Fern Araojo
ABALA KAMI sa pag-make up nung pumasok si Madam sa dressing room. Agad silang nagsitayuan para batiin siya, akmang tatayo ako nung lapitan na niya ako agad.
“I need you in my office, Fern. Right now.”
Habang nag-iisip ako sa mga ginawa nitong nakaraang araw ay hindi ko napansin na pumasok na si Madam ng opisina niya. Napaayos ako ng upo at agad sumilay ang tamis na ngiti sa labi ko. Ngunit naging bahaw dahil hindi ako pinansin ni Madam at tila aligaga, busy na halos hindi napansin ang presensya ko.
Pumasok ang sekretarya niya at inabot ang papel. Pinirmahan niya ito at napahilot ng sentido. Nakasuot siya ng dress na kumikinang, hapit na hapit ang katawan. May katandaan na pero maganda pa rin, mukhang madami si Madam kliyenti nung kapanahunan niya. Stripper din yan noon kung hindi ako nagkakamali.
“Was this approved by Doctor Buenavista? Pasado ba ang babae natin?”
Palipat lipat ang tingin ko sa dalawa.
“Yes, Madam! Sana magtagal ng ilang gabi. Tuwang tuwa nga, malaki ang kikitain niya ngayon.”
“Good job! Pero may isa pa tayong problema.” Napahinto siya panandalian, tinuro ako nung sekretarya niya kaya dahan-dahan itong napabaling sa akin.
Ano na naman ba ang ginawa ko? Tinignan ko lang silang dalawa, may kumpiyansa sa sarili na wala akong ginawang palpak. kung yung nangyaring gulo sa labas ng bar ay dedepensahan ko ang sarili ko.
“Tatlo yung kliyenti ko kagabi. Wala yun pahinga kakagiling,” agad kong paalam sa kanila.
“Maiwan ko na ho kayo, Madam. Tignan ko lang ang mga babae sa baba.” Ngumiti ang babae sa amin at nagmamadaling umalis.
Mabilis na umupo si Madam dahilan para gumalaw ang swivel chair niya. Nilapit niya ang upuan sa lamesa at abala sa pag-ayos ng mga papel sa harapan.
“Fully booked na ang mga VIP Strippers para sa gabing ito.” Umangat ang tingin ni Madam sa akin. “Narito ang mga anak ng bigatin at kilalang mga tao. Santiago, Buenavista, Palma, at Vargaz. Dalawa sa kanila ay may na-booked na babae sa gabing ito.”
Andito pala ang mga anak ng bigating mga negosyante? Itong grupo ng magkakaibigan ay kompleto yata sa gabing ito? Ano kaya ang meron at bakit sila nandito?
Biglang kumalabog ang dibdib ko at napaayos ng upo. Mas nakinig ng maayos at halos hindi mapakurap.
“But unfortunately, Mr. Conrad Ramirez took one girl tonight. Nagkagulo sa schedule. Nakakahiya kay Mr. Rivenom Buenavista dahil pumalpak kami sa schedule na binigay. We offered another VIP pero ayaw niyang umulit ng babae. At ayaw niya rin ng babae na na-booked na ng mga kaibigan niya.”
Dahan-dahan akong napanguso at tumango. Ayaw nila ng babae na na-booked na ng mga kaibigan nila. Nakakatawa yun, hindi niya ba alam maraming lalaki ang narito gabi-gabi. At gabi-gabi rin ang mga babae rito na may paiba-ibang lalaki? Napangisi ako. Hindi ko makita ang pinagkaiba.
“We let Mr. Buenavista choose a girl on the second floor.” Taka akong bumaling ng atensyon sa kanya. “Kaya ka nandito.” Umiwas siya ng tingin at binigay sa akin ang isang mamahaling box.
Namilog ang mga mata ko at halos mapasigaw sa tuwa. Ako? Ako talaga?
“Ako? Ako yung pinili?” hindi makapaniwalang sambit ko at napangisi.
Napailing ito at pagod na bumuntong hininga.
“Kung ako lang ay hindi ko ito gusto, Fern. There are no rules when it comes to this, you know what I mean. Hindi ko alam kung mapapanatag ako na ang tanging patakaran dito ay no s****l intercourse.” Natigilan ako at nakitaan ko ng pag-aalala si Madam. Alam ko ang tinutukoy niya at naiintindihan ko naman yun. Hindi katulad sa amin, kayang makipag-negotiate. Pero rito ay wala, ang hindi lang pweding gawin ay ang sinabi ni Madam. Yun lang. “But I have no choice, ikaw ang napili sa lahat ng babae sa second floor. Now… go to the dressing room with the Flower Girls and wear these clothes.”
Mabilis ko iyung kinuha at namangha nung makita ang nakaukit na pangalan sa labas ng box. Kasama ay bulaklak sa tabi ng pangalan.
“Your stage name is Lilac for tonight. Ayaw ko ng palpak sa gabing ito.” Seryoso siya nang tignan ako. Mabilis akong tumango at halos matunaw ang puso sa tuwa habang hinahaplos ang pangalan ko at bulaklak.
Ang VIP Stripper ay hindi na sumasayaw sa harap ng maraming lalaki. Ang mga kliyenti ay pipili na lang at ipapasayaw sa kanilang harapan. O sa grupo ng mga lalaki na magkakasama. Depende pa rin. Hindi katulad sa amin na nasa malaking bulwagan at doon sasayaw, magpapakitang gilas na mapili. Dito, VIP room agad ang unang interaksyon.
IBANG IBA ANG pakiramdam sa dressing room ng mga babae. Magulo, pero hindi kasing gulo katulad sa mga kasamahan ko.
“Dahlia! Rose! Hand me the tissue please,” sambit ng katabi ko at bumaling sa salamin. Napasulyap siya sa akin nung mapansin ang pagkatulala ko sa ganda nito. “Oh! Hi! Ikaw yung girl sa second floor? I am Iris.”
Ngumiti ako agad, sinulyapan niya ang box na dala ko at bumalik ang tingin sa akin.
“Nice meeting you Lilac.” Ngumiti ito at bumaling na agad sa salamin. “You want me to fix your makeup?”
Hindi ako makapagsalita, hindi rin ako umangal at tumango lang. Inikot niya ang umupuan paharap sa akin at sinimulan akong ayusan ulit. Para bang ang make-up na ginawa ko sa sarili ay hindi maganda dahil halos alisin niya iyun lahat.
“We don’t cover our face with too much makeup. Kahit lipstick, mahirap na kapag nagkahalikan, maiirita lang ang kliyenti natin. Too much coverage on our face is not recommended. Malalasahan nila yung make-up, magrereklamo yung iba magagalit pa.” Hindi ko alam yun. Kaya pala hindi ganun kakapal ang mga make-up nila, mas litaw ang natural na ganda. “Sino ang kliyenti mo ngayong gabi?”
“Mr. Buenavista.”
Humagikhik ito at napatakip sa kanyang labi.
“Wow! Ako naman si Mr. Malcom Vargaz. Ang magkaibigang iyan ay lagi rito.” Ngumisi ito at napahagikhik. “Pero ngayon ko lang narinig na nag-booked ng stripper si Malcom Vargaz.”
Vargaz… siya ang panganay na Vargaz. Yung nakita ko sa parking ay ang sumunod dito. Si Malcom ang siyang kasalukuyang namamahala ng kanilang mga negosyo. Samantalang yung nakababatang kapatid niya na si Garreth ay ito naman ang walang ibang ginawa kundi magliwaliw.
Bigla akong napaisip. Si Malcom ang isa sa mga namamahala ng negosyo ng mga Vargaz… Mas mukhang mabait siya kumpara sa kapatid niya na ang gaspang ng ugali.
“Gusto mo palit tayo?” mahinang bulong ko sa kanya. Natigilan ito at matagal akong tinignan.
“Ayoko. Ayos lang naman sa akin. Hindi naman ako lugi. I like Mr. Vargz also.”
“Palit tayo, gusto ko rin si Mr. Vargaz,” agap kong sagot at napakagat ng pang-ibabang labi.
Chance ko na ito. Nandito na ako, bakit ko pa palalampasin ito? Pero… mapapatay ako ni Madam kapag nalaman niya ang ginagawa ko.
“No. Ayoko. Mawawalan ako ng trabaho kapag nabulilyaso tayo. Ikaw ang pinili ni Mr. Buenavista. Ako ang pinili ni Mr. Vargaz. Kapag nagpalitan tayo, magtataka sila. Makakarating ito kay Madam.” Tumigil na siya sa ginagawa at umupo na ng maayos. Bumalik na siya sa pag-aayos sa sarili niya.
“Hindi niya malalaman,” pamimilit ko pa. Hindi siya umimik at nagpatuloy na tila walang narinig. “Hati tayo sa kita ko ngayong gabi. Please? Gustong gusto ko talaga si Malcom Vargaz. Kapag nakita ko siya ngayong gabi, matutupad na ang isa sa mga pangarap ko.” Napatingala ako at parang tangang nangungusap.
“You’re kidding. Seryoso ka ba?”
“Walang makakaalam. Kung magkabukingan… akong bahala sayo. Ako ang mananagot.” Kinindatan ko ito pero napaiwas lang siya ng tingin at umiling sa harap ng salamin.
Pumayag kana. Tang ina, malaking pera mawawala sa akin para rito dahil hahatian kita. Hindi kana lugi oy.