Maki POV "Malapit na tayo Honey, Hold on please! Bilsan mo pa dude! nanghihina na si Chazzy." 'Di ko na maintidihan ang nararamdaman ko alam ko nanghihina na si Chazzy 'di ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari hindi maganda sa kanya.Bigla namam itong nagmulat ng kanyang mata. "Hey,honey, malapit na tayo sa ospital." Iniangat niya ang isang kamay at hinawakan ko naman 'yun. Bakit parang may mali,malungkot ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.Kinakabahan ako huwag naman sana alam kong nanghihina na ito. Bigla ako napausal ng dasal. " Ma-Ki, I'm sorry." Wika nito sa nahihirapan ng boses. " No! no! Don't say that Honey! Ako dapat mag sorry sayo dahil kung anu-ano ang sinabi ko sayo. Im sorry honey, kasalanan ko ito lahat." Tugon ko dito,pinipigilan ko pa ang aking luha na b