CHAPTER 2

1601 Words
Chapter 2: King Dwight's heartbreaks THIRD PERSON'S POV "GOOD morning, Sir Altaraza!" masayang bati sa kanya ng mga staff ni Aly. "Good morning," nakangiting bati niya rin pabalik sa mga ito. Umiiling na lamang siya dahil sa naririnig na papuri sa kanya habang naglalakad siya at patungo sa opisina ng babae, na kanyang sinusuyo ang puso. Ilang taon na niyang ginagawa ito pero hindi siya mapapagod at magsasawa sa panliligaw. Kababalik niya lang mula sa business trip niya from Dubai na halos isang buwan din siyang nawala at wala pa siyang pahinga dahil kanina lang din ang flight niya pero mas pinili niya ang bisitahin ang future wife niya. Nagdala pa siya isang punpon ng bulaklak na madalas niyang ginagawa. Naabutan niya ang dalaga na abala masyado sa trabaho nito. Napangiti siya nang sa wakas ay nasilayan niya ulit ang maganda nitong mukha na hindi man lang kumupas kahit may anak na. Hindi nga rin halata sa hitsura nito. "Hi, good morning, Meds," he greeted her when he entered her office. Nang makita siya rin ito ay lumapad ang ngiti at mabilis na kinuha ang bulaklak mula sa mga kamay niya at inilapag iyon sa kandungan nito. She appreciated his bouquet. "Morning, kailan ka nakabalik?" tanong naman nito sa kanya at yumuko siya para kintalan ng halik ang pisngi nito. Hindi naman naninibago sa kanya ang dalaga dahil nakasanayan na nito na gawin ang paghalik sa pisngi at noo nito. Bawal pa nga lang sa labi. Dahil hindi pa siya sinasagot nito. Saka na kung nobya na niya ito. I can wait... "Hmm, kanina lang," he replied and he sat down on the visitor's chair at nangalumbaba pa siya upang mas makita niya ang maamo nitong mukha, "May pasalubong ako sa 'yo," he added, "Of course, para rin sa mga anak natin." Natawa naman sa kanya si Aly. "Mrs. Altaraza," he uttered. Maganda sana kung sa kanya mismo galing ang apelyidong iyon. "Hoy, surname 'yon ng tatay ko, 'no? I'm not your wife," she reasoned out and he chuckled. "Say 'yes' to me already at ngayon din mismo ay pakakasalan kita," sabi niya kahit may halong pagbibiro iyon ay seryoso pa rin siya na pakakasalan niya ang dalaga. "Why don't you rest, King? Kadarating mo lang pala from Dubai at bakit dito ka agad nagpunta?" she said. "I missed you, And I missed the kids, too. Date tayong apat?"he told her. He missed the kids too, he treated them like his own children. "Busy na ang dalawa kasi may pasok na. Excited na pumasok," she answered. "And you didn't tell me about Bon's situation. He...he," sabi niya at hindi pa kayang dugtungan dahil naaalala niya ang kalagayan ng bata. "I'll visit them after my work. Dumaan lang talaga ako para makita ang baby-momma ko," saad niya at tumayo na rin siya. "See you later, Miss." After he leave, he kissed her forehead, gentley. Ang matamis na oo na lang talaga ang kulang at hinihintay ni King Dwight. Pero mukhang hindi na niya iyon makukuha pa dahil bumalik na sa bansa ang dating asawa nito. *** "KING..." tawag sa kanya ni Aly habang yakap niya ito. Dahil naabutan niya sa may parking ang dalaga na kasama ang lalaking nakilala niya lang dahil sa litrato na ipinakita sa kanya ng kapatid nito. Hindi niya inaasahan na magkukrus pabilog ang mga landas nito at inaamin niyang kinabahan siya. Malamig ang mga mata nito na nakatingin sa kanya kaya sinamaan niya rin nang tingin. "Your woman?" he mocked him. "You don't have the right to hug her like that, Mr. Sullivan," he hissed bago niya hinila palayo sa lugar na iyon ang dalaga pero hindi niya nagustuhan ang nabasa niyang emosyon nito. He's fvcking jealous! *** At hindi niya rin inaasahan na lalapit pa rin ito kay Aly. Malakas nga talaga ang loob nito. "How much the payment? Ako ang magbabayad para kay Meds?" he asked him. "Si Ms. Altaraza, siya ang magbabayad. I call you kung kailan ka magbabayad." Naiwan silang nagkatitigan na dalawa pagkatapos silang iwan nito. *** "HINDI pa ba siya nagigising?" tanong ni King Dwight kay Aleixha, o kung tawagin ito sa palayaw nito ay Aly. Ang tinutukoy ni King ay ang dating asawa ni Aly. Hanggang ngayon ay may galit pa rin siya sa lalaki dahil sa ginawa nito sa babaeng mahal niya. Oo, inaamin niyang mahal niya si Aly at hindi man niya alam ang ibang kuwento pa tungkol sa dalawa ay malinaw na nakikita niya na nagloko ang ex-husband ni Aly. "Hindi pa," sagot sa kanya ni Aly at sinabayan pa nang pag-iling. Nasa mukha nito ang tila nagsisisi dahil sa nangyari sa lalaking na-pressure lang malaman ang katotohanan. "Sa inyong dalawa ay ikaw ang mas nasaktan. Pero tingnan mo nga naman. Siya pa iyong mas mahina. Hindi na nakayanan ang rebelasyong nalaman niya," sabi niya at tumango naman sa kanya si Aly. Sa ilang taon na nakilala niya ito na hindi rin maganda ang unang pagkikita nila ay nabigyan siya ng oras upang kilalanin ang isang Aleixha Medley Altaraza. Coincidence, hindi ba? Pareho sila ng surname na ginagamit at naging magkaibigan sila noong una kaya mas nakilala niya ito at hindi na rin niya napigilan pa ang mahalin ito. Hindi niya alam kung kailan nagsimula o kung paano, pero nagising na lamang siya isang araw na mabilis ang t***k ng puso niya sa tuwing nakakasama niya si Aly. Aware na rin siya na may anak na ito at kambal pa. Pero hindi iyon nabawasan ang pagmamahal niya sa dalaga. Mas minahal pa niya ito dahil sa pagiging mabuting ina sa mga anak nito. Mas lalong humahanga siya at hindi hadlang ang kambal para hindi niya ipagpapatuloy ang panliligaw niya rito. Pero sadyang hindi yata para sa kanya ang babaeng tinitibok ng puso niya. "Sigurado ka ba talaga, Aly? Sigurado ka ba na hindi mo na siya bibigyan ng second chance?" tanong niya sa dalaga at napayuko ito. Nasabi niya ang mga katagang iyon dahil iyon ang nararapat. Bumalik naman ang dating asawa nito at kahit may galit pa rin siya sa lalaki ay nakikita niya ang pagkislap ng mga mata nito habang pinagmamasdan ang babaeng mahal niya. Nakikita niya na mahal na mahal pa rin nito ang ex-wife at aminado siyang walang balak na bigyan ng second chance ni Aly ang lalaki. Pero naisip ni King, naisip niya ang mga bata. Kailangan pa rin ng mga ito ng masaya at kompletong pamilya. Lalo na sa kalagayan ngayon ni Bon, ang isa sa mga anak nito. Naiipit ang mga bata dahil sa pag-aaway ng mga magulang. Napamahal na rin sa kanya sina Bon at Azriel kaya kahit alam niyang masakit ay magpapaubaya siya para lamang sa kapakanan at kasiyahan ng mga ito. Alam niya rin na sa piling ng ama ng mga anak ni Aly ay mas sasaya ito. Mahal niya si Aly, pero handa siyang bitawan ito... "Ang sakit na, King. Hindi ko na siya kayang tanggapin pa," dahilan sa kanya ni Aly. Naiintindihan niya ito. Masakit nga naman ang lokohin at iwan sa ere. Umupo si King sa tabi ni Aly at hinawakan ang balikat nito, "Aly, siya pa rin ang lunas mo. Alam ko na naka-move on ka na nga sa kanya. Pero nandiyan pa rin ang sakit, Aly... Nandiyan pa at hindi 'yan magagamot nang kung sino mang tao o kahit gamot pa iyan mula sa mga doktor. Aly, mahal kita..." mahabang sabi niya. Hindi nga niya rin alam kung saan niya nakuha ang mga katagang iyon. Isa lang ang masasabi niya, kusang namutawi mula sa mga bibig niya ang mga katagang iyon. "Pero handa kitang ipaubaya sa ama ng mga anak mo. Dahil alam ko na roon ka sasaya. Natatakot ka lang sumubok, Aly. Natatakot ka lang mag-risk ulit pero aminin mo man o hindi. Siya pa rin... Siya pa rin, Aly. Siya pa rin ang mahal mo. Siya pa rin ang tinitibok ng puso mo, Aly. Kaya, kaya hindi mo ako magawang mahalin. Dahil nandiyan pa siya, Aly," dagdag pang sabi niya. Hindi rin siya manhid para hindi maramdaman iyon. Kaya hindi siya sinasagot ni Aly dahil alam niyang may nagmamay-ari pa ng puso nito. Kahit ano'ng gawin niya ay alam niyang hindi mapapalitan iyon. "Gusto kita, King. Totoong gusto kita..." Napangiti siya sa sinabi nito. Nararamdaman naman niya na genuine ang pagkakagusto nito sa kanya. "Pero mas nangingibabaw siya, Aly. Mas malaki ang parte niya sa puso mo. Mahal kita kaya ang hinahangad ko ay ang kasiyahan niyo, ng mga bata," seryosong sabi niya, "Alam mo bang pinagsisihan ko na nabugbog ko siya, Aly?" Naramdaman niya ang pagtitig nito sa kanya. "Hinayaan niya ako na bugbugin ko siya. Puwede siyang lumaban, puwede siyang gumanti sa akin. But what did he do? He let me na para bang sumusuko siya, Aly. At nakita mo ba? Nakita mo ba ang reaksyon niya habang kasama mo ako?" sabi niya. Kahit abala siya sa p*******t sa lalaking iyon ay nakita pa rin niya ang emosyon nito. "Nasasaktan siya. Gusto ka niyang lapitan, para bang may sasabihin siya pero nanatili siyang nakadistansya mula sa 'yo. Aly, alam ko kung gaano ka nasaktan... Pero katulad mo rin siya... Walang perpektong tao sa mundo. Lahat tayo ay nagkakasala. Hindi natin iyon maiiwasan, hindi natin maiiwasan ang magkamali. Isang beses lang siyang nagkamali, Aly. He deserves a second chance. Susubukan mo lang...pero kung hindi na talaga..." "...Doon ka na hihinto..." dugtong niya. Sobrang sakit na bitawan ang babaeng mahal niya. Ito ang unang pag-ibig niya pero nakalaan na rin pala sa iba. Wala siyang magagawa kundi ang...magpaubaya na rin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD