Dahil sa mga naramdaman at nakita ko bigla nalang napasok sa ISIP ko ang orasyon or dasal na gawa sa Latin para mataboy ko ang mga nilalang na nkita ko.. at Nagdasal narin ako. na sana matahimik na ang kululuwang ligaw na pagala gala sa loob ng accommodation, At sa awa ng Diyos naging panatag narin ako. at naka tulog ng maayos.
Kinabukasan maaga kaming nagising around 4:30 am kasi nga maraming gagamit sa paliguan. time management kung baga. at kailangan din namin maging Alerto dahil sa dami ba namn applicante eeh hindi kami kasya lahat sa sasakyan ng agency.
Fast forward....
Natapos namin ang isang araw. at syempre wala kaming inaksayahan na oras kahitpagud at gutom naramdaman namin kailangan may matapos kami kahit isang appointment eeh sayang yung oras at panahon eeh.. at di madali ang pag apply sa ibang bansa daming pasikot sikot..
Dahil narin sa subrang pagud ng buong araw.. nawala na yung mga naisip kong may nag mumulto, hanggang isang gabi bigla akong tinawag ng kallikasan around 10 pm or 10:30 pm nag punta ako sa Cr. at walang katao tao sa cr kasi karamihan nasa kanya kanyang higaan ang iba nasa may sala..
pag pasok ko palang sa loob ng cr para umihi expected ko na yun na walang tao dahil bukas ang lahat ng pinto sa cr. may 5 cr kasi duon. pag Sara ko palng ng pinto bigla nalang tumayo balahibo ko ... paano ba nmn pag tunog ng lock sa pinto kong saan ako gumamit.. bigla nalng may narinig akong iyak.. as in umiiyak talaga siya pero ang boses niya ay parang nasa loob siya ng drum.. ang lamig ng boses at parang umi echo .. kinabahan na nmn ako kasi wala namn akong naramdaman na may pumasok sa loob ng cr. at paulit ulit kong naririnig sa sinabi niya
"Pagud na ako sa kakahintay Gusto ko nang umalis kailangan kong maka alis dito... yan ang nasambit niya..
maya maya ay nawala ang boses na Yun.. nung Dali dali akong lumabas para e check kung sino yung umiiyak.. pero wala akong nakita. buti may 2 babaeng pumasok agad sa cr. at nawala ang kaba ko.
napasapo ako sa dibdib ko kasi kinabahan talaga ako that time.. akala ko nga eeh aatakihin na ako.. thanks God di namn ako pinabayaan.. Nagmamadali akong umakyat sa room namin. at naabutan ko silang nag kukwetuhan. yung mga Karanasan nila kung naka abroad na sila or first timer. yun ang topic nila. ako nmn inayos ko ang bag kong shoulder bag . duon ko nalng napag tanto na may nilagay pala akong isang buti ng langis kung saan pang protection sa masamang nilalang .. aswang maligno at kung ano ano pa..
Naniniwala kasi ako sa pang spiritual .. na hindi lang tao ang nakatira dito sa ating mundo may mga ligaw din na kaluluwa or diwata .. at mga maligno ang nabubuhay sa mundo natin..tinabi ko ang shoulder bag ko habang natutulog.. at syempre di mawawala ang dasal ko sa Panginoong Jesus. para bigyan ako ng protection. sa pag tulog ko.
Kinabukasan tinawag kami para sa Tesda training. nung natapos ang araw na yun napag isipan ko na mag paalam na kung pwede na duon ako mag stay sa kuya ko. gumawa ako ng ibang dahilan kung bakit..duon ako mag stay . Dahil hindi ko sinabi na may kaluluwang gumambala sa house na Yun sinabi ko lang kuya ko ang may gusto na sa knila ako mag wait ng para visa ko .. ayaw sana nila pumayag kasi daw baka may jowa ako .. Wala din silang nagawa eeh may valid reason din namn ako..
bago pa ako umalis sa office nila kinuwento sa isang staff ng agency na may mga applicante daw na dinatutuloy ang alis dahil sa kadahilanang kung kilan pa na my visa na tsaka pa malalamn na buntis na pala ito.. Sa wla na silang magawa eh kundi ang ihinto ang pag asikaso nila sa pag papaalis ng applicanteng nabuntis.
Nalulungkot man ako ay iniwan ko muna ang mga naging kaibigan ko sa Accommodation na yun.. hindi namn sa naduduwag ako that time. ayaw ko lang talaga ng aura sa loob ng bahay para kasi akong na suffocate.. alam niyo yun? ? yung diko maintindihan sarili ko,
kaya bago pamn mangyari kinatakutan ko ay umalis na lng muna ako sa accommodation na yun.
Sabi ko nalng wala na akong budget need ko muna ang makitira sa kuya ko.
naintindihan namn nila ako.
habang nasa byahe ako. kinakapkap ko muna ang shoulder bag ko. hanggang nahawakn ko yung buting panguntra, pero laking gulat ko. mainit yung buti na nahawakn ko at medyo umaapaw ito.
May kwento din ako nito sa loob ng sasakyan g pampasahero.
to be continue....