CHAPTER 3/ Face to face with Boss

1152 Words
Chazzy POV Nandito na ako ngayon sa harap ng pinto ng opisina ng bagong Boss ko. Nakabukas ito ng bahagya kaya kita ko sa loob ang isang lalaking nakatalikod habang nakaharap sa isang malaking window glass. Inilibot ko ang aking paningin sa buong opisina nito na color gray ang pintura na sinamahan pa ng color black sa ibang parte ng silid. May malaki rin larawan na sa tingin ko ay ang Boss namin napakaseryoso ng muka nito sa larawan na 'yun. Ngunit hindi mapagkakailala na gwapo nga pala talaga ito. Ang kulay abo nitong mga mata na napakaseryoso na bahagya rin, may pagkasingkit, matangos din ang ilong nito, may kanipisan naman ang kilay nito at ang labi nitong kapansin-pansin na akala mo'y nang-aakit. Pa-diamond naman ang hugis ng mukha nito na nahahawig ito sa isang sikat na Hollywood actor na si Tom Cruise. Maputi rin ito na halatang may lahi din ito. Bakit ang sarap tingnan ng larawan ng lalaking ito? Ang mata nito akala mo'y buhay na nakatitig sa akin. "Ahh! Shocks! Ano ba ito nasa isip ko?” Napailing na lamang ako sa mga naiisip ko. Kahit kailan ay wala akong ibang lalaki hinangaan kahit pa na marami rin ang nakapalibot sa akin noon, pero bakit ganito ang epekto ng lalaking ito sa akin? "Tapos ka na ba pagmasdan ang larawan ko?" Napaiktad naman ako nang magsalita ang lalaki sa larawan. Napadako naman ang tingin ko sa aking kanan at doon nakita ko si Boss na nakatayo. “Ah, e, Ano kasi-" naputol ang sasabihin ko nang mapansin ko na mabilis na pala itong nakalapit sa akin. "’Di ka ba marunong kumatok bigla ka na lang pumapasok dito?" Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa sinabi ng Boss ko na masungit. Totoo nga pala ang mga sinasabi ni Tery at Abby masungit nga pala talaga ito. “Anong sina-" Napatakip naman ako sa aking bibig nang mapagtanto ko na nasa loob na nga pala ako ng opisina nito na hindi man lang kumakatok. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. "Napaka mo talaga Chazzy bakit bigla ka na lang kasi pumasok ng 'di kumakatok? Ay, gaga ka talaga,” sambit ko sa aking sarili. Kaya naman yumukod na lamang ako tanda nang paghingi ng paumanhin sa Boss namin masungit. "Sorry po, Sir. Hindi ko po sinasadya,'di na po mauulit,” nakayuko ko pa ring sabi rito. Tumikhim naman ito ng mahina. Himala at hindi na ulit ito nakasimangot. "Okay, umupo ka d'yan." Itinuro nito ang isang bangkong nasa harap ng table niya, dalian naman akong umupo sa bakanteng ito. "Okay, so tell me about yourself,” utos nito na ipinagtaka ko naman. Bakit kailangan ko pa sabihin dito ang tungkol sa aking sarili? Mukhang napansin naman nito ang hindi ko pagsasalita. "Narinig mo naman siguro sinabi ko, ‘di ba?" Bigla akong natauhan ng magsalita itong muli. "Sungit, hmm!" bulong ko sa aking sarili. Mukha naman nakarating iyon sa pandinig ni Boss. "Whatt?!" Nakita ko na gumalaw bahagya ang jaw ni Boss Maki, tanda na naiirita na siguro ito. Kaya naman sumagot na lang ako nang mabilis sa tanong nito. "Hi, Sir. I am Chazzy Sia, but you can call me Chazz for short. I am 22 years old. I came from-" Nag-isip muna ako saglit dahil hindi ko pwedeng sabihin ang lugar kung saan ako talaga nakatira at baka mabisto pa ako nito at palayasin. Kailangan makapag-isip muna ako ng lugar na pwede ko’ng sabihin dito. "Then, you came from what?! Mars ba?" Mukhang nagsisimula na naman itong magsungit. Napakamot ito bigla sa kaniyang noo bago muling tumingin sa akin. "Okay! Never mind. Do you have a boyfriend or husband?" Napaamang naman ako sa sunod nitong tanong. Kasama ba talaga 'yun sa interview? Hibang ba ito? Siguro may crush ito sa akin? Bigla naman ako napangiti, hindi ko alam na nakatingin na nakatingin pala sa akin si Boss kaya naman nagseryoso na ako kaagad. “Hey! Anong nakakatawa sa sinabi ko?!" Iritang nakatingin pa rin si Boss sa akin, tumikhim itong muli at saka umayos ng upo. Kinuha pa nito ang ballpen na nakapatong sa kaniyang table at pinaikot-ikot iyon. "Okay, okay, Tinatanong kita about doon dahil ayaw ko lang ng marami arte sa trabaho dahil pagsisi-" Mukhang alam ko na ang ibig sabihin nito kaya mabilis na akong sumagot sa tanong nito. "Wala po ako boyfriend or asawa, Boss." Napataas naman ang isang kilay ni Boss Maki nang sabihin ko dito na wala pa akong boyfriend at asawa. Napansin ko rin ang pa-simple pag-angat ng isang sulok ng labi nito. Ngumiti ba ito o baka naman namalikmata lamang ako? "Okay, makakaalis ka na." Akmang aalis na sana ako nang magsalita muli si Boss Maki. “By the way, fix all my schedule by tomorrow. Understand?" Lumingon ako rito ngunit busy na ito sa pagtipa sa laptop niya. "You may go now,” malamig na sabi ulit ni Boss Maki. "Okay, Boss. Thank you!" Grabe, huh, ang cold naman niya wala kang mabasang kahit na ano, pero bakit kaya niya ako tinatanong about sa sarili ko at isa pa tinanong din ako nito kong may boyfriend or asawa na ako? Kasama kaya talaga 'yun sa interview or baka naakit siya sa akin? Natawa ako sa naiisip ko. Ay, gaga assuming ka masyado pero ang gwapo niya nga pala talaga. Tama si Tery makalaglag panty nga ang Boss namin. Kaso naman masungit pala talaga ito. Naalala ko mga labi niya na mas masarap pa lang pagmasdan sa personal kaysa sa picture lang dahil parang ang sarap kagatin ng labi niya habang nagsasalita. Kamukha niya si Tom Cruise. "Haissssst, ano ba chazz tumigil ka nga! Gaga mo talaga!" Napakamot na lamang ako aking batok sa mga iniisip ko na kabaliwan. “Ay, palakang masungit!" Bigla naman akong napatalon ng biglang may tumusok sa tagiliran ko at walang iba kundi si Tery at Abby na nakangiting-nakangiti sa akin. "Aba, aba! Teka nga babae ka, 'di naman mukang palaka si Boss, ah. Ang gwapo nga e, makalaglag matres!" tinuran naman ni Abby habang nakangiti ng malawak. "Ano ba yang sinasabi mo Abby makalaglag matress talaga, huh?” "Hoy, babae ka, salamat, huh. Kasi niligtas mo kami lahat sa mabagsik na Boss natin kanina. Ang galing mo, gurl! Dahil d'yan apir tayo!” Sabay apir ni Tery sa akin habang ako naman ay nakakunot ang noo, tumatawa ito. "Huh? Anong sinasabi mo baklush?” Nagtawanan pa ang dalawa habang nakatingin pa rin sa akin. "Haist! Nasisiraan na ata kayong dalawa bahala na kayo d'yan at madami pa ako aayusin." Naglakad na ako at napapailing na lamang sa dalawa ko’ng kaibigan. Makangiti naman ang mga ito ay wagas parang kanina lang ay mga takot sila sa Boss namin na masungit pero ngayon ngingiti-ngiti ang mga ito. Sinabi pa ng mga ito na niligtas ko raw sila kay Boss. Ano ba 'yan, nakakaloka rin talaga ang dalawang 'yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD