Verracia twins
"PAANO kung sasabihin ko sa 'yo na dinala kita rito sa lugawan para ligawan?" seryosong tanong ni Azul at hindi na nakasagot pa ang katabi ko. Nawalan na yata siya ng sasabihin o isasagot dahil sa pagkabigla.
Kakaiba naman kasi talaga ang isang ito kung bumanat. Kaya naiiwan na speechless si Eljeh. Ibalik ba naman ang tanong niya sa kanya? Tapos ang pula-pula ng pisngi niya, halatang kinikilig na nga talaga siya.
Natawa na lamang ako sa kanilang dalawa. Ang cute talaga nilang panoorin. Crush na crush ni Eljeh si Azul at sinusungitan pa niya kanina. Si Azul naman ay akala mo wala ring feelings pero nahuhuli ko ang matagal na pagtitig niya rito.
Naaaliw naman akong pinapanood ni King, dahilan alam ko. Randam ko ang dalawang pares ng mata niya, eh.
I glanced at him. "Gusto mo pa?" malambing na tanong niya sa akin pero mabilis akong umiling. Inilipat niya sa bowl ko ang isang nilagang itlog. Kaya masarap ang lugaw nila dahilan may itlog siya.
"Ay, ayos na ako rito. Bakit mo pa ibinigay sa akin 'yan?" nahihiyang tanong ko pero wala na akong nagawa pa kundi ang kainin na lamang, dahil sa pag-iling niya. Sinubukan ko kasi na ibalik iyon sa bowl niya pero inilalayo niya iyon sa akin.
"Nanahimik din," komento ni Azul.
"Gago ka," mahinang saad naman ni Eljeh at hayan na naman ang masamang tingin sa kanya ni Azul.
"Ipapalapa ko 'yan sa langgam, Eljehanni. Makikita mo na lamang na namamaga na 'yang labi mo kinabukasan," pagbabanta nito sa kanya at itinuro pa ang labi niya.
Nanlaki naman ang kanyang mata at napatakip sa bibig. Mukhang natakot siya dahil sinamaan niya ito ng tingin.
"Baka kako ang labi mo ang tinutukoy mong langgam, Azul?" Hindi ko maiwasan na sumabat sa usapan nila at pareho pa silang napatingin sa akin. Mas namula ang mukha ni Eljeh at si Azul naman ay ang leeg at tainga niya ang namumula. Wala sa sariling napainom pa siya ng tubig at muntik na siyang masamid.
Umalingawngaw sa apat na sulok ng lugawan na iyon ang boses ko. Si King naman ay umiiling na lamang siya pero may multong ngiti sa labi.
Sa mga oras na iyon ay ma-realize ko na doon lang ako nakatawa nang ganoon. Sobrang saya na nakalimutan ko ang sakit na naranasan ko sa unang pag-ibig.
***
Nang matapos kaming kumain ng lugaw namin ay tumayo na agad ang dalawang lalaki para magbayad na yata.
"Ako na lang ang magbabayad," si Azul na nagpresinta na inilingan naman ng isa. Bubunot na sana siya ng pera sa bulsa niya.
"I can pay it, Azul," ani King at ang wallet naman niya ang dinukot niya mula sa pants niya.
"May pera din ako, King," aniya. Wow, parang magkaibigan na yata sila dahil first name basis ang tawagan nilang dalawa.
"Okay, fine. How about 'yong kinain na lang namin ni Nica ang babayaran ko tapos kayo ni Eljeh? Or I can pay her lugaw too," King suggestion.
"Ako na lang," sagot ni Azul at pasimple pa niyang tiningnan si Eljeh na inikutan lang siya ng eyeballs nito. "Iyong kinain na lamang namin ni Eljehanni ang babayaran ko. Sa inyo na lang din ni Nica," dagdag niya na mabilis na tinanguan ni King.
Nagpipigil lang ako ng ngiti dahil talagang nakakaaliw silang panoorin na magbabayad ng lugaw namin. Parang double date pa yata ang nangyari. Ngayon ko lang napansin at ayaw pa ni Azul na ipabayad kay King ang kinain ni Eljeh.
Sabay kaming tumayo ni Eljeh at lumapit siya sa akin, inangkala niya ang kamay niya sa braso ko at sabay kaming lumabas sa lugawan. Napasulyap ako sa dalawang lalaking kasama namin at nasa amin nga ang kanilang atensyon. Kahit kinakausap nila ng ginang. Akala ko naman ay mawawala kami. Nginuso ko lang ang pintuan at tumango lang din siya.
Malalaki ang mga hakbang namin ni Eljeh hanggang sa makalabas na nga kami. Nakatali naman ang dalawang kabayo sa punong hindi kalayuan sa lugawan.
"Akala ko ba crush mo si Azul? Bakit parang ang sungit-sungit mo sa kanya, Eljeh?" tanong ko sa kanya at nang silipin ko ang mukha niya ay may multo na sa mga labi niya. Gusto rin niya yata ang sinusungitan niya si Azul.
"Ganyan naman kami palagi, eh," sagot niya lang sa akin at nagkibit-balikat.
Hinintay namin ni Eljeh na lumabas ang kasamahan namin at sa hitsura niya ay parang nauubusan na siya ng pasensiya.
"Tagal, ah. Magbabayad lang naman sila," naiinis niyang saad. Mahinang tumawa na lamang ako.
Wala pang ilang segundo ay may narinig na kaming yabag ng isang kabayo--o dalawa.
Nang mag-angat ako ng tingin ay halos umawang ang labi ko sa pagkamangha nang makita ko ang dalawang lalaking nakasakay sa kabayo. Pareho silang guwapo dahil iisa lang naman ang mukha nila.
Ang isa ay may kahabaan ang buhok kaya nakatali ang kalahati nito na bumagay naman sa guwapo niyang mukha. May kakapalan ang kilay niya at matangos din ang ilong.
Itim na sleeves ang suot niya kaya malayang-malayang makikita ang malaking muscles niya. Kulay abo naman ang suot niyang pants at itim na boots.
Red polo na nakabukas lahat ang butones ang suot naman ng pangalawang lalaki, itim na pants din at boots. May suot din siyang sumbrero at hindi katulad ng isa ay mas magaan tingnan ang aura niya dahil nakangiti siya pero ang kakambal niya ay walang bahid na kahit ano'ng emosyon ang mukha nito. Mukhang seryoso at tila walang pakialam sa paligid niya.
Lalagpasan na sana nila ang lugawan kung saan ay nakatayo kami pareho ni Eljeh sa tapat nito nang mapatingin sa gawin namin ang isang lalaki na parang may galit yata sa mundo. Mabilis niyang pinahinto ang kabayo kaya nagtaka sa kanya ang kapatid niya na kung bakit bigla siyang huminto at sinundan nito ang tinitingnan niya.
Lumiwanag ang bukas ng mukha nito nang makita niya kami--o baka si Eljeh. Nakilala niya siguro si Eljeh kaya ganito.
"Eljeh!" masayang sigaw nito sa pangalan ng kasama ko. Tama nga ako na kilala nila si Eljeh kaya pala napahinto ang isa.
Mabilis silang bumaba at ang lapad-lapad agad ng ngiti nito. Ang guwapo niya.
"Oh, the Verracia twins," mahinang sambit ni Eljeh.
"Nandito ka pala, Eljeh!" masayang sabi nito at nakipag-fistbump pa kay Eljeh. Mukhang ito ang madalas nilang ginagawa sa tuwing nagkikita silang tatlo.
Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi sinasadyang magtagpo ang mga mata namin ng lalaking walang ekspresyon ang mukha. Kinilabutan ako sa tuwing dumadapo ang mata niya sa akin, wala namang malisya roon. Pero parang masyadong mabigat ang aura niya. Parang si Azul lang din, pero hindi naman bumibilis ang t***k ng puso ko.
"Kumain lang kami ng lugaw. Saan ang punta niyo, Wolf?" tanong ni Eljeh at ang lalaking seryoso naman ang sumunod na nakipag-fistbump sa kanya.
"Wala lang," tipid na sagot ng nagngangalang Wolf. Infairness ang ganda ng boses niya kahit medyo seryoso talaga siya. Nag-iwas ulit ako ng tingin sa kanya dahil mukhang nahahalata niyang tinitingnan ko rin siya. Baka sabihin niya na crush ko siya, kahit hindi naman. Guwapo lang siya.
"Ah, this is Nica, one of our visitor sa Villa. She's my friend," pakilala ni Eljeh. "Nica, mga friends ko, this is Rolf Loughan and this one na mukhang grumpy but mabait naman ito, siya si Wolf Voughan. Magkaibigan ang daddy namin pareho," dagdag pa niya na ikinatango ko.
Matamis na ngumiti sa akin si Rolf, mukhang friendly ang isang ito at hindi mahirap pakisamahan. Kasi approachable siya sa unang tingin mo pa lamang sa kanya.
"Just call me, Rolf, Miss Nica." Naglahad siya ng kamay sa akin na mabilis ko namang tinanggap at ginantihan ang ngiti niya.
"Okay, and Nica na lang din ang itawag mo sa akin," suhestiyon ko naman sa kanya.
"Nice meeting you, Nica."
"Same here, Rolf," I muttered at medyo nagulat pa ako nang naglahad din ng kamay si Wolf. Ngumiti na muna ako bago ko hinawakan ang kamay niya.
Mariin kong naitikom ang bibig ko dahil mabagal niyang dinala ang kamay ko sa labi niya at hinalikan ito.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Rolf at parang nag-enjoy rin si Eljeh sa eksenang pinapanood niya sa mga oras na ito. Kahit na mukha siyang snob ay gentleman naman pala siya.
"Are you single?" tanong nito sa akin na ikinaawang ng mga labi ko. Straight forward. Mas lalong lumakas ang halakhak ni Rolf at tuwang-tuwa siya sa kakambal niya.
Binawi ko ang kamay ko sa kanya at hindi ko na siya matingnan pa ng diretso sa mga mata niya. Kinabahan ako bigla, eh.
"Nica, tinatanong ka ni Wolf. Mukhang type ka, eh," natatawang sabi ni Eljeh at siniko pa ako.
"Uhm..." sambit ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.
Single naman ako pero bakit ang hirap sabihin iyon? Kasi parang... Napaigtad naman ako sa gulat nang maramdaman ko ang pagdulas ng matigas na bagay sa aking kamay at napatingin ako roon, pinagsiklop nito ang mga daliri namin saka niya ako dahan-dahan na hinila palapit sa kanya.
"She's not," malamig na sagot ni King kay Wolf. Oo, si King ang humawak sa aking kamay dahil siya lang naman ito ang may lakas na loob na hawakan at lapitan ako. Hindi rin naman talaga ako nagrereklamo, eh.
Hindi ko alam kung ano ba ang sumapi sa akin at mas hinigpitan ko na lang ang paghawak sa kamay niya. Nakangiting sinalubong ko ang mga mata niya. Dahan-dahan na bumaba iyon at tiningnan ang magkasiklop naming mga kamay saka ibinalik sa akin ang tingin. Kanina ay madilim ang anyo ng mukha niya pero ngayon ay parang gumaan ulit at nagawa niyang gantihan ang ngiti ko.
Komportable na komportable na ako sa presensiya ni King kahit na wala pang isang linggo simula nang magkakilala kami at ang puso ko ay wala na sa normal ang t***k nito.
Gusto ko ang pakiramdam na ito. Gustong-gusto ko.
"Aw, Nica is already taken, brother," ani Rolf at tinapik pa niya ang balikat nito na wala lang reaksyon na tiningnan kami.
Hindi ko na lamang din sinabi pa ang totoong status ko dahil parang ayoko na ring magsalita pa.
"You're with Azul, Eljeh?" tanong ni Wolf kay Eljeh at nawala na ang atensiyon niya sa amin.
"Yeah," tipid na sagot din ni Eljeh. Salubong ang kilay ni Azul at mukhang bumalik sa pagiging suplado nito dahil hindi na nakatingin kay Eljehanni. Parang iritado na rin siya. I don't know why.
"We have a pool party tonight, Eljeh. You can come at isama mo ang kaibigan mong si Nica," ani Rolf at nagawa pa niyang kumindat sa akin. Mahinang natawa ako sa kanya pero natigilan lang din ako dahil sa paghigpit ng kamay ni King sa akin. Nilingon ko siya para lamang makita ang malamig na mga mata niya.
"Ayos ka lang?" inosenteng tanong ko pa siya.
"May nakakatawa ba sa sinabi niya, Gennica?" tanong nito sa akin at nanlaki pa ang mga mata ko dahil sa tinawag niyang pangalan ko. Hindi Nica na nickname ko. Kakaiba yata sa feelings nang marinig ko iyon mula sa kanya. Saan niya kaya nalaman ang pangalan ko, bukod sa Nica?
"Natuwa lang ako sa kanya, eh..." sabi ko. Umigting lang ang panga niya at nag-tiptoe po ako para abutin iyon. Marahan kong hinaplos iyon at mabilis lumamlam lang ang mga mata niya.
"Seriously?" narinig kong sambit ni Wolf.
"Ano na, Eljeh? Game ka?" untag na tanong ni Eljeh. Hindi kaya nakakahiya na i-invite ako sa party nila? Ngayon lamang nila ako nakilala, eh.
"Yeah sure. Isasama ko si Nica. Puwede ba siyang sumama, Mr. Dwight?" naaaliw na tanong ni Eljeh kay King. Medyo nagtaka pa ako kung bakit hindi ako ang itinanong niya.
"Puwede mo namang isama ang boyfriend ni Nica at ikaw rin, Eljeh. Punta ka, Azul," ani Rolf.
"Salamat sa imbitasyon pero may gagawin ako mamaya. Wala akong oras," kaswal na sabi lang ni Azul at tumalikod na siya. Naglakad siya palapit sa kinatitirikan ng dalawang kabayo.
"Huwag mong sabihin na hindi ka pa nakaka-move on kay Azul, Eljeh?" natatawang tanong ni Rolf. Siya lang talaga ang palasalita. Ang kakambal niyang si Wolf ay napakatahimik.
"Tumahimik ka, Rolf."
Akala ko ay mauuna nang aalis si Azul dahil sumampa siya agad sa likod ng kabayo at pinalakad ito pero pinahintulutan niya rin sa tapat namin.
Naglahad siya ng kamay kay Eljehanni. "Umuwi na tayo," seryosong sabi pa niya. Nagpalik-balik tuloy ang tingin nito sa nakalahad na kamay ni Azul at sa mukha niya. "Paghihintayin mo pa ba ako, Eljehanni?"