtatrabaho bilang isang babaeng nagbibigay ng aliw ay patas na silang dalawa ng babae. Balak sanang kausapin ni Charles si Graciela tungkol sa bagay na iyon noong isang araw pero naisip niyang mas masaya ang makipaglaro kay Graciela kung patatagalin niya ang pagpa-panic nito. Hindi na makapaghintay si Charles na malaman ni Graciela na siya ang nagpadala ng mahalay na video rito at magmakaawa ito sa kanyang huwag ipagkalat ang video na iyon. Inumpisahan na rin ni Charles ang pagmamatyag kina Laura at Greg Visitacion sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ito tuwing matatapos na ang oras ng trabaho ngunit sa ngayon ay wala pang nakikitang kahina-hinala si Charles sa mga kilos at galaw ng dalawa maliban sa extra closeness ng mga ito. Ang gustong makita ni Charles mula kina Laura at Greg ay isang solidong ebidensya na magpapatunay na may affair ang mga ito. Malakas ang kutob ni Charles na may relasyon ang dalawang ito. Si Priscilla ay hindi nagpaparamdam kay Charles maliban sa ipinapadala nitong mga malalaswang larawan. Nagtataka si Charles pero mabuti na rin iyon kaysa naman guluhin siya nito physically. Si Kathleen naman ay hindi pa muling personal na nanggugulo kay Charles pero alam ni Charles na may pinaplano ang isang iyon. Sa apat na babaeng kaibigan ni Chelsea ay ito ang masasabi ni Charles na pinakaagresibo at sigurado siyang hindi ito mananahimik kung walang dahilan. Hindi na magugulat si Charles kung may inihahandang pasabog si Kathleen para sa kanya. Nang marinig niya ang usapan ng kanyang asawa at ng mga kaibigan nito sa video call habang nasa honeymoon silang mag-asawa ay binanggit ni Kathleen na hindi si Tony ang ama ng batang dinadala nito at isa itong third party ngunit hindi iyon ang sinabi ni Kathleen sa kanya nang mag-usap silang dalawa noon tungkol sa pagbubuntis nito. Sinabi nito sa kanya noon na si Tony ang ama ng ipinagbubuntis nito. Hindi alam ni Charles kung bakit sinabi iyon ni Kathleen. Gusto ba nitong magbigay ng hint sa mga kaibigan nitong isang lalaking may asawa ang nakabuntis dito? At kung ganoon nga, sinong lalaki naman kaya iyon? Sumakit ang ulo ni Charles nang maisip na baka iyon ang susunod na pasabog ni Kathleen. Na baka siya ang ideklara nitong ama ng ipinagbubuntis nito. Parang gustong manlambot ng mga tuhod ni Charles sa ideyang siya ang ituturo ni Kathleen na ama ng ipinagbubuntis nito. Hindi gustong isipin ni Charles ang maaaring maging dulot niyon sa pagsasama nilang dalawa ni Chelsea pero sigurado siyang magiging magulo ang lahat sa pagitan nilang mag-asawa. Kampante naman si Charles na hindi siya ang ama ng anak ni Kathleen dahil kahit isang beses ay walang nangyari sa kanilang dalawa kaya malabong siya ang maging ama ng batang nasa sinapupunan nito. Ngunit alam ni Charles na sa isang babaeng katulad ni Kathleen na masasabi niyang papunta na sa pagiging desperada ay maaaring maging posible ang isang imposibleng bagay. Bago pa magawa ni Kathleen ang kung anumang masamang binabalak nito ay kailangang maunahan na ito ni Charles. Ngayon pa lamang ay kailangan nang malaman ni Charles kung sino ang totoong ama ng batang dinadala ni Kathleen. Ngunit paano? Maya-maya ay isang ideya ang pumasok sa isip ni Charles. Isang tao ang naiisip niyang maaaring nakakaalam kung sino ang tunay na ama ng batang dinadala ni Kathleen at iyon ay walang iba kundi ang kanyang kaibigan na ex-boyfriend ni Kathleen. Si Tony. Maaaring si Tony talaga ang totoong ama ng dinadala ni Kathleen at nagsinungaling lamang ito sa mga kaibigan nito para hindi na guluhin ng mga ito si Tony dahil naaalala ni Charles na sinabi ni Kathleen sa kanya noon na hindi nito gustong ipaalam kay Tony na ito ang ama ng batang dinadala nito. Nasa ganoong pag-iisip si Charles nang biglang tumunog ang kanyang phone. May tumatawag sa kanya. Nang sagutin ni Charles ang tawag ay narinig niya ang tinig ng boses ng isang babae mula sa kabilang linya. Charles: Charles Kasivic, speaking. Nang muling magsalita ang babae mula sa kabilang linya ay halos manlaki ang mga mata ni Charles. Hindi alam ni Charles kung dapat niya bang ikatuwa o hindi ang bagay na ibinalita sa kanya ng babae. Nang matapos ang tawag ay parang nahahapong umupo si Charles sa swivel chair na nasa likod ng kanyang office table at hindi makapaniwalang bumulong sa hangin. Charles: I-I can't believe this is happening. ---------- Halos manlisik ang mga mata ni Kathleen nang makitang dumating na si Tony at umupo ito sa upuang nasa kanyang tabi sa loob ng fast food restaurant na iyon. Luminga-linga muna si Tony sa paligid at nang masigurong walang nakakakilala sa kanilang dalawa ni Kathleen sa mga taong naroon sa loob ng fast food restaurant ay bumulong ito kay Kathleen. Tony: Bakit mo ako pinapunta rito? Huminga muna ng malalim si Kathleen bago nilingon si Tony at sa mahinang tinig ay pagalit siyang sumagot sa lalaki. Kathleen: Ano ang sinabi mo kay Chelsea nang mag-usap kayo noong isang araw? Bakit pinuntahan niya ako sa aking apartment unit pero ilang minuto lamang ay nagsabi siyang uuwi na? May pagbabanta sa tinig ng boses ni Kathleen habang tinatanong si Tony. Noong isang araw ay nagpunta ang kaibigan ni Kathleen na si Chelsea sa kanyang apartment unit ngunit eksaktong nasa clinic siya para sa kanyang prenatal visit. Sinabi sa kanya ni Chelsea nang tawagan siya nito na hihintayin na lamang siya nito sa kotse nito. Paalis na si Kathleen ng clinic nang makatanggap siya ng mensahe mula kay Chelsea na uuwi na ito at mag-usap na lamang sila sa ibang araw. Nang araw ding iyon ay tinawagan ni Tony si Kathleen para sabihin sa kanyang pinuntahan ito ni Chelsea para tanungin kung may ideya ito kung sino ang tunay na ama ng kanyang anak. Nang marinig iyon ay agad na kinabahan si Kathleen kaya naman nakipagkita siya kay Tony ngayon para alamin kung may iba pa itong nasabi kay Chelsea. Tony: K-kung ano lang ang pinag-usapan natin. S-sinabi kong wala akong alam tungkol sa pagdadalang-tao mo at wala akong ideya kung sino ang ama ng bata. Isang masamang tingin ang ipinukol ni Kathleen kay Tony bago itinuon ang kanyang atensyon sa mesang nasa kanilang harapan. Tony: Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit iba ang sinabi mo kay Charles sa sinabi mo sa iyong mga kaibigan. Nagkibit-balikat si Kathleen. Kathleen: Sinabi ko lang naman ang totoo sa aking mga kaibigan. Alam ko namang hindi sasabihin ni Charles kay Chelsea ang tungkol sa naging pag-uusap naming dalawa kaya hindi nila malalamang iba ang sinabi ko kay Charles. Kumunot ang noo ni Tony. Tony: So, bakit iba nga ang sinabi mo kay Charles? Bakit sinabi mong ako ang ama ng batang 'yan? Umiling si Kathleen habang nakatingin sa kawalan. Kathleen: Mas mabuti nang ang isipin ni Charles na ama ng bata ay ikaw kaysa malaman niyang bunga sa pagkakasala itong anak ko. Biglang nakaramdam ng habag si Tony nang makita ang isang butil ng luha na dumadaloy sa kanang pisngi ng dating kasintahan. ---------- Masama ang tingin ni Chelsea sa kagamitang hawak niya sa kanyang kanang kamay. Nang makita niya ang bagay na iyon sa labas ng apartment unit ni Kathleen ay bigla siyang kinutuban ng masama. Naalala ni Chelsea ang sinabi ni Kathleen noon tungkol sa pagbubuntis nito. Kathleen: Pero ayokong makasira ng relasyon ng iba. You see, th-third party ako. Ka-kaya mas mabuting hindi na niya malaman pa para hindi na magulo ang buhay naming dalawa. Biglang kumuyom ang kanang palad ni Chelsea at nakulong doon ang kagamitang naging dahilan para magkaroon siya ng ideya kung sino ang maaaring maging tunay na ama ng batang dinadala ni Kathleen. Chelsea: Kung siya nga talaga ang ama ng batang dinadala ni Kathleen, hinding-hindi ko sila mapapatawad na dalawa. Naningkit ang mga mata ni Chelsea habang maraming bagay ang dumadaloy sa kanyang isipan ngayon. ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD