CHAPTER TWO

2655 Words
"Pwede n'yo na po buksan ang mga mata." Nang marinig ko ang sinabi ng make-up artist ko ay marahan kong binuksan ang aking mga mata. Agad kong nakita ang mapulapula kong labi at pisngi, samahan mo pa ng nakakulot na eyelashes ko. Napangiti ako dahil nagustuhan ko ang make up n'ya sa'kin. "Sobrang ganda," masaya kong tugon sa kan'ya sabay napababa ang tingin, sa aking suot na puting gown. Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang makita ang sarili sa salamin na ikakasal na. Ngayong araw ang pinakahihintay ko simula nang ma-engaged kami ni Caleb. Nang may biglang kumatok sa pinto ng hotel room ay napalingoon ako doon, "pasok!" bumukas ang pinto at nakita ko si Papa na nakasuot ng itim na suit habang nakataas naman ang itim na buhok. Sobrang gwapo n'ya sa ayos n'ya ngayon. Ngumiti s'ya at mabilis na lumapit. "Ikakasal na ang anak kong pinakamaganda sa buong mundo!" Masaya n'yang sambit. "Papa naman," agad kong saway dahil over reacting na naman s'ya. Isa pa, hindi rin ako sanay na sinasabihan ng maganda. Bakit? Dahil ito sa sobrang taas na timbang ko. Sa mata ng ibang tao, isang dambuhalang babae lang ako. "Evelyn, Anak. You're the most beautiful women on earth kahit na ano pang sabihin ng ibang tao." Niyakap ako ni papa ng mahigpit. "Huwag na huwag kang makikinig sa sasabihin ng iba and always focus on your goal." Napangiti ako dahil sa sinabi ni Papa. Kahit kailan talaga ay hindi s'ya nabigo sa pagpapagaan ng nararamdaman ko. Sobrang swerte ko sa kan'ya. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal n'ya sa akin. He's the best Dad I could ever ask for. "Thank you, papa," mahinang sambit ko sabay niyakap rin s'ya pabalik. "As much as I don't want to interrupt this beautiful moment, I can't. Mr. And Ms. Grace, kailangan na po natin pumunta sa church," paalala ni Pia na nakatayo na pala ngayon sa gilid ng kwarto, pinapanood kami. Si Pia pala ang isa sa personal assistant ni Papa. "Oh s'ya." Mabilis namang humiwalay sa yakap si Papa. "Mauna na ako. Dumaan lang ako dito dahil mamaya ay magiging busy kana." Ngumiti s'ya sa akin. Nakita kong may mga luha pang namumuo sa gilid ng mata nya. "Papa naman, bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kan'ya sabay inabutan ng tissue. "Hindi naman ako mamamatay. Ikakasal ako, papa." Pinunasan lang ni Papa ang luha n'ya at hindi ako sinagot. "Mag-ingat kayo paalis, si Pia na muna ang bahala sa'yo. Sigurado ako, naghihintay na sayo si Caleb doon sa simabahan."Agad akong napangiti nang mabanggit ni papa ang pangalan ni Caleb. "Opo, papa. Mag-iingat ka din." Tumango s'ya kay Pia at ganoon rin naman si Pia. Nang makalabas na si papa ay lumapit naman agad si Pia sa'kin. "Naghihintay na yung driver sa baba, soon-Mrs.-Keir," pang-aasar nito sa akin. Matagal nang personal assistant ni papa si Pia. Ang pamilya ko ang nagpa-aral sa kan'ya hanggang sa maka-graduate ito. Paminsan minsan ay nakakausap ko s'ya tuwing nagkikita kami kaya naman magaan ang loob ko sa kan'ya at alam kong hindi n'ya ako jinujudge hindi tulad ng ibang tao. Napatawa na lang ako dahil sa sinabi n'ya at napailing. "Parang mas excited ka pa sa akin," pagbibiro ko. "Teka, give me a minute. Okay lang?" Tumango s'ya at tinawag ang make-up artist, sabay silang lumabas ng hotel room. Naging tahimik na ang paligid at huminga ako nang malalim. Pinagmasdan ko ang napakagandang bouquet ko. Nakabihis na ako at ayos na ang lahat-lahat pero hindi pa rin ako makapaniwala na papakasalan ko na si Caleb. Sobrang saya sa pakiramdam. Nakaraang linggo lang sinabi nila Papa ang kasal at heto na ngayon ang araw na pinakahihintay naming lahat. Maglalakad na sana ako papalabas ng hotel room nang mapalingon ako sa body mirror sa gilid ko. Nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ang mataba kong katawan at mukha. Kahit anong ganda at kamahal ang gown na isuot ko, hindi nito matatago ang mabigat kong timbang. Samahan mo pa ang medyo pango kong ilong. Nang mapuno ang isipan ko ng mga hindi magagandang bagay ay napabuntong hininga ako at umiling. "It's fine, Evelyn. Mahal ka naman ni Caleb." Paalala ko sa sarili at pilit na ngumiti. Hindi na bali na hindi ako sexy at maganda, ang importante ay mahal ako ni Caleb. Crush ko s'ya simula bata pa lang ako kaya naman parang panaginip ang mga pangyayari ngayon para sa akin. Gusto kong ipakita kay Caleb na karapatdapat ako bilang asawa n'ya. Gagawin ko ang lahat para lang maparamdam ang pagmamahal ko sa kan'ya. Nagsimula na akong maglakad papalabas ng hotel room. Sumulpot naman agad si Pia mula sa gilid at tinulingan akong hawakan ang bandang laylayan ng gown para hindi ko ito matapakan. Sumakay kami sa elevator at dumiretso sa exit ng hotel kung saan naghihintay na ang isang puting limousine. Nang makalapit na kami ni Pia dito ay tumango ang driver na kinuha ni Papa para sa akin. "Good morning, Ma'am Evelyn Scarlett Grace," bati nito sa'kin sabay ngumiti. "Good morning din po." Ngumiti rin ako sa kan'ya tapos ay pinagbuksan kami nito ni Pia ng pinto. Nang itaas ko ang aking paa para humakbang papasok sa limousine ay nawalan ako ng balanse gawa ng mataas na heels na suot ko. Naitaas ko ang mga kamay ko sa ere sabay napaawang ang bibig. Napapikit na lang ako nang maramdamang matutumba na ako. Bakit naman ngayon pa ako mamalasin kung kailan ikakasal na ako? Hinihintay kong tumama ang likuran ko sa matigas na sahig subalit wala akong naramdaman na kahit anong sakit. Marahan kong dinilat ang mga mata at sumalubong sa akin ang puti na mataas na kisame ng exit ng hotel. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko ang nahihirapang mukha ni Pia na salo-salo ako sa baiwang habang.. teka? Naka-bend ang katawan ko at nakahiga ako ngayon sa driver na nakadapa sa sahig?! Mabilis kong pinanlakihan ng mata si Pia. Na-gets n'ya naman din ako agad at tumayo s'ya sa harap ko sabay inilahad ang kamay. Pagkahawak ko rito ay hinila n'ya ako para makatayo. Narinig kong napadaing ang driver kaya naman napalingon ako sa kan'ya. Nakita kong nakaupo na ito sa sahig habang hawak-hawak ang likuran n'ya na binagsakan ko. "Okay ka lang ba?" Agad na tanong ni Pia sabay umikot sa akin, sinisiguradong maayos ako pati na rin ang gown na suot ko. Nang makitang tumayo na ang driver at tumingin sa akin ay mabilis akong nag-iwas ng tingin at napaubo dahil sa hiya. Bakit ba kasi ang haba-haba at tambok ng gown na ito? Pati ang heels na pinasuot sa akin ay hindi ko gusto. Kahit tatlong inches lang ito ay hindi ko kaya dahil lumaki akong hindi nagsusuot ng heels. "Okay lang po ba si Ms. Evelyn?" Tanong nito. "Mukhang okay naman po s'ya. Kayo po ba? Kamusta ang likod n'yo?" Tanong ni Pia sa Driver na may halong pag-aalala. "Mukhang kailangan kong magpahilot mamaya," napapailing na sagot ng driver kaya naman napangiwi ako. "Huwag po kayo mag-alala. Sagot na namin ang hilot o check up," positive na sambit ni Pia. "Kailangan na po natin umalis. Baka ma-late pa si Ms. Evelyn." Tumango ang driver at nagtungo na sa upuan n'ya. Napalingon naman ako kay Pia na tumatawa. "Anong nakakatawa?" Nakakunot noo kong tanong sa kan'ya dahil hanggang ngayon ay nakakaramdam parin ako ng hiya. May mga nakakita kaya! Paano kung nakuhaan nila ako ng litrato o video? Tapos makita ni Caleb? "Wala, wala," napapailing na sagot ni Pia sabay marahan na akong tinulak papasok. Tinulungan n'ya akong iangat ang dulo ng gown ko tapos ay inalalayan makapasok sa loob. Nang makapasok naman na kami ay nagsimula na rin agad umandar ang kotse. "Tingin mo okay lang s'ya?" Tukoy ko sa driver. "Oo naman, ano kaba?" Tumawa ng mahina si Pia. "Laughtrip yung itsura mo kanina kung alam mo lang." Umirap na lang ako at kinuha ang phone dahil alam kong hindi titigil ang isang ito kakaasar sa akin. Nang makita ko ang wallpaper ko ay para bang biglang lumiwanag ang paligid ko. Litrato kasi namin ito ni Caleb noong Prom night. Prom King s'ya dito at syempre, hindi ako Prom Queen. Pero isa ito sa paborito kong litrato namin dahil pinaalam n'ya sa lahat ng schoolmates namin ang relasyon namin nitong gabing ito. "Anyways, congratulations ulit, Ma'am Evelyn," nakangiting bati ni Pia sa'kin matapos akong pagtawanan kanina. "May gusto pala akong itanong.. ano nagustuhan mo kay Sir Caleb?" Dahil sa tanong n'ya ay bigla naman akong napaisip. Ano nga ba? "Simula bata pa lang ay magkakilala na kami ni Caleb. Matulungin s'ya non sa'kin, palagi n'ya akong pinagtatanggol sa mga bully. Sobrang bait at gwapo pa." Pakiramdam ko ay namumula na parang kamatis ang mga pisngi ko habang iniisip si Caleb. Sino ba naman hindi kikiligin pag-iniisip si Caleb? Matangkad, maganda ang katawan, Brown ang buhok at mata na sobrang charismatic. Nag-aral kaming dalawa sa iisang University. Sikat na sikat si Caleb sa mga babae, ang dami ngang nagkakagusto sa kan'ya kaya sobrang swerte ko na s'ya ang magiging asawa ko. "Eh, sigurado kaba d'yan?" Medyo nagdadalawang isip na tanong ni Pia. Agad namang napakunot ang noo ko. "Anong ibigsabihin mo?" Hindi s'ya sumagot, bagkus ay ngumiti lang s'ya ng tipid at umiling. ~ Nang huminto na ang limousine ay mabilis akong napatingin sa malaking simabahan sa tapat namin. Nakabukas ang nagtataasang pinto at mula sa kinaroroonan ko ay kitang kita ko na puno na ng bisita ang loob. May red carpet pa sa hagdan paakyat sa simbahan at papunta sa altar. Marami ring mga bulaklak na naka-display sa paligid. Agad akong napahawak ng mahigpit sa bouquet ko. Bumilis ang t***k ng puso ko gawa ng kaba. "Paano kung madapa ako habang naglalakad na sa loob?" Nag-aalala kong tanong kay Pia. "Paano kung maputol ko tong heels kasi ang nipis? Tsaka paano kung-" "Evelyn," kalmadong tawag ni Pia sa'kin sabay hinawakan ako sa magkabilang braso. "Relax. Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano. Okay?" Huminga ako nang malalim tapos ay tumango. Tama si Pia. Hindi nga naman dapat talaga ako mag-isip ng kung ano-ano dahil kakabahan lang ako lalo at baka magkatotoo pa ang mga iniisip ko. "Bababa na muna ako para ipaalam na nandito kana. Babalik ako pag okay na ang lahat," paalam ni Pia. Pagkalabas n'ya ay napatingin ako sa phone ko at tinignan ang oras. Nakita kong limang minuto na lang at magsisimula na ang kasal. Tinignan ko rin ang mga messages ko kay Caleb. Sineen n'ya lang ang mga ito kagabi habang kinokwento ko kung gaano ako ka-excited at kinakabahan para sa kasal namin. Alam kong busy s'ya dahil kasama n'ya ang mga kaibigan n'ya. Huling inom na daw kasi nila iyon na hindi pa s'ya kasal kaya pinayagan ko. Napatingin ako sa gilid ko nang maramdaman kong may nakatayo dito. Mabilis kong binuksan ang bintana nang makita si Papa. "Evelyn! Pwede mo bang tawagan si Caleb?" Bungad nito sa akin. Mabilis namang napakunot ang noo ko, "bakit po?" Tanong ko. "Wala pa po ba d'yan si Caleb?" Nagsimula na namang bumilis ang t***k ng puso ko. "Oo. Wala pa din s'ya. Kanina pa namin s'ya sinusubukang tawagan pero walang sumasagot. Alam mo ba kung nasaan s'ya?" "Baka naman na-traffic lang?" Tanong ko sabay kinuha ang phone, "teka, tatawagan ko." Narinig kong nag-ring ang tawag ko ngunit binaba ito agad ng kabilang linya. "Sumagot ba?" Tanong ni Papa. "Te-teka, mabagal yung signal." Marahan akong napalunok at sinubukang muling tawagan si Caleb pero hindi na ito nagri-ring. Mukhang pinatay n'ya ang phone n'ya. Pero bakit? Binaba ko ang phone at napatingin sa kawalan. Biglang naging blanko ang aking isipan. Hindi ko alam ang gagawin. Anong nangyayari kay Caleb? Bumalik na lang ako sa sarili ko nang marinig ko ang boses ng mga magulang ni Caleb. Nandito na rin sila ngayon sa labas katabi si Papa. "Evelyn? Nasaan na daw si Caleb?" Tanong ng mga ito. Napalunok ako sabay marahan na tinignan sila. "Traffic daw po. Hintayin natin s'ya," pagsisinungaling ko. "Finally nagka-contact na din kay Caleb. Alright, we'll inform the priest," parang nabunutan ng tinik sa dibdib na sambit ni Tita Yanni. Tumango na lang ako habang pumasok na sila Papa sa loob pabalik sa simbahan. Mabilis kong sinara ang bintana ng kotse at huminga nang malalim. "Huwag kang iiyak, Evelyn," mahinang sambit ko sa sarili habang pilit na pinipigilan ang mga luha kong tumulo. "Pupunta si Caleb. Hindi s'ya puwedeng hindi pumunta. Hindi n'ya sisirain ang pangako n'ya sa'kin. Mahal n'ya ako." Pilit akong ngumiti at kinuha ang salamin sa gilid para tignan at ayusin ang make up ko. Lumipas ang sampung minuto, dalawampung minuto at kalahating oras pero wala pa rin si Caleb. Nakaupo lang ako sa kotse habang nakatingin sa daan, nagbabakasakaling kotse ni Caleb ang iilang dumadaan. Nang makita kong lumabas ulit si Papa pati ang magulang ni Caleb sa simabahan ay napakagat ako sa labi. Natigilan pa ako saglit nang mapatingin ako sa bouquet ko. Sa sobrang higpit ng hawak ko dito ay hindi ko namalayan na nasisisra ko na pala ito. Pagkakatok ni papa sa pinto ay binuksan ko ito. "Evelyn, where's Caleb? It's been half an hour already." Halata na sa boses ni papa ang pagkadismaya. Napunta ang tingin ko sa mga magulang ni Caleb. Mukhang balisa sila at hindi alam ang gagawin. Huminga ako nang malalim at lumabas ng kotse. "Caleb's phone is not ringing anymore," nakakunot noong sambit ni Tita Yanni. "I called his friends or anyone na puwedeng kasama n'ya pero hindi nila alam kung nasaan si Caleb. I'm starting to get worried." "Don't overthink too much." Hinawi ni Tito Lucas ang likod ni Tita Yanni para pakalmahin ito. "Hanapin n'yo ang anak n'yo," rinig kong seryosong sambit ni papa sa kanilang dalawa. "Hindi puwedeng hindi s'ya sumipot sa kasal!" Napalunok ako nang makita ang reaksyon ni Papa. Halata ang pagkadismaya sa kan'yang mukha. Napatingin ako sa simabahan nang mapansing may mga bisita ang nakatayo sa loob habang nakatingin sa akin ngayon. Napakagat ako sa labi. Sigurado akong pinag-uusapan na nila ako ngayon. "Papa," mahinang saway ko kay papa at tinignan s'ya. "Maghintay pa tayo kahit konti, please?" Pagmamakaawa ko habang nararamdaman kong namumuo na ang mga luha sa gilid ng mata ko. Nakita kong kumalma si Papa nang mapatingin s'ya sa akin. Magsasalita pa sana s'ya nang biglang tumunog ang phone ko. Mabilis kong tinignan kung sino ang nag-message sa akin. "Si Caleb!" Lumiwanag ang aking mukha at nagkaroon ng pag-asa. Nakangiti kong binuksan ang message ni Calen pero nang mabasa ko ang nilalaman nito ay nawala rin agad ang tamis sa ngiti ko at napalitan ito ng bigat sa dibdib. "Evelyn?" Tawag ni Tita Yanni sa akin sabay lumapit para tignan kung ano ang mensahe. Bago pa n'ya makita ang message ay mabilis ko nang binato ang phone ng malakas sa kung saan. Narinig kong napasinghap s'ya pati na rin si Papa dahil sa inakto ko. Binato ko rin sa sahig ang bouquet ko at tinapaktapakan ito habang tumutulo ang luha. "Evelyn!" Tawag ni papa sabay hinawakan ako sa magkabilang braso para pigilan pero tinabig ko lang s'ya at umatras. Tinignan ko si Papa na nag-aalala sa akin, sila Tita at Tito pati na rin ang mga bisita na nakatingin sa akin na bakas sa mukha nila na naguguluhan. Nakita ko pa ang iilan sa kanila na nagbubulung-bulungan. Ramdam ko ang panginginig ng aking kamay gawa ng hiya at dahil sa bigat sa aking dibdib. Napakagat ako sa labi at napayuko. Napatingin ako sa gown ko kung saan tumutulo ang luha ko. Sino nga ba naman ako para mangarap na pakasalan ng isang Caleb Keir? Napapikit ako at napaupo sa sahig habang nakahawak sa aking puso. Pakiramdam ko ay tinutusok ito ng paulit ulit. Ang matagal ko nang pangarap ay hanggang dito na lang. Naguho na ito. I'm sorry, Evelyn. I can't marry you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD