Chapter 2

2445 Words
"Naku Madi, bitawan mo na iyan anak, baka makita ako ng Dad mo siguradong pagagalitan ako nun." May pag aalalang sabi ni Greta sa kanyang alaga habang pinipigilan nito ang pag huhugas ng pinggan. "Don't worry Nanay Greta, wala naman si Dad, at isa pa gusto ko talaga matuto ng mga gawaing bahay, at sobrang thankful ako sayo Nanay dahil tinuruan mo ko, atleat ngayon kahit saan ako mapunta kaya kong alagaan ang sarili ko." Bahagya naman nangiti si Greta sa mga sinabi ni Madison sa kanya, si Greta na ang tinuring na ina ni Madison, siya ang kasambahay na halos nagpalaki na sa dalaga. "Pero anak isa kang prinsesa, at ang mga ganyang gawain ay hindi bagay sayo." malungkot na sabi ni Greta. "Ano kaba Nanay, isa man akong prinsesa o hindi mahalaga ang mayroon akong alam sa buhay." Sabi pa ng dalaga. "Madison! Madison!" Napalingon si Madison ng marinig niya ang boses ng kanyang ama. "Yes Dad?" "Ano ang ibig sabihin nito? Trinansfer mo ang lupang iniwan sayo ng Mommy mo sa mga magsasaka na yun?" Tapos ay hinagis sa harap ni Madison ang mga dokumento. Pinulot ni Madison ang mga papeles sa sahig, at dahan-dahan binuksan ang envelope. "Daddy, lupa ni mommy iyon na binigay niya saakin, so ano naman kung ibigay ko sa mga magsasaka? ano naman kung ibigay ko sa taong mahalaga sakin at mahal ko?!" Sabi ni Madison. Napatingin si Madison ng maramdaman niyang may humawak sa kanyang kamay at nakita niya ang nang gigilid na luha ng kanyang Nanay Greta. "Totoo ba anak? totoo bang-" "Oo Nanay, ibinigay ko sayo ang lupang iniwan sakin ni Mommy." "Pero bakit mo naman ginawa iyon Madi?" "Dahil mula ng mawala ang Mommy ko ikaw na ang nanay ko." Niyakap ni Nanay Greta si Madison habang ito ay lumuluha. "Tama na ang drama ninyo! Pumasok ka sa kwarto mo Madi at ikaw Greta sumunod ka sa office ko! Mag uusap tayo!" galit at may mataas na boses na sabi ng ama ni Madison. Kumalas ng yakap si Greta kay Madison. "Nanay!" Hindi na nagsalita pa si Greta, sumunod ito sa ama ni Madison. "Greta! Bata pa lang si Madison ay ikaw na halos ang nagpalaki sa kanya, pero this time, oras na siguro para iwanan mo ang anak ko at tingin ko ay hindi ka niya kailangan." "Pero sir Edward." "Inuto mo ba ang anak ko para ibig sayo at sa mga kabaryo mo ang lupang iniwan sa kanya ng kanyang ina?" "Sir nagkakamali po kayo." "Okay fine, sayo na ang lupang iyon, alam mo naman kung gaano kayaman ang pamilya namin, siguro ito na ang panahon para iwanan mo ang anak ko." "Sir Edward hindi ko po basta maiiwan si Madison, siguradong masasaktan siya!" "I dont care! Simula ngayon ay aalis ka sa pamamahay ko! Iiwanan mo si Madison at wag kana magpapakita sa kanya! Nagkakaintindihan ba tayo Greta?!" Galit na boses ni Edward. Nanginginig na magkahawak ang kamay ni Greta at ang mata nito ay walang patid sa pag bagsak ng luha. "Sagot!" muling pag sigaw ni Edward. "O-opo." mahinang tugon ni Greta, tapos ay nagmadali na itong lumabas ng opisina ni Edward habang umiiyak. Pag bukas niya ng pintuan ay bumungad sa kanya ang kanyang anak anakan na si Madison. "Nanay!" Ngunit nilagpasana na lamang ito ni Greta at dire-diretso na nag punta sa silid. "Nanay!" Agad na inayos ni Greta ang kanyang mga gamit at inilagay ito sa isang maleta. "Nanay ano ba nangyayari? Bakit ka nag iimpake? Saan ka pupunta? Ano sinabi sayo ni Dad?!" Sunod sunod na tanong ni Madison kay Greta. "Nanay sumagot ka? Ano ba nangyayari?" biglang hinawakan ni Madison ang braso ng kanyang Nanay Greta kay ito natigilan sa ginagawa. "Nanay ano ba?!" umiiyak na sabi ni Madison. Umupo si Greta sa gilid ng higaan at tinabihan naman ito ni Madison. Hinawakan ni Greta ang kamay ng kanyang anak at tumingin sa mga mata nito. "Madi anak makinig ka, kailangan ko na umalis sa lugar na ito at iwanan ka." Sa narinig ni Madison ay lalo pang bumagsak ang luha ng dalaga. "Pero bakit Nanay? Pinaalis kaba ni Dad? Kakausapin ko siya?" "Hindi anak, kailangan ko na din makasama ang pamilya ko at isa pa dalaga kana alam kong kaya muna ang sarili mo kahit na wala ako." "Hindi Nanay, wag please! Wag kang umalis! Wag mo ko iiwanan." "Tandaan mo anak, mahal na mahal na mahal kita." "Nanay please." "Ate Greta nandiya na yung sasakyan." Tumayo si Greta mula sa kanyang pagkakaupo at binuhat ang kanyang mga gamit.. Hindi pa man siya tuluyang nakakalabas ng pinto ay bigla siyang niyakap ni Madison mula sa kanyang likuran. "Nanay, magkikita pa tayo, hahanapin kita." Tapos ay dahan-dahan kumalas si Madi sa kanyang pag yakap sa kanyang Nanay Greta habang ang mukha ng dalaga ay basang basa ng luha. Bata pa lamang si Madison ng mamatay ang kanyang tunay na ina, si Greta na ang nagpalaki at nag alaga sa batang si Madison noon hanggang sa ito ay mag dalaga, tinuruan ni Greta si Madison na maging isang simpleng tao kahit na ang totoo ay isang prinsesa ang dalaga. Mahal na mahal ni Madison si Greta hindi lang sa ito ang kanyang yaya kundi ang turing niya dito ay isang ina. SUMAPIT na ang umaga, nakahiga pa din si Madison sa kanyang kama at nakatingin lamang sa bintana, sobrang miss na niya ang kanyang Nanay Greta, kung nandoon pa marahil ang kanyang Nanay ay hindi siya marahil nakahiga pa kundi kasama na niya ito sa palengke. Hanggang sa narinig niya ang katok sa kanyang pintuan. "Nanay." mahinang sabi niya. Agad niyang binuksan ang pinto ngunit ang nakita niya ay ang kanyang ama. "Dad." mahinang tawag niya. "Mag ayos kana, may darating tayong bisita." "Opo." Umalis agad ang kanyang ama matapos iyon sabihin sa kanya, sa mga ganitong pagkakataon niya lalong namimiss ang kanyang Nanay Greta, dahil kung kasama niya ito ay aayusan siya nito at ihahanda ang mga gamit niya. Inihanda na ni Madison ang kanyang sarili, nag ayos at nagsuot siya ng simpleng damit ngunit nag mumukha pa din itong elegante, bumaba siya sa hagdan at nakita niya ang kanilang mga bisita na nakapag ikot sa hapag at isa na doon ang kanyang ama. "Oh nandito na pala siya." Sabi ni Edward. Umupo si Madison sa upuan at nakita niya ang isang binata na kasama ng mga ito, pogi din siya tulad ng inaasahan. Nakatitig sa kanya ang lalaking ito habang nakangisi. "May problema ba?!" tanong niya dahil nakatitig ito sa kanya. "No, No! Sorry nagandahan lang ako sayo." "Thank you." mahinang tugon ni Madison. "By the way Madison siya nga pala si Rico Saavedra, at sila naman ang Mommy at Daddy niya." pag papakilala ni Edward sa mga ito. Nginitian naman ni Madison ang mga ito. "Edward, napaka ganda ng anak mo, sigurado akong napaka spoiled ng anak mo dahil isa lang siya." Papuri ni Ginang Juliet Saavera. Bahagya naman natawa si Edward sa sinabi ng Ginang. "May katigasan ang ulo ni Madison, pero kahit naman ganoon ay sumusunod pa din naman siya sa mga gusto ko." Wika naman ng ama ni Madi. "By the way, pag usapan na natin ang dapat pag usapan, may meeting pa kasi ako." Sabi naman ni Mr. Saavedra. "Okay, sinabi mo naba kay Madison ang tungkol sa kasal?" Napatingin si Madison at tila gulat na gulat sa sinabi ni Mrs. Saavedra. "Kasal?" tanong naman ni Rico na bahagyang nabigla din. "Oo son, balak namin na ikasal kayo para sa collaboration ng mga companies natin." Tugon ni Mrs. Saavedra. Bigla naman napatayo si Madison mula sa kanyang upuan. "No!" matigas na sabi ni Madi. "Hinding hindi ako magpapakasal dahil lang gusto ninyo! Ako ang pipili ng taong pakakasalan ko at hindi pwede makialam ang kahit na sino!" pag tataas ng boses ng dalaga. "Madison!" matigas na tawag ng kanyang ama sa kanyang pangalan at makikita mo din sa mukha nito ang galit at pagkabigla sa sinabi ng anak. "Kasal? Collaboration para sa company? Hindi! Hindi ako papayag na ipakasal niyo ko dahil lang gusto niyo! At hindi ako papayag na makasal lalo na sa taong ngayon ko lang nakilala!" Tapos ay umalis ito sa lugar at nag madaling mag punta sa veranda. Natahimik naman sila Mr and Mrs Saavedra sa mga sinabi ni Madison ganun din ang anak nitong si Rico habang ang ama ni Madison na si Edward ay labis ang nararamdamang galit dahil sa pagkapahiya at naging asal ng kanyang anak. Bumuntong hininga si Madison habang nakatayo sa veranda, hindi niya akalain na masasabi niya ang lahat ng iyon sa harap ng kanyang Daddy, labis din siyang nabigla dahil sa kanyang nalaman. "Sobrang tapang mo." Napalingon si Madison ng marinig niya ang boses ng isang lalaki at nang lingunin niya ito ay nakita niya ang matangkad at gwapong lalaki. "Hindi ka pala spoiled brat na sunod sunuran sa gusto ng Dad mo, bigla tuloy kitang nagustuhan." pang aasar ni Rico. Si Madison naman ay halatang inis sa lalaking kaharap niya, nakatitig siya sa lalaki habang nakakunot ang noo. "Shut up!" mahinang sabi ni Madison. Lumakad si Rico palapit sa dalaga at nang tuluyan ng makalapit si Rico ay bumulong ito sa punong tainga ni Madison. "I think, i like you." mahina at nakakakilabot ang boses ni Rico. Hindi naman nagustuhan ni Madi ang ginawa ni Rico kaya naman bahagya niyang itinulak palayo sa kanya ang lalaki. "Asa ka!" tipid na sagot ni Madison tapos ay inirapan niya ito at nilagpasan. Minabuti ni Madison na mag tungo sa kanyang silid upang mapag isa at nakita niya ang picture nila ng kanyang Nanay Greta na nakapatong sa maliit na lamesa sa tabi ng kanyang kama. Kinuha niya ang picture at naalala niya ang kanyang Nanay Greta. "Nasaan kanaba Nanay, kung nandito ka may masasabihan ako ng bigat ng nararamdaman ko, sobrang miss na kita Nanay." Sabi ni Madi sa kanyang isipan habang tinitignan ang picture nila ng kanyang Nanay Greta. Hanggang sa bigla siyang may naalala. Pumunta si Madison sa kanyang kabinet upang tignan doon ang piraso ng papel na kanyang itinago, bigla niyang naalala na isinulat ni Nanay Greta ang address nito noon sa papel kung kaya't maaari niya itong puntahan. At tulad ng inaasahan ay nandoon pa din sa kanyang pinag taguan ang papel kung saan nakasulat ang address ng kanyang Nanay. Agad na inayos ni Madison ang kanyang mga gamit, buo na ang kanyang pasya na aalis siya at tatakas upang puntahan ang taong nagpalaki, nag alaga at nag mahal sa kanya.. Sumapit na ang dilim, tiniyak ni Madison na tahimik na ang paligid at tulog na ang kanyang Daddy Edward, kaya minabuti ni Madison na tumakas sa kanilang mansion upang hanapin ang address na nakasulat sa papel upang agad niyang makita ang kanyang Nanay Greta, hindi din kasi ito sumasagot sa mga tawag niya. Hindi nag tagal ay napag tagumpayan ni Madison na makaalis ng mansion, agad siyang sumakay ng taxi upang mag tungo sa terminal ng bus. Habang siya ay nasa byahe ay nasasabik na siyang makita ang kanyang Nanay Greta. Dahil sa dami ng iniisip ni Madison ay hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa byahe at nang magising siya at maliwanag na. Bumaba siya ng bus at lumapit sa isang tricyle driver. "Manong, saan po kaya ang lugar na ito?" tanong niya sa lalaki. Pinakita niya ang papel kung saan nakasulat ang address ni Greta. "Naku miss, alam ko ang lugar na yan pero hanggang sa bungad lang kita maihahatid dahil mahirap pumasok ang sasakyan diyan, bukid kasi iyan e." "Ganoon ho ba, sige po pahintay na lang po." Nag tungo si Madison sa ATM machine upang mag withdraw ng pera ngunit laking gulat niya ng ayaw ng gumana ng kanyang card, kaya naman nag hanap siya ng banko sa paligid upang icheck ang kanyang mga ATM at credit cards. "Sorry Miss Ocampo, naka freeze po ang lahat ng account ninyo." Sabi ng teller. "Ahhh okay salamat." Halos mamutla si Madison sa kanyang nalaman, na paayos agad ng kanyang ama ang bagay na ito upang wala siyang maging pang gastos. Bumalik si Madison sa tricycle driver na kanyang nakausap. "Manong dalhin niyo po ako sa lugar na yan, kaso wala akong pera* Bahagya naman natawa ang tricycle driver. "Miss nag bibiro kaba? Nag hahabap buhay ako tapos sasakay ka sa tricycle ko wala kang pambayad? Napakasukal at ang layo pa ng lugar na yan, niloloko mo ba ko?" Hinawakan naman ni Madison ang kanyang tainga at nahawakan niya ang kanyang suot na hikaw na agad niyang hinubad at inabot sa driver. "Siguro naman papayag kana? Sobra sobra pa ang halaga niyan." Bigla naman natahimik ang driver. "Oh sige na nga, sige na sumakay kana." Nag madaling sumakay si Madison sa tricycle at halos isang oras din bago sila makarating sa kanilang pupuntahan. "Miss hanggang dito na lang, masukal na ang daan diyan, mag iingat ka na lang." sabi pa ng driver. Bumaba si Madison sa tricycle upang simulan na ang kanyang pag lalakad sa direksyon na sinabi ng driver sa kanya, masukal nga ang daan at walang gaanong tao ang dumadaan, mabuti na lamang ay maliwanag ang sikat ng araw ng mga oras na iyon. Halos kalahating oras na nag lalakad ang dalaga at napapagod na din ang kanyang mga paa hanggang sa isang lalaking nakasakay sa motorsiklo ang biglang huminto sa kanya. "Miss gusto mo bang sumabay? Malayo pa ang lalakarin mo?" Sabi ng lalaki. "No thanks." mahinang tugon niya. "Bahala ka, mapapagod ka ng husto, saan kaba pupunta? Wag kang magalala taga dito ako at kabisado ko ang lugar na ito." Bigla naman nabuhayan ng loob si Madison dahil sa sinabi ng lalaki at isa pa ay pagod na din ang kanyang mga paa, ngunit nag dadalawang isip siya dahil naka helmet ang lalaki at hindi man lang niya makita ang mukha nito. "Naku miss hindi ako masamang tao, walang naglalakad sa lugar na ito dahil malayo, pero kung ayaw mo sige aalis na ko." Ihaharurot na sana ng lalaki ang kanyang motor ng biglang mag salita si Madison. "Alam mo ba ang address na ito?" tanong niya at pinakita ang piraso ng papel "Oo, sa katunayan diyan ako pupunta." Bigla naman nag karoon ng pag asa si Madison dahil sa sinabi ng lalaki, ang totoo ay kasi ay hindi niya talaga alam kung saan siya pupunta, nag titiwala na lang siya sa mga taong napag tatanungan niya. "Ano miss sasakay kaba o aalis na ko?" muling sabi ng lalaki. Umangkas si Madison sa motorsiklo ng lalaki at muling nag tiwala na siya ay makararating sa kanyang pupuntahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD