Chapter 7

1758 Words
Nakatayo ako ngayon sa harap ng mansion ng mga Saavedra, ngayon ko kasi nais na sabihin ang plano ko tungkol sa project at gusto ni Mr. Saavedra na doon namin pag usapan sa kanilang mansion. Pumasok kami ng secretary ni Dad na si Raquel sa loob ng mansion at ang iba kong kasama na body guards ay naiwan naman sa labas, dala ko ang mga documents na naglalaman ng plano para sa project na ginawa ko. Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ay inalalayan kami ng isa sa mga maid na makarating sa office ni Mr. Saavedra, pag pasok namin sa pintuan ay nandoon na si Rico at ang kanyang ama. "Oh, goodmorning Ms. Ocampo, umupo ka muna." Umupo ako sa sofa sa tapat ni Rico. "Gusto mo ba nang maiinom? Coffee or tea o di naman kaya juice." Sabi pa ng Daddy ni Rico. "Thank you Mr. Saavedra, pero okay lang po ako." "Mukhang marami kang dalang documents hija, iyan ba ang gusto mo pag usapan natin?" Sabi pa nito. Hindi ko nagugustuhan ang mga salita ni Mr. Saavedra dahil sa pinapakita niya ay hindi naman siya interesado sa plano na ginawa ko, pero kailangan kong maging mahinahon, dahil ang mga Saavedra ay isa sa mahahalagang investor sa kumpanya namin. Inilapag ko ang mga papel sa table at nang mag sisimula na akong magsalita at ipaliwanag sa kanila ang project na ginawa ko ay muling nag salita si Mr. Saavedra, nakangiti pa ito na tila pinag tatawanan ako. "Tingin mo ba talaga Ms. Ocampo iyan ang gusto ko na pag usapan?" Sabi niya. Kumonot ang noo ko.. "What do you mean Mr. Saavedra?" Tumayo ito at naglakad balik balik habang nag sasalita. "Alam ko hija hindi interesado ang pamilya namin sa mga project na iyan, dahil malaki ang problema ng kumpanya niyo ay hindi niyang masosolusyunan ang problema, alam mo ang sinasabi ko Ms. Madi. Maisasalba namin kayo kung papakasalan mo ang anak kong si Rico, at wala naman magiging problema sa anak ko dahil willing naman siya na pakasalan ka." Humugot ako nang malalim na pag hinga para masagot ko ang mga sinabi ni Mr. Saavedra. "Alam ko naman po kung bakit gustong gusto niyo na makasal kami ng anak niyo." Tapos ay tumingin ako kay Rico at inirapan ko ito. "Nag iisa akong anak ng Daddy ko at babae pa ako, kung makakasal ako sa anak niyo ay mapupunta sa kanya ang lahat, tama ba ko?" Sabi ko pa Natawa naman si Mr. Saavedra at si Rico sa mga sinabi ko. "Matalino ka nga at mana ka saiyong ama, alam mo na agad ang nasa isip namin, pero hija may choice kaba? Hindi mo ba alam na kapag kinuha namin ang shares namin sainyo ay tuloy-tuloy ang bagsak ninyo?" Kinabahan ako sa mga sinabi niya dahil alam kong pwedeng mangyari iyon. Tumayo ako at nagpaalam. "Mr. Saavedra, aalis na kami ng secretary ko, sa tingin ko ay hintayin na lang natin na magising ang Daddy ko tungkol sa bagay na yan, magpapaalam na kami. Goodbye." tapos ay nag lakad na ako palabas ng pintuan habang kasunod ko si Raquel.. Pasakay pa lang ako ng sasakyan pero nakita kong nagmamadaling maglakad si Rico papalapit saakin. "Madison, wait." Napahinto naman ako at humarap sa kanya. Kinuha ni Rico ang kamay ko at tumingin saakin mukha. "Madison pag-isipan mo ang alok ng pamilya namin sayo, wala nang ibang paraan pa para makaahon ang company ninyo, ako Madison, willing ako magpakasal sayo." Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko sa kamay niya. "Pasensya na pero ayokong pag usapan ang tungkol sa kasal na iyan." Tapos ay tuluyan na akong sumakay sa kotse at umalis sa mansion kasunod ang mga body guards na kasama namin. Habang nakasakay ako sa kotse ay nakatingin ako sa bintana at pinag mamasdan lang ang lugar na aming madadaanan, at sa mga oras na iyon ay sumagi na naman sa isipan ko si Tiago, nasasabik akong makita siya at mayakap, nasasabik akong makasama siya. Pero sa sitwasyon ko ngayon hindi ko alam kung gaano katagal ko siyang hindi makikita o makakabalik pa kaya ako sa kanila. Napatingin naman ako sa cellphone ko ng tumunog ito. Nakita kong tumatawag saakin si Tita Jade at nagmadali naman ako sagutin ang tawag nito. "Hello Tita." "Madison, pumunta ka dito sa hospital, gising na ang Daddy mo at hinahanap ka niya." "Sige po Tita." Binaba ko ang tawag ni Tita. "Manong pumunta po tayo sa hospital, pakibilisan po." utos ko sa driver. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na kami sa hospital kung nasaan si Daddy, pagpasok ko sa room niya ay naabutan kong nakaupo at nakasandal si Daddy sa hospital bed at nakikipag tawanan kay Tita Jade. Agad akong lumapit sa kanya at yumakap. "Daddy!" Naramdaman kong niyakap din niya ako, hindi ko mapigilan ang maiyak dahil kahit papaano ay nabawasan ang aking mga inaalala. "Daddy, are you okay?" Ngumiti naman si Daddy sakin at pinunasan nito ang luha sa aking pisngi. "Kamusta ang company anak?" "Dad kakagising mo lang, please, wag mo muna isipin ang trabaho mo, irelax mo muna ang isip mo." Sabi ko sa kanya. "Tama siya Edward, wag mo muna isipin ngayon ang kumpanya." Ang totoo ay wala akong nagawa sa kumpanya, paano ko sasabihin kay Dad ang tungkol sa gusto ng mga Saavedra at sigurado akong kapag nalaman niya ang gusto ng mga ito ay ipupush niya ako na magpakasal kay Rico. Lumipas ang mga araw ay nag sikap ako na mag trabaho ng mabuti sa company namin, habang si Daddy ay nasa bahay at nagpapagaling, lahat ng paraan ay ginawa ko na para maiahon sa problema ang kumpanya pero hindi laging nagiging successful. Hanggang isang araw ay biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko at iniluwa noon si Dad at ang mag amang Saavedra, napatayo ako mula sa aking pagkakaupo dahil sa labis na pagkabigla. "Daddy." Inalalayan ko si Dad paupo sa sofa at tumabi ako sa kanya. "Dad bakit nandito kayo? Bakit kasama mo sila?" tanong ko kay Daddy.. Hindi tumitingin sakin si Dad na tila hindi niya ako pinakikinggan. "Ngayon pag-usapan na natin ang date ng kasal." Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Daddy sa harap ni Rico at ng ama nito. "Daddy anong-" "Nakapag pasya na ako Madison, magpakakasal ka kay Rico." "Pero Daddy, hindi ba't sinabi ko nang-" "Tito Edward, gusto ko po sanang mapaaga pa ang kasal namin ni Madison." Sagot naman ni Rico. Tatayo na sana ako pero biglang hinawakan ni Daddy ang braso ko at tumingin saakin. "Sa ayaw at sa gusto mo Madison, magpapakasal ka kay Rico at iyan ang desisyon ko!" Galit ang mga mata ni Dad na nakatingin sakin habang hindi ko namamalayan na kusa na palang tumulo ang mga luha ko. Pinilit kong tanggalin ang kamay ni Dad na nakahawak sa braso ko at lumayo sa kanya. "Daddy nababaliw naba kayo?!" Sabi ko sa kanya. Tumayo si Daddy at sinampal niya ako ng malakas. "Para sayo ang ginagawa ko Madison!" Mataas ang boses ni Daddy. Tumingin ako ng masama sa mag-amang Saavedra tapos ay muli kong ibinaling ang paningin ko sa aking ama. "Daddy kailangan niyo ba talaga kong pilitin na gawin ang bagay na hindi ko gusto? Talaga bang kumpanya na lang ang mahalaga sainyo? Paano ako? Paano naman ang nararamdaman ko?" tuloy tuloy na ang pag patak ng aking luha. Muli akong lumapit kay Daddy at hinawakan ko ang kamay niya. "Daddy please, marami tayong properties na nakapangalan saatin at hindi sa company, sapat na iyon para mabuhay tayong dalawa, gagamitin lang tayo ng mga iyan para maging ang kanila ang Madison company." Sabi ko kay Daddy pero winasiwas niya ang kamay ko. "Kung hindi mo pakakasalan si Rico, kalimutan mong anak kita!" matigas na sabi ni Daddy saakin. Kusang yumukom ang mga kamay ko dahil sa galit na nararamdaman ko sa aking ama, kaya naman nag desisyon akong umalis at iwanan sila sa lugar na iyon.. Mali ba na talikuran ko ang aking ama at piliin ko kung saan ako magiging masaya? Sa totoo lang hindi ko kailangan ng yaman at kapangyarihan at ganun din ang tingin ko para kay Daddy, para sakin sapat na ang mamuhay ng simple basta nararamdaman mo na masaya ka. Nag tungo ako sa mansion upang kunin ang iba ko pang mga gamit at ang mga bagay na iniwan saakin ng namayapa kong ina, naisip ko na tuluyan ng lisanin ang mansion dahil alam ko na nandiyan naman si Tita Jade para alagaan si Daddy. Ito na siguro ang tamang pagkakataon para bumalik, para muling makasama at makita si Tiago, upang ako naman ay maging maligaya kasama ang taong mahal ko. ********** TIAGO ********* Mahigit isang linggo na nang umalis si Madison dito sa lugar at ako ay patuloy pa din na umaasang babalik siya at muling makikita. Nakadapa ako sa aking kwarto, pakiramdam ko ay wala akong gana sa ibang bagay, pakiramdam ko ay malungkot na malungkot ako at nasasabik ako sa kanya. Tuwing ipikit ko ang aking mga mata ay nakikita ko siya, namimiss ko ang yakap niya at ang mga halik niya. Mula ng umalis siya ay lagi na lang ako nakakulong sa kwarto ko at hindi na din ako pumapasok pa sa trabaho, alam kong nag aalala na sakin ang pamilya ko pero hindi talaga ako masayang gawin ang ibang bagay.. Ipinikit ko ang aking mata upang makatulog na dahil ilang gabi na din akong puyat at lasing. Ipinatong ko ang braso ko sa aking mga mata pero may naramdaman akong may humalik sa aking labi kaya't dahan dahan ko tinanggal ang braso ko sa mga mata ko at dahan dahan ko itong idinilat, nakita ko agad ang mukha ni Madison na nakadikit sa mukha ko. "Panaginip ba ito?" Sabi ko sa isip ko. Bumitaw si Madison sa halik niya at isang magandang ngiti ang nakita ko sa kanya. "Madison!" Nang mapag tanto ko na hindi ito isang panaginip ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit at siniil ng halik, nung mga oras na iyon ay bigla akong sumaya, pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng bigat na nararamdaman ko. Niyakap din niya ako ng mahigpit. "Bumalik ka." Sabi ko ng puno ng kaligayahan. Nakita ko ang mga mata ni Madison na lumuluha pero nararamdaman ko na masaya din siya na muli akong makita at makasama. LUMIPAS ang ilan pang mga araw ay ipinagtapat din namin sa aking mga magulang ang namamagitan saamin dalawa at tulad ng inaasahan ko ay masaya sila para saamin ni Madison.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD