Halos kaladkarin ako ni Tiago palabas ng bar matapos nilang mag away ni Berto.
Pumunta kami sa motor niya.
"Sakay!"
"Pero Tiago ano ba talaga ang-"
"Sakay na!"
Galit ang mga mata ni Tiago ng mga oras na iyon kaya sumakay ako sa kanyang likuran at agad naman niyang pinaandar ang kanyang motor.
Halos mapakapit ako ng mahigpit sa kanya dahil sa bilis ng pag papaandae niya sa kanyang motor pero nararamdaman ko ang galit niya.
Ilang minuto lang ay nakabalik na kami sa kanilang bahay, agad niya akong pinababa ng kanyang motor at hinawakan ang aking kamay.
"Tiago ano ba." Pag tutol ko pero ayaw niyang bitawan ang kamay ko at halos makaladkad ako sa pag hatak niya saakin.
Nilagpasan namin ang bahay nila at nag tungo kami sa isang bahay sa likod nito, ang bahay na ito ay bakante at walang nakatira pero may ilan pang mga gamit na naroroon, ang bahay na iyon ay pag mamay ari din nila.
Nang makarating na kami doon ay padabog niyang binitawan ang kamay ko at sinuntok nito ang pintuan na dahilan para mabiyak ito.
"Ano bang problema?! Bakit kaba nagagalit ng ganyan?!" Nag taas na din ako ng boses dahil sa pinakikita niyang asal saakin.
"Hindi mo talaga alam?!
"Hindi ko alam dahil hindi ko naman naiintindihan!!"
"Bakit ganun ang pakitungo mo kay Berto?!"
"Ano? Iniwanan mo ko, sumama ka doon sa Leah ano gusto mong gawin ko mag mukmok at hindi makipag usap sa iba?!" Sagot ko naman sa kanya. "Hindi ba't kaibigan mo si Berto? Bakit nagagalit ka ng ganyan?!"
"Dahil nag seselos ako! Dahil gusto kita! Dahil mahal na kita!" natahimik ako sa mga sinabi niya at nag simula na naman kumalabog at manikip ang aking dibdib.
"Anong-"
"Ngayon Madi, sabihin mo! Gusto mo din ba ko?!"
Hindi ako makasagot sa tanong niya.
"Ano Madison? Dahil kung hindi titigilan ko na ito, pipilitin kong layuan ka!" Sobrang lakas ng boses ni Tiago at natatakot akong baka may makarinig sa kanya.
Kailangan ko ba talagang sagutin ang tanong niya.
"Sumagot ka!"
"Oo! Gusto kita! Gustong gusto kita!" Sagot ko naman sa kanya.
Bigla niya akong hinatak palapit sa kanya at siniil ng halik, pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay nang hina ang aking buong katawan, pakiramdam ko nawalan ako ng lakas.
Ginalaw niya ang labi niya sa labi ko at hindi ko maiwasan na hindi sundan ang mga ginagawa niya, madiin ang mga halik niya pero sa totoo lang ay nagugustuhan ko iyon.
Dahan-dahan niya akong binuhat habang ang aming mga labi ay hindi pa din nag hihiwalay, ipinasok niya ko sa kwarto at idinikit sa pader.
"Tiago-" mahinang tawag ko sa pangalan niya.
Bumitaw siya saaking mga labi at naging abala siya sa aking leeg pababa sa aking dibdib.
Pinunit niya ang suot kong damit, wala akong magawa kundi sundin lang ang kanyang gusto.
Ibinaba niya ako sa higaan at tumayo siya sa aking harapan upang hubarin ang suot niyang damit, at nang kapwa na kami walang saplot na dalawa ay pumaibabaw siya saakin at hinalikan niya akong muli.
"Ugghhhhmm Tiago-"
Naramdaman ko ang kamay niya na dahan dahan hinihimas ang maselang bahagi ng katawan ko at nararamdaman ko ang kiliti sa aking buong katawan, ang mga mata niya nag aalab na nakatingin sa mukha ko.
Maya-maya pa ay naramdaman ko ang napakasakit na pwersa sa aking pagkababae.
Halos maibaon ko ang aking kuko sa kanyang balikat dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Sorry." bulong niya saakin.
Dahan dahan siyang gumagalaw sa aking ibabaw habang ako naman ay napapayakap sa kanya, sa napakatigas niyang katawan.
"Mahal kita." Sabi niya habang walang tigil sa kanyang pag galaw.
Totoo ba ang lahat ng ito? Nagawa ba talaga namin ang ganito? Dahil lamang ba ito sa bugso ng aming mga nararamdaman?
Mayamaya pa ay tumigil siya sa pag galaw at umalis saaking ibabaw, nakita ko ang patak ng dugo sa kumot.
"Ito bang dugo na ito ay galing saakin? Talaga bang naibigay ko ng ganun lang ang sarili ko sa kanya?"
Humiga siya sa aking tabi, niyakap niya ako at ipinikit niya ang kanyang mga mata, wala man lang siyang sinabi na kahit na ano matapos niyang gawin ang gusto niya, tinitigan ko siya ang kanyang gwapong mukha, hindi ko alam kung bakit ako pumayag at napakabilis ng mga nangyari, pero hindi ko maitatanggi na masaya ako, masaya ako ano man ang nang yari saamin ngayon gabi.
SUMAPIT na ang umaga, dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, at nakita kong wala si Madison sa aking tabi, nakita ko pa ang patak ng dugo sa kumot na dahilan sa nangyari saamin kagabi.
Agad akong bumangon at nag bihis, upang puntahan siya sa kabilang bahay.
"Madison?! Madi!" Pumasok ako sa kwarto kung saan siya natutulog. Pero wala siya doon.
Pumunta ako sa kusina, sa likod bahay upang hanapin siya pero wala, wala siya sa bahay, hindi ko alam kung bakit natatakot ako na baka umalis siya at iniwan kami.
"Hinahanap mo ba siya?!" Sabi sakin ni Lola.
"Opo Lola, nasaan siya?!"
"Umalis siya!"
"Ho?!"
"Nakita ko siya kaninang madaling araw, may kausap siyang kapitbahay natin na mag hahatid sa kanya palabas ng bayan."
"Bakit hindi mo siya pinigilan Lola!"
"Bakit ko naman siya pipigilan e desisyon niya iyon, ang sabi niya may mahalaga siyang aasikasuhin hindi naman niya sinabi kung ano iyon."
"Lola ano pa sinabi niya."
"Ang sabi pa niya hindi niya alam kung kailan siya makakabalik o kung makakabalik pa siya."
Bigla akong namoblema sa sinabi ni Lola, bigla na lang siyang umalis nang walang paalam, sa mga oras na iyon ay para na akong mababaliw dahil sa ginawa niya
"Bakit kaba nag kakaganyan Tiago?" tanong ni Lola
Dahil sa inis ko ay nilayasan ko si Lola.
"Ewan ko La, hindi ko alam!" tapos ay lumabas ako ng bahay, naririnig ko pa si Lola na nagagalit dahil sa asal na ginawa ko.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, pumunta ako sa kwarto kung saan natutulog si Madison at tinignan ang mga gamit niya, nakita ko na may ilan pang gamit ang naiwan niya.
Pakiramdam ko ay para akong mababaliw dahil bigla na lang umalis si Madison ng walang paalam, kung kailan may nangyari saamin at nasabi ko na ang nararamdaman ko sa kanya tapos ay bigla na lamang siyang naglaho.
"Tiago!!!"
Napalingon ako nang marinig kong may tumawag ng pangalan ko at nang makita ko kung sino ang babae, walang iba kundi si Leah.
Lumapit siya saakin pero hindi naman ako interesado na makita siya.
"Tiago ano nangyaro kagabi? Nag away kayo ni Berto? Ano dahilan?" Tanong nito.
Hindi naman ako sumasagot sa mga sinasabi niya, sinubo ko ang isang stick ng sigarilyo at sinindihan yun.
"Wag mo sabihin sakin na yung babaeng kasama mo ang dahilan kung bakit kayo nag-away ni Berto?"
Hindi ko pa din siya tinitignan o pinapansin man lang, abala ako sa pag hit-hit ng sigarilyo.
"Maganda siya at sexy pa, kahit na sinong lalaki ay mapapansin siya, pero Tiago hindi ko akalain na mag kakaganyan ka dahil sa kanya!" pag tataas ng boses nito.
Lumapit si Leah saakin at hinawakan ako sa aking braso, hinimas himas niya iyon na tila nang aakit.
Pero dahil sa inis ko at dahil hindi mawala sa isip ko si Madison ay naitulak ko siya palayo na dahilan para mapaupo siya sa damuhan.
Nakita ko ang gulat ni Leah dahil sa nagawa ko.
"Simula ngayon wag kana lalapit pa saakin! Wag muna ako hahawakan!" pag babanta ko tapos ay iniwanan ko na siya.
Si Leah ay regular customer sa bar kung saan ako nag tatrabaho bilang waiter, sa tuwing pupunta si Leah sa bar ay lagi na lang niyang nirerequest na itable ako. Kahit na ayoko ay wala akong magawa dahil ayokong mawalan ng trabaho.
Halos hindi naman nalalayo ng edad saakin si Leah, maganda din siya at sexy bukod doon ay mayaman pa pero kahit kailan ay hindi ko nagustuhan ang isang tulad niya.
****** MADISON *****
NAGISING ako nang marinig kong nag ba-vibrate ang cellphone ko na nasa sahig, mahigpit ang yakap saakin ni Tiago habang ito ay natutulog kaya naman dahan-dahan kong inalis ang kanyang braso sa pagkakapulupot sa katawan kong walang saplot..
Kinuha ko ang cellphone ko sa sahig at nakita ko na ilang ulit tumatawag si Tita Jade.
"Hello Tita Jade."
"Nasaan kaba? Kanina pa kita tinatawagan, umuwi kana kung nasaan ka man, please Madison nasa hospital ang Dad mo."
"Ano nangyari sa kanya Tita?"
"Heart attack, nasa hospital siya ngayon, please Madi kailangan ka ng Dad mo."
Agad akong nag bihis at nang tignan ko ang orasan ay 4am pa lang ng umaga.
Kumuha ako ng ilang pirasong damit at pag labas ako ay isang may edad na lalaki ang nakita kong nakamotor at dumadaan.
"Manong!" agad naman itong huminto at nang lalapitan ko na ito ay nakita ko naman si Lola Nene.
"Lola!"
"Hija aalis ka?"
Bahagya naman akong tumango habang umiiyak.
"May aasikasuhin lang akong Lola." Tapos ay umalis na ako.
Nakiusap ako sa matandang lalaki kung pwede ako sumabay sa kanya palabas ng bayan at pumayag naman siya.
Nung mga oras na iyon ay nag aalala talaga ako kay Daddy dahil kami na lang dalawa sa buhay at ako lang ang anak niya, at bukod doon ay hindi din mawala sa isip ko si Tiago, kung ano ba ang magiging reaction niya o iisipin niya sa bigla kong pag-alis ng walang paalam matapos na may mangyari saamin dalawa.
MATAPOS ang halos ilang oras na byahe ay nakarating na ako sa aming mansion, sinalubong naman ako ng ilan sa aming mga kasambahay.
"Mam Madison ang Daddy niyo po nasa hospital po siya, kasama po niya si Mam Jade." Sabi ni Yaya Nita, isa sa mga maid namin sa bahay.
"Yaya, pakisabi sa driver na samahan ako sa hospital kung nasaan si Daddy." opo mam.
Papunta na kami ngayon ng driver namin sa hospital kung nasaan si Daddy, sobrang nag aalala ako dahil sa nangyari sa Dad ko, matapos ang ilang minuto ay nakarating na kami sa hospital at pag pasok ko sa isang VIP Room ay naroon si Daddy kasama ang kanyang kapatid na si Tita Jade.
"Madison, mabuti naman at dumating kana." Sabi ni Tita Jade na umiiyak.
Nakita ko si Daddy, wala siyang malay at may nakakabit na oxygen sa kanyang bibig.
"Sobrang stress ang Daddy mo sa kumpanya kaya naman nanikip ang dibdib niya at napunta ito sa heart attack."
Lumapit ako kay Daddy at niyakap ko ito.
"Madison, tulungan mo ang Daddy mo, hindi pwedeng walang pumalit sa kanya sa kumpanya habang nakaratay siya, alam mo naman na pinag hirapan niya ang lahat ng mayroon kayo kaya please Madison, huwag mo hayaan na masira ang lahat ng pinag hirapan niya." Pag mamakaawa niya saakin.
Naiintindihan ko naman si Tita Jade sa gusto niyang sabihin, pero kailanman ay hindi ko ginusto na imanage ang kumpanya ni Daddy.
Pero sa nakikita kong sitwasyon niya ay wala naman akong ibang mapag pipilian, mahalaga at mahal ko si Daddy dahil siya ay aking ama, kahit na madalas kami mag talo ay mahal na mahal ko siya dahil ako ay anak niya.
Sinikap kong ibigay ang best ko para sa kumpanya ni Daddy, araw-araw ay pumupunta ko sa building para maging kinatawan ni Dad.
"Kamusta ang trabaho mo? Okay naman ba?"
Napatingin ako sa lalaking pumasok sa aking opisina, matangkad ito at gwapo din, nakasuot ito ng suit.
"Pwede ba Mr. Rico Saavedra? kumatok ka muna o kaya magpasabi ka man lang sa secretary ko kung papasok ka." Inis na sabi ko sa lalaki.
Ngumisi naman ang lalaki na parang baliwala ang mga sinabi ko sa kanya.
"Sorry okay, sorry! Gusto ko lang sabihin sayo na ilang araw din tayong magiging magkatrabaho dahil may project tayong gagawin, at nag invest kami sa company niyo kaya kasama ang Saavedra sa project na ito." Sabi niya pa tapos ay umupo ito sa sofa at dumikwatro.
"So? Hindi ba dapat ang Daddy mo ang kausap ko at hindi ikaw?" pag tataray ko.
Nakita kong inabot niya ang alak sa ibabaw ng lamesa at bibuksan iyon, nagsalin siya sa kupita.
"Alam mo Mr. Saavedra kung wala kana sasabihin makakaalis kana."
Seryoso na ang mukha ko dahil sobrang nayayabangan ako sa kanya.
Tumayo si Rico habang hawak niya ang kupita na may laman alak at dahan-dahan nag lakad papunta saakin, at nang makalapit na ito ay bigla na lang niya akong hinatak at yumakap sa aking likuran.
Tinapakan ko ang paa niya at nang mabitawan niya ko ay inagaw ko ang kupitang hawak niya at isinaboy sa mukha niya ang laman nito.
"Kung babastusin mo lang ako makakaalis kana!!!"
Nakangisi naman ito na tila natutuwa pa siya habang naiinis ako sa kanya.
"Leave! Get out!!"
Pinupunasan niya ng kanyang kamay ang nabasa niyang mukha dahil sa alak.
"Ang sabi ko Get out of my face!!!"
Hindi siya nakikinig, muli niya akong nilapitan at hinawakan niya ang aking baba..
"Sa ginagawa mo, lalo kitang nagugustuhan."
Hinawi ko ang kamay niya. "Don't touch me! Makakaalis kana Rico Saavedra!"
Prenteng naglakad si Rico palabas ng aking office at habang nag lalakad ito papunta sa pintuan ay kumaway pa ito na tila natutuwa pag nakikitang ako ay nagagalit.
Si Rico Saavedra ay kaisa-isang anak ng isa sa mga share holder namin sa kumpanya, malaki din ang ambag nang kanyang pamilya saamin, natatandaan ko na gusto nang mga magulang namin na makasal ako sa kanya dahil sa negosyo, pero hindi ko hahayaan na mangyari iyon dahil ayokong makasal sa taong tulad niya.
Napaupo ako sa aking upuan at napasandal, bumunot ako ng malalim na pag-hinga dahil sa bigla ko na lamang naalala si Tiago at ang kanyang pamilya, halos tatlong araw na din mula ng umalis ako sa kanila at siguradong hinahanap pa din ako ni Tiago..