Love at first sight
"PAGHIHINTAYIN mo pa ba ako, Eljehanni?" seryosong tanong ni Azul at nakalahad pa rin ang kanyang kamay. Kung bakit kasi natigilan si Eljeh. Ang akala niya rin siguro ay iiwan na siya nito o mauuna nang uuwi si Azul katulad ng sinabi niya kanina na hindi naman kami sabay na gumala kaya uuwi rin sila na hindi na kami ang kasama. Which is true talaga.
"I can take her home, Azul," seryosong sabat din ni Wolf at nakipag-eye to eye contact na naman siya sa crush ni Eljeh. Mukhang masaya silang panoorin dahil parang pinag-aagawan din nila ang kaibigan ko.
Yeah, I consider na kaibigan ko na rin si Eljehanni. There's nothing wrong with that.
"I have my horse, too Azul," Rolf uttered and he held Eljeh's hand, na mabilis na sinundan iyon ng tingin ni Azul. He clinched his teeth at walang emosyon na tiningnan niya ulit si Eljeh.
Pekeng napatikhim pa si Eljeh, at tinanggal ang kamay ni Rolf saka naman niya inabot ang kamay ni Azul at hindi ako sure kung hindi ako namalik mata lang nang makita ang kaunting pag-angat ng sulok ng mga labi ng lalaking ito. Nakuha siguro sa tingin si Eljeh kaya hindi agad siya tumanggi. Nakaka-intimidate naman kasi ang aura nito.
This time ay pumuwesto na siya sa likod ni Azul at todo kapit pa siya sa baywang nito na halos yakapin na niya. Nakita ko ang pagsimangot ni Rolf pero si Wolf ay mas dumilim ang mukha niya. Type kaya ni Wolf si Eljeh?
"Pupunta kami sa pool party niyo, boys. Isasama ko si Nica, don't worry," ani Eljeh sa kanila at mabilis na nagbago ang mode ni Rolf. Bipolar talaga ang isang ito.
"I'm expecting you to come with Nica, Eljeh, tonight," nakangiting sabi nito at kunot-noo naman na bumaling sa akin ang kanyang kakambal.
"You will come?" kalmadong tanong niya sa akin at mabilis akong tumango.
"Yup," I replied at naramdaman ko ang pagpisil ni King sa aking kamay pero hindi ko pinansin iyon.
"See you tonight, then," he said at muling sumampa sa kabayo niya. He glanced at me for the last time before he waved his hand, Rolf followed him too.
"Bye Eljeh, see you at the party, Nica. Let's get party tonight," masayang paalam sa amin ni Rolf saka sila tuluyang umalis.
"Let's go home, Nica," King muttered. Seryoso na naman ang kanyang boses.
***
Pagbalik namin sa villa nina Eljeh ay excited niya akong hinila sa loob at pipili raw kami ng dress na susuotin namin tonight. Wala akong dress na ibang dala kundi ang sinuot ko ng gabing unang pagkikita namin kay King pero pahihiramin daw niya ako ng dress niya. Hindi pa niya nasusuot ang iba, kaya huwag daw akong mag-worry. Kahit nagamit naman niya ay okay lang naman sa akin.
"It's good na pumunta ka nga, hija. Para hindi ka ma-bored dito sa villa," nakangiting sabi sa akin ni Tita Certiza. I shook my head dahil hindi naman boring sa villa nila.
"Nag-enjoy po ako sa pag-stay ko here, Tita Certiza. Especially po kanina sa falls, ang sarap po ng tubig. Gusto ko pa sanang maligo roon ng matagal, eh," kuwento ko at natatawa pa ako dahil sa naalala ko kaninang eksena namin nina Eljeh.
Ang funny scenes doon ay iyong rumampa pa si Eljehanni pero sinalubong lang siya ng madilim na mukha ni Azul at kinilig ako sa paghubad nito ng shirt niya.
"Mabuti naman kung ganoon. Hindi na kasi kayo magtatagal ni Mr. Dwight dito, kasi tapos na ang negosasyon nila ng daddy ni Eljeh," may bahid na lungkot na sabi ng ginang at hindi ko alam kung bakit nakaramdaman din ako no'n.
So, hindi rin talaga kami magtatagal dito ni King? Ayon din sa gusto niya na magtatagal kami hanggang sa hindi ko pa nakakalimutan si Jade?
At bakit nalulungkot din ako? Kailangan din namin na bumalik dahil may kanya-kanya kaming buhay ni King sa Manila at pansamantala lang naman ang lahat ng ito.
Goodness, Gennica wala pang isang linggo na kakilala mo si King ay parang hindi ka na sanay agad na wala ang presensiya niya.
Dinama ko naman ang aking dibdib at pilit na inalala ang mukha ni Jade pero mukha lang ni King ang lumitaw sa isip ko. Hay, naku King. Ano'ng ginawa mo sa akin?
"Basta babalik kayo rito, ha Nica?" Matamis akong ngumiti kay Tita Certiza. "Visit us, 'kay?" she added.
"Opo, Tita. Babalik po ako rito--"
"And kasama na si Mr. Dwight at baka sa mga oras na iyon ay kasal na kayo," singit ni Eljeh at pinangliitan ko siya ng mata. Pero ang nakakainis na halakhak niya lang ang umalingawngaw sa loob ng walk-in-closet niya at sumabay pa ang Mommy niya. Hala, pinagtutulungan na naman ako ng mag-ina.
"I like that idea of yours, Eljeh. Sana nga na kayo ang magkakatuluyan ni Mr. Dwight. I love your chemistry, may something talaga sa inyong dalawa, eh. Ako ang kinikilig para sa inyo." Napahawak na lamang ako sa mukha ko dahil nararamdaman ko na ang init nito. Mas lumakas ang tawa ni Eljeh, dahil sa nakita niyang reaction ko.
"Oh, baka pagbalik ko rito, Eljeh ay malaki na ang tiyan mo, ha. Marupok ka pa naman," sabi ko na hindi ko na talaga napigilan na sabihin iyon. Wala naman yata sa kanyang ina at ito na naman ang malakas na tawa nito. Pumapalakpak pa ang ginang.
"I hope so, Nica. Gustong-gusto na talaga namin ng tito mo na magkaroon ng apo kay Eljehanni. Please, darling, pagbigyan mo na kami ng Daddy mo. Gusto ko kambal, kasi tuwang-tuwa ako na makita ang kababata mong sina Rolf and Wolf, please Eljeh," ani Tita Certiza. Para lang siyang nanghingi ng toys. She's cute!
"Mom!" sigaw niya at natawa na rin ako dahil parang kamatis na rin ang kanyang pisngi. "Seriously, a twins?!"
"Why not, anak? Ang cute kaya nila."
"Tita, kanina po nakita siya ni Azul na naka-undies lang at pinagalitan po siya," sumbong ko at nanlaki naman ang mata ni Tita Certiza.
"Really? Oh, my God! Come here, hija. Kuwentuhan mo pa ako, sana talaga ang magiging apo ko," masayang sabi niya at tumayo siya mula sa couch. Nilapitan niya ako kaya tumili sa loob si Eljeh.
Wala siyang nagawa nang magkuwento na ako sa Mommy niya kaya sumimangot lang siya. Iyong pangyayaring lang naman kanina ang kinuwento ko.
Nakahiram na ako ng susuotin ko mamaya at komportable na ako sa dress ko. Iniwan ko ang mag-ina sa kuwarto ni Eljeh at dumiretso ako sa silid ni King. Kumatok ako at hindi ko pa man naririnig ang boses niya ay mabilis ko nang pinihit ang seradura ng pinto. Feeling welcome kasi sa room ni King.
"King?" sambit ko sa pangalan niya at bahagyang sumilip pero tanging itim lang ang makikita ko sa loob. Nagsalubong ang kilay ko at nang nanuot sa ilong ko ang pamilyar na matapang na pabango ay muntik pa akong mabuwal sa kinakatayuan ko nang makita ko ang guwapong mukha ni King. Nagulat ako.
"Be careful, Nica," mahinang saad niya at binuksan ang pinto gamit ang kanang paa niya. Nakahawak na siya pareho sa aking braso.
Bumibilis na naman ang t***k ng puso ko dahil sa magaspang na kamay niyang nakadampi sa balat ko.
"Come in," he said at hinila pa ako para makapasok na nga sa kanyang kuwarto.
Nakaitim na v-neck shirt na siya at nakamaong pants na rin siya. Mukhang naligo na siya? Ang bilis naman. Amoy na amoy ko pa kasi ang ginamit niyang sabon, ang perfume niya at ang natural na bango niya.
Umupo ako sa paanan ng kama niya na madalas ko na yatang ginagawa. Tumungo naman siya sa couch at humarap din sa akin. Ilang distansya lang ang layo namin sa isa't isa pero natataranta na naman ako. Ang puso ko ay tila lalabas na naman siya.
"Uhm, babayaran ko pala ang binili ko kanina," sabi ko at itinaas ko pa ang bracelet na binigay niya sa akin. Namumungay ang mga mata niya na bumaba iyon sa pulso ko saka niya ibinalik sa mukha ko.
"Nica, sa 'yo 'yan at hindi naman kita pinagbabayad, ah," sabi niya at para akong bata na lumundag sa kama niya. Malambot siya kaya natatawa ako nang mag-bounch ang katawan ko.
"Hindi ka pa naliligo," komento niya at huminto ako sa ginagawa ko. Inamoy ko ang bandang kili-kili ko at narinig ko ang mahina niyang paghalakhak. "Hindi ko sinabi na mabaho ka, Nica," saad pa niya at umiling-iling sa akin.
"Akala ko kasi nadikitan ka ng amoy ko, eh," sabi ko at ngumuso sa kanya.
"How's your heart, Nica?" out of nowhere na tanong niya sa akin. Medyo nabigla pa ako dahil sa tanong niya. Kasi muntik ko pa na hindi maintindihan iyon. Kasi nga bakit niya kinakamusta ang puso ko?
"She's fine, unti-unti na ang paggaling niya," nakangiting sagot ko na ikinangiti niya rin. Hindi ko akalain na madali na pala sa akin ang kalimutan ang nararamdaman ko kay Jade at unti-unti na naghihilam ang sakit sa puso ko. Na tinatanggap ko na rin ang pagkabigo ko, na wala akong pag-asa kay Jade.
Nagawa ko iyon dahil sa tulong ni King. Hindi ko siya ginawa na panakip butas, ah. Katulad na lang ng gusto niyang mangyari. Ayokong gawin siya na ganoon. Sobrang bait niya kaya at brokenhearted din naman siya. Ayoko siyang gamitin.
"Wala ka bang ibang nararamdaman, Nica?" muling tanong pa niya sa akin at tumayo naman siya. Dahan-dahan na lumapit sa akin at hayan na naman ang puso ko. Natotorete na naman siya.
"Uhm, like what? S-Slight lang naman ang nararamdaman ko na sakit..." nauutal na sagot ko pa at grabe na iyong kaba ko sa dibdib. Dani sa paglapit niya sa direksyon ko.
"Naniniwala ka ba sa love at first sight, Nica?" tanong niya sa maliit na boses at bahagya kong inatras ang mukha ko dahil tuluyan na siyang huminto sa tapat ko.
"L-Love at first sight?" balik na tanong ko at naitukod ko ang dalawang palad ko sa magkabilang gilid ko mula sa likod. Yumuko kasi siya kaya lumalapit din sa akin ang mukha niya. Mas lalo ko tuloy naamoy ang pabango niya na kaadikan ko na rin yata.
Impit na napatili ako dahil muntik nang dumikit ang labi niya sa tungki ng ilong ko. Halos maduling ako sa katitingin sa kanya.
"Do you, Nica?" he asked me again. He's so makulit talaga. Kailangan ko pa talagang sumagot sa kanya.
"Uhm... H-Hindi... Eh, ewan... Hindi ko alam..." magulong sagot ko. Sa halip na maguluhan din siya ay sumilay pa ang matamis niyang ngiti kaya kitang-kita na naman ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin. Ang labi niya na natural na mapula.
"Eyes up, Gennica," utos niya at tumulis ang labi ko sa narinig na pangalan na sinambit niya.
"Paano mo nalaman ang first name ko? Ang alam mo lang ay Nica," sabi ko at matapang na sinalubong ko na lamang ang mga mata niya na may laman kung makatingin din sa akin.
"Gennica Dennise del Acosta, you have a beautiful name, Nica. That suit you better. You're beautiful too..." he said with a smile. I feel proud to my parents dahil may maganda akong pangalan na pinuri lang naman ni King Dwight.
"How did you know my full name?" nagdududang tanong ko sa kanya at natawa siya dahil doon.
"Sources, sweetheart," nakangiting sagot niya at kumindat pa sa akin kaya inabot ko ang pisngi niya para mariin na kurutin ito. Doon lang nagsalubong ang kilay niya.
"Ang sakit niyan, Nica," seryosong sabi niya at mabilis ko namang tinanggal.
"Sorry," sabi ko at nag-peace sign pa sa kanya. Hinaplos ko pa ang pisngi niyang kinurot ko at umawang pa ang labi niya. Napatingin ako sa braso niya nang makita ang pagtayo ng balahibo no'n. "Ano'ng nangyari diyan?" natatawang tanong ko at umayos na siya sa pagkakatayo niya.
"This is what I felt when you touch me, Gennica," he said at hinaplos niya ang braso niya.
"Eh? Wala naman akong ginagawa sa 'yo, eh," sabi ko at itinuro ko pa siya.
"Exactly, wala ka ngang ginagawa," saad pa niya.
"Bakit mo ako tinatanong about sa love at first sight, King? Do you even feel that way?" I asked him. He nodded his head at sinuksok niya ang kamay niya sa bulsa ng pants niya.
"Masyadong mabilis at hindi rin kapani-paniwala but this is serious, Nica. Nararamdaman ko na ito," sabi niya at parang ang pagtibok lang ng puso ko ang naririnig ko at this moment.
"K-Kanino mo iyon naramdaman?" kinakabahan na tanong ko sa kanya. Matagal na tinitigan pa niya ako at sinundan ko pa nang tingin ang paggalaw ng labi niya.
"Nica! It's time to prepare na!" Sumimangot ako nang marinig ko ang boses ni Eljeh.
"Ano iyon, King?" untag na tanong ko pero umiling na siya at kinamot pa ang batok niya. Nakita ko ang pamumula ng pisngi at tainga niya.
"Sasabihin ko sa 'yo next time, Nica."
"Bakit hindi ngayon?" pangungulit ko at tumayo pa ako para lapitin siya pero bumukas ang pinto.
"Sabi ko na nga ba na rito kita mahahanap!" Nakakainis na talaga si Eljeh!
"You disturbing us!" I fired back. King chuckled.