CRUSH

1591 Words
Summer 2003 Marami ng tao sa paligid ng court nang makarating s'ya doon. Mahigpit ang bagong bodyguard ng Daddy n'ya kaya hirap na hirap s'yang takasan ito para lang makapanood ng finals ng basketball. May pa-liga sa kanilang subdivision tuwing bakasyon at nakaugalian na n'yang panoorin iyon at suportahan ang kanyang mga kaibigan. Apat sila sa barkada at s'ya lang ang nag-iisang babae. Napangiwi s'ya nang maalalang posible na maging lima na sila dahil mukhang napapalapit sa tatlo ang kapatid ng ultimate crush n'yang si Steven. Si Stanley na ubod ng yabang at papansin! "Nakakainis talaga!" di n'ya mapigilang bulong dahil naalala na naman n'ya ang unang beses na nakita n'ya ito. 'Yun rin ang kauna-unahang beses na nalaman nitong crush n'ya ang Kuya nito. Magmula ng araw na 'yun ay palagi na itong may nakakalokong ngisi sa mga labi tuwing magkakasalubong ang mga tingin nila. At sa halos isang linggong nakikita at minsan ay nakakasama n'ya ito dahil nakadikit ito palagi sa tatlo n'yang mga kaibigan ay lalo n'yang napagtanto ang kapreskuhan at ka-arogantehan nito. Palagi nalang itong nakakontra sa'kanya at parang palagi s'ya nitong iniinis! "Hersh! Ang tagal mo! Tara na dito!" natigil s'ya sa kakaisip sa kabwisitan ni Stanley nang hatakin s'ya nang pinsan n'yang si Krisha. Mas matanda lang ito sa'kanya ng isang taon. Nakisiksik sila sa mga nanonood para mapunta sa medyo harap. Nilinga n'ya agad ang kabuuan ng court. Napangisi s'ya nang makita ang tatlo na nakapila na doon at nagsisimulang mag-warm up. Kulay blue na may halong puti ang kulay ng jersey nila at halos lahat ng mga kababaihan sa audience ay nakatuon ang atensyon sa mga kaibigan n'yang hindi alintana ang mga babaeng halos mabali na ang mga leeg sa kakatingin sa'kanila. Pare-parehong gwapo at habulin ng mga babae ang tatlo. Lalong lalo na si Xavier, pero gunun pa man ay hindi ito babaero na katulad ni Lenard! Si Troy ang pinaka matino sa tatlo. Nagtatawanan at nagtutulakan na ang mga ito sa pila. Nawala ang ngiti n'ya nang mapadako ang tingin kay Stanley na nakapameywang at nakatuon ang atensyon sa nag-shoshoot. Kinalabit ito ni Lenard at may tinurong kung sino sa mga nanonood. Sinundan n'ya ng tingin ang tinuro nito at naabutan n'ya ang isang babaeng malaki ang hinaharap at nakashorts ng sobrang ikli at may sobrang kapal na make-up. Napangiwi s'ya nang makitang kumindat ito kay Stan. "How cheap!" hindi n'ya napigilang bulalas. Napamura pa s'ya ng mahina nang muntik pa s'yang mapatid dahil sa kakalingon sa court habang hila hila s'ya ni Krisha. Tinignan n'ya pa ng masama ang may-ari ng paa na muntik ng makapatid sa'kanya pero nakatuon na ang atensyon nito sa court. "Dito na tayo para malapit sa'kanila." rinig n'yang sabi ng pinsan at agad ng umupo sa mga upuang bakal sa likod lang mismo ng bleachers na inuupuan ng mga ka-team ng mga kaibigan n'ya. Tumabi s'ya dito at binalik ang atensyon sa court. Sakto namang si Stan na ang susubok na mag-shoot. Mayabang na dinribol nito ang bola palapit sa court at walang kahirap hirap na hinagis ang bola sa ring at na-shoot iyon. Kitang kita n'ya ang pagtutulakan ng mga babae malapit sa court. Napailing s'ya dahil sa kayabangan nito. Siniko pa s'ya ni Krisha at nginuso ang court. Sinimangutan n'ya agad ito. Alam ng pinsan n'yang inis s'ya kay Stan. "Galing talaga ni Stan, o! Mana sa Kuya n'ya!" sabi pa nito. Lalo s'yang napasimangot. "Sus! Tsamba lang n'ya yan!" sagot n'ya at binalik muli ang atensyon sa court. "Sino ba 'yung nakasuot ng number 7 na jersey? Cute s'ya ha!" rinig n'yang tanong ng isang pamilyar na boses sa likod nila. "Yung singkit? Si Stanley Hwang 'yun. Bagong lipat lang yan dito. Kapatid s'ya nung gwapong abogadong madalas magbasketball dito twing weekend!" sagot din ng isang pamilyar na tinig. Nanliit ang mga mata n'ya at nilingon na ang mga ito. Hindi nga s'ya nagkamali nang malingunan ang dalawa. Si Ruzzle na bagong girlfriend ni Lenard at si Athena na long time girlfriend ni Troy! Okay lang si Ruzzle dahil alam nyang hindi naman ito sineseryoso ni Lenard kaya ayos lang na maglandi s'ya pero itong si Athena ay hindi n'ya kayang palampasin ang paglalandi! First girlfriend ito ni Troy at elementary palang ay alam nyang nagkakaunawaan na ang mga ito. Pero eto s'ya at pasimple kung lumandi! Gulat na gulat ang mga ito nang makita ako. Napatakip pa ng bibig si Athena na parang hiyang hiya. "H-Hershey..." rinig n'ya pang usal nito pero inirapan na n'ya at muling humarap sa court. Siniko n'ya agad si Krisha. Takang napatingin naman ito sa'kanya. "Ikaw na ang mag-cheer kay Zave, ha? Ako nalang kay Troy kasi may iba yatang ichi-cheer 'yung girlfriend n'ya!" malakas na sabi n'ya. Sinigurado n'yang maririnig iyon ng dalawa sa likod. "Okay... Go, Xavier!" malakas na sigaw ng pinsan n'ya. Hindi rin nagtagal ay nagsimula na ang laro. Una palang ay naka-score na agad ng three points si Stan. Hindi n'ya alam kung guni guni n'ya lang iyon pero parang tumingin pa ito sa gawi nila. Pinilig n'ya ang ulo at nagpatuloy nalang sa panonood. Pero kada makaka-shoot talaga ito ay tumitingin ito sa gawi nila. Hindi nga lang n'ya sigurado kung sino ang tinitignan dahil masyadong maliit ang mga mata nito. "Go, Troy!" sigaw pa n'ya nang makashoot ito. Napairap s'ya nang marinig ang pagchicheer ni Athena sa likod. Last quarter nang biglang magsigawan ang mga nasa likod n'ya. Hindi n'ya na sana iyon papansinin kung hindi lang may umupo sa tabi n'ya. Kumunot pa ang noo n'ya at medyo nairita nang halos masiksik na s'ya nito dahil sa pagpipilit nitong maupo sa maliit na space sa tabi n'ya. "Ano ba-" Napatigil s'ya sa pagsasalita at halos malulon na n'ya ang dila dahil sa lalaking tumabi sa'kanya! Nakatuon ang atensyon nito sa court habang s'ya ay parang timang na nakatulala sa mukha nito. "Nice one, bro!" rinig n'yang sabi ni Steven! Napalingon pa s'ya saglit sa court at nakita n'ya ang pagngisi ni Stan sa gawi nila. So, s'ya pala ang tinitignan nito kanina pa! Naramdaman n'ya ang pagsiko ni Krisha sa tagiliran n'ya at pasimpleng nginuso ang katabi n'ya. Napakagat labi s'ya at nagpigil ng kilig sa harapan ng pinsan. "s**t, couz! Ang bango bango n'ya! Siksikin mo pa ko, please?" birong totoo n'ya pero dahil may pagka luka luka ang pinsan n'ya ay sinunod nito iyon. Halos bumangga na ang pisngi n'ya sa matipunong balikat nito. Nag-init ang pisngi n'ya nang mapatingin ito sa'kanya. "S-Sorry!" hinging paumanhin n'ya at at nagpa-cute. Ngumiti naman ito at umiling. "It's okay, Miss.." sabi nito at ibinalik na ang atensyon sa laro. "Hershey..." agad na sabi n'ya at ngumiti ng pagkatamis tamis. Sinulyapan ulit s'ya nito at ngumiti. "Steven." sabi naman nito. "Alam ko..." wala sa sariling sabi n'ya. Kumunot naman ang noo nito. "Ha?" "I mean, yan oh.. nabasa ko sa jersey mo." sabi n'ya agad at tinuro ang jersey nito. Napatango tango naman ito at tumawa ng mahina bago binalik ang atensyon sa court. Agad na nilingon n'ya ang pinsan. "Pati tawa n'ya ang gwapo!" impit na bulong n'ya sa pinsang si Krisha. Napailing lang ito at itinuro ang court pero hindi na s'ya muli tumingin doon at binalik ang titig kay Steven. Kilig na kilig s'ya at napapapikit pa sa kakasinghot sa bango nito kaya parang wala na s'yang naririnig sa paligid. Maingay ang mga tao pero hindi n'ya iyon alintana. Para s'yang nasa alapaap habang katabi n'ya ang gwapong si Steven. Natigil lamang ang pantasya n'ya nang biglang may matigas na bagay na tumama sa ulo n'ya. Napapikit s'ya at muntik pa s'yang matumba kung hindi lamang maagap ang kanyang katabi. Nag-init ang pisngi n'ya sa kahihiyan nang makitang nakatunghay si Steven sa'kanya na parang natatawa. "Are you okay?" tanong nito. Agad na umayos s'ya ng upo at nilingon ang court. Humanda sa'kin ang kung sino mang gumawa nun! Gigil na gigil na sigaw ng utak n'ya. Nilinga n'ya ang court at tinignan kung sino ang nasa malapit. Pakiramdam n'ya ay kumulo ng todo ang dugo n'ya nang makita si Stanley na nakatayo malapit sa bleacher na nasa harap nila at itinuturo ang bola sa tabi n'ya. Ahh ganun? So, ikaw pala ang gumawa! Sinadya mo 'yun, ano? Para mapahiya ako sa kuya mo? Leche ka! Ipapakain ko sa'yo 'tong bolang 'to! Inis na tumayo s'ya at pinulot ang bola sa tabi n'ya pagkatapos ay malakas na ibinato iyon kay Stanley! Hindi ito nakatingin kaya nang tumama sa ulo n'ya ang bola ay natumba s'ya sa sahig. "Buti nga sayo!" gigil na sigaw n'ya at inayos ang nagulong buhok. Agad na dinaluhan si Stan nina Lenard. Kitang kita n'ya ang matalim na titig nito sa'kanya bago s'ya kalabitin ni Krisha. "What?" iritado n'yang tanong habang hindi inaalis ang titig kay Stanley. Yan ang napapala mo, bwisit ka! Nung isang linggo mo pa pinapainit ang ulo ko! Kinalabit ulit s'ya ni Krisha kaya iritado na n'ya itong nilingon. Halos gusto na nitong mapa-facepalm habang sinusulyapan ang mga taong nanonood sa'kanila. Humilig agad ito palapit sa kanya at bumulong. "Hindi si Stan 'yung bumato sa'yo! Sinubukan n'ya pa ngang habulin pero masyadong mabilis 'yung bola kaya tumama agad sa'yo!" mariing bulong nito. Nanlaki ang ulo n'ya matapos marinig iyon. Halos tawagin na n'ya lahat ng Santo at Santa para iligtas s'ya sa nakakahiyang pangyayaring 'yun! Sa sobrang kahihiyan ay agad s'yang nagtatakbo pababa at tuloy tuloy na tumakbo palayo. Sh!t, Hershey! Nakakahiya! Sigaw ng utak n'ya habang tumatakbo ng mabilis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD