PRELUDE
“I love u my wife, please come back to me!,” pagsumamo sa akin ni Irven na nakaluhod sa aking harapan.
Hindi ko mapigilan ang pangilid ng mga luha ko pero mas pinili ko ang patibayin ang aking kalooban.
“Love? Anong alam mo sa pagmamahal? Taksil ka? Pagmamahal ba iyon?,” sumbat ko sa kanya.
“I am so sorry!,” hindi na nito napigilang mapahagulhol, kitang- kita ko ang pagbaksak ng kanyang balikat.
“Sorry? Anong akala mo isang sorry mo lang mabubura lahat ng kataksilan mo sa akin?,” hiyaw ko at pilit na inaalis ang dalawang kamay niya na nakayakap sa aking mga binti.
“Please… maawa ka sa akin, hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko!,” hindi pa rin ito maawat sa pakikiusap sa akin pero buo na ang loob ko, hindi na niya ako malilinlang sa paawa niya sa akin.
“Awa? You already did leave me, the moment you cheated on me!!! Wala ka ngang awa sa akin, naisip mo lang ba ako ng pumatol ka sa babae mo, wala!! Kaya anong karapatan mong humingi ng awa? kapatawaran? pagmamahal? …. sa akin Irven!!! ,” I said my last blow with rage and contempt.
“Isabel… please…!,” tanging namutawi sa bibig ni Irven.
“Makakaalis ka na… leave me alone!,” taboy ko sa kanya.
“No… no… no… wife? Please give me another chance… promise no more cheating… hindi na ako magpapadala sa tukso bigyan mo lang ako ng isang pagkakataon na ayusin ko itong pagkakamali ko!,,” ang lakas lang talaga ng loob ng lalakeng itong humingi ng second chance.
“Chance? Hindi nga kita mapatawad sa kataksilan mo, bibigyan pa kaya kita ng isa pang pagkakataon na saktan ako muli… no way, Irven hindi basta- basta nawawala ang sakit dito sa puso at isip ko.., I don’t think magkakaayos pa tayo, you ruined everything… hindi madali ang hinihiling mo… kaya utang na loob umalis ka na!!,” mahabang litanya ko sa kanya.
Naramdaman ko ang pagluwag ng pagkapit niya sa aking dalawang binti kaya’t nagmadali akong umatras sa kanya. Sumalampak siya sa sahig. Awang- awa ako sa kanyang hitsura at pagtangis pero hindi niya ako masisisi dahil tulad niya ay lubos din akong nasasaktan.
“Bumalik ka na sa babae mo. Tapos na sa atin ang lahat Irven!,” iyon ang huli kong salita sa kanya bago ko siya tinalikuran at mabilis na pumasok sa pinto ng munti naming bahay na magkakapatid.
Napakapit ako sa aking dibdib at napasandal sa pinto ng maisarado ko na ito. Hindi ko inaasahan na mauuwi sa ganito ang pag-iibigan namin ni Irven. Siya lang lalakeng pinagkatiwalaan ko ng lubos at buong puso kong pinag-alayan ng aking pagkatao.
Pero siya lang pala ang sisira sa akin at sinumpaan naming habang buhay na pagmamahalan. Hindi ko batid kung saan ako nagkamali at ano ang aking pagkukulang.
Lahat naman ay ibinigay ko sa kanya. Wala akong itinira para sa aking sarili.
Masakit na masakit. Parang hinihiwa ang puso ko sa sobrang sakit. Pinagmukha niya akong tanga. Pinaniwala sa lahat ng kanyang mga pangako. Hindi pa ba ako sapat para sa kanya na kailangan niya pang pumatol sa mas bata at mas seksi sa akin?
Pakiramdam ko ay napakababa ko, napakapangit at walang karapatan na mahalin. Isa lang naman akong ulirang asawa, mabait at mapagbigay na kapatid at higit sa lahat isang simpleng babae na gusto lamang pasayahin at iukol ang kanyang buhay sa mga toang mahalaga sa kanya.
I gave up everything in the name of love. Tinalikuran ko lahat para sa pagmamahal ko kay Irven. I let him chase and reach for his dreams. I supported him in all his endeavors. I played the untiring, loving and submissive better half but now I became his betrayed wife.
Ako si Isabel Mendez naniwala, umasa at nagmahal ng totoo. Pero sa huli niloko at sinaktan. Makakabangon pa kaya akong muli at makakabawi sa pagiging the Billionaire’s Betrayed Wife?