Fern Araojo NAKASUNOD AKO palabas ng building kay Garreth, sinalubong siya ng isang valet nung makalabas kami at makarating sa parking lot. Ang lalaki ay binigay ang susi sa kanya tsaka huminto ito sa sasakyan na nakaparada sa harapan namin. Itim na sasakyan iyun at maliit lang, sportscar kung hindi ako nagkakamali. “Get inside the car.” Umikot siya at pumasok sa driver’s seat. Nagmamadali akong pumasok sa likod ng sasakyan niya. Nakita ko ang pagkatigilan nito saglit at pagbaling sa akin. Masungit lang siyang umiwas ng tingin at inayos ang seatbelt nito. “Fern, right?” abala siya sa pagmamaneho pero nagawa akong sulyapan sa rearview mirror nito. Agad ko siyang nginitian ng matamis, agad rin naman iyung nawala nung bumalik ang tingin niya sa kalsada. “What do you often do under my

