bc

HER SECRET

book_age16+
4.7K
FOLLOW
12.0K
READ
forced
second chance
billionairess
twisted
bxg
mystery
nerd
office/work place
model
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Si Chazzy isang babaeng palaban walang takot sa kahit ano laban ,.Halos nasa kanya na ang lahat ng nanaisin ng isang lalaki sa isang babae.Maganda, Mayaman at may magandang katawan na talaga naman mapapalingon ang mga kalalakihan.ngunit sa kabila ng lahat ng meron siya.pilit niya tatalikuran ito.Tatakas siya at pipiliin ang simple buhay.Ang tanong hanggang kelan siya tatakas at ano ba talaga ang dahilan ng pagtakas nya sa buhay na halos Perpekto na! At sa pagtakas niya makikilala niya si Maki ano nga bang magiging kaugnayan nila sa isat isa.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1/Airport
Chazzy Rhain POV "Excuse me, Ma'am? Do you need something?" wika sa akin ng flight attendant kaya naman naputol ang iniisip ko. "No, thanks, Ms." maiksing sagot ko sa kaniya. Nakasakay ako ngayon ng eroplano papunta sa bansang Pilipinas kung saan naninirahan si Yaya Simeng. Buti na lamang talaga tinulungan niya ako na makatakas at makaalis ng walang nakakaalam. Isa siyang Pilipina, at bata pa lamang ako siya na ang nag-alaga sa akin kaya naman bukod sa pagsasalita ng Japanese at English ay isa ang Filipino language sa madali kung natutunan. Madalas ko gamitin ang Filipino na salita sa tuwing kasama ko si Yaya Simeng. Kahit na ang nag-iisa ko'ng kapatid ay marunong din magsalita ng Filipino. Kahit na ang malalalim na salita sa tagalog ay alam ko. Ilan din sa mga kaibigan ko ay marunong magsalita nang Filipino dahil tinuruan ko ang mga ito kaya naman mas pinili ko na pumunta na lamang sa bansang Pilipinas at doon ay magsisimulang muli ako. "Haist, bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko, basta kailangan ko makalayo kaagad. Kahit anong mangyari hindi ako papayag sa kagustuhan nila," tanging nasabi ko na lang sa aking sarili. Ilang oras lamang naramdaman ko nang nag-landing ang eroplanong sinasakyan ko. "Woah! Hmm..." Nakapikit ako habang dinadama ang simoy ng hangin. Kalalabas ko lamang ng airport at dito magsisimula ang bagong buhay ko. Ngayon magagawa ko na ang mga bagay na noon ko pa gustong gawin. Wala nang makikiilam sa akin ngayon, malaya na ako sa dating ako. "Ouch!! Lintik, ano ba 'yun?! Sakit nu'n, ah!" malakas kong sigaw, at nasapo ko ang aking noo nang bigla na lamang may tumama na matigas na bagay sa akin. "Oh, my Gosh. Sorry, Ms., ito kasi ang gulo-gulo, eh!" pagpapaliwanag ng isang babae na halata naman na biglang nag-alala sa akin, dahil hawak ko pa rin ang aking noo. Sabay turo naman nito sa isang bakla kasama niya. Kaagad naman lumapit ang bakla kasama nito sa akin. "Anong ako? Ikaw nga d'yan, eh! Ang gulo-gulo mo kasi, akin na nga 'yan. Bruha ka talaga babae ka!" Nakatingin lamang ako sa dalawa na nagbabangayan dahil hindi ata napansin ng mga ito na nandito pa rin ako. Kaya naman nagpasya na lamang ako na talikuran na lamang ang mga ito na tuloy pa rin sa pagtatalo. Bigla naman mas lumapit pa ang mga ito sa akin. "Oi! Wait lang, Ms. Beautiful. Hindi pa kami nakakahingi ng sorry. Ako nga pala si Terry." Sabay lahad naman ng kamay nito sa akin. Tiningnan ko pa iyon saglit bago tanggapin ang inaalok nitong pakikipagkamay. "Ah, Ms., pasensya ka na, huh, ito kasi-" Naputol ang sasabihin ni Terry nang magsalita ang kasama nitong babae. "Hoy, Terio! May pa Tery, Tery, ka pa d'yan nalalaman. Terio naman talaga ang pangalan mo, noh! Arte nitong baklang 'to." Natawa naman ako habang pinagmamasdan ang pagtaas ng kilay ni Terry na si Terio pala talaga ang pangalan. Bigla naman inilahad ng babae ang kanyang kamay sa akin. "Hi, I'm Abby, Sorry, huh. Ako nakabato sa 'yo." Nakanguso pa sabi nito sa akin. Nginitian ko naman ito at mukha naman mababait ang dalawang kaharap ko ngayon. "Ah, it's okay. No problem." Akma aalis na sana ako nang biglang naisip ko na magtanong sa dalawa na sa ngayon ay nagtatalo na naman. "Ahm...Excuse me. Can I ask you something, guys?" wika ko kay Terry at Abby na nagtatalo pa rin, napatingin naman ang dalawa sa akin. "Ah, Yes! Oo naman. Ano nga name mo Ms.? Hindi ko na naitanong tuloy ang pangalan mo. Kasi ito baklush na ito, eh, ang gulo." Sabay irap naman nito kay Terry na hindi rin nagpapatalo. "Ah, ano kasi...um, bago lang ako dito sa lugar niyo wala ako lugar na mapupuntahan baka may alam kayo pwede kong tuluyan. Magbabayad naman ako," mahabang paliwanag ko sa dalawa na nagkatinginan naman ang mga ito. "Um...eh," wika ni abby na bigla napaisip. "Sige na, please." Pinalungkot ko ang aking mukha. Tina-try ko kung gagana pa ang pagpapa-cute ko na palagi kung ginagawa 'pag may gustong gusto akong gawin. Nagkatinginan naman ulit ang dalawa, nag-uusap ang mga mata ni Abby at Terry kaya napadasal ako na sana matulungan ako ng mga ito. "Baklush, hali ka nga. 'Di ba wala pang kapalit si Marie? Bakit 'di na lang siya ang kunin natin kapalit ni Marie?" bulong nito kay Tery kahit na naririnig ko sila, na bigla lumawak ang pagkakangiti. "Oo nga ano, pero sure ka ba 'di naman natin siya kilala, eh." Sabay tingin ni Tery sa akin. "Oo sure ako. Mukha naman siyang okay, e. Ano ka ba?" Sabay irap nito. "Baka magalit si Boss, alam mo naman 'yun maselan. Isa pa mapili rin 'yun kaya nga wala nagtatagal sa kaniya, 'di ba?" sabi pa nito kay Abby. "Ako bahala, ano ka ba? Sagot kita, baklush." Sabay pa tumingin ang mga ito sa akin. Medyo naiinip na rin ako kung tutulungan ba nila ako o hindi. Maya-maya nagdesisyon na rin ang dalawa. "Ah, sige tutulungan ka namin Ms. Ganda,” nakangiting sabi ni Abby sa akin. "Oo, kami bahala sa ‘yo, Ganda,” tinuran rin ni Tery na nakangiti na nang malaki sa akin. "Okay, lets go guys." "Thank you sa inyong dalawa, Tery, at Abby." Nakangiting wika ko sa mga ito, nakasunod lang ako sa dalawa. Sumakay na din sila sa isang magarang na sasakyan. Mukhang mayaman din ang dalawang ito. “Oh, we’re here na guys,” anunsyo ni Terry habang nakapang-welcome pa ang dalawang kamay nito. "By the way—Teka, ano nga ba pangalan mo? Kaloka! Kanina pa tayo magkakasama hanggang ngayon 'di pa namin alam ang pangalan mo." Napahinto naman ako sa paglalakad, nag-isip ako saglit kung ibibigay ko ba ang totoo ko’ng pangalan sa mga ito, pero sa huli mas pinili ko na lamang ibigay ang pangalan ko gamit ang middle name ng mother ko. “Hoy, Ganda. Ano na? Hindi ka na nakapagsalita diyan,” banggit naman ni Tery na naging dahilan kung bakit napakurap naman ako nang mga mata. "Ako si Chazzy Sia, pero Chazz ang tawag ng karamihan sa akin." Sabay ngiti ko sa dalawa na napa-oo na lang. Mukhang madali naman kausap ang mga ito. “Oh, ayan, Chazz, pansamantala dito ka na lang muna titira at huwag muna problemahin ang upa kasi libre ang pagtira mo dito,” banggit ni Abby sa akin. Ganito pala kayaman ang dalawang ito dahil siguro magkapatid ang dalawang ito. Ngunit hindi sila magkamukhang dalawa. “Talaga ba? Nakakahiya naman sa inyong dalawa kung makikitira ako dito sa bahay niyo nang walang bayad. Willing naman ako magbayad kahit magkano." Nanlaki ang mata ni Terry nang bigla ko naisip na hindi ko pala dapat iyon sinabi. Baka akalain ng mga ito na mayaman ako, baka mabilis akong mabuko ng mga ito kaya naman mabilis akong nag-isip ng sasabihin. "Ang ibig ko sabihin kasi kahit pa-paano ay may hawak naman ako pera kahit hindi kalakihan." Natawa naman si Abby na ipinagtaka ko pa. Hinampas naman nito ni Terry sa braso. "Makatawa ka d'yan. Hay Naku! Chazz, huwag ka mag-alala, noh! Sa pagtira mo rito ay madadagdagan pa ang pera mo." Napakunot noo ako sa sinabi ni Terry. Nahalata naman nito ang pagtataka sa aking mukha. "Ang ibig ko sabihin, Chazz, bukod sa hindi namin ito bahay magtatrabaho ka kay Boss, pero ‘yun ay kung willing ka? Ikaw ang papalit kay Marie,” paliwanag ni Terry sa akin. Napatangu-tango naman ako sa sinabi nito kahit na hindi ko pa rin masyadong maintindihan ang sinasabi nito sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.3K
bc

His Obsession

read
72.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook