EXCHANGE

2355 Words
Fern Araojo  KABADO AKONG napaangat ng tingin sa numero ng pintuan. Kagat labi akong napatitig doon tsaka bumuntong hininga. Hinawakan ko ang doorknob at pinihit iyun. Unang salubong sa akin ay kurtina. Madilim ang paligid, ang ilaw ay sapat na upang may makita. Dim lang ngunit mukhang disenti ang set-up ng kanilang silid at hindi nakakahilo. Hindi katalud sa amin na ultimo upuan ay tinipid. Ang scent ng silid, sobrang bango. May background music din na hindi ganun kalakas. Tinignan ko ang suot, maikling pulang dress na madaling hubarin sa paghila lang ng tali. Sa loob naman ay ang suot kong lingerie na itim. Mariin akong pumikit at bumuntong hininga. Lumabas ako sa kurtina kaya agad napaangat ng tingin sa akin ang lalaking nakaupo sa couch, pormal ang damit at nasa kalagitnaan ng pagsalin ng alak sa baso. Ang malapad na kilay ay salubong, ang labing mapula ay awang ng kaunti, at magulo ang buhok. Namilog ang mga mata ko nung mapagtanto na hindi ito si Mr. Malcom Nikolai Vargaz kundi ang nakababatang kapatid niya na si Garreth Denzel Vargas. Napasinghap at napanganga sa natagpuan sa couch. Umangat ang ulo nito at nagtama ang mga tingin namin. Kung minamahalas ka nga naman. Bakit siya ang nandito? Tama ba ang sinabi ni Iris? Tama naman, diba? Malcom, si Malcom Vargaz ang kliyenti niya. “Why are you standing there? Aren’t you supposed to strip?” Magaspang na ugali at kung makautos ay tila hari. Humilig ito sa upuan at nilagay ang isang braso sa likod ng inuupuan, pinagparte ang hita at tila naghihintay sa magandang palabas. Hindi ako nakapagsalita agad at natulala rito. Ang rumehistro sa akin ay ang nangyari sa parking lot. Mukhang hindi niya ako agad namumukhaan dahil madilim. Kahit sexy siya tignan sa ayos niya ngayon… si Malcom pa rin ang gusto kong makita. Kung kaya pinigilan ko ang pagsimangot. “Nagkamali yata ako ng kuwartong napasukan?” pilit ko siyang nginitian. “You’re in the right room. My brother booked a stripper as a birthday gift for me.” Birthday niya kung ganun? Anong klase silang magregalo? Stripper ng club? At anong sabi nga niya? Cheap? Bakit siya nandito kung tingin niya cheap akong stripper? “Akala ko si Malcom…” hindi ko napigilang bulong sa sarili. Nakita ko kung paano siya napataas ng kilay at pagak na humalakhak. Gumalaw ang labi nito at pinasadahan ako ng tingin. Tingin ko ay mukhang hindi niya nagustuhan iyun. “Tatayo kana lang ba riyan? Dahil iba ang inaasahan mong makikita ngayong gabi?” Yung bitterness sa boses niya ay halatang halata. “Dance and strip,” matigas niyang utos. Nagpapakita ng kagaspangan. Napalunok ako nagsimulang gumalaw ng dahan-dahan. Sinakop ko ang buong buhok para ilagay sa kabilang balikat. Pero mas lalo lang yatang hindi nagustuhan ni Mr. Vargaz ang ginagawa ko. Mabilis kong hinila ang tali ng suot kong dress. Napanguso ako nung hinilot niya ang sentido at nasa kalagitnaan na ako ng pagpapasya kung hihinto na ba ako o magpapatuloy at mas gagalingan ang ginagawa. Kapag sumasayaw naman ako at naghuhubad, wala namang nagrereklamo at mukhang nasisiyahan naman sila. Sa lahat ng kliyenti ko ay siya lang yata ang hindi. “What a great way to waste my time and dump my date tonight,” sambit nito at kumuha ng wallet, naglabas blue bills na malapad tsaka nilapag sa lamesa. Namilog ang mga mata ko dahil mukhang aalis na siya agad. Mabilis akong lumapit sa kanya at bago pa siya makatayo ay kumandong na ako rito. Napataas siya ng dalawang kamay at lito akong tinignan. Grabe rin kung umiwas akala mo hindi narito para makipaghalikan sa babae. “Hindi pa ako nagsisimula, huwag ka munang umalis.” Hinawakan ko siya sa dibdib tsaka hinilig sa couch. Napahinto ako saglit at tinitigan ito. Pareho kaming napahinto at natahimik. Hanggang sa mapanuya niya akong tinignan at pinipigilan ang ngisi sa labi. Naiinis ako sa kanya, hindi maipagkakaila na guwapo siya pero ang sama ng ugali. Bumagsak ang tingin niya sa katawan ko hanggang sa palad kong nasa dibdib niya. Ang tigas ng katawan niya at ramdam ko ang ganda nito. “You’re not very good in dancing,” komento nito dahilan para masira ang mood na sinisimulan kong gawin. “Pero magaling akong humalik.” Matamis ko siyang nginitian at hindi nagpatalo. Dinilaan niya ang pang-ibabang labi at sinulyapan ang awang kong labi. Dahil kinakapos na ako ng paghinga sa lakas ng t***k ng dibdib ko. Pakiramdam ko papalpak ako ngayon at mapapagalitan ni Madam. Yumuko ako at sinimulang halikan siya sa leeg. Napapikit ako sa sobrang bango niya. Halos makalimutan ko ang ginagawa at panandaliang nawala roon. Hinalikan ko siya sa ilalim ng tainga niya. Naramdaman ko ang tuluyan niyang paghilig sa couch at pagbagsak ng palad sa aking hita. Mahina siyang napaungol habang umaakyat ang palad papunta sa aking dibdib. Ang halik ko at umangat papunta sa kanyang panga. “Hmm…” Naramdaman ko na lang ang palad niya sa aking leeg at hinlalaki sa aking pisngi. Malamig at may pagka-arogante ang titig niya sa akin. Hanggang sa hinawakan niya ang baba ko at inangat para mahalikan sa labi. Pagkalapat ng labi niya sa labi ko ay unang salubong ng halik ay agresibo at may konting rahas. Napapikit ako sa lalim at walang tigil niyang paghalik. Walang panama ang halik na ginagawa ko gabi-gabi sa paraan ng paghalik niya. Sigurado akong hindi na mabilang ang babae nito. Paano at ang galing niyang humalik. Huminto siya para halikan ako sa baba papunta sa aking leeg. Napatingala ako ng kaunti, ang isang palad niya ay nasa likod ko at kinabig ako sa kanyang dibdib. Napasinghap ako at napalunok. Nararamdaman ko sa hita ko ang isa niyang kamay na may sariling mundong gumagalaw papunta sa aking puwet hanggang sa dumako iyung sa aking gitna. Naramdaman ko ang daliri niya at kamay niyang nasa likod ko. Pwedi akong tumanggi, pwedi akong magreklamo. Pero dahil alam kong isa akong VIP stripper sa gabing ito ay wala akong pweding gawin lalo na bigatin ang mga kliyenti rito. Basta walang s*x na magaganap. “Bago ka lang ba dito?” Kumunot ang nuo ko. Ang mga daliri niya ay nanatili sa aking gitna, hindi gumagalaw pero naroon lang. Nahihirapan akong napalunok at mariin na pumikit. “You should grind and see if I got aroused by your body.” Napamulat ako ng mga mata at kumurap kurap. “You’re not even sexy. I wonder why my brother booked you. Eto ba ang mga tipo niyang babae? Sobrang layo naman sa mga tipo ko,” sambit pa nito at marahan na humalakhak tsaka ako hinalikan sa leeg pababa sa aking dibdib. Gusto kong taliman at simangutan ang lalaking ito. Ang ugali niya talaga ay walang pinipiling lugar at tao. Nilagay ko ang dalawang palad ko sa kanyang dibdib at nagsimulang gumalaw sa ibabaw nito. Tinanggal niya ang kamay sa aking gitna at napahilig sa couch. Uminit ang pisngi ko at inayos ang pagkakaupo sa hita niya hanggang sa maramdaman ko ang pagtigaas ng p*********i niya sa gitna. Nakita ko ang paggalaw ng labi niya at pagnguso kalaunan. Senswal akong tinititigan na gumagalaw sa ibabaw niya. “Hindi ba sexy? Bakit ka tinitigasan?” malambing kong saad sa kanya at hinalikan siya sa pisngi, malapit sa labi nito. Napaawang siya ng labi at napasulyap sa paghalik ko. Napahawak siya sa aking baywang, inuudyok akong magpatuloy sa paggalaw sa ibabaw niya. Napapikit ito at humilig sa couch. Napahinto ako saglit para titigan ang panga nito at Adam’s apple na gumagalaw ng konti sa bawat lunok niya. Hindi niya ako sinagot sa tanong ko. Nanatili lang ang paghahaplos sa aking baywang at hita. Nung siguro napansin niya ang paghinto ko ay umangat ang ulo niya at nagtama ang mga mata namin. Ang ilaw sa silid ay nagbigay repleksyon sa kanyang mukha. Tumagal ang titig ko sa mga mata niya na kahit may kalamigan at tila puno ng panunukso ay sobrang lalim at nakakatunaw ang titig niya. Guwapo ng mga Vargaz, manang mana sa mga magulang nila. “Binibitin mo ako,” usal sa paos na boses. Nilapit ko ang labi ko sa kanyang tainga. Mukhang hindi ako namumukhaan ng isang ‘to. Tignan natin kung ano na lang ang sasabihin mo. “Talaga?” tuwang saad ko. “Ang cheap na stripper na pinag-aawayan ng dalawang lalaki sa labas ng bar ay binibitin ka?” malambing kong dagdag. Natigilan siya at hindi agad na nakagalaw. Nung umayos ako ng upo at nanatili sa kanyang hita ay tsaka nagtama ang aming mga mata. Saglit na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Napatikom siya ng labi at para bang lumiwanag ang kanyang mukha panandalian. “Aah…” marahan niyang usal. “So, do you offer extra service?” ngisi niya kaya lumamig ang kaninang malanding titig ko sa kanya. “Magkano ba ang kaya mo? Kaya mo ba ang presyo ng cheap na katulad ko?” hindi ko na napigilan na mairita. Ang titig niya ay rumiin. Doon ay napailing siya na tila hindi inaasahan na ako pa ang kanyang makakasama sa gabing ito rito. “Are you also going to scam me?” mapanuyang biro niya at hinawi ang buhok ko na tumatakip sa aking dibdib. Kung pwedi lang siyang sapakin ay ginawa ko na at hindi na nagpipigil pa. Pero naisip ko, wala akong pera at mas malaking gulo kapag ginawa ko yun. Bago pa ako makasagot ay napasigaw na ako sa biglang pagbukas ng pintuan. Namilog ang mga mata ko at agad umalis sa pagkakandong sa hita ni Mr. Vargaz para tumayo. “Madam… ideya ho ito ni Lilac,” mahinang sambit ni Iris na nasa pintuan kasama si Madam, isang tauhan nito… at si Mr. Buenavista na kaibigan ng kasama kong lalaki sa silid. Inabot sa akin ni Mr. Vargaz ang dress para siguro takpan ang katawan ko dahil may mga tauhan na lalaki sa likod nila. Hindi ko naman maintindihan kung bakit niya ginawa iyun. Trabaho ko naman ang maghubad sa harap ng mga kalalakihan. Kahit iritabli ay kinuha ko iyun sa kanya. “What is going on here?” Tumayo siya at hinarang pa sa akin ang katawan niya. Sumilip ako at kabadong nakikiusap kay Madam kahit sa tingin lang. Pero tikom ang labi at nakamamatay ang titig niya sa akin. “That is the stripper I booked,” usal ni Mr. Buenavista at napangisi. Nang sulyapan ako ay agad akong nagtago sa likod ni Mr. Vargaz. “Nagkapalitan tayo. Ah! Hindi. Sinadya ata ito.” Tang ina, Fern! Magdasal kana at mawawalan kana ng trabaho. “I wonder why she is there and exchanged client with this stripper,” aniya sa katabing si Iris na problemadong problemado ang mukha. Mr. Buenavista is wearing casual clothes. Kaibigan ni Mr. Vargaz, mas matanda ito sa kanya at mas pormal ang ayos. Malinis ang pagkakagupit ng buhok. Mukhang istriktong tignan. “I want to apologize but it was not my idea. It was Lilac’s idea because she knew that Mr. Malcom Vargaz is my client and she wanted to exchange with me… dahil gusto niya ang kliyenti ko…” paliwanag ni Iris. Napahigpit ako ng hawak sa dress at mariin na pumikit. Nanatili ang pagtatago sa likod ni Garreth Vargaz. Nakakahiya ang sinabi niya, uminit ang pisngi ko at gusto ko na lang maglaho sa likod nito, ano na lang ang iisipin niya? “Kaya nakipagpalit ako. Dahil hahatian niya raw ako sa kita niya for tonight,” dagdag pa niya. Dahan-dahan na bumaling si Garreth Vargaz sa akin. Madilim ang titig at tila ang galit ay sukdulan. Napanguso ako at umiwas ng tingin sa kaba. Hindi sa kanya, kundi kay Madam. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at napayuko. Narinig ko ang pagngisi niya. “Excuse me, Mr. Garreth Denzel Vargaz. We sincerely apologize for our mistake and we will take action on this. We will send you an arrangement on how we can fix this misunderstanding. Magpapadala ho kami ng regalo o anumang kahilingin ninyo para makabawi kami. Gayundin sainyo, Mr. Rivenom Seve Buenavista. Paumanhin ho.” Kalmado at tila casual ang boses ni Madam pero ramdam ko na na nagngingitngit na yan sa galit sa akin. “Lilac? You go with my men to the office.” “Let her dress first,” suhestyon ni Garreth at napaupo sa couch. Dahan-dahan na umangat ang tingin sa akin at tila galit na galit. Malamig at mariin ang titig. Mas ramdam ko pa ang galit niya kaysa kay Madam. Tumango si Madam ngunit nanatili siya sa labas ng pintuan, abala na ngayon sa paghingi ng tawad kay Mr. Buenavista. Mabilis akong nagsuot ng dress sa harapan ni Garreth Vargaz at yumuko. Pero ang tingin ko ay bumagsak sa kanyang gitna. Kumunot ang nuo ko at napakurap kurap dahil kita ko ang umbok doon. Hindi sexy? Cheap? Titignan kung titigasan siya? Kaya ba galit na galit, Mr. Vargaz kasi nabitin ka? Oow… agad siyang tinigasan sa kandong at halik ko? Hindi ko alam kung bakit natutuwa pa ako imbes na matakot para sa galit mamaya ni Madam sa akin. Gusto kong mapamura at magpakawala ng halakhak dahil kahit papaano ay pakiramdam ko nakabawi rin ako. Pero pinigilan ko ang sarili ko at napangisi na lang, ngunit sa pag-angat ng tingin ko ay naabutan kong pinapanuod ako nito at tila alam ang tumatakbo sa isip ko. Crossed-arms at salubong ang kilay, madilim ang titig at umiigting ang panga. Napaubo ako at tumikhim. Agad umiwas ng tingin. “Pasensya na po,” usal ko sa maliit na boses pero labas sa ilong ang sinabi ko. At alam kong alam niya yun. Narinig ko ang marahas na pagbuntong hininga nito. Halos takbuhin ko ang pintuan, pagdaan ko pa lang kina Iris at Madam ay para akong nanliit at mas binilisan na lampasan sila. Sumama ako sa mga tauhan ni Madam, kaming dalawa ni Iris na nakasimangot na sa akin at iritado. Napalingon ako at nakita kong lumabas na sa silid si Mr. Vargaz at kaibigan nito. Kasama si Madam na tila nakikipag-usap pa rin sa dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD