Chapter 8

2340 Words
"Mahal bilisan mo na!" Sigaw ko habang nakatayo ako sa labas at hinihintay na lumabas si Tiago. Ilang sandali pa ay lumabas na si Tiago, nakasuot lamang ito ng maong short at sandong puti, napakapayak lamang ng kanyang suot pero napaka kisig niya kung titignan. "Nagmamadali ka naman mahal e." Sabi pa nito. Nakita ko naman na bahagyang gulo pa ang kanyang buhok kaya inayos ko ito gamit ang aking kamay. "Dala mo naba yung mga listahan ng bibilhin natin mahal?" tanong niya saakin. "Oo, binigay na sakin ni Lola kanina." Sagot ko.. Hinalikan ako ni Tiago sa noo at inakbayan papunta sa motor niya kung saan nakaparada ito. Papunta kasi kami sa palengke para bumili ng pang ilang araw namin pagkain at mga pangangailangan sa loob ng bahay. Nakaangkas ako sa likod ng motor at lagi akong nakayakap sa likuran ni Tiago, napakasaya ng pakiramdam ko. Ilang linggo na din ang lumipas mula ng umalis ako sa poder ng Daddy ko, at wala na din akong balita kung ano man ang nangyayari sa kanya at sa kumpanya dahil kung may mangyari man na hindi maganda sigurado akong tatawag saakin si Tita Jade para balitaan ako at sa tingin ko ay maayos naman ang lahat. Naglalakad kami ni Tiago sa loob ng palengke nang magkahawak ang aming mga kamay, tuwing kasama ko si Tiago ay lagi kong nakikita na masaya siya at puno ng liwanag ang kanyang mukha. "Mahal, tara sa ukay bumili ka ng mga damit doon, yung mga damit mo kasi masyadong magaganda nag mumukha ka tuloy mayaman pag suot mo yun, baka kasi hindi ka maging bagay sakin kapag tinignan ka ng iba." Biro nito saakin.. "Oo na mahal, tara na at baka gabihin pa tayo." Pumunta kami sa tindahan ng mga ukay-ukay at doon siya mismo ang namili ng mga damit para saakin, halos lahat ng damit na binili niya ay puro bistida pero hindi ko na kinontra pa ang mga gusto niya, basta kung saan siya masaya ay masaya na din ako. Pabalik na kami ni Tiago sa bahay at nakasakay na kami sa motor. nakayakap ako sa kanyang likod habang siya ay mahinahon na nag mamaneho.. Hanggang sa nakita ko ang isang babaeng mataba, kulot ang buhok na nakatayo sa daan at tila nag hihintay ng masasabayan, at nang makilala ko siya ay agad kong ipinahinto kay Tiago ang motor. Lumapit ako dahan-dahan sa babae dahil gusto ko makasiguro na siya iyon at nang humarap siya saakin at makita namin ang isa't isa maging siya ay nabigla. "Madison!" tawag niya sa pangalan ko. Tumakbo ako palapit sa kanya at agad ko siyang niyakap ng mahigpit. "Nanay!" Nakita ko si Nanay Greta ang babaeng tinuring kong ina, ang taong nag alaga, nagpalaki at nag mahal saakin. Niyakap ko siya nang mahigpit at ganoon din siya saakin, hindi ko mapigil na hindi maiyak dahil sobrang miss na miss ko na siya. "Nanay ko!" Hinawakan ni Nanay Greta ang mukha ko at pinunasan ang luha ko. "Kamusta kana anak? Sobrang miss na miss na kita." Sabi pa nito na naiiyak sa sobrang saya dahil sa muli namin pagkikita. "Okay lang ako Nanay." Sagot ko. Napatingin naman si Nanay sa lalaking kasama ko na nakatayo sa hindi kalayuan. "Teka lang, bakit nandito ka?" buong pagtataka na tanong ni Nanay saakin. "Mahabang kwento po Nay." Sabi ko naman. Bumalik muna kami sa bahay upang makapag usap kami ni Nanay at masabi ko sa kanya ang mga nangyari habang hinahanap ko siya. Halos katabi lang ng bahay nila Tiago ang bahay ni Nanay Greta, doon ako dinala ni Nanay upang makapag usap kaming dalawa. Umupo kami sa sofa at nag usap. "Anak bakit nandito ka sa lugar na ito at bakit kasama mo si Tiago?" tanong niya saakin. "Nanay si Tiago po ay boyfriend ko, halos apat na buwan na din akong nakatira sa kanila, at ang dahilan kung bakit ako napadpad sa lugar na ito ay dahil hinahanap kita." Paliwanag ko. Nakita ko naman na nagkaroon nang pag aalala sa mukha ni Nanay Greta. "Ang Daddy mo? Hindi kaba niya hinahanap?" Lumungkot naman ang mukha ko. "Ang totoo Nanay ay tinakwil na ko ni Daddy dahil tinanggihan ko siya na ikasal ako sa lalaking hindi ko gusto." paliwanag ko kay Nanay Greta. Niyakap ako ni Nanay Greta at hinimas himas niya ang buhok ko.. Sobrang namimiss ko si Nanay, nung mga panahon na bigla na lang siyang pinaalis ni Daddy ay sobrang nalungkot ako dahil wala akong masandalan at malabasan ng sama ng loob pero ngayon na kasama ko siyang muli ay gumaan ang pakiramdam ko.. Matapos namin mag-usap ni Nanay Greta ay lumabas na ako ng bahay niya at nakita ko si Tiago na nag hihintay saakin, lumapit ako sa kanya at hinalikan niya ako sa aking noo at umakbay. "Masaya kaba dahil nakita mo na ulit ang nanay mo?" tanong niya saakin habang siya ay nakaakbay at sabay kaming naglalakad. "Oo mahal, gumaan ulit ang pakiramdam ko, napakasaya ko dahil nandiyan na siya pero araw-araw akong masaya dahil kasama kita." Huminto siya sa paglalakad at humarap saakin, hinalikan niya ako sa aking mga labi. "Mahal kita, mahal na mahal." Tapos ay muli niya akong hinalikan sa aking noo at niyakap. Ramdam na ramdam ko ang pag mamahal sakin ni Tiago sa araw-araw na mag kasama kaming dalawa. SUMAPIT NA ang panibagong araw, umalis si Tiago papunta sa bayan dahil may papasukan siyang trabaho, bukod kasi sa pagiging waiter niya sa gabi ay sumasama siya paminsan-minsan sa ibang trabaho. Naiwan naman ako sa bahay at sila Lola naman at ang kanyang Nanay at Tatay na maagang nag punta sa bukid, katulad ng nakasanayan ay mag isa na naman ako sa bahay, naglilinis, nag lalaba at nagluluto. "Madison anak." Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa harap ko. "Nanay Greta." Lumapit siya saakin habang ako ay abala sa pag kuskos ng mga damit. "Madison anak, bakit mo ginagawa yan?" "Ang alin po Nay?" "Madison, alam mo kung sino ka at ano ka! Alam mong hindi mo dapat ginagawa ang bagay na yan! Isa kang prinsesa anak kaya bakit kailangan mo gawin ang bagay na iyan!" sa mukha ni Nanay Greta ay hindi siya natutuwa sa nakikitang ginagawa ko.. Hinawakan niya ako sa braso at tinayo dahan dahan. "Madison, kung nahihirapan ka sumama kana sakin, ibabalik na kita sa Daddy mo." "No Nanay! Hindi ako babalik sa mansion! Hindi ako aalis sa lugar na ito at hindi ko iiwan si Tiago!" "Pero Madison! Gusto mo bang nahihirapan ka ng ganito? Bakit mo binababa ang sarili mo? Hindi ang ganitong buhay ay nararapat para sayo!" Niyakap ko si Nanay dahil nababakas ko sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala saakin. "Nay, masaya ako sa lugar na ito kaya wala kang dapat na ipag alala." Kumalas ng yakap saakin si Nanay at hinawakan niya ako sa aking pisngi. "Basta anak, kapag nahihirapan ka o hindi kana masaya sabihin mo lang saakin, dadalhin kita sainyo." Tumango naman ako sa mga sinabi ni Nanay saakin. "Anak! Pwede ba tayong magusap?" "Oo naman po Nanay." "Pwede ba anak doon tayo sa bahay ko mag usap? Mahalaga ang mga sasabihin ko sayo." Sumama ako kay Nanay sa kanyang bahay dahil nais kong malaman ang mga gusto niyang sabihin sakin. "Madison natatandaan mo ba ang lupang ibinigay mo sa mga magsasaka?" Bigla akong napaisip sa sinabi ni Nanay Greta. "Anak ang lupang iyon ay ang lupain na ito! Ngunit binawi ito ng Daddy mo sakin at kung nanaisin nila na paalisin ako dito at kahit sila Tiago ano man oras ay pwedeng mangyari." Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Nanay Greta saakin. "Sa ngayon anak ay hindi alam nang Daddy mo na nandito ka, pero sa tingin mo ba kung malalaman ng Daddy mo ang tungkol kay Tiago ano ang maari niyang gawin?" Hindi ko alam kung ano ang sasabihin at isasagot ko sa mga sinabi ni Nanay Greta, bigla akong nagkaroon nang takot at pangamba sa mga nalaman ko. Matapos namin mag usap ni Nanay ay bumalik na ako sa bahay, at ipinagpatuloy ang aking ginagawang paglalabada. Hindi ko alam pero bigla na lamang akong natutulala at nawawala sa aking sarili. Hanggang sa bumalik ako sa katinuan ng maramdaman kong may humalik sa aking pisngi at nang lingunin ko ito ay si Tiago. "Bakit parang tulala ka? Iniisip mo ba ko?" pag bibiro pa nito.. "Halika sa loob, may dala akong pagkain, kumain na muna tayo." tapos ay inalalayan niya ako at nag punta sa kusina, pinaupo niya ako sa upuan at pinag hain ng pagkain. "Kumain kana, masarap ang pansit na yan, tikman mo." Kinain ko ang dalang pansit ni Tiago at tama naman siya masarap nga ang pansit na uwi niya. Tumabi siya saakin at hinawakan ako sa kamay. "Gusto ko sana magpaalam na kela Nanay na lilipat tayo sa kabilang bahay, gusto ko sana na bumukod na tayong dalawa." Sabi niya saakin.. "Pero mahal okay lang ba na gawin natin iyon? Hindi pa tayo kasal, tingin mo papayag sila?" Tanong ko naman sa kanya. "Magkasama na tayong matulog sa kwarto, tingin mo may pagkakaiba ba yun kung bumukod tayo sa kanila? Isa pa may plano na kong pakasalan ka." Sabi pa niya. Wala akong masabi sa mga gusto ni Tiago kundi ngiti at pag papakita ng pang sang-ayon. Wala akong makita sa mukha ni Tiago kundi kaligayahan dahil kasama niya ako at iyon ay dahil mahal niya ako, mula ng maging kaming dalawa ay walang ginawa si Tiago kundi ang paligayahin ako sa araw-araw.. MAG DIDILIM na nang dumating sila Nanay, Tatay at Lola Nene ganun din ang kapatid nitong babae. Humarap kami ni Tiago sa kanila na mag kahawak ang kamay. "Nanay, Tatay at Lola." tawag ni Tiago sa mga ito. "Balak na po sana namin ni Madison na gamitin ang bahay sa kabila, balak na po sana namin na bumukod." Sabi ni Tiago sa mga ito. Nang sabihin ni Tiago iyon ay wala man lang reaksyon ang mga ito, muli nilang mas binigyan pansin ang pagkain. "Wala ho ba kayong sasabihin?" Sabi ni Tiago. "Edi lumipat kayo." Sabi naman ng kanyang lola na tuloy lang sa pagkain. "Talaga Lola." "Alam na namin noon pa na darating ang oras ay sasabihin mo samin na gagamitin mo na ang bahay na yun at hindi nga kami nagkamali, gusto mo kahit ngayon gabi ay doon na kayo matulog dahil inayos ko na yun, ginawa ko na ang mga sira nun." Sabi naman ni Tatay na panay ang subo ng kanin habang nag sasalita. "Oo nga anak, ako naman ay nag linis na doon at nilagyan ko na din ng mga ilang gamit." Sabi naman ni Nanay. Napatingin kami ni Tiago sa isa't isa at nakita ko ang ngiti ni Tiago na halos umabot sa kanyang tainga, hinatak niya ang kamay ko at tumakbo kami papunta sa kabilang bahay. "tama nga ang sinabi nila, maayos na maayos na ang bahay na ito." Sabi ni Tiago na mukhang masayang masaya. "Ngayon gabi mahal ko, dito na tayo matutulog, sobrang miss ko na din kasi yung ano-" sabi pa nito. Hindi ko naman mapigilan ang mangiti dahil sa kapilyuhan niya.. "Oo na po, dito na tayo matutulog, ikaw talaga." Tapos ay hinalikan akong muli nito saakin noo. ================== "uhhhhhhhmmm mahal ko" halos mapaigtad ako sa ginagawa ni Tiago sa aking pagkababae, ramdam na ramdam ko ang kanyang labi at dila na naglalaro doon. Hindi ko naman mapigilan na mapasabunot sa kanya dahil sa kanyang ginagawa. Nang matapos siya doon at hinalikan niya ako sa aking labi habang ang isang daliri niya ay nakapasok sa aking pagkababae, labas pasok ito doon at ramdam na ramdam ko na basang basa na ito. Matapos niya kong halikan sa aking labi ay bumaba siya sa aking dibdin at doon at nilaro laro niya ito gamit ang kanyang dila. "Mahal ko.. Uhhhhhhhm" Binuhat ako ni Tiago at isinandal sa pader, kapwa kami walang saplot na dalawa. Habang buhat niya ako ay naramdaman ko ang kung anong matigas at mahaba ang pumasok sa aking pagkababae, naghahalo ang sakit at sarap na aking nararamdaman hanggang sa aking kaibuturan. Habang wala siyang tigil sa pag angat baba saakin ay nakatingin siya sa aking mukha. "Mahal ko, wag mo kong iiwanan." Bulong niya habang paulit ulit niyang nilalabas pasok ang kanya sa akin.. "mahal na mahal kita." Bulong niya muli sa aking punong tainga. Nakakakilabot ang kanyang boses ngunit nararamdaman ko na puno iyon ng pagmamahal. Napatingin ako sa kanyang mga mata at puno iyon nang pag nanasa. Siniil niya ako ng malalim na pag halik na kahit kailan ay hinding hindi ko aayawan, tuloy tuloy lang siya sa kanyang pag galawa habang ako ay nakayakap sa kanyang batok.. Hindi nag tagal ay huminto na siya ngunit ang kanyang labi ay tuloy pa din sa pag lalaro sa aking dibdib. Inialis niya ako mula sa pagkakadikit ko sa pader at dahan-dahan niya akong hiniga sa aming higaan, kinumutan niya ako at niyakap ng mahigpit.. "Mahal, masaya kaba?" Bigla akong nag taka sa tanong niya saakin. Humarap ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang mukha. "Hindi ako masaya, kundi masayang masaya mahal dahil sayo." Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito. "Ipangako mo mahal na hindi mo ko iiwanan ano man ang mangyari." "Pinapangako ko na mananatili akong kasama mo." Sabi ko pa sa kanya. Muli niya akong niyakap ng mahigpit at nakita kong pinikit na niya ang kanyang mga mata. Tinititigan ko ang kanyang gwapong mukha, masaya ako dahil tapat at totoo ang pag mamahal niya saakin, yung tipong saakin na umiikot ang buhay niya at ako ang nag bibigay ng kaligayahan sa kanya araw-araw, ang sarap pala sa pakiramdam na alam mong may nag mamahal sayo. Ngunit nakaramdam ako ng takot at pangamba sa tuwing iisipin ko ang mga sinabi saakin ni Nanay Greta, natatakot ako para sa kapakanan ni Tiago at ng kanyang pamilya at ang bagay na iyon ang hindi mawala sa aking mga inaalala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD