bc

FOSTER PARENTS

book_age18+
1.4K
FOLLOW
3.5K
READ
bxg
humorous
enimies to lovers
first love
school
teacher
lawyer
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa paghanga sa sariling ama ay ipinangako ni Hershey sa sarili na katulad nito ang kanyang pakakasalan balang araw; isang ma-prinsipyo at mapagkakatiwalaang abogado. Kaya kahit wala siyang interes sa lalaki, basta abogado ito ay ine-entertain niya. But unfortunately, wala ni isang naging karelasyon niya ang tumagal ng higit sa tatlong buwan. Kaya itinuring nalang niyang "sumpa" ang hindi niya pagkakaroon ng matinong relasyon sa kahit sinong abogado.

At nang minsang may hilingin sa'kanya ang ama ay lalo lamang tumibay ang paniniwala niyang "sumpa" talaga ang paghahanap niya ng abogadong mapapangasawa. Ito ay sa kadahilanang titira siya sa isang bahay kasama ang isang abogado. At hindi lang basta abogado, kundi ang mayabang at aroganteng abogado na si Stanley na kapatid pa ng lalaking unang nagpatibok sa puso niya.

Makahanap pa kaya siya ng lalaking magiging katuwang niya habambuhay kung siya ay magiging isa ng..... foster mother?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Twelve years ago... Palinga linga siya habang palapit sa magarbong pinto ng kanilang bahay. Habang papalapit siya sa pinto ay lumiliit at bumabagal ang hakbang niya. Nang mahawakan niya ang hamba ng pinto ay tumigil siya at saglit na kumubli para silipin ang gate. No bodyguards? Yes! Sigaw ng utak niya at agad tinahak ang daan palapit sa mataas nilang gate sabay dahan dahang binuksan iyon. Ang laki ng ngiti niya pagkatapos! Feeling niya ay isa siya sa mga bida sa pinapanood niyang animè tuwing hapon. "Iba ka talaga, Hershey! Cute ka na, maabilidad ka pa! Swerte mo talaga sa'kin, Steven baby!" kinikilig kilig pa sabi niya at agad na tinawid ang distansiya sa pagitan ng mga bahay nila. Isang linggo na niyang pinagpapantasyahan ang bagong lipat na anak ng dating gobernador sa tapat nila. Napaka gwapo naman kasi nito at higit sa lahat ay matalino dahil abogado rin ito katulad ng Daddy niya. Napaka hot nito at talaga namang malalaglag hindi lang panty mo kundi pati bra lalo na kapag nasa court na ito at nag-shoot ng bola! Sana naging pawis na lang ako para araw-araw akong nakadikit sa katawan mo. Hihi. Excited na tinanaw niya ang kulay itim at mataas na gate ng bahay ng mga ito at humawak sa bakal na nasa pagitan at nilinga ang loob. "Where na you, baby? Dito na me! Wait kita sa gate niyu para mag-date na us!" kinikilig na bulong n'ya habang palakad lakad sa tapat ng gate ng mga ito at sinisilip ang loob. Ilang sandali pa ay napatigil siya nang makarinig ng tunog ng tumatalbog na bola. Bumilis agad ang t***k ng puso niya at agad inayos ang buhok at kinapa kapa ang suot na damit at umayos ng upo. Tumikhim tikhim pa siya at inamoy amoy ang hininga bago ngiting ngiting sinilip muli ang loob at hinintay ang paglabas nito. "f**k you, Stan! You almost hit my nose!" isang iritadong boses ng lalaki ang narinig niyang nagsalita kasunod nito ang isang malutong na halakhak ng isang lalaki. Sa boses ng mga ito ay mukhang ka-edaran niya lang. Nadismaya siya pero na-curious siyang silipin kung sino ang mga ito at kung anong ginagawa nila sa loob ng bahay ng mahal n'ya? Tumingkayad s'ya at sinilip ang pinagmumulan ng mga boses. Dalawang lalaki ang nakita niyang nakatayo sa kanang bahagi ng gate. Ang isa ay nakahawak sa ilong at pinipisil pisil iyon habang may hawak na bola sa kaliwang kamay. Hindi n'ya masyadong makita ang mukha nito dahil nakatalikod na ito sa gawi n'ya ngayon. Lumipat ang paningin niya sa lalaking kasama nito. Nakaharap ito sa gawi niya pero hindi n'ya masyadong maaninag ang features ng mukha nito pero sigurado s'yang matangkad ito at maputi. Nakangisi ito ng maluwang sa lalaking kaharap. Kumunot ang noo n'ya. Malaki kasi ang pagkakahawig nito kay Steven pero hamak na mas bata ito at mukhang mas maliit ang mga mata. "'Wag mo kasing iniisip 'yon dahil hindi ka naman mamahalin 'nun!" kantyaw niya sa lalaking mukhang tinamaan ng bola sa ilong. Narinig ko ang malutong nitong mura at saka padabog na ibinalibag ang bola patalikod bago nagmamadaling nagmartsa papasok sa loob ng bahay. Tumawa ulit 'yung lalaking kamukha ni Steven at naiiling na tumakbo at kinuha ang bola. Nanlaki ang mga mata n'ya nang mapagtantong gumulong ang bola malapit sa gawi ng pinagtataguan n'ya kaya palapit na ngayon ang lalaki sa gawi n'ya. Agad na tumayo s'ya at kinuha ang atensyon nito. "Psst!" tawag n'ya sabay kaway dito. Nag-angat ito ng tingin at kumunot ang noo nang makita s'ya. Lalo n'yang napagtanto na halos kahawig nga ito ng sinisintang irog niyang si Steven. Mas maliit lang ang mga mata nito at lutang na lutang ang dugong Chinese! Teka? Ano kaya n'ya ito? Kapatid? Pwede! Pero mas hot at mukhang mabait si Steven kaysa dito. Ang lalaki sa harap n'ya ay mukhang suplado at mukhang puro kalokohan ang alam! Hmp! Pero ganun pa man, pinilit n'ya ang sarili n'yang ngumiti dito. Kapamilya ito ng lalaking mahal n'ya kaya ang mga mahal nito sa buhay ay mamahalin na rin n'ya. Ang sweet ko talaga! Parang pangalan ko! Anang isip n'ya. "Who are you?" malamig at baritono ang boses nito nang magsalita. Ang singkit nitong mga mata ay nakatuon lang sa'kanya. Imbes na sagutin ang tanong nito ay ngumiti siya ng todo at pinapungay pa lalo ang mga mata. "Si Steven, nand'yan ba?" tanong n'ya pabalik. Yumuko ito at pinulot ang bola at inipit sa tapat ng beywang at nakapameywang na hinarap ulit s'ya. Umangat din ang kaliwang kilay nito na para bang may nasabi s'yang kung ano. Matama itong nakatitig sa'kanya kaya lalo n'yang napagtuunan ang kabuuan ng mukha nito. Kumpara kay Steven ay medyo alon alon ang buhok nito na may iilang strands ng buhok na tumatabon sa dulo ng kanyang kanang mata. Mas matangos din ang ilong nito at perpekto ang panga. Makurba rin ang mapupulang labi nito na parang laging naka-pout. His lips kinda reminds her of Angelina Jolie's! Ang hot pala tignan nito kapag sa lalaki! Namamaghang sigaw ng isip n'ya. "I said, who the hell are you?" nakatagilid ang ulo at mukhang iritado ng tanong ulit nito. Pinigilan n'ya ang pag-angat ng kilay n'ya pero hindi n'ya kinaya dahil sa ang presensiya ng lalakeng ito. Ang buong presensiya nito ay nagsusumigaw ng kayabangang nag-uumapaw na nakapagpapairita sa'kanya. Muli, kinalma n'ya ang sarili para pigilan ang gustong kumawalang sungay at buntot n'ya. Mahal ka ni Steven kaya papatayin kita- sa pagmamahal ko. Huminga s'ya ng malalim at ngumiti ng pagkatamis tamis habang inilalagay ang kanang kamay sa tapat ng dibdib at proud na pinakilala ang sarili dito. "I'm Hershey... your future sister-in-law! Nice meeting you, Stan..." nagniningning ang mga matang sabi n'ya sabay lahad ng kamay n'ya dito. Ngunit ilang sandali ng nakalahad ang kamay n'ya ay hindi pa rin nito 'yon tinatanggap kaya nag-angat na s'ya ng tingin dito. Humagalpak ito ng tawa. Kitang kita n'ya ang pagkawala ng mga mata nito at ang paglitaw ng dalawang mababaw na dimples na ka-level ng cheek bones nito dahil sa pagtawa. Napasinghap s'ya. Pakiramdam n'ya ay iyon na yata ang pinaka nakakairitang tawa na narinig n'ya sa loob ng dose taong nabuhay s'ya sa mundo! "This is why I hate drugs. Ang aga aga pa ay sabog na!" tumatawang sigaw nito sabay talikod sa'kanya at dribble ng bola palayo. Nalaglag ang panga n'ya habang sinusundan ito ng tingin. Rinig na rinig n'ya pa ang huling sinabi nito bago tuluyang mawala sa paningin n'ya. "Future sister-in-law my ass!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.9K
bc

His Obsession

read
75.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
102.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook