Sumasakit na din ang aking paa at kanina pa din ako nagugutom, hindi ako makapaniwala na finreeze ni Daddy ang mga bank accounts ko kaya ngayon ay walang wala ako. muli akong nag tiwala sa ibang tao pero wala naman sigurong masama kung paminsan-minsan ay gagawin ko iyon.
Sumakay ako sa motorsiklo sa likod ng lalaking nag-alok saakin na sumabay ako sa kanya.
"Kumapit ka ng mabuti Miss, makakarating kana sa pupuntahan mo." Sabi ng lalaki
Nagsimula na niyang paandarin ang motor, at sa mga oras na iyon ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa likuran ng lalaki, napakaganda kasi ng pangangatawan nito, malapad ang kanyang mga balikat at maging ang kanyang braso ay malalaki at mukha pang matigas, bumagay din sa kanyang pangangatawan ang pagka-moreno ng balat nito, tapos ay napakabango pa ng lalaki, talagang lalaking lalaki siya sa paningin ko.
"Ayyyyy!" napahiyaw ako nang biglang huminto ang lalaki.
Nakita kong napalingon siya saakin at napag tanto ko naman na nakayakap pala ako sa kanyang baiwang dahil sa bigla niyang pag preno.
"Sorry." mahinang sabi ko tapos ay agad akong kumalas sa kanya.
"Bigla kasing tumawid yung mga kambing kaya bigla akong pumreno, pasensya na din." wika naman niya.
Naramdaman ko na biglang nag init ang aking mukha at nakaramdam ng pagkahiya dahil sa nangyari.
Tahimik lang ang lalaki habang siya ay nag mamaneho, at naramdaman ko naman na palagay ang loob ko sa kanya.
"Ahhhhhhhh!"
Mabilis ang pangyayari, pag bukas ng aking mata ay kaharap ko na ang kanyang mukha, nag tumba kami sa motorsiklo at sa hindi sinasadyang pang yayari ay nakasagasa siya ng bato sa daan.
"Ano ba itong nararamdaman ko, bakit ang bilis ng t***k ng puso ko." Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa mga mata niya na nakatitig din saakin.
Sa pagkakataon na iyon ay nakita ko ang kanyang mukha dahil hinubad niya ang suot niyang helmet, maganda ang katawan ng lalaki pero hindi ko inaasahan na napakagwapo din ng kanyang mukha.
"Arrrraayyy!"
Bigla kong nararamdaman ang sakit sa aking binti kung kaya't maging siya ay natauhan din.
"Naku miss okay ka lang ba?" May pag aalala niyang sabi saakin.
Bigla niyang hinawakan ang binti ko at nakita niya na halos nangingitim na ito dahil sa masamang bagsak ko nang mag tumba kami sa motor.
"Sorry miss hindi ko sinasadya." Sabi pa niya.
Hindi naman ako makapagsalita dahil sa sobrang sakit na aking nararamdaman.
"Okay lang ba kung buhatin kita?" Wika niya.
Hindi ko na nagawa pang sumagot sa kanyang tanong, bigla na lamang niya akong binuhat na parang bagong kasal at alalay na isinakay sa kanyang motor.
"Pasensya na miss, hindi ako nag ingat." Sabi pa niya. "Hayaan mo malapit na tayo sa address na pupuntahan mo."
Sinakay niya ko sa likod ng kanyang motor at ipinulopot niya ang braso ko sa kanyang baiwang.
"Yumakap ka muna saakin, baka kasi mahulog ka." Tapos ay muli niya itong pinaandar.
Habang umaandar ang motor ay napansin ko ang kanyang paa na puno ng dugo.
"Ang paa mo." mahinang tugon ko.
"Wag mong alalahanin yan, kaunting galos lang yan." Sabi pa niya.
Ilang minuto pa ay huminto na ang sinasakyan naming motor at nakikita ko na din ang mga kabahayan.
"Nanay! Lola!" sigaw ng lalaki.
"Sobrang nakakahiya, bakit ba ayaw niya akong ibaba." sabi ko sa aking sarili.
Lumabas ang matanda at may edad na babae na tila nagmamadali pang sinasalubong kami ng lalaki.
"Lola, napilayan siya gamutin mo siya lola."
Ipinasok ako ng lalaki sa loob ng kanilang bahay at iniupo ako sa sofa.
"Ano ba nangyari Tiago? Bakit nabug-bog ng ganito ang binti niya." Sabi ng matandang babae sa kanyang apo.
"Lola nag tumba kami sa motor ko, hindi ko kasi napansin yung malaking bato na nakaharang sa daan."
"Hindi ka kasi nag iingat bata ka."
Hinilot ng matanda ang aking binti, nung unang hawak niya ay masakit pero habang tumatagal na minamasahe niya ay nawawala ang sakit.
"Kamusta pakiramdam mo ine? sumasakit paba?"
"Masakit pa po pero nabawasan na, maraming salamat po." Wika ko naman.
"Mag pahinga kana muna, hindi ka muna pwede lumakad, doon ka muna matulog sa kwarto ni Tiago.
Tapos ay maglalakad na ito pero bigla kong naalala si Nanay Greta.
"Lola."
Napahinto naman ang matanda at napatingin sakin.
"Lola alam niyo po ba ang address na ito? ang sabi po kasi ng apo ninyo ay dadalhin niya ako sa lugar na iyan." paliwanag ko.
Kinuha ng matanda ang hawak kong piraso ng papel at tinignan niya ang nakasulat.
"Dito ang lugar na yan."
"Kung ganoon ito po ang bahay ni Nanay Greta?"
"Hindi, sa kabilang bahay pero wala na siya dito, wala na ang pamilya niya sa lugar na ito, lumipat na sila."
Nang sabihin ni Lola iyon ay bigla naman akong nakaramdam ng lungkot at pang hihinayang.
"Oh hija bakit? Bakit mo ba hinahanap si Greta?"
"Kamag anak ko po siya, siya po kasi ang nag alaga at nagpalaki saakin, sobrang miss ko na po kasi siya kaya hinanap ko ang address niya at kahit mahirap nag punta ako dito para makita siya pero wala na pala siya dito." mahinang sabi ko.
Tumabi si Lola saakin. "Kinalulungkot ko Hija, pero matagal na silang umalis sa lugar na ito, ang mabuti pa dito kana muna ngayon gabi para maipahinga mo ang paa mo, bukas kana umalis."
Pag tango lamang ang naisagot ko sa sinabi ng matanda sakin.
Naiwan ako sa silid na mag isa, ito marahil ang silid ng kanyang apo na kung tawagin niya ay Tiago, napakabait ng kanyang pamilya kahit na hindi nila ako kakilala ay pinatuloy nila ako sa kanilang tahanan.
Nahiga ako sa kama at binuksan ko ang cellphone ko na in-off ko bago ako umalis ng mansion, pero wala man lang messages si Daddy saakin.
Bumuntong hininga na lang ako dahil sa labis na lungkot na aking nararamdaman.
Sumapit na ang gabi, ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng may narinig akong tao sa labas ng silid kung nasaan ako ngayon, dahan-dahan kong binuksan nang bahagya ang pintuan at sumilip sa maliit na awang. Nakita ko si Tiago na nakaharap sa salamin at binubotones ang suot nitong uniporme na kung titignan ay parang sa isang bar siya pumapasok.
Sinarado ko ang pintuan at muling humiga sa higaan, hindi ko namalayan na unti-unti na pa lang pumipikit ang aking mga mata.
Lumipas ang halos tatlong oras ng aking pag tulog ay muli na naman akong nagising ng marinig ko ang malakas na kalampag mula sa labas ng pintuan ng silid, nag madali akong tumayo mula sa aking pagkakahiga at sumilip muli sa pintuan. Nakita kong muli si Tiago na susuray suray at mukhang lasing na lasing.
Lumabas ako ng pintuan at inalalayan siya ng makita kong napahiga siya sa sahig at hindi na muling makatayo pa.
"Tiago." mahinang tugon ko dahil ng mga oras na iyon ay natutulog pa ang lahat.
"hmmmm." sagot niya.
"Tiago lasing na lasing ka."
Pero bigla niya akong hinawi at nagpumilit na tumayong mag isa.
Nilagpasan niya ako at pumunta siya sa silid kung saan ako natutulog, at bigla kong naalala na silid nga pala niya ang kwartong iyon.
Sinundan ko siya para alalayan dahil ang lahat ng gamit na kanyang madaanan ay hinahawi niya, ilang beses din niyang sinuwag ang pader sa paligid hanggang sa bigla na lang niya ako pinasok sa loob ng kwarto at itinulak ako sa higaan na dahilan para ako ay mapahiga.
"Tiago!" mahinang tawag ko sa kanyang pangalan.
Pero nakatingin lamang siya saakin na tila walang naririnig.
Dahan-dahan akong umaatras dahil natatakot ako sa mga galaw niya, hinubad niya ang suot niyang t-shirt at agad ko naman nakita ang kanyang napagandang katawan.
Pero ganun pa man ay nakaramdam ako ng takot dahil sa mga ginagawa niya.
Mabilis ang pangyayari bigla na lang niya akong hinatak at pinaibabawan at namilog na lamang ang aking mata ng bigla niya akong halikan sa aking mga labi.
Nung mga oras na iyon ay hindi ko magawang mag reklamo sa ginagawa niya kahit na nakararamdam ako ng takot, pero pakiramdam ko ay nag manhid ang aking buong katawan..
Agad ko siyang itinulak palayo at sumigaw ako na kanina ko pa gustong gawin, napahiga si Tiago sa higaan ngunit wala na itong malay at tuluyan ng nakatulog dahil sa labis na kalasingan.
Maya-maya pa ay biglang bumukas ang mga ilaw at doon ay nakita ko na sa pintuan ang kanyang Lola, kasunod na dumadating ang kanyang Nanay at Tatay ganun din ang kapatid nitong bunsong babae na kinukoskos pa ang mata.
Tila nagising sila sa aking pag sigaw, nadatnan nila na nakaupo ako sa kama at si Tiago naman ay nakahiga at tulog na tulog.
"Sus maryosep ano nangyari." Sabi ng matanda.
"Sorry kung sumigaw ako, nagulat po kasi ako sa kanya dahil bigla siyang pumasok." Dahilan ko.
Lumapit ang matanda sa kanyang apo.
"Tiago apo."
"hmmmmm."
"Lasing na lasing ka apo." Sabi ng matanda.
Inalalayan ng Nanay at Tatay nito si Tiago patayo sa higaan at inilabas sa kwarto habang kami ni Lola Nene ay naiwan na dalawa.
"Hija, pasensya kana lasing na lasing ang apo ko, hindi niya sadya na bigla siyang pumasok dito, kwarto niya kasi ito kaya siguro nawala sa isip niya na nandito ka."
Ngumiti naman ako sa matanda.
"Okay lang po lola, pasensya na din po kung naabala kayo at nagising pa kayo."
"Sige na Hija, lalabas na ko matulog kana din."
"Opo Lola, salamat po."
Pag labas ng matanda ay napaupo akong muli sa higaan at humugot ako ng malalim na pag higa at bigla akong natigilan nang maalala ko ang mga nangyari, nang maalala ko ang mga ginawa ni Tiago.
Hinawakan ko ang aking labi dahil paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang halik ni Tiago na hindi ko malimot-limutan.
Ibinagsak ko ang aking katawan sa higaan, nag iisip habang ang aking paningin ay nakatutok sa kisame.
"Hindi mawala sa isip ko si Tiago, hindi ko malimutan ang halik niya, ang katawan niya ang lahat sa kanya, ano ba itong nararamdaman ko? Nababaliw naba ko? Nababaliw kanaba Madison?"
SUMAPIT na ang umaga, lumabas na ako sa silid ngunit tingin ko ay natutulog pa ang mga tao dahil alas singko pa lamang ng umaga, lumabas ako ng bahay at bahagyang madilim pa ang kalangitan.
Nakita ko ang likuran ng isang lalaki na nakaupo mag isa at bigla kong naalala si Tiago, hindi hindi ko malilimutan ang kanyang likuran.
Papasok na sana akong muli upang iwasan siya dahil na din sa nahihiya akong humarap sa kanya pero nang ihahakbang ko na ang aking paa palayo ay bigla kong nadinig ang boses niya.
"Gusto mo magkape?" tanong niya.
Bigla ko na naman naramdaman ang mabilis na pag kabog ng aking dibdib, pero naisip ko na lasing siya noon at siguradong hindi niya natatandaan ang mga ginawa niya kaya naman nag lakas loob akong lumapit sa kanya.
Inabutan niya ako ng isang tasa ng kape.
"Umupo ka." Sabi pa niya.
Dahan dahan naman akong umupo sa damuhan sa kanyang tabihan, at dahil bukid ang buong paligid ay napaka lamig ng simoy ng hangin, napaka gaan sa pakiramdam, parang pakiramdam ko ay malayang malaya ako, napaka layo ng pakiramdam noong nasa mansion ako.
"Aalis kanaba mamaya?" tanong niya saakin habang ang kanyang mga mata ay nakatingin sa malayo.
"Hindi ko pa alam."
Bumaling siya ng tingin saakin.
"Bakit ba ko parang nalulusaw sa tuwing tumitingin siya."
"Bakit?"
"Hindi ko alam kung saan ako pupunta, wala na akong kamag anak liban kay Nanay Greta." dahilan ko.
"Edi dito kana lang."
"Ha?"
"Dito kana lang samin, dito ka na lang tumira."
Napangisi naman ako sa sinabi niya.
"Ayoko maging pabigat." Sabi ko naman.
"Marunong ka naman siguro ng gawaing bahay, hindi ba? Sapat na yun para makatulong ka sa pamilya ko." Sabi niya na para bang wala lang sa kanya ang mga lumalabas sa kanyang bibig.
"marunong naman."
"Hindi ka naman siguro anak mayaman para di mo malaman ang mga gawaing bahay." tapos ay humigop ito ng kape.
Napatingin naman ako sa sinabi niya.
"Bakit?"
"Ayoko sa mayayaman, mga mayayabang sila, tingin nila saamin mga mahihirap e napakababang tao na pwede nilang laitin."
"Ha?!"
"Ayoko sa mayayaman, ayoko maging malapit sa mga tulad nila."
Bigla akong kinabahan sa mga sinabi niya.
"Nga pala yung kanina na hinalikan kita."
Bahagyang namilog ang aking mata sa kanyang sinabi, ang akala ko ay hindi niya naaalala iyon.
"Hinalikan kita dahil di ko napigilan ang sarili ko, lasing na lasing pa ko kaya-"
"Ayoko na pag usapan-" pag putol ko sa sinasabi niya.
Bahagya naman siyang natawa dahil siguro nakita niya na namula ang aking mukha.
"Aalis na ko, papasok na ko sa loob."
Tatayo na sana ako ng bigla niya akong hawakan sa aking braso at hatakin muli paupo sa kanyang tabi.
Tumingin siya sa mga mata ko at nakita kong ang mga mata niya ay kumikislap at puno ng pag nanasa.
Muli na naman niya akong hinalikan sa aking labi pero sa pag kakataon na ito ay hindi ko na hinayaan pa na pag laruan niya ako, sinampal ko siya ng malakas na dahilan para bahagyang bumaling ang kanyang ulo.
Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at naglakad palayo at hindi ko na siya muling nilingon pa.
Sa pagkakataon na iyon ay nakaramdam ako ng inis sa ginawa niya, pakiramdam ko ay hindi na niya ako binibigyan ng respeto bilang isang babae.