Chapter 5

2305 Words
"Tao po! Tiago!" Habang abala ako sa pag lalaba ay nakarinig ako ng tao sa harapan ng bahay, dito kasi ako nag lalaba sa poso sa likod bahay. Pumunta ko sa harap para makita ang tao doon dahil ako lang ang tao sa bahay ng mga oras na iyon, dahil si Tiago ay nag punta sa bayan at ang kanyang pamilya naman ay nasa bukid. "Sino yan?!" Nakita ko ang isang lalaki, halos kasing edad ko siya, mas maliit siya ng bahagya kay Tiago at tama lang ang pangangatawan. "Sino po ba ang hanap ninyo? Wala po kasi si Tiago at ang mga magulang niya." Sabi ko pa. Pero tila wala sa sarili ang lalaki na tulalang nakatingin sakin. "Kuya?" sabi ko pa na dahilan para magising siya sa kanyang ulirat. "Aayyyy, hinahanap ko nga pala si Tiago nandiyan ba siya?" tanong nito habang nakangiti at bahagyang nahihiya. "Wala e, nasa bayan siya, pwede ko bang malaman ang pangalan mo para masabi ko sa kanya na hinahanap mo siya?" "Berto, berto ang pangalan ko, kaibigan niya ko at kasama sa trabaho, pakisabi na lang na babalik ako." Nginitian ko na lang siya at tumango.. "Sige babalik na ko, marami pa kasi akong ginagawa." Sabi ko pa tapos ay bumalik na ako sa likod bahay para ipag patuloy ang aking paglalaba. Habang ako ay abala sa aking ginagawa ay narinig kong dumating ang motor ni Tiago. Agad akong tumayo mula sa aking pagkakaupo sa bangkito at pinuntahan si Tiago. "Tiago nga pala may lalaking pumunta dito kanina at hinahanap ka niya." Salubong ko sa kanya. Nakatingin siya saakin, nakita ko din na tinignan niya ko mula ulo hanggang paa at napansin ko naman na kunot ang kanyang noo. "Sino daw?!" bahagyang galit ang kanyang boses. "Berto daw ang-" Pero nagulat ako ng bigla niyang ihagis sa kung saan ang kanyang helmet. "Humarap kaba kay Berto na ganyan ang itsura mo?!" Galit na sabi nito. "Ha? Bakit ano problema sa itsura ko?" pag tatakang tanong ko.. "Wala!" Tapos ay pumasok na ito sa loob ng bahay at tila galit ang itsura nito.. Labis akong nag tataka kung ano ba ang mali sa itsura ko para magalit siya. Mayamaya pa ay nakita ko na naman yung lalaking naghahanap sa kanya. "Tiago! Yung kaibigan mo!" Lumabas si Tiago para silipin si Berto na ngayon ay papalapit na.. "Madison." "Bakit?" "Bumalik ka muna sa pag lalaba mo." "Ha?" "Sige bumalik ka muna sa likod bahay." Hindi na ako muling nag tanong pa, sinunod ko na lang ang sinabi niya. ***** Tiago ****** "Pare bakit?" "Tiago, mamaya nagaaya sila Leah sa bar, libre daw nila, ano sama kaba?" "Ayoko!" "Ano kaba naman pare, wala ka naman gastos atska alam mo naman na matagal nang may gusto sayo si Leah." "Wala ako sa mood Berto." "Pero paano manlilibre si Leah pare kung hindi ka sasama?" "Bahala kayo!" Tatalikod na sana ako ng biglang muling magsalita si Berto. "Sino yung babae?" Natahimik ako sa tanong niya. Lumapit siyang muli. "Pare sino yung babae? Kamag-anak mo ba siya? Pare ang ganda niya, ang sexy at ang kinis pa." Tumingin ako ng masama sa kanya. "Wag kang ganyan pare, nagagandahan lang ako sa kanya at natural lang naman na mag tanong ako sayo dahil ngayon ko lang siya nakita." "Umalis kana, may gagawin pako." Sabi ko. "Gusto mo isama mo siya mamaya?!" Sabi pa niya. "Umalis kana, pag iisipan ko." Tapos ay iniwan ko na siya. Pumunta ako sa likod bahay para puntahan si Madison, nakita kong abala siya sa kanyang ginagawa. "Kumain kanaba?" Tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya saakin at tumango, tapos ay ipinagpatuloy niya ang pag kusot ng mga damit. Muli akong tumalikod sa kanya, hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman sa tuwing nakikita ko siya. Una pa lamang na makita ko siya ay nakuha na niya agad ang atensyon ko, iyon ay nang madaanan ko siya sa daan papasok ng aming bayan. Hindi ko alam pero na Love at first sight yata ako sa kanya at sa totoo lang ngayon lamang ako nagkaroon ng interes sa isang babae. Kaya naman nang mapunta siya saamin at nung paalis na siya ay labis akong nalungkot dahil gusto kong mapalapit sa kanya, gusto kong makilala pa namin ang isa't isa. Bumaling muli ako sa kanya at abala pa din siya sa kanyang ginagawa. "Madison.." "Ano yun Tiago?" "Aalis ako mamaya, pupunta ako sa kaibigan ko, gusto ko sana isama ka." Sabi ko pa. Bahagya naman siyang tumango at sumagot. "Oo sige." Hindi ko alam kung bakit hindi ako makaalis sa harap niya hanggang hindi ko nasasabi ang gusto kong sabihin kaya nilakasan ko na ang loob ko. "Madison." muling tawag ko sa pangalan niya. "Bakit?" "Madi.. Kung pwede lang sana ay huwag kana mag susuot ng ganyan okay." Tapos ay tumalikod na ako at iniwanan na siya. Kapag suot ni Madison ang ganoon klase ng damit talaga naman nakakatawag ng pansin lalo na sa mga lalaking katulad ko, kaya naman hindi na nakakapag taka kung bakit pati si Berto na kaibigan ko ay nabighani din sa kanya. Kulay puting hapit na bistida? Hulmang hulma ang buong katawan niya at bukod doon bakat na bakat din ang kanyang dibdib, lalo tuloy nang hihina ang tuhod ko tuwing titignan ko siya ng ganoon. Biglang dumating si Lola Nene galing sa bukid, nag iisa lamang itong umuwi sa bahay. "Lola!" Sinalubong ko si Lola. "Bakit apo?" Inalalayan ko si Lola na umupo sa sofa. "Bakit ba Tiago may sasabihin kaba?" tanong ni Lola. "Lola yung damit na suot ni Madi, sayo ba yun?" "Oo bakit apo may problema ba doon?" "Lola hindi mo ba nakita ang itsura ni Madi? Sobrang hapit ng suot niya at pansinin sa mga lalake." "Oo kamison ko iyon, wala na kasi siyang maisuot kaya pinaheram ko sa kanya iyon at bakit ba? Ano bang problema? Wala naman siya sa kalye at nag iisa lang naman siya sa bahay." "Lola ano ba tingin mo sakin? Babae?" "Bakit Tiago? Nabibighani kaba?" "Lola naman." "Alam mo ikaw napapansin ko nitong mga nakaraan araw panay ang papansin mo kay Madi, may gusto kaba sa kanya umamin ka nga sakin." Wika ni Lola. Bahagya naman akong tumango. "Sabi ko na nga ba e." "Lola ano ba dapat kong gawin? Hindi lang yata dahil gusto ko siya kundi dahil-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng bigla akong layasan ni Lola. "Bahala ka sa buhay mo apo, matanda kana alam mo na ang dapat mong gawin!" Sabi ni Lola. Naiwan naman akong maisa sa aking kinauupuan at napabuntong hininga na lamang, mula ng dumating si Madison sa aming bahay ay lagi na lang akong wala sa sarili at pakiramdam ko ay lagi na lang akong natataranta. Napaigtad ako ng bahagya ng makita ko si Madison na biglang pumasok. "Oh Tiago, mag luluto nga pala ko, nandiyan naba sila?" "Wala pa. Si Lola lang nasa kwarto niya." Nakita kong pumunta siya sa lamesa at sinimulan na niyang hiwain ang mga gulay na kanyang lulutuin, hindi maiwasan ng aking mga mata na pag masdan siya habang abala siya sa kanyang ginagawa, iyon pa din ang kanyang suot na damit at tuwing pag mamasdan ko siya pakiramdam ko ay pinag papawisan ako.. Sa totoo lang naman kasi ay maganda siya at sexy pa, malaki amg dibdib, maliit ang baiwang at mabilog ang likuran. "Tiago ano ba iniisip mo." Sabi ko sa sarili ko. "Arrray!!" bahagya siyang nahiyaw at ibinaba sa lamesa ang hawak nitong kutsilyo. Napatayo naman ako sa sofa at agad na lumapit sa kanya. "Bakit ano nangyari?" "Wala naman nahiwa lang ako." Nakita ko na bahagyang dumudugo ang kanyang daliri, kinuha ko ang kamay niya at sinipsip ko dugo. "Anong-" Nakita kong namula si Madison dahil sa ginawa ko at bahagya siyang napayuko, habang ang mga mata ko ay nakatitig sa kanya. Tinanggal niya ang daliri niya sa bibig ko at tumalikod saakin, pero parang inaakit ako ng babaeng ito at hindi ko mapigil ang aking sarili. Lumapit ako sa kanya ng dahan-dahan at niyakap ko siya sa kanyang likuran, nagawa ko pang amoy-amuyin ang kanyang leeg pero siya ay hindi man lang nag rereklamo pero nararamdaman ko na siya ay kinakabahan. "Ehem, ehem." Bigla akong kumalas ng makita kong dumating si Nanay at Tatay galing sa bukid. "Luto naba ang pagkain?" tanong ni Tatay. Tila nataranta naman ako dahil sa labis na kahihiyan, sigurado akong nakita ni Nanay at Tatay ang ginagawa ko kay Madison. "Sumama po ang pakiramdam ko, papasok po muna ako sa loob." Sabi ni Madison na hindi man lang humarap kela Nanay at Tatay dahil nahihiya din ito. "Ako din po, aalis muna ako." "Tiago ano yung nakita namin?" matigas na tanong ni Tatay. "Tay ano kase-" hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag, hindi ko naman pwedeng sabihin na naaakit ako kay Madison. "Tiago gusto ko lang sabihin sayo na ang babae ginagalang at nirerespeto." alam kong galit si Tatay dahil sa nakita niya. "Hindi na mauulit Tatay." "Umayos ka Tiago." Dagdag pa nito. Lumabas ako sa bahay para iwasan sila Nanay at Tatay dahil sa sobrang kahihiyan, hindi ko akalain na makikita nila kami sa ganoon sitwasyon. SUMAPIT na ang gabi, nakita kong tumatawag si Berto sa aking cellohone at agad ko naman itong sinagot. "Pare nasaan kanaba?" "Oo pupunta kami." Sabi ko naman "Sige pare hintayin ko kayo." Tapos ay binaba na nito ang tawag, pumunta ako sa kwarto ko kung saan natutulog si Madison, kumatok ako at agad naman na bumukas ang pinto. Halos hindi ako makapag salita, natulala ako dahil sa babaeng kaharap ko, napakaganda niya, nakasuot siya ng damit na kung titignan ay mula siya sa mayamang pamilya, kahit sinong lalaki ay mabibighani sa kanyang ganda. "Bakit Tiago?" tanong nito. Nagising naman ako sa aking ulirat. "Ta-tara na, nag hihintay na si Berto." Sabi ko naman. Sumakay na kami sa aking motor papunta sa bayan, isinama ko siya sa bar nang sa ganun ay makapasyal din siya sa ibang lugar. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bar. "First time mo bang pupunta sa ganitong lugar?" Bahagya naman siyang tumango.. Hinawakan ko ang kanyang kamay bago kami tuluyang pumasok sa loob. Magulo dahil sa dami ng tao, maingay dahil sa lakas ng music at mausok dahil sa ilang naninigarilyo, pag pasok namin ay nakita ko na tumitingin ang ibang kalalakihan na naroroon. Sa hindi kalayuan ay nakita ko sila Leah at Berto maging ang iba pang kasama nito na kumakaway saamin, pero bago pa man kami makalapit sa kanila ay naramdaman kong bumitaw si Madison sa kamay ko. Tumayo si Leah at bigla akong hinalikan. "I miss you Tiago." Sabi pa nito. Napatingin naman ako kay Berto na lumapit kay Madison at hinawakan ang kamay nito.. Umupo kami sa table na nakareserved saamin, si Leah ay parang sawa na ayaw lumayo at laging nakapulupot, napapansin ko naman si Madison na pasulyap sulyap saamin ni Leah. Pero nakakaramdam ako ng inis ng makita kong bulong ng bulong sa kanya si Berto at nakikita ko naman na napapatawa siya nito.. Ilang minuto din ang tinagal ng inuman, panay lamang ang tingin namin ni Madison sa isa't isa, hindi ko magawang magalit at mag selos dahil wala naman akong karapatan sa kanya. Medyo tinamaan na din ako ng alak, talagang sa tuwing tinitignan ko sila ni Berto ay nag didilim ang paningin ko lalo na ng makita kong hawak niya ang kamay ni Madison. Maya-maya pa ay nakita ko si Leah na binubuksan na ang botones ng suot kong polo pero bago pa man niya mabuksan lahat ay hinawakan ko ang kanyang braso para pigilan siya sa kanyang ginagawa. "Tumigil kana!" Galit na sabi ko. Lasing na din si Leah at palagi naman siyang ganoon saakin. "Ano ba problema." Sabi pa nito. Hindi ko na kayang mag timpi pa, hindi ko na kayang pigilan pa ang aking sarili. Bahagya kong hinawi si Leah at kumalas sa kanya, tumayo ako mula sa aking pag kakaupo at lumapit ako kay Madison at Berto. "Tara na Madison." "Teka pare, nakita mong nag uusap kami hindi ba?" "Madison tara na!" matigas ang boses ko at hindi ko pinapansin si Berto. Tumayo si Madison at binitawan ang kamay ni Berto ngunit bigla siyang hinawakan nito sa braso at pinipigilan na umalis. Tumayo si Berto sa kanyang pagkakaupo at humarap saakin. "Ano bang problema pare diba nakita mo nag uusap oa kami?" Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili nang bigla ko siyang suntukin sa mukha na dahilan para siya ay matumba sa sofa. "Tiago please tama na." pag aawat sakin ni Madison. Sa sobrang galit na nararamdaman ko ay nilapitan kong muli si Berto, hinawakan ko siya sa kanyang kuwelyo at idinikit sa pader, itinaas ko ang aking kamao para siya ay muling suntukin pero natigilan ako ng bigla akong yakapin ni Madison. "Tama na tumigil kana!" Napatingin ako kay Madison at mukhang siya ay natatakot na sa nangyayari, ibinaba ko ang kamao ko at muling tumingin sa pag mumukha ni Berto. "Alam mo kung ano kaya kong gawin Berto, tandaan mo! Wag na wag ka nang lalapit kay Madison dahil baka kung ano pa ang magawa ko sayo!" Tapos ay galit ko siyang binitawan. Kinuha ko ang kamay ni Madison at hinatak ko siya palabas ng bar. "Ano ba problema mo?! Bakit mo ba siya-" "Sakay!" "Pero Tiago-" "Sumakay kana!" Galit ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon, alam kong selos ang nararamdaman ko at bago ito saakin, hindi ko din akalain na kahit sarili kong kaibigan ay masasaktan ko dahil sa babae. Ang sikip pala sa dibdib na makita mo ang taong nagugustuhan mo na may kasamang iba. Nakakagalit pala ang ganoon lalo na kung isa kang lalaki na hindi masabi ang nararamdaman mo sa taong gusto mo..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD