Kahit naka uwi na ako sa bahay ng kuya ko.. pero nag kikita namn kami ng mga kaibigan ko sa office ng agency namin.. yun nga lang hindi kami pare pareho mg schedule. iba iba kasi ang pinapakuha sa amin , dahil marami kami ng group ang pag bigay ng appointment .. sa pagkuha ng valid Id, NBI, MEDICAL.. AT yung iba ay kukuha palang ng passport.
fast forward...
lumipas ang 2 linggo at pinatawag kami sa accommodation dahil sa pag prepare namin sarili upang kukuha ng final tesda.
sa awa nman ng Diyos kahit duon na ako natulog sa accommodation ay dina ako natakot..
daily routine parin ganun ang nangyayari gising nang maaga, maligo 7am dapat naka handa na ang lahat dahil 8 am dapat andun na kami sa office para ma update kung may visa na kami or wala. habang nag hihintay ako bumalik muna ako sa bahay ng kuya ko.
iba parin kasi ang maka tulog ng maayos at nakakain ng maayos.
Lumipas pa ang ilang araw ay na update ako na may visa na daw ako.. kaya bumalik ako sa accommodation para tapusin namin ang pagkuha ng Pdos at owwa tsaka I schedule yung flight namin para sa manila.
pero bigla akong nag taka umaga palang nung naka pasok ako accommodation lahat ng applicante at nag uusap. at yung last na narinig ko.. ay ang isang applicante pala ay minulto.. nakinig lang ako at di nag sasalita.. syempre kakarating ko lang nun .. sunday yun ng umaga .
sabi niya sa kwento habang mahimbing mahimbing siyang natutulog.. yung katabi ng bed niya ay bumangun para mag cr. at la close friend niya yun.. dahil tumunog ang kama bigla siyang nagising... hanggang sa may nakita siyang babaeng naka puti ang damit, na naka tayo sa may lalagyan ng mga cellphones kung saan duon pwede mag charge..
akala daw niya ay applicante at kinuha lang ang cellphone, sinilip niya yung babae kasi iniisip din niya na baka mawala ang cp niya.. naka charge kasi nung time na yun...
pero yun nalng ang pagka gulat niya.. na hindi nakasayad sa lupa ang mga paa ng babaeng naka tayo sa may saksakan ng charger..
at nung napansin ng babae daw na naka puti ang damit, walang suklay ang bohok, itim ang gilid ng mata at higit sa lahat bigla nalang daw ito napa tingin sa kanya..
dapat ang direction nung babaeng naka lutang ay sa direction ng kasama niyang nag cr.. pero wala eeh sa kanya nalang daw ito pumunta.. napatulala daw siya nung time na Yun dahil subrang lamig ng paligid. at kahit sigaw siya ng sigaw walang nakarinig sa kanya.
iyak na siya ng iyak dahil ang bilis daw ng pangyayari nasa harapan na ang babaeng naka lutang sa kanya at sinabihan siyang wag kang makikialam... hanggang sinakal daw siya..
sa kbilang party namn yung kaibigan niyang gumamit ng cr ay dali daling umakyat.. paano narinig niya ang kaibigan niyang umiiyak na para bang hirap ito huminga...
paano niya nalamn ?
yun daw ang di niya alam.. basta narinig nalang daw niya kaibigan niyang nag sisigaw. at umiiyak.
hanggang nakita niya ang kaibigan niyang hawak hawak ang leeg at hirap na hirap.. nag tataka man ay ginising niya ito..
best oi best gising sabi nung babaeng gumamit ng cr. medyo matagal daw nagising ang babae..hanggang bigla itong bumangun at iyak ng iyak...
habang nag kwento siya ay di niya mapigilan ang umiyak kasi akala niya mamatay na siya that time. salamat nalng daw sa best friend niya at ginising siya..
habang nag kwento ang babae lahat namn kami at nakikinig ako nmn iniisip ko na mag kwento .. pero tahimik lang ako.. ayaw ko kasi dagdagn problema nila.
lumipas pa ang 2 oras. yung gumamit ng cr at yung nanaginip ng masama ay pinatawag para I inform na paalis na sila papuntang manila.
so napag tanto nila ang mga nangyayari na nagparamdamn daw talaga ang multo duon mga papaalis na papuntang manila.
at nung naka alis na ang ibang applicante na napili..
pumasok sa room namin ang isang staff ng agency.. na nag guide sa min sa loob ng bahay.
kinukwento niya ang mga applicante nuon na may na buntis at dahil nag ka visa na siya tsaka pa daw nalamn na buntis ito. pero di niya kinaya yun dahil sa hirap ba namn ng buhay kailangan daw niyang makapag abroad..
nuon daw ay hindi ganun ka higpit ang mga staff ng agency at tagapangalaga sa accommodation.. hanggang sa mga nangyayari ang di nila inaasahan.
ayun sa mga nakasabay nung babae patuloy pa na pag sasalita ng staff
maganda daw ito at dahil Subrang hirap daw sa financial naisipan niyang mag jowa ng americano.
sa nabibigay daw niya ang lahat ng kailangan ng babae pinatulan daw niya.. kahit daw na may pamilya ito sa province nila.
hanggang sa nag ka schedule siya ng PT kasi nag ka visa na daw siya.. pero laking gulat niya at nag ka positive siya sa PT.
pinag sabihay siya ng mga staff paano daw nang yari na nabuntis siya.
duon niya inamin na nag karuon siya ng jowa para may ma support sa sarili at pangangailanagn.
hindi daw matanggap tanggap ng babaeng na buntis dahil kung uuwi siya at nalamn ng asawa niya mas lalo itong magalit..tas nahihirapan p nmn sila at gusto niya may ma tustus ang mga anak niya sa pangangailanagn.
hanggang sa dina niya alam ang gagawin.
dahil sa depressed naisipan niyang ipa laglag ang bata..
uminom na siya ng mga gamot at ayaw malag lag ang bata. hanggang sa naisipan daw ng babae na pumasok sa cr. sa pang 3 na cr. duon pilit niyang ilag lag ang bata gamit ang hanger.
sa subrang takot ng mga applicante pinatawag ang mga staff sa agency dahil ang babae nasa loob ng cr ay nag papakamatay.. sinubukan pa dalahin aa hospital pero huli na ang lahat.. wala na ang babae.
makikita mo talaga ang lungkot sa mukha ng staff sa agency.. kasi kahit papaano nakilala niya ang ibat ibang applicante..
kung ano man narinig or nakita niyo wag kayong magpadala sa takot.. dahil sa oras pinakitaan mo siya ng takot ay kukunin at kukunin ka niya para may makasama siya
dagdag pa ng staff sa amin.