bc

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals

book_age16+
267
FOLLOW
1K
READ
dark
kickass heroine
powerful
scary
werewolves
vampire
another world
feminism
dragons
horror
like
intro-logo
Blurb

Odessa Dela Rosa who is a half-fairy and Vampire failed to save her sister from the hands of the black fae leader named Anilaokan. In an attempt to save her sister named Laurea, she found herself trapped on a small island surrounded by a vast sea.

The time is running out for her to save not only her sister but also the world against a powerful entity that wants to rule the entire Sanlibutan (world). She was also destined to fulfill the prophecy, prophesized by the babaylans and the mangagaways of Sansinukop and Sinukluban. A prophecy that might lead her to the dark side and become a powerful monster that will surely destroy the human race.

.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
    Mabibilis sa pagtakbo ang tatlong pares na mga paa sa kabundukan ng Eudhoria. Mga paang sing-gaan ng mga dahon habang nagpapalipat-lipat ang mga ito sa mga naglalakihang mga sanga at katawan ng mga puno sa masukal na kagubatan. Tila may tinatakasan ang mga ito at maingat din sa kanilang mga kilos sa masukal na kagubatan. Isa sa tatlo ay babae at may dala-dalang isang bagong silang na sanggol sa kanyang dibdib. Nakapaloob ang sanggol sa isang telang puti na nakasabit at nakatali sa magkabilang balikat nito para hindi ito mahulog sa kanyang ina. Ilang araw na rin silang halos walang tigil sa pagtakbo mula nang tumakas sila sa kaharian ng Elitheria para iligtas ang sanggol sa kamay ng kanyang amang hari. Ngayon ay nais nilang lumayo sa kaharian ng malupit na hari at maitago sa paningin nito ang sariling nitong anak.     Pansamantalang tumigil ang isa sa mga lalake na nasa unahan at itinaas ang kanang kamay nito at ikinuyom ang kamao hudyat ng pagtigil nila sa pagtakbo. Inamoy ng lalake ang paligid bago niya ibinaba ang kamao. Salamin naman ng takot at pag-aalala ang mukha ng babae habang nakatingin siya sa mga kasama.     "Kamahalan, natitiyak kong ligtas na po tayo rito." wika ng lalake habang hinahabol pa ang kanyang hininga.     "Kung gayon ay dito na tayo magpapahinga at magpalipas muna ng gabi." matipid na tugon ng babae sa kanyang dalawang tagapangalaga.     "Kamahalan, kung dito na po tayo magpapalipas ng gabi ay hayaan na po ninyo akong maghanap ng ating makakain para sa hapunan. Mahihirapan na po tayong makahanap pa ng pagkain kapag madilim na ang paligid dito sa kagubatan." ang paghingi ng permiso ng isa sa tagapangalaga niya.     "Sigurado na bang hindi na nila tayo nasundan dito Awen?" Ang naninigurado at nag-aalalang tanong ng babae sa kanyang tagapangalaga.     "Hindi pa po nagkamali kahit minsan ang aking pang-amoy mahal na Reyna. Base sa aking pang-amoy ay aabutin pa sila ng dalawang araw bago pa nila tayo matutunton dito sa kinaroroonan natin ngayon.” paniguro ni Awen kay Reyna Baguinua ng Elitheria, ang asawa ng nababaliw na haring si Khalil ng Elitheria.     Nais patayin ni Haring Khalil ang kanyang bagong silang na anak dahil na rin sa propesiya ng mga Mangagaway at Babaylan na ito ang magpapabagsak sa kanyang kaharian at magiging dahilan ng kanyang kamatayan. Hindi nito matanggap na may hahalili sa kanyang kaharian na ayaw niyang bitawan. Dahil na rin sa sobrang pagmamahal at pagkaganid sa katungkulan bilang hari ng pinakamakapangyarihang kaharian sa buong Elitheria, ay ninais ni Haring Khalil na patayin ang sariling anak pagkasilang pa lamang nito. Walang makakapigil sa kanya kahit pa ang kanyang asawa dahil nasa likod niya si diwatang Magayon na laging nakaantabay at sumusuporta sa kanya.     Pero iniligtas ng kawal na si Jaed ang Sanggol at ang ina nito na si Reyna Baguinua bago pa man naisakatuparan ng hari ang kanyang mga plano. Itinakas niya ang mag-ina kay Haring Khalil para hindi niya mapatay ang sanggol. Napagkasunduan nila na dadalhin ni Reyna Baguinua ang kanyang anak kay Mariang Makiling na kanyang kapatid at diwata na nangangalaga sa kabundukang sakop ng Makiling sa Sansinukop na mundo ng mga tao.     Ang Eudhoria ay bahagi ng pitong kaharian sa isla ng Murcia na kung saan pansamantalang nananahan si Mariang Makiling. Ito ay nakapaloob sa Sinukluban o ang ikatlong mundo, ang dimensiyong sumasakop sa mundo ng mga elemental at iba pang mga kakaibang nilalang na nakatira sa kagubatang sakop nito.         Sa mundo ng ikatlong dimensiyon ay iba't-ibang klase ng nilalang ang nakatira rito. Mga walang kasing-bangis na nilalang na gumagala sa mga lupa at tubig maging sa himpapawid. Mga iba't-ibang uri ng mga elemental ang namumuno at sumasakop sa mga kabihasnang itinayo ng mga sinaunang mga pinuno ng bawat kaharian.     Walang lugar ang mga mahihina sa mundong ito. Lalo na ang mga mortal o ang mga tao. Bagamat nagmula sa mundo ng mga tao si Haring Khalil, tinulungan naman siya ng diwatang si Magayon para magkaroon ng kapangyarihan at maging isang imortal sa pamamagitan ng pagsalin ng dugo ng diwata sa kanya. Naging imortal at nagkaroon kapangyarihan si Haring Khalil at naging daan para makilala ang napakagandang prinsesa na si Baguinua.     Pero iba ang naging kapalaran ni Haring Khalil sa mga mortal na nakarating sa Elitheria. Nakuha niya ang loob ng mga taga-Elitheria at naging dahilan para gawin siyang kauna-unahang mortal na pamumunuan ang kaharian ng mga diwata. At iyon ay sa tulong ni prinsesa Baguinua na ngayon ay ang Reyna ng Elitheria at asawa ni Haring Khalil. Nakuha niya hindi lamang ang pag-ibig at tiwala ng prinsesa, maging ang mga magulang nito, ang hari at reyna ng Elitheria. Kaya hindi nakapagtataka na kaagad na ibinigay sa kanya ang basbas ng pag-iisang dibdib niya sa kanilang panganay na anak na si Baguinua. Sinuportahan naman iyon ni Mariang Makiling ang nakababatang kapatid ni Baguinua, na tuwang-tuwa sa landas na pinili ng kanyang kapatid sa kamay ng napakabuting si Khalil.     Naging palalo at sakim ang hari lalo na nang nabigyan siya ng kapangyarihan ng diwatang si Magayon. Si Magayon na labis ang galit sa mga mortal na tao pero nagbago ang lahat ng iyon nang makilala at magkaroon sila ng relasyon ni Haring Khalil na lingid sa kaalaman ni Reyna Baguinua. Matalik na kaibigan ng mga magulang ni Reyna Baguinua si Magayon kaya malaya itong nakakapasyal sa Elitheria kahit kailan niya gusto.     Kapalit ng pag-ibig ay ang kapangyarihang kaloob ng diwata sa hari na huli na ng malaman ni Reyna Baguinua para makontrol pa nito ang asawa. Si diwatang Magayon ang kumokontrol sa isipan ng kanyang asawa para maghasik ng kalituhan at kaguluhan sa kahariang sinasakupan. Marami sa mga mamamayan ang nakapansin sa kakaibang kilos ng hari kaya inisip nilang nababaliw na ito. Naunang ipinatakas ni Reyna Baguinua ang kanyang mga magulang para protektahan ang mga ito sa kanyang asawa. Kahit ilang ulit na tinangkang isama ng mga magulang ni Reyna Baguinua ay hindi ito sumama dahil hindi nito maiwan ang kanyang asawa. Alam niyang may paraan pa para mawala ang pagkontrol ni Magayon sa isipan ng kanyang asawa, pero nabigo siyang hanapan ito ng lunas.     Dumidilim na ang paligid sa kagubatang sakop ng Argos lalo na nang nagsimula ng humimlay ang haring araw sa mga nagtataasang kabundukan ng Murcia. Nakaupo si Reyna Baguinua sa isang napakalaking ugat ng puno ng Guian na nakausli sa masukal na lupa ng kagubatan. Hawak niya ang natutulog na anak ay nakapako ang kanyang mga mata sa mukha ng sanggol. Maingat niyang hinahaplos ang pisngi ng munting prinsesa, habang nangingilid ang mga luha sa mga mata ng reyna. Baka iyon na rin kasi ang huling pagkakataong masilayan at mahawakan niya ang mukha ng kanyang anak na prinsesa.     Marahan niyang hinalikan ang noo ng sanggol at napapikit si Reyna Baguinua habang pinipigil ang kanyang sarili na huwag maiyak. Kailangan niyang maging malakas at magpapakatatag para sa kanyang sanggol na anak. Siya na lamang ang inaasahan nitong poprotekta sa kanya at ipagtatatanggol laban sa kanyang nababaliw na asawa. Mamahalin niya ang kanyang anak at ipinapangakong darating ang araw at babalik sila sa Elitheria para kunin ang karapatan ng sanggol na prinsesa sa trono ng kanilang kaharian.  Pero naputol ang mga tagpong iyon nang lumapit sa kanya si Jaed, ang pangalawa sa mga tagapangalaga ni Reyna Baguinua.     "Mahal na Reyna." Ang sabi ni Jaed. Tumingin si Reyna Baguinua sa lalaking tagapangalaga sa reyna. "Nababahala na po ako kay Awen dahil kanina pa siya umalis para kumuha ng pagkain, pero wala pa siya. Paparating na ang gabi at lubhang mapanganib ang kagubatang ito pagsapit ng dilim."     "May tiwala ako kay Awen, Jaed. Kaya niya ang sarili niya sa kahit na ano mang panganib ang dumating. Marahil ay nahirapan lang siyang maghanap ng makakain natin." ang tugon ni Reyna Baguinua.     Tumango-tango si Jaed sa sinabi ng kanyang reyna. "Marahil tama nga po kayo kamahalan. Kaya ni Awen ang sarili niya lalo na't sa ganitong lugar siya sinanay." ang pagsang-ayon ni Jaed, pero hindi pa rin nawawala sa mukha niya ang pag-aalala sa kasama.     Nakaramdam si Jaed ng tila pangangati sa gawing batok niya. Hinampas niya ito gamit ang kanyang kamay sa nangangating batok at napansin ang tila malagkit na likido sa kanyang kamay at batok. Mabilis niyang tinitigan ang malagkit na likido at nanlaki ang mga mata sa nakita sa kanyang mga daliri. Dugo, dugo ang nasa mga daliri niya at sa kanyang batok. Nakaramdam nang pagkabahala si Jaed pagkakita sa napisak na insekto sa kanyang kamay.     "Buknit..." ang pabulong na wika ni Jaed habang hindi maalis-alis ang tingin nito sa patay na insekto sa kanyang palad.     Hindi siya puwedeng magkamali kapag mayroong Buknit sa paligid. Hinding-hindi siya puwedeng magkamali. Muli ay naramdaman niyang gumapang ang takot sa kanyang katawan. Napatingin siya sa kanyang Reyna na abala sa pagpapakain sa bagong silang na prinsesa.     Iginala ni Jaed ang kanyang paningin para sa kasamahang si Awen. Sa di inaasahan ay biglang umalingasaw ang tila nabubulok na laman ng hayop kasabay ng mga ugong ng mga nagliliparang mga insektong Buknit. Napatingin si Jaed sa kanyang Reyna na napatayo na rin dahil sa umaalingasaw na amoy at ang dumaraming mga insekto. Tumingin rin ang Reyna sa kanya na may takot sa kanyang mukha na tila batid niya ang nagbabadyang panganib.     "Culeriot..." Ang pabulong na wika ni Reyna Baguinua. Ilang saglit lang ay naramdaman nila ang mga tunog ng mga naglalagutok at nagbabalihang mga sanga ng kahoy di kalayuan mula sa kanilang kinaroroonan.     Nilapitan ni Jaed ang kanyang Reyna Baguinua para protektahan siya at ang sanggol nito sa kanyang mga braso. Inihanda niya ang kanyang espada at naging alerto sa ano mang puwedeng mangyari. Sa totoo lang ay hindi pa siya nakakita ng Culeriot kaya hindi pa niya alam kung ano ang magiging reaksiyon kapag nakaharap na ang halimaw. Napalingon pareho sina Reyna Baguinua at Jaed sa kanilang likuran nang biglang iniluwa ng mga mayayabong na mga damuhan si Awen na mabilis sa kanyang pagtakbo patungo sa kanila.     "Mahal na Reyna, takbo!" ang malakas na sigaw ni Awen sa dalawang kasama.     Hindi na nagdalawang isip pa sina Reyna Baguinua at Jaed pagkarinig kay Awen habang papatakbong papalapit sa kanila. Mula sa likuran ni Awen ay ang napakalaking nilalang na tinatawag na Culeriot na hawig sa isang Kapre.     Higit na mababangis ang mga Culeriot kung ikukumpara sila sa mga kamag-anak nilang mga Kapre. Kumakain sila ng mga nilalang na alam nilang walang laban sa kanilang lakas. Gustong-gusto nila ang mga kababaihan na may malambot at malasang laman.Marahil ay natiyempuhan ni Awen na nangangaso ang Culeriot sa kanyang paghahanap ng makakain. Malakas ang pang-amoy ng mga halimaw na Culeriot at kaya nilang sundan ang kanilang mga bibiktimahin kahit ilang milya pa ang layo ng mga ito. Wala pang nakakaligtas sa bangis ng mga Culeriot. Kamatayan ang katumbas ng pagkakatunton ng mga ito sa isang nilalang dahil hahanapin siya nito kahit saan man ito magtago. Ang pagpatay sa Culeriot ay itinuturing na ring isang malaking pagkakamali sapagkat nangangahulugan lamang ito ng paghamon ng pakikipaglaban sa diyosa ng lupa na si Labuad. Ang tanging magliligtas lamang sa sino mang maka-enkwentro ang isang Culeriot ay ang maitali ang hila-hila nitong tanikala sa isang matatag at matibay na puwedeng mapagtatalian nito. Pero wala pang nilalang ang nakakagawa sa pagtali sa tanikala ng isang Culeriot.     Pinauna ni Jaed sa pagtakbo si Reyna Baguinua habang inaalalayan siya nito na makalayo sila sa napakabangis na halimaw.     "Mahal na Reyna! Ililigaw ko ang Culeriot, tumakas na po kayo!" ang malakas na sigaw ni Awen. "Jaed! Ikaw na ang bahala sa mahal na Reyna! Iligtas mo siya at protektahan ang kanyang sanggol!”     "Hindi! Huwag mong gawin yan, Awen! Lahat tayo ay makakatakas dito at makakarating sa kagubatan ng diwatang si Mariang Makiling!" ang biglang tugon ng nag-aalalang si Reyna Baguinua.     Kung magagamit lang sana ni Reyna Baguinua ang kanyang kapangyarihan ay madali nilang mapipigilan ang Culeriot. Hindi pa bumabalik ang kanyang lakas mula ng isilang niya ang kanyang panganay na anak.     Pero hindi nakinig si Awen sa kanyang Reyna. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan sa pagkontrol ng mga puno sa kagubatan. Pinagalaw niya ang mga sanga ng mga naglalakihang mga puno sa pamamagitan ng isip at pagkumpas sa kanyang kamay. Pero lubhang malakas ang halimaw. Lahat ng naglalakihang sanga ng puno na madaanan nito ay madali nitong nababali.     Sinubukan din niyang pagalawin ang mga naglalakihang ugat ng mga puno na sumilo sa dalawang paa ng Culeriot at sa pagkakataong iyon ay bumagsak sa masukal na lupain ng kagubatan.     Sa mga sandaling iyon ay nabuhayan ng loob si Awen na makakalayo na ang kanilang Reyna kasama si Jaed. Tumigil si Awen para dagdagan pa ang mga baging na kumakapit sa katawan ng Culeriot na ngayon ay umaatungal ng napakalakas. Pansamantalang tumigil din sina Reyna Baguinua at Jaed ng makitang bumagsak ang halimaw sa masukal na sahig ng kagubatan. "Awen, iwan mo na ang halimaw, kailangan na nating lumayo bago pa siya makaalis sa pagkakapulupot ng mga ugat sa kanyang mga paa!" utos sa kanya ni Reyna Baguinua.     Pero alam ni Awen na hindi sila titigilan ng halimaw. Kailangan niyang maprotektahan ang sanggol na prinsesa at ang kanyang Reyna. Kailangang isakripisyo niya ang sarili para lang masigurong mailigtas ang mag-ina.     "Patawad mahal na Reyna pero sa pagkakataong ito ay hindi ko susundin ang utos po ninyo!" ang malakas na wika ni Awen habang kinokontrol ang mga puno at halaman sa gubat. "Jaed itakas mo na ang mahal na Reyna at ang anak niya! Hindi ko na siya mapipigilan pa! Ilayo mo na sila dito dali!"     Pagkarinig ni Jaed sa kasama ay kaagad niyang inakay ang Reyna papalayo sa lugar. Pero hindi pa man sila nakakalayo ay nakawala na ang halimaw sa pagkakapulupot nito sa mga ugat ng mga naglalakihang mga puno. Hindi pa man nakakakilos si Awen sa kanyang pagkakatayo ay malakas na paghampas ang ginawa sa kanya ng Culeriot at tumilapon ito ng mahigit sampong metro ang layo sa kasukalan.     Pagkakita ng Culeriot sa papatakas na sina Reyna Baguinua at Jaed ay kaagad na hinila nito ang tanikala sa kanyang paa. Kumuha ng buwelo ang Culeriot at inihagis ang tanikala sa papatakas na sina Reyna Baguinua at ang tagapangalaga nitong si Jaed. Mabilis na naabutan ng tanikala si Reyna Baguinua at pumulupot ito sa kanyang payat na katawan. Pagkapulupot ng tanikala sa reyna ay mabilis na hinila ito ng Culeriot, dahilan para bumagsak ang inang reyna sa masukal na lupa at makaladkad papunta sa halimaw habang umiiyak hawak na sanggol.     Kaagad namang kinuha ni Jaed ang kanyang espada at pilit na pinuputol ang tanikala na nakapulupot kay Reyna Baguinua. Buong lakas at puwersa ang ginawa nitong pagtabak sa metal na tanikala. Pero lubhang matibay ang pagkakagawa sa tanikala na mapuwersa pa ring hinihila ng halimaw papunta sa kanya. Pakiramdam ni Reyna Baguinua ay dito na magwawakas ang kanyang buhay. Kitang-kita niya na walang magawa si Jaed para makawala pa siya sa halimaw na Culeriot. Kailangang mailigtas ang buhay ng kanyang anak na prinsesa, kailangang mabuhay ang kanyang bagong panganak na sanggol.     Kanina pa umiiyak ang sanggol na anak ni Reyna Baguinua marahil ay nasaktan din sa kanyang pagbagsak sa lupa. Sayang at hindi man lang niya nabigyan ng pangalan ang kanyang pinakamamahal na prinsesa.     "Jaed!" Ang malakas na tawag ng sa matapat na tagapangalaga.     Hindi siya narinig ni Jaed dahil abala ito sa pagtabak sa napakatibay na tanikalang metal.     "Jaed!"ang muling tawag nito sa kanyang tagapangalaga. Sa pagkakataong ito ay napatingin si Jaed sa kanyang Reyna. "Itakas mo na ang anak ko! Iligtas mo na siya!" ang pakiusap ni Reyna Baguinua.     "Pero mahal na Reyna..." ang pagtutol sana ni Jaed sa gustong mangyari ng kanyang reyna.     "Sundin mo ang utos ko! Itakas mo na ang anak ko pakiusap!" ang sigaw sa kanya ni Reyna Baguinua.     Kahit labag sa loob ay mabilis na kinuha ni Jaed ang sanggol sa kanyang ina. Nagdadalawang isip pa siyang iwan ang kanyang Reyna pero kailangan niyang iligtas ang sanggol at dalhin ito kay Mariang Makiling.     "Umalis ka na Jaed! Itakas mo na ang aking anak!" Ang sigaw ng umiiyak na si Reyna Baguinua. Biglang hinatak na nang malakas ng halimaw ang butihing reyna papunta sa kanya.     Awang-awa man si Jaed sa kanyang Reyna ay kailangang iligtas pa rin ang sanggol para sa katuparan ng propesiya. Halos madurog ang puso ng lalaking tagapangalaga nang makita niya ang kanyang Reyna na nakatitig pa rin sa kanila habang inilalayo na niya ang sanggol para dalhin kay Mariang Makiling.     Halos lumipad sa pagtakbo si Jaed masiguro lamang na ligtas na sila ng sanggol na prinsesa ng Elitheria. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili dahil wala siyang nagawa para iligtas ang buhay ng mahal na Reyna.     Sumisilip na ang araw nang masilayan na ni Jaed ang mumunting dampa ni Mariang Makiling sa kabundukang nasasakupan ng diwata. Halos maubusan ng hininga si Jaed sa sobrang pagkahapo para lamang masigurong hindi na siya nasundan pa ng Culeriot at ligtas na makakarating kay Mariang Makiling. Hindi na umiiyak ang anak ni Reyna Baguinua. Mahimbing ang tulog nito sa mga kamay ni Jaed na pasuray-suray sa kanyang paglalakad patungo sa bahay ni Mariang Makiling.     Tila inaasahan naman ni Mariang Makiling ang pagdating ni Jaed na kasama ang sanggol. Bumukas ang pintuan ng kubo at mula roon ay sinalubong sila ng umiiyak na si Mariang Makiling. Mabilis niyang kinuha ang sanggol kay Jaed at kaagad nitong hinalikan ang noo ng pamangkin.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
71.5K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
42.1K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.6K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
133.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
112.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
164.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook