THIRD PERSON POV
Nagmamaneho ng kanyang kotse si Chelsea nang biglang pumasok sa kanyang isipan ang tungkol sa pagbubuntis ng kanyang kaibigang si Kathleen.
Habang nasa honeymoon si Chelsea at ang kanyang asawang si Charles ay naisipan niyang makipag-video call sa kanyang mga kaibigan at doon nabanggit ni Kathleen ang tungkol sa pagdadalang-tao nito. Nabanggit din ni Kathleen na hindi ang ex-boyfriend nitong si Tony ang ama ng ipinagbubuntis nito.
Nang marinig ni Chelsea mula kay Kathleen na hindi si Tony ang ama ng anak nito ay pumasok sa kanyang isipan ang gabi ng official engagement party nila ng kanyang asawa. Nang gabing iyon ay nakita ni Chelsea si Charles na lumabas mula sa likod ng kanilang mansyon kasama si Kathleen at base sa ekspresyon ng mukha ni Kathleen ay mukhang galing ito sa pag-iyak.
Ayaw sanang i-entertain ni Chelsea ang ideyang may inililihim sina Charles at Kathleen sa kanya ngunit naalala niyang parang nailang si Charles sa kanya nang makita niyang halos magkasabay na lumabas mula sa likod ng mansyon ng mga Visitacion ang dalawa.
Nang gabi ng engagement party ay determinado si Chelsea sa kanyang sarili na alamin kung may sikreto sina Charles at Kathleen ngunit tuluyan na iyong nawala sa kanyang isipan nang maging abala siya sa mga sumunod na araw at linggo para sa preparasyon ng kanilang kasal ni Charles at muli lamang bumalik iyon sa kanyang isipan nang malamang buntis si Kathleen at hindi si Tony ang ama.
Hindi gusto ni Chelsea na pag-isipan ng masama ang kanyang asawang si Charles ngunit hindi mawala-wala sa kanyang isipan ang gabing iyon ng kanilang engagement party. Iniisip ni Chelsea kung posible kayang ang tungkol sa ipinagbubuntis ni Kathleen ang pinag-uusapan nito at ni Charles sa likod ng mansyon ng kanyang pamilya.
Nakadagdag pa sa hinala ni Chelsea ang kaalamang palaging dinadamayan ni Charles ang kanyang kaibigang si Kathleen sa tuwing namomroblema ito sa ex-boyfriend nitong si Tony na matalik na kaibigan naman ni Charles.
Hindi tumututol si Chelsea sa tuwing pinupuntahan ni Charles si Kathleen para kausapin ito tungkol kay Tony dahil hindi naman niya pinag-iisipan ng masama ang dalawa lalo pa nga at mas naunang nagkakilala ang mga ito nang maging boyfriend ni Kathleen ang best friend ni Charles. Mas unang naging magkaibigan sina Charles at Kathleen bago ipinakilala ni Kathleen si Chelsea kay Charles kaya naman masasabi ni Chelsea na si Kathleen ang naging daan para makilala niya ang lalaking nakalaan para sa kanya.
Buo ang tiwala ni Chelsea kina Charles at Kathleen.
Ngunit ngayong may isang bahagi ng puso ni Chelsea ang naghihinala sa kung sinuman ang tunay na ama ng ipinagbubuntis ni Kathleen ay hindi niya maiwasang isipin kung minsan bang may nangyari kina Charles at Kathleen noong mga panahong dinadamayan ni Charles ang kanyang kaibigan.
Humigpit ang kapit ni Chelsea sa manibela ng kotse at malakas na ipinilig ang kanyang ulo.
Hindi rapat nag-iisip ng ganito si Chelsea. Hindi rapat niya kinukwestyon ang katapatan ng lalaking nangako sa harap ng altar na mamahalin siya hanggang kamatayan.
Hindi rapat pagdudahan ni Chelsea ang kanyang asawang si Charles.
Nasa ganoong pag-iisip si Chelsea nang marinig niyang tumunog ang kanyang phone. May nagpadala sa kanya ng mensahe. Mula iyon sa kanyang asawang si Charles.
Gamit ang kanang kamay ay binuksan ni Chelsea ang mensahe sa kanyang phone.
"I'll visit my brother. See you soon, love. I love you."
Napangiti si Chelsea sa mensaheng iyon ng kanyang asawa.
Kahit noong magkasintahan pa lamang sina Chelsea at Charles ay palagi na itong nagpapaalam o nagsasabi sa kanya sa tuwing may pupuntahan ito o kung mawawala man ito ng matagal.
Dahil sa maiksing mensahe na iyon ni Charles para kay Chelsea ay nabawasan ang agam-agam na nararamdaman niya sa kanyang puso. Alam niyang mahal siya ni Charles at kailangan lamang na maging buo ang kanyang tiwala rito.
Tungkol sa tunay na ama ng anak ni Kathleen, naisip ni Chelsea na siguro ay mas maganda kung si Tony ang kanyang tatanungin tungkol doon. Siguro ay may ideya ito kung sino ang maaaring maging ama ng anak ng kanyang kaibigan.
Malapit na sa bahay ng best friend ni Chelsea na si Laura ang kanyang sasakyan nang mapansin niya ang isang kotseng nakaparada sa tapat ng bahay nito. Pamilyar kay Chelsea ang puting sasakyang iyon.
Itinigil ni Chelsea ang kanyang kotse di-kalayuan sa bahay ni Laura at inabangang makita kung sino ang may-ari ng sasakyang iyon.
Nanlaki ang mga mata ni Chelsea nang makita ang kanyang biyenang lalaking si Dimitri na palabas ng bakuran ni Laura.
Naguguluhan si Chelsea kung bakit naroon ang ama ni Charles sa bahay ng kanyang kaibigan gayong sa pagkakaalam niya ay hindi naman magkakilala sina Laura at Dimitri at nagkita lamang ang mga ito noong araw ng kasal nila ni Charles.
Iniisip din ni Chelsea kung ano ang posibleng pag-usapan nina Laura at Dimitri at kailangang sa bahay pa ng kanyang kaibigan magkita ang mga ito.
Hindi alam ni Chelsea kung tama bang sabihin niya kay Laura na nakita niyang nanggaling sa bahay nito ang kanyang biyenan. Hindi niya gustong magmukhang nakikialam sa personal na buhay ng kanyang kaibigan.
Ngunit aminin man ni Chelsea o hindi, para sa kanya ay hindi magandang tingnan na pumupunta sa bahay ng single na babae ang isang lalaking may asawa na lalo na at sila lamang dalawa ang nasa loob ng bahay. Concerned lamang si Chelsea sa maaaring isipin ng mga kapitbahay tungkol sa kanyang matalik na kaibigan.
Kung pagsasabihan ni Chelsea si Laura ay baka mahiya ito sa kanya at magkailangan silang dalawa. Naisip ni Chelsea na mas maganda siguro kung ang kanyang biyenang lalaki na lamang ang kanyang kausapin tungkol dito.
Umaasa si Chelsea na sana ay hindi siya magmukhang pakialamera kung sasabihin niya ang kanyang concern sa kanyang biyenang si Dimitri.
Hinintay muna ni Chelsea na makaalis ang kotse ng kanyang biyenan bago niya muling pinaandar ang kanyang kotse para huminto sa tapat mismo ng bahay ni Laura.
Ngayong araw ang napagkasunduan nina Chelsea at Laura na pag-usapan at pagplanuhan ang tungkol sa gagawing surprise ni Chelsea para sa birthday ng kanyang asawang si Charles. Matagal pa naman iyon pero katulad ng mga nakaraang surprise birthday party na in-organize ni Chelsea para kay Charles ay gusto niya iyong paghandaan isa o dalawang buwan bago ang kaarawan nito.
Si Laura ang pinakamatalik na kaibigan ni Chelsea sa lahat ng kanyang mga kaibigan at alam niyang maaasahan niya ito pagdating sa pagpapanatiling lihim ng kanyang inihahandang surprise hanggang sa mismong araw ng kaarawan ng kanyang asawa. Nagawa na nila ito rati kaya kampante si Chelsea na muling magiging matagumpay ang sorpresa niyang ito para kay Charles.
At kung papalarin ay gusto ni Chelsea na maibigay kay Charles ang pinakamagandang regalo na maibibigay niya rito sa mismong kaarawan nito.
Gamit ang kanang kamay ay marahang hinimas ni Chelsea ang kanyang tiyan.
Soon.
----------
Inis na inis si Priscilla nang malamang pinababantayan siya ng kasintahang si Brandon sa isang tauhan nitong hindi naman kilala ni Priscilla kung sino.
Ang sinabi lamang ni Brandon kay Priscilla ay huwag siyang magkakamaling gumawa ng bagay na hindi nito magugustuhan kung ayaw niyang mawala sa kanya ang lahat ng kaginhawaang tinatamasa niya ngayon.
Sumisikip ang mundo ni Priscilla at hindi maganda ang ibig sabihin niyon para sa kanyang planong paibigin ang pinakamamahal niyang si Charles.
Malakas na ibinato ni Priscilla ang hawak na wine glass sa dingding ng kanyang condominium unit at nang mabasag ito sa sahig ay nagpupuyos ang kanyang kaloobang sumigaw sa buong unit.
Priscilla: I hate you, Brandon Visitacion! I hate you so much! I hope you die, you selfish bastard!
Matalim ang mga matang tumitig si Priscilla sa labas ng malaking bintana ng kanyang condominium unit at nag-iigting ang mga pangang bumulong sa hangin.
Priscilla: Hindi ko hahayaang sirain mo ang buhay ko, Brandon. Kung maruming laban ang gusto mo, sige, pagbibigyan kita.
----------
Nakangiting pinagmamasdan ni Kathleen ang kanyang reflection sa salamin habang hinihimas ang kanyang tiyan. Dalawang buwan na ang kanyang ipinagbubuntis at walang pagsidlan ang katuwaan ni Kathleen habang iniisip ang araw na isisilang niya sa mundo ang anak.
Marahang nagsalita si Kathleen sa harap ng salamin.
Kathleen: Hinding-hindi kita pababayaan, anak. Hindi ako tutulad sa lolo at lola mo na pinabayaan lamang ang anak nilang maghirap sa mundong ito rahil sarili lamang nila ang kanilang iniisip.
Sa puntong iyon ay nawala ang ngiti sa mga labi ni Kathleen at nabalot ng lungkot at hinanakit ang kanyang mukha.
Kathleen: Ibibigay ko sa iyo ang isang buong pamilya, anak. Gagawin ko ang lahat ng paraan para maging ama mo si Charles.
Nang mabanggit ang pangalang Charles ay nagliwanag ang mukha ni Kathleen at nagningning ang kanyang mga mata.
Kathleen: Si Charles ang karapat-dapat mong maging ama, anak, dahil nakikita kong magiging isa siyang responsableng ama at, syempre, mapagmahal na asawa.
Sandaling kumislap ang mga mata ni Kathleen habang iniisip ang hinaharap na kasama niya si Charles at ang kanyang anak.
Ngunit alam ni Kathleen na kailangan niyang paghirapan ang kanyang pangarap na maging asawa si Charles na asawa ng kanyang kaibigang si Chelsea. Kaya naman sisimulan na niya ang pagpapakita ng kanyang pagmamahal dito habang maaga pa at malayo pa ang kanyang kabuwanan.
Kathleen: Wait ka lang, baby, ah. Bago ka maipanganak, sisiguraduhin kong magkakaroon ka na ng Daddy Charles.
Isang ngiting puno ng pag-asa ang sumilay sa mga labi ni Kathleen habang nakatitig sa salamin.
----------
Nagulat si Tony ng isang malakas na sampal mula kay Graciela ang tumama sa kaliwang pisngi nito. Kung hindi lamang iniisip ni Tony na babae si Graciela ay baka nasaktan na nito ang babae.
Malakas ang tinig ng boses ni Tony nang magsalita sa harapan ni Graciela.
Tony: Ano ba ang problema mong, babae ka?! Bakit bigla ka na lang nananampal?!
Nakakuyom ang kanang kamao na tumaas ang isang kilay ni Graciela.
Halos pasigaw din ang pagsasalita ni Graciela nang sagutin si Tony.
Graciela: Nagtatanong ka pa?! Ha?! Ano ang ibig sabihin nito?!
Nanlaki ang mga mata ni Tony nang gamit ang kaliwang kamay ay iniharap ni Graciela rito ang screen ng phone ng babae.
Isang video ang nagpi-play doon at kung hindi nagkakamali si Tony ay kuha iyon noong gabi ng stag party ng kaibigan nitong si Charles kung saan sumasayaw at gumigiling si Graciela bilang si "Lady In Heat".
Nang muling magsalita si Graciela ay halos pabulong na lamang iyon habang nagtatagisan ang kanyang mga ngipin sa sobrang galit na kanyang nararamdaman para kay Tony.
Graciela: Nag-usap tayo, Tony. Sinabi ko sa 'yong walang kukuha ng video. Iyon na nga lang ang gagawin mo kapalit ng malaking halagang ibinayad ko sa 'yo ay pumalpak ka pa.
Si Tony ay napahilamos sa mukha nito at pagkatapos ay hindi makapaniwalang umiling.
Tony: Pa-papaano napunta sa 'yo 'yan?
Naniningkit ang mga matang sumagot si Graciela kay Tony.
Graciela: Hindi ko alam. Anonymous sender. Ipinadala sa email ko.
Tumingala si Tony sa madilim na kalangitan habang umiiling pa rin.
Naroon sina Graciela at Tony sa labas ng isang abandonadong building kung saan pinapunta ni Graciela ang lalaki para alamin kung kanino nanggaling ang video.
Graciela: Ngayon, tatanungin kita. Kanino galing ang video na ito?
Mariing pumikit si Tony bago muling hinarap si Graciela.
Napalunok muna ng laway si Tony bago nagsalita.
Tony: A-ako ang kumuha ng video. Pero h-hindi ako ang nagpadala sa 'yo niyan.
Itinuro pa ni Tony ang video na nagpi-play sa cellphone ni Graciela.
Nagdilim ang mukha ni Graciela.
Tony: I-isang tao lang naman ang pinasahan ko niyan. S-si Charles.
Nanlaki ang mga mata ni Graciela nang marinig ang pangalan ng kanyang lalaking iniibig.
----------
Hindi makapaniwala si Charles sa ipinapamalas na enerhiya sa pakikipagtalik ng asawa nitong si Chelsea ngayong gabi.
Matapos mag-shower ni Chelsea ay bigla na lamang niyang dinaluhong ng halik ang hubo't hubad niyang asawang si Charles na nakahiga sa ibabaw ng kanilang kama pagkalabas niya ng en suite bathroom ng kanilang master's bedroom.
Nagulat man si Charles ay nakuha pa rin nitong hubarin ang suot na bathrobe ng asawa at agad na inilublob ang mukha nito sa pagitan ng dalawang pakwan ni Chelsea at nang maglaon ay ang dalawang pakwan naman ng misis ang pinagtuunan ng pansin gamit ang dila at bibig nito.
Nagulat pa si Charles nang bigla itong pahigain ni Chelsea sa kama at nagkusa ang misis nito na romansahin ang katawang pangkama ng lalaki. Halos magdeliryo si Charles nang magpalipat-lipat ang mga labi ni Chelsea sa pagkain sa dalawang bilog na nasa ibabaw ng malapad na dibdib ni Charles.
Pinasadahan din ng dila ni Chelsea ang katawan ng kanyang mister mula sa dalawang balikat nito pababa sa mga braso at mga bisig nito. Kahit ang mga daliri sa mga kamay ni Charles ay hindi pinalagpas ni Chelsea at isa-isang isinubo iyon sa loob ng kanyang bibig.
Halos hindi humihinga si Charles nang magpalibot-libot ang mga labi at dila ni Chelsea sa katawan ng lalaki lalo na nang magpaikot-ikot ang dila ni Chelsea sa paligid ng pusod ni Charles.
Gulat na gulat si Charles nang dumako ang ulo ni Chelsea sa pagitan ng mga hita nito. Kahit kailan ay hindi ginawa ni Chelsea ang bagay na iyon kay Charles at inintindi nito iyon. Pero ngayong gabi ay ibang-iba ang Chelsea na nakikita ni Charles.
Parang hayok na hayok si Chelsea sa pagtikim ng katawan ni Charles nang mga oras na iyon.
Napakapit ang dalawang kamay ni Charles sa bedsheet nang maramdamang pumaloob sa loob ng bibig ni Chelsea ang buong sukat ng malaking alaga nito.
Nang maramdaman ni Charles ang mga daliri ni Chelsea na sumusundot sa butas ng pang-upo nito ay halos mawala sa ulirat ang lalaki.
Hindi na makapagpigil si Charles at gusto nang magpasabog ng alaga nito ngunit gusto pa nitong patagalin ang pakikipagtalik sa asawa lalo na sa ipinapakitang kahayukan sa laman ng misis nito ngayon.
Akmang patitigilin na ni Charles sa pagsubo ng alaga nito ang asawa nang bigla na lamang umibabaw si Chelsea sa katawan ni Charles at diretsong ipinasok ng babae ang matabang alaga ni Charles sa loob ng kanyang hiyas.
Sabay na umungol ng malakas sina Chelsea at Charles kasabay ng mabilis na pagsasalubong ng kanilang mga katawan. Nang matapos sa pag-ungol ay agad na ikinulong ni Chelsea sa loob ng kanyang bibig ang dila ng kanyang asawa at sinipsip iyon.
Malayong-malayo ang Chelsea na nakikita ni Charles ngayon kumpara sa Chelsea na hinahayaan lamang na ito ang trumabaho sa ibabaw ng kama. Gustong alamin ni Charles kung ano ang dahilan ng pagbabago ng misis nito ngunit saka na iyon. Sa ngayon ay sasamantalahin muna ni Charles ang ipinapakitang kakaibang gana sa pakikipagtalik ni Chelsea.
Ilang sandali pa ay sabay na nakaraos ang mag-asawang Chelsea at Charles. Parehong may ngiti sa kanilang mga labi rahil sa satisfaction na nadarama.
----------
itutuloy...