Lumundag si diyosang Tala kasabay ng napakalakas na pagsabog mula sa kanyang kinatatayuan. Gigil na gigil naman ang babaeng manggagaway na may hawak na tungkod nang di niya tinamaan ang diyosa gamit ang kapangyarihan nito. Gamit ang mga orasyon ay nagpakawala ng itim na kapangyarihan ang manggagaway na may marka sa noo. Nakaramdam naman ng kakaibang pakiramdam si diyosang Tala. Biglang nanghina ang kanyang mga kalamnan sa katawan at nagsimulang umikot ang kanyang paningin. Sinubukan niyang maging alerto sa mga susunod pang mga pagkilos ng kanyang mga kalaban kahit na gusto ng bumigay ng kanyang katawan. Nakangising lumalapit ang babaeng may hawak sa itim na bolang kristal na tila isang batang tuwang-tuwa sa mga kending nakahapag sa kanyang harapan. Gusto niya na siya ang unang tit

