CHAPTER 2 /RUGGED

1164 Words
Chazzy POV Nagising ako sa ingay na nagmumula sa ibaba ng bahay kaya iminulat ko dahan-dahan ang aking mga mata. Dalawang linggo na nakakalipas ng tumira ako sa malapalasyong bahay ng Boss ko na 'di ko pa rin nakikita. Ang alam ko lamang ay sikat at makapangyarihan daw na tao ito, bukod sa mayaman ay gwapong-gwapo daw ito base na rin sa kwento ni Tery na kinikilig pa habang nagku-kwento sa akin noong unang dating ko dito. "Chazz! Chazz! Gising ka na ba?" tawag sa akin ni Tery na akala mo hinahabol ng r****t sa sobrang lakas ng boses. Gusto ata nitong gibain ang pintuan ng kwarto. “Chazz! Ano ba sumagot ka nga d'yan! Kaloka kang babae ka." Dahan-dahan akong bumangon at binuksan ang pinto. Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata habang si Tery naman ay balisang-balisa. Hindi kasi ito mapakali na akala mo'y may masamang nangyari. "Ano ba kasi 'yun? Para kang hinahabol ng r****t nya'n, eh. Okay ka lang ba, Tery, may problema ba?" natatawa ko pang komento kay Tery. Bigla naman itong namayawang at nagtaray na naman ang itsura sa akin. " Hoy, bruha! Sino 'di matataranta darating na ngayon si Boss. Kaya kung ako sayo mag ayos-ayos ka na d'yan. Tandaan mo unang pagkikita niyo ni Boss, kaya prepare yourself kung hindi malilintikan ka babae ka,” wika ni Tery na pinandilatan pa ako. Mukhang seryoso ito sa sinasabi niya, siguro masama talaga ang ugali ng amo namin na lalaki. Siguro panget din ito kabaliktaran siguro ang sinabi nila Abby at Terry na gwapo ito. “Ah. Okay ‘yun lang pala akala ko kung ano na, e!" Babalik pa sana ako sa loob ng kwarto nang higitin naman ako ni Tery, kaya naman napalingon ako muli dito na pinagtaka ko pa. "Haist! Ano ka ba nakalimutan mo na ba na ikaw ang magiging personal julalay ni Boss?” Napaisip ako bigla at tama si Terry, ‘yun nga pala ang magiging trabaho ko, ang maging personal secretary at buddy guard ng Boss namin. "Oo nga pala nakalimutan ko, sorry,” hinging paumanhin ko naman agad kay Terry. "Kaya nga bilisan muna d'yan, Ganda. Baka magalit pa si Boss sa ‘yo at ayaw pa naman noon ng ta-tanga-tanga. Kaya bilis na! Kilos na Chazz." Nilingon ko si Tery, at bahagya kong nginusuan ito. “Hm…Bakit naman siya magagalit, aber?!" "Haist! Ang dami mo’ng tanong. Hindi ba pinaliwanag na namin sayo ni Abby 'yun?" mahinang tugon ni Terry. "Seryoso ba talaga 'yun?" "Haist! Ang dami mo talagang tanong kung ako sa ‘yo kikilos na ako kung ayaw mo kainin ka ng buhay ni Boss. Gora na Chazz, bilisan muna,” medyo naiirita nang sagot ni Tery sa akin. "Sige na susunod na ako maliligo lang ako nang mabilis." Sinara naman agad ni Tery ang pinto. At mabilisan na ako kumilos. "Ganda, bilisan mo, huh! Sinasabi ko sa ‘yo, naku ka! Lagot ka talaga." Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni Tery, at dumiretsyo na ako sa banyo at naligo ng mabilisan. --- Natataranta ang lahat dahil sa pagdating ng boss nilang si Maki. Alam nilang badtrip ito dahil sa pag-cancel ng isa nitong project sana na gagawin niya, kaya napaaga ang pag-uwi nito. Ang lahat ay 'di magkada ugaga sa pagkilos. "Give me a glass of water!" sabi nang matigas na boses ng isang lalaki. "What? I said give me a glass of water now!!!" utos nitong muli sa isang kasambahay na natataranta naman sa pagkilos dahil sa takot nito sa masungit nilang Boss. "Sir ito po ang tubig niyo." Kaagad niya itong ininom dahil na rin sa init na nararamdaman at inis dahil sa mga palpak niyang lakad. "Peter, where is Marie?!" tanong nito sa isang lalaki nakasuot ng pormal suit at halos lahat ng lalaki na kasama nito ay nakasuot ng formal attire. "Sir Maki, 'di ba po tinanggal niyo na si Marie?" nag-aalinlangan na singit naman ni Tery. "Ikaw ba kinakausap ko, huh, Tery? Ikaw na ba ngayon si Peter, huh?! Magsalita ka!" Napalunok naman si Tery dahil sa masungit na Boss. "Sorry po, Boss,” nakayukong sagot naman nito. Maki POV "Gwapo na sana ang sungit lang." Napatingin ang lahat ng tauhan ko sa isang babaeng dahan-dahan na bumababa sa malaking hagdan. Ako man ay napalingon din dito. Sino naman kaya ang babaeng ito? "Who the hell are you, Lady!" Mukha nagulat naman ang babae ng mapansin nakatingin na pala ang lahat sa kaniya. Napatingin pa ito sa akin at nagkasalubong ang aming mga mata. "Ah, e, Ano po. Ako po si- " Naputol naman ang sasabihin nito nang magsalita si Abby na kinasimangot ko lalo. "Ah, Boss Maki siya si Chazzy,” sagot ni Abby sa akin. "’Di ikaw ang tinatanong ko, Abby!" Tumingin akong muli sa babaeng napalunok na lamang marahil natakot din ito sa akin gaya ng ibang mga tauhan ko. Unti-unti akong lumapit sa pwesto nito na siya naman bahagyang pag-urong nito. "Ah, ako po si Cha-Chazzy,” nauutal na sagot pa nito sa akin. Halata naman ang kaba sa mukha nito kaya lalo ko pa itong nilapitan. Napansin ko na kakaiba ang taglay nitong ganda, hindi iyon pangkaraniwan. "Ikaw ba ang bagong personal secretary ko?" tanong ko rito sa mahinahon ng boses. "Ako nga po, Sir." Nakatingin pa rin ito sa kulay abo ko’ng mga mata. Nagulat naman ang lahat dahil sa bigla paghinahon ng boses ko na kanina lang puro pasigaw. Hindi ko rin alam kung bakit bigla nagbago ang mood ko nang makita ang babaeng ito. "Okay, go to my office now," utos ko rito sabay talikod, at para naman ito nanigas sa kinatatayuan niya wala manlang itong naging reaksyon sa sinabi ko. "Hoy, Ganda. Gora na bilis bago muling mabwesit si Boss.” Narinig ko pang saad ni Tery sa babae. "Hoy, baklush! Ano ba ba't ka ba nangungurot d'yan masakit 'yun, huh!” reklamo pa ng magandang babaeng iyon kay Tery kahit medyo malayo na ako sa pwesto nila, naririnig ko pa rin ang pag-uusap ng mga ito. "Arte nito, gora na at baka magalit na naman si boss,” wika ni Tery na natatawa. Napailing-iling na lamang ako habang naglalakad patungo sa aking opisina sa loob ng mansion. "Peter, ayusin niyong mabuti ang trabaho niyo. Ayaw ko nang mauulit pa muli ang mga kapalpakan nangyari ngayon. Sa susunod alamin niyo mabuti kung okay ba ang mga nilalakad natin ng hindi nasasayang ang oras ko. Ayaw ko nang maulit itong muli, Peter. Naiintindihan mo ba?!" Agad na yumuko ang tauhan ko’ng si Peter na siyang nag-ayos ng flight ko. Ganoon na lamang ang inis ko nang malaman ko na nag-aksaya lang pala ako ng panahon dahil hindi naman natuloy ang dapat na photoshoot ko at business meeting na rin. “Hindi na po 'yun mauulit, Boss. Pasensya na pong muli,” mahinang sagot nito sa akin. "Sige na makakaalis ka na." Mabilis naman itong kumilos ay tuluyan ng lumabas ng aking opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD