bc

Revenge of XL Ex-Fiancé

book_age18+
235
FOLLOW
3.1K
READ
love-triangle
HE
curse
badboy
boss
doctor
billionairess
heir/heiress
drama
bxg
campus
like
intro-logo
Blurb

Family dinner between the Grace and Kier Family, announcing the wedding of their daughter and son to merge their business.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
Evelyn Scarlett Grace's POV: "Miss Evelyn, nasa baba na po si Sir Caleb, hinihintay kayo." Mabilis akong napalingon sa pinto nang marinig ang sinabi ni Manang Josephine. "Susunod na po ako! pakisabi saglit lang po," sagot ko kaya naman tumango s'ya at marahan na sinara ang pinto sa aking kwarto. Muli akong humarap sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Inayos ko ang itim kong buhok na hanggang balikat at ngumiti sa salamin. May family dinner kami ngayon kasama ang pamilya ng Fiancé ko na si Caleb at may importante daw na sasabihin ang magulang namin kaya naman sobrang nae-excite ako. Ano kaya ang sasabihin nila sa amin ni Caleb? Hindi kaya.. Agad akong napatayo sabay tili at napatakip sa aking bibig. Hindi kaya ipagkakasal na kami ni Caleb? Nakita ko ang reflection ng aking namumulang mukha sa salamin. Grabe. Iniisip ko pa lang na ikakasal kami ni Caleb ay mukha nang kamatis ang aking mukha dahil sa pamumula. Sobrang in love talaga ako sa kan'ya. Nang bumaba ang tingin ko papunta sa aking katawan ay bumagsak ang mga balikat ko. Halatang halata ang taba ko sa dress na ito pati na rin ang malaki kong braso. Mabilis kong kinuha ang mahaba at itim na jacket na nakasabit sa likod ng pinto ko tsaka ito sinuot. Muli kong tinignan ang sarili at napangiti nang makitang hindi na gaano halata ang laki ng aking katawan. "Evelyn?" narinig kong may kumatok sa pintuan at boses ito ni Caleb! Agad akong nataranta at nagsimulang iligpit ang mga damit na nakakalat sa kama pati na rin ang mga make up sa table ko. Sobrang gulo ng kwarto ko ngayon dahil hindi ko alam ang isusuot sa family dinner. Nanlaki ang mata ko nang marinig na pabukas na ang pinto. Mabilis kong sinipa ang mga damit sa sahig papunta sa ilalim ng kama ko at saktong natago ito nang tuluyang bumukas ang pinto. "Are you okay?" sumalubong ang napakagwapo at naguguluhang mukha ni Caleb sa akin. "Narinig kong napasigaw ka. What happened?" nag-aalala n'yang tanong. Napakagat ako sa labi ko. Gusto kong pukpukin ang sarili ngayon. Bakit kung saan-saan kasi nakakapunta ang imagination ko? "Wa-wala, may ipis lang akong nakita kanina." Ngumiti ako sa kan'ya para hindi mahalata na nagsisinungaling ako. "Where is it? I'll call Manang Josephine para kumuha ng insect spray." Maglalakad na sana si Caleb para hanapin ang ipis pero hinawakan ko s'ya sa braso at umiling. "Mala-late na tayo," sambit ko dahil hindi n'ya puwedeng makita ang kabilang side ng kama ko. Makikita n'ya ang mga tinambak kong damit doon. "But we still have an hour-" "Let's go, nandoon na raw sa restaurant sila Dad," sinubukan kong ibahin ang usapan sabay hinila na s'ya papalabas ng kwarto. Pagkasara ko ng pinto ay nakahinga naman na ako ng maluwag. Muntik na ako doon, baka mamaya ay ma-turn off pa sa akin si Caleb dahil sa mga kalat ko. "Are you sure you're okay?" paninigurado ni Caleb sabay humakbang papunta sa harap ko. Agad akong napatingala sa kan'ya upang pagmasdan s'ya sa mukha pero napaatras ako sa pinto nang makitang sobrang lapit n'ya. Halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha n'ya sa akin. Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko, pakiramdam ko ay namumula na ang mga pisngi ko. Sinadya n'ya ba iyon? Muntik na kaming maghalikan! "I'm always here for you, Evelyn. Remember that. Kung may problema, just tell me, understood?" mahina at kalmado n'yang sambit. Nang makitang ilalapit n'ya ang mukha n'ya sa'kin ay napakapit ako nang madiin sa jacket na suot ko. Napayuko rin ako ng kaonti at napapikit ng madiin. Sht! Hahalikan n'ya na ba ako sa labi? teka, hindi pa ako handa! Didilat sana ako pero naramdaman ko na lang ang malambot n'yang labi na dumampi sa aking noo. Saglit lang ito pero pakiramdam ko ay may mga fireworks na pumuputok sa paligid ko. Parang mabibingi na ako sa lakas ng kabog ng aking puso. "I'll start the car. I'll wait for you in the garage," nakangiti n'yang wika sabay tumalikod na at mabilis nang bumaba papunta sa unang palapag ng bahay. Nang makitang wala na s'ya ay agad akong napahawak sa aking noo at kusang ngumiti ang aking mga labi. Gusto kong magtitili pero pilit ko itong pinipigilan. Isang halik pa lang sa noo ay pakiramdam ko lumilipad na ako sa langit. Paano pa kaya kung sa labi? Pakiramdam ko ay mapupunit na ang aking labi sa kakangiti. Parang nananaginip parin ako na fiancé ko si Caleb. Kahit apat na taon na kami ay ganito parin ang epekto n'ya sa akin, malakas parin ang dating n'ya. Kahit nga tumayo lang s'ya at titigan ako ay kinikilig na agad ako. Kung sabagay, simula bata pa lang kami ay may gusto na talaga ako sa kan'ya. "Miss Evelyn?" agad na nawala ang ngiti sa labi ko nang tawagin ako ni Manang Josephine na nakakunot ang noo. Malamang ay nagtataka s'ya kung bakit ako nakangiti mag-isa ngayon dito. "Una na po ako Manang Josephine. Kayo na po muna bahala dito!" paalam ko sa kan'ya sabay kumaway at mabilis nang naglakad pababa. - "Look how the both of you glow together," pangbobola ni Tita Yanni Keir, ang Nanay ni Caleb. Patapos na kami kumain at nagde-desserts na lang kami. Hindi pa rin nila nababaggit ang gusto nilang sabihin sa amin ni Caleb. Mukhang nakalimutan na nila ang rason ng family dinner dahil puro tungkol sa business ang pinag-uusapan nila kanina. Napabuntong hininga na lang ako at sumubo ng vanilla ice cream. "Of course, Ma. Alagang Evelyn ata to," sambit ni Caleb at mahina silang nagtawanan habang ako ay napangiti na lang at pinagmamasdan ang maaliwalas na mukha ni Caleb. Mas lalo s'yang gumagwapo pag tumatawa. Napaka-swerte ko dahil mabait at gwapo ang future husband ko. "Anong nangyayari?" tanong ni Mommy Sally na kakabalik lang galing sa comfort room. Umupo s'ya sa tabi ni Papa. "Wala naman, nagkakabiruan lang kami," sagot ni Tita Yanni. Napatingin si Mommy Sally sa akin at nakita kong napataas ang kaliwang kilay n'ya. Napaiwas na lang ako ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream. Sanay naman na ako sa ugali n'ya pagdating sa akin. Hindi ko s'ya tunay na Ina, pangalwang asawa s'ya ni Papa. "Nakailang ice cream kana?" tanong n'ya sa akin. "Hindi ba dapat binabawasan mo na ang pagkain?" sumunod pa nitong tanong. Napadiin ang hawak ko sa ice cream glass habang nakatingin dito. Napakagat din ako ng mariin sa aking labi. Palagi n'ya na lang sinisita ang bawat galaw ko at palagi rin s'yang nagtatagumpay na ipahiya ako at ipaalala ang napakataba kong katawan. "Sally," rinig kong saway ni Papa sa kan'ya. Tumikhim si Caleb para alisin ang hindi magandang tensyon sa VIP room na kinakaroonan namin ngayon. Nagulat ako ng kumuha s'ya ng isang sandok ng kutsara sa ice cream ko at sinubo ito. "Hmm. Masarap naman pala talaga ang ice cream nila dito," komento n'ya. Kumuha pa s'ya ng isang scoop at sinubuan ako. Hindi ko sana ito isusubo pero pinilit n'ya ako. Nang lunukin ko ito ay ngumiti s'ya. "You're beautiful, Evelyn," sambit n'ya at nang hawakan n'ya ang gilid ng labi ko upang punasan ang ice cream dito ay halos huminto ang mundo ko. "Be confident. I like you the way you are." Ngumiti s'ya at humarap kay Mommy Sally. "Please stop telling Evelyn what to do, Tita. Ayokong ginaganyan n'yo si Evelyn. You're ruining the athomsphere here." Tumayo si Mommy Sally at kinuha ang bag, "I'm done eating. I'll wait for you in the car," sambit n'ya kay Papa habang masama ang tingin sa akin atsaka ito lumabas na ng VIP room. "Pasensyahan n'yo na si Sally," napapailing na wika ni papa sa amin. "Ayos ka lang ba, Iha?" tanong ni Tita sa akin sabay hinawakan ang kamay ko. "Okay lang po ako, Tita." Ngumiti ako sa kan'ya tapos ay kay Caleb. "Thank you, Caleb." Tumango lang s'ya at uminom ng tubig. "Before we end tonight's dinner, may gusto kaming sabihin sa inyo." Napatingin ako kay Papa nang magsalita s'ya. Marahan kong binaba ang maliit na glass ng ice cream upang ituon ang atensyon sa kan'ya. "Marahil ay nasa tamang edad na kayong dalawa kaya naman napagdesisyunan na naming ipagkasal kayo." Napaawang ng kaonti ang aking bibig dahil sa narinig. Napakurap-kurap pa ako habang hindi magalaw ang aking katawan gawa ng gulat. Tama ba ang aking narinig? "Anong masasabi mo, Evelyn?" tanong ni Papa para sa aking opinion. Agad akong ngumiti at tumayo. "Masaya ako papa!" nilapitan ko s'ya at niyakap ng mahigpit dahil sa saya na aking nararamdaman. Parang kanina ay iniisip ko pa lang na ikakasal kami ni Caleb, pero ngayon ay magkakatotoo na ito! Ano pa bang kulang sa aking buhay? lahat na ata ay binigay sa akin upang mapasaya ako. "We are happy for you, Evelyn," rinig kong komento nila Tita Yanni at Tito Lucas. Humiwalay ako ng yakap kay Papa at sunod na niyakap sila Tita at Tito. "Sobrang saya ko po. Maraming salamat po Tita Yanni and Tito Lucas sa pagpapaubaya kay Caleb sa akin." Narinig kong natawa silang mag-asawa. "Bakit parang baliktad naman ata?" tanong ni Tita. "Hindi ba dapat si Caleb ang nagsasabi n'yan?" dugtong pa ni Tito. Humiwalay na ako ng yakap at ngumiti na lang sa kanila. Nabawi ang lungkot at bigat na naramdaman ko kanina. "How about you, Caleb?" Rinig kong tanong ni Papa. Lahat kami ay napatingin kay Caleb. Nakita kong naging blanko ang expression ng mukha n'ya kaya naman napakunot ang aking noo. Hindi ba s'ya masaya na malamang ikakasal sa akin? "Of course, I'm happy!" matapos ang ilang segundo ay nagsalita na rin s'ya at ngumiti. "I have waited for so long for this." Tumayo si Caleb at lumapit sa akin. "I've always dreamt of marrying you, Evelyn." "Caleb.." halos wala nang lumabas na boses sa aking bibig. Mabilis ko s'yang niyakap at naramdaman na tumulo ang luha ko. "I love you." "I love you too, Evelyn." Naramdaman ko ang kamay n'ya sa aking likod at marahan din akong niyakap ng mahigpit. "I love you so much."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook