Chapter 3: Comfort zone
NANDITO ako ngayon sa Bora. Pagkatapos naming mag-usap ni Jade at ng kapatid ko ay bigla na lang akong umalis sa condo ko na hindi nagpapaalam sa parents ko.
Gusto ko lang umalis at pumunta sa lugar na wala sila. Gusto ko munang makalimot pansamantala at napili ko ang Boracay.
Tahimik at nakaupo lang sa tabing dagat. Dinig na rinig ko ang malakas na alon na humahampas sa buhangin. Inaabot no'n ang mga paa ko kaya ramdam na ramdam ko rin ang malamig at nakakikiliting dagat.
Nasa right side ko naman ang binili kong tatlong beer na kahit naubos ko na ay hindi man lang ako nalasing o kahit ang makalimutan ko lang naman ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito, pero wala. Nanatiling gising ang aking diwa.
I need a sign...
Just a one sign that I want to move on... I hate this feeling anymore...
Napangiti na lamang ako ng mapait at sa kalagitnaan nang pananahimik ko ay siya namang pagtunog ng ringtone alert ng cellphone ko.
Wala sa sariling inabot ko iyon at may natanggap akong text message from unregistered number. Kumunot ang aking noo pero kahit ganoon ay binasa ko pa rin ang mensahe.
From: +63 9267613581
Is this number of Ms. Neerfa Urzello?
Ibinaba ko na lang ulit sa buhangin ang phone ko dahil wrong send at wrong number din ang may-ari ng numero na ito.
Hindi ko na lang pinansin iyon pero muling tumunog ang phone ko. I lay down on the sand and heaved a sigh.
I glanced at my phone. I don't know why I have this urge to check my phone again and read the message.
Muli akong bumuntonghininga at inabot ko ulit ito.
From: +63 9267613581
Ms. Neerfa Urzello? This is Mr. King A. Please, save my number.
I licked my lower lip and I found myself hitting the keyboard to reply his message.
From: +63 9267613581
Wrong send.
Iyon lang ang reply ko sa kanya at ang akala ko ay hindi na siya sasagot pa...o hindi naman talaga pero tumawag naman siya.
Ilang segundo pa ako natigilan at titig na titig lang ako sa tumatawag.
+63 9267613581 is calling...
Dahil sa biglaang kaba na nararamdaman ko ay aksidente kong napindot ang decline kaya malutong na napamura ako.
"Tangina!"
+63 9267613581 is calling...
"Shet..." I don't have any choice but to accept the call para malaman na niya na nagkamali lang siya numero.
"Hello," sagot ko.
"Ms. Neerfa? Are you playing with me? I know I was rude at you when--" before he could finish his words, I cut him off.
"I'm Nica, not Neerfa," seryosong sabat ko at tumahimik na nga ang kabilang linya. Akala ko nga ay pinatay na niya ang tawag.
Inaamin ko na noong pinapakinggan ko ang boses at sinsabi ng lalaking nasa kabilang linya ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Kinakabahan ako na ano pero pinilig ko na lang ang ulo ko.
"I'm sorry?"
"Wrong number, Sir. You need to check the number you dialed," I said and hang up the phone.
A few minutes later I received another message from the same number.
From: +63 9267613581
I'm sorry, nagkamali lang ako sa last digit. It was number 2 not 1.
I shrugged my shoulder at hindi na lang ako nag-reply pa.
Kinuha ko ang isang litrato sa tabi ko at napangiti ako nang makita ko na naman ang mukha niya.
He's so handsome and I love him, so much...
Hawak-hawak ko ang picture namin ni Jade nang biglang humangin at sa gulat ko ay tinangay pa ito ng hangin.
Mas nataranta ako nang makita ko na maging ang alon ay tinangay rin ang picture ko na kasama ko si Jade!
"Darn it!" I cursed at hindi ako nagdalawang isip na tumayo para makuha ang picture.
Hindi baleng mabasa ako, makuha ko lang iyon! Masyadong mahalaga sa akin ang litrato namin dahil kuha iyon noong naging kami na ni Jade!
Kahit na alam kong mahal pa rin niya...ang kapatid ko...
"No way..."
Tanga nga ako masyado dahil lang sa isang litrato ay desperada pa akong makuha ulit ito.
Dahil sa takot ko ay hindi ko namalayan na may luha na pala ang naglandas sa aking pisngi.
"No..."
"Fvck!" Nabigla ako nang may nagmura sa likuran ko at kasabay no'n ang pagyakap ng mga braso nito sa baywang ko.
At sa hindi ko inaasahan na pagkakataon ay bumilis ang t***k ng aking puso. Lalo na ng maramdaman ko ang matigas at malapad niyang dibdib sa aking likuran. Pilit niya rin akong inaahon mula sa dagat, na hindi ko namalayan na umabot na pala iyon hanggang baywang ko.
Nang nasa buhangin na kami ay agad niya rin akong binitawan at hinarap ko naman siya.
"Sa tingin mo ba solusyon sa problema mo ang magpakamatay?!" malamig na tanong niya sa akin at nasa boses niya ang tila nagagalit sa aking ginawa.
"Hindi mo ba alam na maraming tao ang gusto pang mabuhay na hindi sinuwerte na magtatagal pa sa mundong ito?!" sigaw pa niya sa akin.
Kunot na kunot ang aking noo. Bakit naman ako magpapakamatay? Ano'ng pinagsasabi niya?
Madilim na pala ang kalangitan at lumalakas na rin ang hangin pero sa tulong naman ng naglilinawag na buwan ay naanigan ko ang lalaking inakala na tatapusin ko na ang buhay ko kahit wala sa isip ko iyon.
Gusto ko lang naman makuha ang picture ko, eh...
Gulat na gulat pa rin ako sa lalaking ito nang lumuhod siya para lamang...may kinuha lang pala siya sa buhangin at ang phone niya iyon.
Pinindot-pindot niya ang kanyang cellphone at ilang segundo ang nakalipas ay pareho naming narinig ang pamilyar na ringtone sa hindi kalayuan sa aming puwesto.
Wala sa sariling napatingin naman ako sa kinauupuan ko kanina at ang phone ko ang tumutunog at this moment.
Sino naman kaya ang tumatawag?
Pero bumalik ang tingin ko sa lalaki nang mapansin ko na sa akin na naman siya nakatitig. Paulit-ulit na nag-ring ang phone ko.
"Ikaw si Nica..."
Hindi ko alam kung bakit alam niya ang nickname ko pero nang ma-realize ko na ay umawang lang ang labi ko sa gulat.
Humiling ako ng sign... Isang senyales lang na kung paano ko makakalimutan ang nararamdaman ko para kay Jade at hindi ko akalain na mabilis na ibinigay sa akin iyon.
Ang una ay ang na-wrong send...siya si Mr. King A. Na nagkamali sa huling numerong tinatawagan at sa number ng phone ko siya napunta.
Ang pangalawa ay ang picture namin ni Jade, senyales na iyon na hindi lang tinangay ng hangin at maging ang alon din. Meaning no'n ay kailangan ko na nga talagang kalimutan si Jade at magsisimula iyon sa mga bagay na makapagpapaalala niya sa akin.
Ang pangatlo...ay ang lalaking nasa harapan ko sa mga oras na ito kung bakit...ganito kabilis ang t***k ng puso ko na tanging kay Jade ko lang nararamdaman.
Three signs...
Nawala na ang ingay sa cellphone ko dahil tinigilan na niya rin iyon sa pagtawag. Napaatras ako nang humakbang siya palapit sa akin.
Hindi ko alam kung bakit bumibilis ang t***k ng puso ko pero nang makita ko ang mukha niya ay may kung ano ang lalabas sa aking dibdib.
Maliban kay Jade, na minahal ko ng sobra-sobra. Sa iisang lalaki lang ako humanga. Sa facial appearance nito at sa pag-uugali.
Pero maliban pala sa kanya, kay Jade. May isang lalaki pa ang hahangaan ko na mas hinigitan nito ang pagkamangha ko.
Napakaguwapo niya, kahit hindi ko nakikitaan ng kahit ano'ng emosyon ang mukha niya. Ang malamig na mga mata niya. Sa paraan nang pagtitig niya sa akin ay nakakapanghina ng mga tuhod.
May kakapalan ang mga kilay niya na parang ginuhit lang iyon, ang itim na itim niyang mga mata. Matangos na ilong at salamat talaga sa liwanag ng buwan nakita ko kung paano umigting ang panga niya. His lips...parang ang sarap halikan.
I mentally shook my head. Ano ba'ng pag-iisip 'yan, Gennica?!
Kailan ka pa nagkaganyan sa isang lalaki?! Akala ko ba loyal ka kay Jade? Nakakita ka lang ng mas guwapo kaysa sa Jade mo ay may gusto ka ng halikan na iba? Urgh!
"You're Nica? The last three digit, 937?" he asked me. His voice is cold as ice. Tumango ako bilang tugon. Mas lalo lang yata lumakas ang tambol sa dibdib ko nang bigla niya akong niyakap.
Sobrang higpit na tila ayaw niya akong pakawalan. O parang may aagaw sa akin mula sa kanya. It seems I'm just a thing...
Dahil sa pagdikit ng katawan namin ay nararamdaman ko ang init niya. I feel safe? Parang sa bisig niya...tila dinuduyan ako sa alapaap.
Napakatangkad niya rin kaya napasandal na lang ako sa dibdib niya. Nakakatawa, parehong mabilis ang t***k ng puso namin. Ganitong-ganito iyong akin.
"If you want to talk to someone, I can be your listener. If you want to cry, I can lend you my shoulder to cry on. If you was hurting... I won't leave you here... I'll stay with you... Until you find your peace in your heart..." he said, nawala ang lamig sa boses niya at napalitan iyon ng lambing.
Bakit...bakit niya ginagawa ito? Hindi naman niya ako kilala...
Pero dahil sa ginawa niya ay kumalma ang puso ko at parang saglit lang ay nakalimutan ko ang problemang kinakaharap ko.
That night, I found my comfort zone. The stranger that I didn't even know his name.
Nagising na lamang ako kinabukasan ay nasa loob na ako ng hindi pamilyar na kuwarto. Hindi iyon ang hotel room ko dahil may pagka-manly itong silid at kakaibang amoy.
Dahil sa pag-inom ko kagabi ng beer ay nananakit ngayon ang ulo ko. Napangiwi ako at napahilot sa sentido ko.
"Paano ako...napunta sa kuwartong ito? At kanino...ba ito?" mahinang tanong ko sa aking sarili at napasandal ako sa headboard ng kama.
Namilog ang mga mata ko nang maalala ko ang kagabi... "If you want to talk to someone, I can be your listener. If you want to cry, I can lend you my shoulder to cry on. If you was hurting... I won't leave you here... I'll stay with you... Until you find the peace in your heart..."
Napatakip ako sa bibig ko at mabilis na napatingin sa katawan ko. Naka-black dress ako kagabi pero ngayon, maluwag na puting T-shirt at asul na pajama na ang suot ko. Wala naman akong nararamdaman sa pang-ibabang katawan ko kaya sure ako na wala kaming ginawa na kababalaghan dahil wala na akong maalala na puede naming gawin.
Pero sino... Sino ang nagpalit sa akin ng damit? Ang lalaki ba? Posible bang siya nga ang nagpasuot nito sa akin?
Ang lalaking iyon na inakala niyang magpapakamatay ako? Seriously? Nakita niya lang ako sa tabing dagat o tamang sabihin na halos lumublob na ako.
Kahit gaano pa ako kabigo sa pag-ibig, kahit na kailan ay hindi ko pagtatangkaan ang buhay ko. Hindi ganoon kadali para sa akin kitilin ko lang ang buhay ko.
Tuluyan na akong bumangon pero halos mapahiga ulit ako sa kama dahil sa nararamdaman ko na pagkahilo.
Napaigtad ako nang bumukas bigla ang pintuan at iniluwa roon ang pamilyar na lalaki na nakilala ko kagabi--eh hindi ko naman pala kilala.
Ngayon, mas malinaw ko siyang natitigan dahil sa liwanag ng kuwartong ito.
Puting shirt at asul na pajama rin ang suot niya. Halatang pagmamay-ari niya ang suot ko ngayon dahil may kalakihan ito sa katawan ko.
Magulo pa ang buhok niya. Hindi pa yata siya nakaliligo pero ang fresh na niyang tingnan.
Napaatras ako dahil sa paninitig niya sa akin kaya napaupo ulit ako sa kama. Grabe ang kaba ko sa dibdib nang makita ang lalaking ito.
Mukha siyang anghel...
"W-Who are you? Ano'ng ginagawa ko rito?" agad na tanong ko sa kanya. Hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata niya dahil kinakabahan talaga ako sa presensiya niya.
Hindi naman siya mukhang masamang tao. Napakagaan nga ng aura niya pero sadyang niyerbosa lang talaga ako.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at dahil natatakot nga ako ay tumayo ako para lang kumuha ng isang bagay na pwede ihampas sa kanya. Kung may balak siyang gawin na masama sa akin.
Napahinto siya at nagsalubong ang kilay niya nang tingnan niya ako. Naguguluhan sa inasal ko.
"What are you doing?" nagtatakang tanong niya sa akin.
"Huwag kang lalapit! Ihahampas ko ito sa ulo mo!" sigaw ko rito.
"Put down my tablet, Miss," mariin na utos niya sa akin. Napatingin tuloy ako sa bagay na hinawakan ko. Napangiwi ako at ibinaba ko na lang iyon.
"Sino ka ba? Paano ako napunta rito? May ginawa ka ba sa akin kagabi?" tanong ko.
Saglit pa niya akong tinititigan bago niya ako sinagot, "I didn't anything. Natulog ka lang sa kama ko. You're drunk last night and you tried to...sui--" I cut him off dahil alam ko na ang idudugtong niya.
"I am not!" hysterical na sigaw ko.
"Nakita kita sa akto--"
"Tinangay kasi ng hangin na maging ang alon ang litrato namin ni Jade! Kaya I tried na makuha iyon pero hindi ko man lang kayang abutin!" ani ko at parang any moment ay maiiyak na ako.
Naaalala ko na naman kasi iyon. Nakakainis! Hindi ko nakuha. Iyon na lamang--napahinto ako.
Napatitig ako sa lalaki... He's the one?
Siya na kaya ang senyales na ibinigay sa akin?
"And why are you crying at that time? You looks exactly like a lose puppy," marahan na sabi niya. Hindi naman siya mukhang naaawa sa akin. I sat down on the bed and I massage my head.
My head is hurting, damn it. Bakit ba kasi nag-inom pa ako kagabi?
Malamang, brokenhearted ako...
"Uhm..." Wala akong masabi.
"Are you sure na hindi mo gagawin ang naisip ko kagabi?" paninigurado niya sa akin.
Malakas na suminghap ako at sinamaan ko siya nang tingin.
"Hindi porke't brokenhearted ako ay magpapakamatay na ako! Excuse me, mas mahalaga pa rin sa akin ang sarili kong kaligtasan. Saka...hindi ako s--what the hell ever," sabi ko at inirapan siya.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon. Kasi nakita ko ang pag-angat ng bahagya ng sulok ng mga labi niya at ang amusement sa mga mata niya? Pero mabilis din iyong naglaho.
"Who are you nga?" I asked him.
"I'm King. Just call me, King. Your name is Nica? Ako ang tumawag sa 'yo kagabi na nagkamali ako sa numerong natawagan," he explained.
"And how did you know that I am Nica? At nasa beach ko kagabi?" curious na tanong ko.
"I can hear the waves in your background, and you seems sad when I heard your voice. My instinct told me that maybe you're in Bora. It's true that you're brokenhearted?" he asked me.
"Unfortunately...yes," I replied and took a deep breath.
"What happened?" interesadong tanong niya sa akin. Binalingan ko siya nang tingin.
"Tsismoso ka," masungit na sabi ko sa kanya at tinalikuran ako.
Akala ko na-offend siya sa sinabi kong tsismoso siya pero narinig ko ang mahina niyang halakhak.
"I am, Miss Nica. Because like you, I'm brokenhearted too. Anyway, if you want to join me for breakfast. Come on down, darling. Let's have a breakfast together." Tumaas yata lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa tinawag niya sa akin.
Darling?! Why did he calls me that?!
At bakit ako kinikilig sa estranghero na iyon?!