Ginising ng mga pagyanig si Odessa at bahagyang nasilaw sa sikat ng araw na malapit na sa kanyang paghimbing sa gawing kanluran. Akala niya ay nananaginip lamang siya sa mga pagyanig pero nang mapansin niyang umuuga ang lupa ay nanatili muna siya sa kalsadang kanyang kinahihigan. Anong nangyari? Ang tanong niya sa sarili. Pinilit niyang inalala ang mga pangyayari bago siya nawalan ng malay kanina. Pero nang mapadako ang mga mata sa kinaroroonan ni Randy ay kaagad siyang bumangon at ibinaluktot ang kanyang mga tuhod para kumuha ng puwersa para isubong ang sarili at makalundag ng may kalayuan papunta sa pinakamamahal niyang si Randy. Dalawang mapuwersang pagtalon ang kanyang ginawa at narating niya ang nag-aagaw buhay na na kasintahan dahil sa sugat na natamo nito sa kanyang

