Chapter 4: What love really is?
"COME on, eat your breakfast. Stop staring at me. Kanina ka pa, matutunaw ako niyan, eh," sabi niya. Wala naman sa boses niya na para bang nagmamayabang siya na kanina pa nga niya napapansin na nakatitig ako sa kanya. Which is true naman kasi hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko na hindi mapatingin sa kanya
He's guwapo naman talaga... Bakit ngayon ko lang siya nakita?
So, out of shame I just grabbed the spoon and scooped the fried rice then got a bacon and hotdog. Uminom na muna ako ng tubig saka ako nagsimulang kumain.
Just a simple breakfast was prepared on the table. I know he even asked for room service for this. Maganda rin kasi ang pagkakalagay ng mga ito. May dessert din siya at nakalagay pa sa wine glass ang orange juice. May coffee pa na iyon agad ang inuna kong kinuha at sumimsim. The coffee tastes so good. Nainitan din ang aking sikmura at gagaan pa ang namimigat kong sentido. Hangover...
Muli akong sumulyap sa lalake para lamang mabilis na nag-iwas ako ng tingin dahil nagtama ang mga mata namin. Sa akin din kasi siya nakatingin, eh.
Eh, siya rin. Ang hilig niyang tumitig sa akin.
I don't really know him, just his name though, that he is King but why am I not even afraid of what he might do to me? Except earlier when I woke up I was in another hotel room. Kaya kinabahan talaga ang Lola Gennica niyo.
Nakakakaba man ang presensiya niya ay hindi pa rin iyon nagbigay sa akin ng takot. Alam ko naman na hindi siya masamang tao.
"Is it okay If I asked you, about you? It's up to you if you answer me," he said, even though he was shy to say it.
He even asked for my permission just to answer his questions about me. Pero bakit naman? Why would he asked me that? Interesado ba siyang makilala ako? At bakit bumibilis ang t***k ng puso ko?
Hindi na yata ito normal...
"Bakit?" kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Wala. I just want to know. So, we won't be uncomfortable in each other's presence of we talk like we know each other," sagot niya at marahan pa ang kilos niya nang sumubo siya ng hotdog. Nag-iwas ulit ako ng tingin dahil ang sexy--sheemay!
He's so damn sexy!
"Fine, but to be fair. Magkuwento ka rin about you," I mumbled and he nodded his head.
"Ask anything, too. Ayos din sa akin," usal niya, "What do you do for a leaving, Nica?" Here comes the question.
"Hmm, I owned the Bakery shop. So, technically, I'm a chef, but the different is taga-bake lang ako ng mga cake and tinapay. Not foods," sabi ko at nakita ko na naman ang pagkamangha niya.
"Wow. Can you bake me a tinapay? Kapag may oras ka na, then?" naaaliw na tanong niya. Hindi siya nagbibiro dahil mukhang gusto niya rin na matikman ang mga gawa kong tinapay.
"Sure, iyon ay kung matagal ka pang mananatili rito," sabi ko at muli akong sumubo ng kanin.
"Are you going to stay here for long? Aren't you going home soon? Are you sure that you won't do anything bad to yourself?" Umikot ang eyeballs ko. Para siyang Daddy ko na sobra kung mag-alala sa akin. Ang daming tanong, ah.
Oh, speaking of my parents. They must be worried about me. Kasi naman, hindi ako nagpaalam sa kanila na aalis ako. Ang dami ko nga rin na text messages na natanggap from them na binura ko iyon lahat. Hindi ko sinagot ang mga tawag nila.
I just don't know if they have access to my location, through my phone. A tracking device that I installed years ago. It's up to them if they make any effort to fine my whereabouts. But anyway, they are my parents so they will do everything just to find me.
Walang mga magulang ang hindi mag-aalala sa kanilang mga anak, 'no.
"Gusto kong magbakasyon ng matagal dito, eh," sagot ko.
"For what? Magmumukmok ka lang dito at maglalasing. There are still a lot of men out their who will take advantage of you if you're drunk. Sige ka," seryosong sabi niya. Tumayo ang balahibo ko sa batok.
"Just like you? Sigurado ka ba na wala ka talagang binabalak na masama sa akin? Maybe you're the first one who took advantage of me. Pasekreto ka pa, ah," ani ko at umiling pa.
"Miss Nica, if I ever planned something bad to you," he said and he intentionally stopped talking because he was just staring at me. Nag-init ang magkabilang pisngi ko. Bakit ganyan siya makatingin?
"Yes, you are so beautiful and sexy... I know all the guys in this hotel you can take them to you easily. You're too beautiful and men are just stupid kung hindi ka mapapansin and be attracted by your strange look yet sweet but seems you are judging us to death. So cold and the way you stare is so deep... Sa akin nga ay ganito ka na.... Walang lalaki ang hindi mababaliw sa 'yo." Napasinghap ako sa gulat dahil diretso niya talagang sinabi ang mga katagang iyon.
Gulat na gulat ako, ah!
"Wala ka pa ngang ginagawa ay uneasy na ako sa kinauupuan ko ngayon. Pinipilit ko lang talaga ang maging normal sa paningin mo," dagdag pang sabi niya kaya wala sa sariling napainom ako ng tubig.
Napaka-straight forward pala niyang magsalita! Walang paligoy-ligoy, as in diretso talaga? Hindi ba siya nahiya na aminin sa akin ang mga iyon?
Dahil parang sinabi na niya rin na naaakit ko siya! Kahit wala naman talaga akong ginagawa, katulad ng sinabi niya. Oh, my goodness... Ano'ng klase siyang nilalang?
Mukha naman siyang seryoso at parang hindi mahilig na makipagbiruan sa kahit sinong tao. Formal na formal siyang tingnan.
"Whatever," sabi ko na lamang at nagpatuloy ako sa pagkain ko.
"How old are you, by the way?" he asked once again.
"I'm 25 years old," mabilis na sagot ko at nakita ko ang gulat na gumuhit sa guwapo niyang mukha. Mahinang natawa ako, "Turning 26 na ako next month," I added.
"I see," sabi niya napalunok pa.
"How about you?" tanong ko.
"31," tipid na sagot niya sa akin at napatango ako.
"Wow. Five years lang pala ang tanda mo sa akin. Puwede na kitang tawagin na Kuya, since wala akong kapatid na lalaki. Baka gusto mong maging Kuya kita?" tanong ko at napangiti ako nang makita ang paglukot ng matangos niyang ilong. How cute.
"No. I don't want. Hindi naman kita kapatid para tawagin mo ako ng ganoon," masungit na sabi niya. Oo, nagsusungit siya pero ang lambing ng boses. Parang nagtatampo lang. Saka nagbibiro lang din ako. Ayoko rin siyang maging kapatid, 'no.
"Ikaw ba? Ano'ng trabaho mo? Let me guess, base pa lang sa pananamit at hitsura mo... Isa kang business man or?"
"Business man, I owned the, A. Real Estate Company."
"A. Real Estate Company?" Parang pamilyar sa akin ang kompanya na binanggit niya sa akin. Parang narinig ko na talaga siya, somewhere?
Saan nga ba? Hindi ko lang talaga matandaan kung saan basta narinig ko na iyon.
"Ano ang ipinapatayo niyo?" tanong ko.
"Just a building at bumibili rin kami ng lupain. Uhm, actually may pupuntahan ako this morning..." sabi niya.
"Where is it?" tanong ko na hindi ko pinahalata sa kanya na interesado akong malaman kung saan siya pupunta ngayon.
Alam ko ang mga katulad niyang negosyante ay masyado ring busy sa kanilang mga trabaho. Pero bakit nga ba nandito siya sa mga oras na ito?
Ano'ng ginagawa niya sa Bora? Nagbakasyon? Unwind?
"Somewhere in province. May titingnan lang kaming lupain na bibilhin ng kompanya namin. Ako ang makikipagnegosasyon sa may-ari," sagot niya. See? Napakaseryoso niya pagdating sa trabaho niya. Iyon naman ang dapat.
"Where is it? Saan sa probinsya?" tanong ko pa.
"It's so far from here. Dapat kahapon pa talaga ay wala na ako rito pero..." usal niya at makipagtitigan na naman siya sa akin.
"Pero?" ani ko. Gusto kong malaman ang pero na 'yan. Kung ano pa ba ang idudugtong niya.
"Pero tinamad akong bumiyahe kahapon, eh. Kaya naisipan ko na ipagbukas na lamang," sabi niya at napakamot pa sa batok. Nahihiya ba siya sa akin? Bakit nga ba siya tinamad na bumiyahe kahapon?
Wait, why do I ask myself so many question?
"Kung natuloy ako... Do you think you can be safe last night? If you didn't plan it... It might be difficult for you to get out of that see," seryosong sabi niya at ako naman ang nahulog sa malalim na pag-iisip.
He was right. I was so vulnerable last night and I felt out of myself. Pinilit ko pang makuha ang picture namin ni Jade na tinangay ng alon pero nahirapan nga ako...
Kung hindi siya dumating...ay napakaimposible talaga na magiging ligtas ako.
So, kung ganoon... Utang ko sa kanya ang buhay ko? Dahil kung hindi siya dumating...
Hindi ko rin siya makikilala. Eh?
"Thank you, very much. Utang ko pala sa 'yo ang aking buhay," nakangiting sabi ko sa kanya. Tumaas din ang sulok ng mga labi niya hanggang sa unti-unti na siyang napangiti.
"Nah, don't mention it. So, take care of yourself then. Kung natuloy rin naman ako kahapon ay baka hindi rin kita makikilala," aniya na nagdala iyon ng milyun-milyong boltahe ng kuryente sa katawan ko.
Oh, gee... Kinikilig ba ako? Bakit ba kasi ganyan siya?!
Brokenhearted pa ako, ah! Hindi pa ako ready...
"Tell me about your breakup with your ex-boyfriend?" patanong na sabi niya.
"Magiging brother-in-law ko na rin siya," matabang na sagot ko at mapait na napangiti na lamang ako. Masakit pa rin sa dibdib.
"May cheating ba?"
"Wala. Naging rebound lang ako ng lalaking mahal ko. Iyon lang ang naging role ko sa buhay niya. Ang maging panakip butas," sabi ko at sobrang bitter ko na talaga. Boses pa lamang.
"Tapos?"
"Naging kami naman... We tried to make our relationship work. He tried to love me, I did everything but it wasn't enough. Kulang pa rin... Sobrang kulang pa rin. Dahil hindi ko man lang nagawang palitan ang kapatid ko sa puso niya. I couldn't even make him fall in love with me. Mas matimbang pa rin sa kanya ang kapatid ko na ipinagpalit lang siya para sa pangarap nito kaysa sa kanya. Ako ang naging karamay niya... Kasama ako sa lahat ng mga nangyari sa kanya. Nandoon ako nang umiyak siya at parang nauupos na kandila. I was there to comfort him. Nandoon ako para samahan siya sa hinagpis at lungkot. Nandoon ako para...makalimutan na niya ang kapatid ako pero ang first love pa rin niya..." mahabang kuwento ko at hindi ko na namalayan ang pagkuha ko. Sumikip ang dibdib ko at may kirot na rin sa aking puso.
Parang nawalan na rin ako ng ganang kumain. Napakasakit naman talaga ng sinapit ko.
Napaigtad na lamang ako sa gulat nang maramdaman ko ang mainit na kamay niyang humahagod sa likuran ko. Ni hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siyang nakaupo at nag-aalala niya akong tiningnan.
"Maybe... You are not meant for each other. Naghiwalay man ang kapatid mo at siya... Baka sila talaga ang itinakda... Na ikaw naman, there's a another man destined for you. There are another guy who are more deserving of your love and just like him, too. Mamahalin at aalagaan ka niya ng ikaw lang, ng ikaw lang ang nagmamay-ari ng puso niya. That you're the only girl that's meant for him," sabi niya at napatitig ako sa mga mata niya.
Hindi ko nakitaan ng lungkot o pagkaawa sa akin ang mga matang iyon. May kakaiba, ibang emosyon ang nakikita ko na hindi ko rin kayang ipangalanan.
Hindi na ako nakaimik pa nang masuyo niyang pinunasan ang mga luha ko sa aking pisngi.
"That's what love really is, Nica. Sometimes destiny just doesn't give you a chance. When you think it's him, that your love, dahil nasasabi mo na nakikita mo na ang magiging kapalaran mo sa kanya, na handa ka na talaga para sa kanya pero hinahadlangan iyon ng tadhana kasi...may isang tao pa rin talaga ang para sa atin... Oo, masakit 'yan. Lalo na kung unang pag-ibig mo... Pero sa halip na maging malungkot ka. Maging masaya ka na rin sa nangyari sa inyo. Hindi man kayo para sa isa't isa. What's important is that you can teach a lesson and you know yourself how to limit things that shouldn't be done," mahabang sabi niya.
Ganoon nga ba talaga ang pag-ibig? Sa una lang ay talagang masasaktan ka na?