Chapter 4

2030 Words
"Maraming salamat po sa pag papatuloy niyo saakin dito, at humihingi din po ako ng pasensya dahil naabala ko po kayo." Sabi ko kay Lola at sa pamilya nito. Dala-dala ko na ang mga gamit ko at ito na ang oras para umalis ako sa lugar na ito. "Matagal pa ba kayo mag uusap diyan?!" narinig kong sigaw ni Tiago sa hindi kalayuan habang nakasakay sa kanyang motor. "Itong batang ito talaga." Wika naman ng kanyang Tatay. "Oh siya hija, mag iingat ka ha, bumalik ka kung makakabisita ka, laging bukas ang tahanan namin sa iba lalo na sa mga nangangailangan ng tulong." "Maraming salamat po ulit." Nagsimula na ko maglakad papalayo kela Lola Nene at ako ay patungo na sa kinaroroonan ni Tiago dahil siya ang mag hahatid sakin palabas ng bayan na ito. Pag umalis ako dito wala na akong ibang mapupuntahan, ayoko na sana bumalik pa sa mansion dahil sobrang nakakasakal na. Sumakay ako sa likuran ni Tiago. "Ano pa hinihintay mo? Humawak ka." "Ha?!" "Humawak ka sa baiwang ko, gusto mo mag tumba ulit tayo sa motor at mapilayan ka na naman." Humawak ako sa baiwang ni Tiago, katulad ng madalas kong nararamdaman ay bumibilis na naman ang kabog ng aking dibdib. Napansin kong mabagal lang ang pag papaandar ni Tiago sa kanyang motorsiklo, halos parang nag lalakad lang kami sa bagal. "Gusto mo naba talagang umalis? Kasi kung ayaw mo pwede ka naman mag stay pa samin, wag kang magalala okay lang sa Lola ko at sa mga magulang ko na tumira ka doon, isa pa si Greta na lang kamo ang kamag-anak mo e hindi mo alam kung nasaan siya o eh saan kana pupunta ngayon?" Hindi ko alam ang isasagot ko sa mga sinabi niya. Biglang iniikot ni Tiago ang motor pabalik. "Saan tayo pupunta? Bakit mo ibinalik?" "Babalik sa bahay namin at hindi kana muna aalis, saamin ka muna titira, malay mo maisipan ni Greta na bumalik sa bayan namib edi makikita mo ulit siya." Sabi niya. Napakapit ako ng mahigpit sa kanyang baiwang nang bigla niyang paandarin ng mabilis ang motor na sinasakyan namin dalawa. Ilang minuto lang ay nakabalik kami sa kanilang bahay. "nababaliw kanaba? Bakit pinaandar mo ng ganun kabilis? Paano kung madisgrasya tayo." Inis na sabi ko. "Oh bakit kayo bumalik? May nakalimutan kaba Hija?" tanong ni Lola saamin. Mag sasalita na sana ako ng biglang mag salita si Tiago. "Lola hindi na siya aalis, dito na siya titira saatin, at wag kang mag alala Lola hindi siya magiging pabigat marunong daw siya sa gawain bahay, tutal lagi naman kayo sa bukid wala na kayong oras para mag linis ng bahay at isa pa marunong din siya mag luto ibig sabihin may mag aasikaso na ng pagkain ninyo sa bukid. "Ganoon ba e-" "Malay mo Lola dumating si Aling Greta dito, edi magandang pagkakataon yun para mag kita sila diba?" Hindi man lang nakapag salita si Lola Nene dahil sa sunod-sunod na sinabi ni Tiago, kahit ako ay hindi ko na nagawang pang sabihin ang gusto ko. "Akin na ang mga gamit mo, ipapasok ko na ulit sa loob at yung kwarto ko gamitin mo, okay na okay ako sa sofa." Sabi pa niya tapos ay kinuha nito ang hawak kong mga gamit at agad na ipinasok sa loob ng bahay, naiwan kami ni Lola Nene sa labas. "Lola, ang totoo po niyan ay wala akong mapupuntahan, si Nanay Greta lang ang kamag anak ko at hindi ko alam kung nasaan siya." Lumapit saakin si Lola Nene at kinuha niya ang kamay ko. "Huwag kang magalala Hija, bukas ang bahay namin para sayo." Tapos ay ngumiti ito saakin na dahilan kung bakit bigla akong naging panatag "Tutal Madison dito kana titira, baka naman gusto mo sumama sakin mamasyal." Sabi nito habang nakangiti. Napatingin naman ang matanda sa apo, at nakita nito ang ngiti ni Tiago na halos umabot na sa tainga. "Bakit masaya ka?!" Sabi naman ng matanta na parang may halong inis dahil sa kapilyuhan ng apo. "Wala naman Lola." nakita ko sa mukha ni Tiago ang pagkahiya. Bumaling naman ng tingin sakin si Lola Nene. "Sige na Madi, sumama kana sa kanya para maipasyal ka niya sa lugar na ito." Ngumiti ako kay Lola at bahagyang tumango. Naglalakad na kami ni Tiago sa lugar at nakalayo na din kami sa bahay, napakalakas ng hangin, tahimik lang kami at nagpapakiramdaman sa isa't isa.. Hindi man lang kami nag uusap na dalawa, nakakaramdam ako ng hiya at mukhang ganoon din siya saakin. "Tiago!!!" narinig kong may tumawag sa pangalan niya at nasa harapan na pala kami ng isang basketball court. Lumapit si Tiago sa mga ito at sumunod naman ako. "Tara laro tayo!" pag aaya ng isa sa mga kabataan na nandoon. "Pass muna pare." "Tara na, kulang kami ng isa." Sabi pa ng isang binata. Napatingin naman sakin si Tiago na parang nag tatanong kung okay lang ba. Ngumiti naman ako at tumango. Lumapit si Tiago sa mga kabataan sa court at naiwan akong mag isa sa isang tabi. Nag simula na ang kanilang laro, ang mga mata ko ay nakapako lamang ng tingin kay Tiago, bawat galaw niya ay sinusundan ng aking mga mata, mabilis na tumitibok ang aking dibdib sa tuwing siya ay aking tinititigan, hindi ko maipaliwanag ang aking pakiramdam dahil sa buong buhay ko ay ngayon ko lamang ito nararanasan.. "Go Tiago! Go Tiago!" "Tiago ang pogi mo talaga!" "Grabe Tiago sakin ka na lang!" Napalingon ako sa grupo ng mga babaeng sumisigaw habang nanunuod ng basketball, at wala akong ibang naririnig kundi ang pangalan ni Tiago na tila maging sila ay hinahangaan siya. Pero laking gulat ko ng makita kong nawala sa loob ng court si Tiago at napansin ko na siya ay papalapit saakin, bigla niyang hinubad ang suot niyang sando at ibinigay sakin ang kanyang damit, tagaktak siya sa pawis. "Pakihawak na muna." Tapos ay bumalik siya sa court, napansin ko naman na ang lahat ng tao na nandoon pati ang grupo ng mga babae ay nakatingin saakin. Bahagya akong nahiya at bumaling ng tingin kay Tiago na muling nag lalaro sa loob ng court, grabe halos himatayin ako habang pinapanuod ko siya sa pag lalaro, napakaganda ng kanyang katawan para siyang isang modelo, kulay moreno ang balat, ang lalaki ng braso, may abs gwapo at matangkad. Napatingin ako sa mga babae na nandoon at nakita kong kilig na kilig sila kay Tiago at tingin ko ganoon din ang nararamdaman nila. Natapos na ang laro at nakita ko si Tiago na papalapit saakin, wala itong suot na pang itaas at basang basa ng pawis. "Akina ang damit ko." "Madi ang damit ko." "Madison." Biglang may humalik sa labi ko na dahilan para magising ako sa katotohanan. Nakita ko sa aking harapan si Tiago. Biglang kumunot ang aking noo sa kanyang ginawa. "Bakit mo-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang bumulong sa punong tainga ko. "Wag kana magalit, madami nakatingin baka mapahiya ako pag nagalit ka." Kinikilabutan ako sa pag bulong niya, ano ba itong nararamdaman ko, sumisikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga. "Bibili lang ako ng tubig, gusto mo ba sumama?" "Hintayin na lang kita dito." Sagot ko na may halong inis. Umalis si Tiago at naiwan akong mag isa sa kinatatayuan ko hanggang sa may tatlong babae ang lumapit saakin. "Hoy sino ka?!" Maganda ang babae, naka cross arms pa ito. "Ha?!" "Ano relasyon mo kay Tiago?" "Wala! Wala akong relasyon sa kanya!" "So isa ka lang sa malalanding umaaligid sa kanya?" "Ano sabi mo?!" nakaramdam na ako ng inis dahil sa mga sinasabi niya. Dahan dahan lumapit sakin ang babae at sinampal ako na ikinagulat ko. "Lumayo ka kay Tiago kung ayaw mo masaktan!" banta nito.. Hindi ako dapat mag patalo, sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako nasampal. Kaya naman sinampal ko din siya na dahilan para bumaling ang kanyang mukha. Nakita kong galit ang mata ng babae na tumingin saakin. Lalapitan na sana niya akong muli pero biglang humarang si Tiago sa harap ko. "Chen ano ba?!" "Sinampal ako ng babaeng iyan Tiago." Bigla itong nag paawa na kala mo inapi. "Sinampal mo din kasi siya." pilyong sagot ni Tiago. "Sino ba iyang malanding babae na iyan?!" Inis na inis ang itsura ng babae. Samantalang si Tiago naman ay lalo itong inaasar. "Girlfriend ko bakit?" Lalong nagunot ang kilay ng babae dahil sa sinabi ni Tiago. "Ang sama mo Tiago! Ang sama-sama mo, alam mong matagal na kitang gusto! Lagi mo ko iniiwasan at hindi pinapansin pero matatanggap ko iyon, pero hindi ko matatanggap na may girlfriend ka." Bigla na lang nag hesterical ang babae at sinusuntok nito ang dibdib ni Tiago.. Samantalang si Tiago ay hinahayan lang si Chen at nakangiti pa ito na parang nang aasar. Dahil sa naiirita na ko sa ginagawa ng babae ay hindi ko na mapigil pa ang sarili ko, nilakasan ko ang aking loob, lumapit ako kay Tiago at bigla ko siyang hinalikan. Biglang natigilan si Chen at ang mga kasama naman niya at napatakip sa mga bibig nito na tila hindi makapaniwala sa aking ginawa. Samantala nananatiling nakahalik ang aking labi sa labi ni Tiago, at naramdaman ko na pinulupot ni Tiago ang kanyang braso sa aking baiwang at nilapit ito ng husto sa kanya, nakita ko din ang dahan-dahan na pag pikit ng kanyang mga mata na tila gustong gusto niya ang halik na binigay ko.. Bigla akong kumalas sa kanya, nakatingin siya saakin na tila nabigla saaking ginawa, hindi ko din alam ang sasabihin ko at gagawin ko, kaya minabuti ko na iwanan na lang sila sa kanilang kinatatayuan. "Chen thank you talaga." Narinig kong sabi ni Tiago sa babae habang masayang masaya ito. "Nababaliw kana Tiago! Tandaan mo may araw ang babaeng iyan sakin!" Sigaw ni Chen. Nararamdaman ko na nakasunod si Tiago sa aking paglalakad at nararamdaman ko na nakamasid siya saakin. Hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa bahay at hindi ko na siya muling nilingon pa tumuloy na ako ng pasok sa kwarto. "Hindi ako makapaniwala, bakit hindi ko nagawang pigilan ang sarili ko? Bakit ko ba siya hinalikan? Tama ba ang ginawa ko? Hindi ba magiging mababa ang tingin niya saakin?" tanong ko sa sarili ko. Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa mga iniisip ko. Napatingin ako ding-ding at nakita ko ang picture frame ni Tiago, kinuha ko iyon. "Bakit ba ko nag kakaganito? Bakit ba sa tuwing nakikita kita at nakakasama hindi ako mapalagay, parang sasabog ang dibdib ko. Hindi kaya ako ay. Inlove na sayo." Sabi ko habang kaharap ang picture ni Tiago. SUMAPIT na ang umaga, pag bukas ko ng aking mata ay nakita ko si Tiago na nakatayo sa aking harapan at nakangiti. "Goodmorning." Napaupo naman ako sa aking pagkakahiga. "Bakit nandito ka?" tanong ko.. "Tawag kana ni Nanay, kakain na daw." Sabi pa nito. "Okay." tipid na sagot ko. Ang akala ko ay lalabas na siya pero nananatili pa din siya sa kanyang kinatatayuan. "Bakit may kailangan ka pa ba? May sasabihin kapa?" inis kong tanong. "Bakit hawak mo iyan?" Napatingin naman ako sa aking kamay at napag tanto ko na hawak ko pala ang picture frame ni Tiago. Bigla ko itong binitiwan at naramdaman kong namula ang aking mukha. "Gosh! Nakakahiya." "Sige na, labas na at kumain." Sabi pa niya Nakita kong nakangisi siya habang lumalabas ng pintuan. Sumunod na ako kay Tiago, nakita kong lahat sila ay nakaupo na sa hapag. "Oh Madison tara na kumain na tayo." Sabi ng Tatay ni Tiago. Umupo ako sa tabi ni Lola Nene at si Tiago ang kaharap ko, napansin kong panay ang titig saakin ng lalaking ito. "Apo, baka matunaw." Wika ng matanda. "Ano yan?" tanong ko. "Hindi mo alam yan? Hotdog, itlog at tuyo tapos sinangag." "Pwede ba alam kong itlog at hotdog yan, ang tinatanong ko yung isda." "Tuyo yan! Tuyo ang tawag diyan." Sabi pa nito. "Ah okay." tipid na sabi ko tapos ay kumain na ako at di na muling nag salita pa, pilit kong iniiwasan ng tingin si Tiago pero ramdam kong tinitignan niya ako habang kumakain lalo tuloy akong naiilang sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD