another life

1035 Words
Chapter 5. Nadaanan nila ang napakaraming kumpol ng mga tao sa isang bahay.May mga pulis din sa labas at ambulansiya. Manong sandali ihinto niyo po!Agad siyang bumaba para usisahin kung ano ito.Hindi siya tsismosa pero malakas ang kabog ng kanyang dibdib.S-sandali po....?ano pong nangyari dito?tanong niya sa mga tao.Naku ineng. Walang awang pinaslang ang mabuting pamilyang ito ng ng ...at yong anak na lalaki tinangay pa.Hindi nito itinuloy ang nais sabihin.Tila natatakot ang ginang na banggitin kung sino ang may gawa nito.Sumilip siya sa bintana at pilit nakisiksik sa mga tao.Nakita niya ang apat na katao na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling mga dugo .Nagulat ang mga tao ng gumalaw ang dalagita na halos kasing edad niya.Naku!si Alena buhay pa!dalhin niyo sa ospital ang bata!Nahagip ng kanyang mga mata ang larawan ng buong pamilya sa sala kung saan naroon ang mga ito.Pamilyar ang mukha ng isang binatilyo sa larawan.Kinusot niya ang mga mata nito at tinitigang mabuti ang nakangiting mukha ng binata.Punong-puno ng kislap at pangarap.Nakita niyang dinala sa hospital ang bunso ng pamilya.Muli siyang nagtanong .N-nakita niyo po ba kung saan dinala ang anak na lalaki?Tinahak nila ang daan papuntang ilog.Diyos ko wala sanang mangyaring masama Kay Julianne usal ng mga ito. Siya nga ang lalaking yon.Kuya Julianne wala sa loob na nilingon ulit ang larawan.Ang lalaking hindi niya makakalimutan.Kinuha niya ang cellphone sa bag at tinawagan si manang Letty.Alam niyang kagagawan ito ng mga kapatid niya.Buti at hindi siya namukhaan ng mga tao.Sabagay iilan lang ang nakakaalam na kapatid niya ang tatlo.Walong taon lang siya ng ipadala siya ng papa nila sa Amerika para doon mag-aral at ngayon nga ay kababalik lang niya.Hello?asan ka na ba Cameron?manang makinig ka may dalagitang pupunta diyan sa hospital sa bayan.Manang nabaril siya.Ang pamilya niya pinatay ng mga kuya ko!Diyos ko!makinig ka manang dalhin mo ang mga tapat na tauhan ni papa at itakas niyo siya manang.Natatakot ako Cameron baka malaman ito ng kuya mo!Ako pong bahala pati sa gastos dalhin niyo siya sa siyudad manang pag nalaman ni kuya na buhay pa ang isa sa kanila hahapin niya to at papatayin!Lisanin niyo na ang mansiyon ako na po ang bahala sa inyo madali po kayo!Agad itong tumalima at sinunod ang gusto niya.Manong Doming sa ilog po tayo dali!Anong gagawin natin don senyorita?takang tanong nito.Basta po!Ahhh .....masakit ang tama niya sa balikat at nanghihina na siya.Sige ibaba niyo!utos ni Azmon sa mga tauhan.Agad sumunod ang mga ito at binuhat siya.Itinali ang dalawang binti at kamay niya.Ihulog niyo!Agad siyang inihagis sa tulay.Tuluyan na rin siyang nawalan ng pag-asa at ganang mabuhay pa.Kasabay ng pagkahulog ang ang pagpapaputok ng mga ito ng baril para siguraduhing patay na siya.Naramdaman niya ang pagbaon ng bala sa kanyang katawan.Tuluyan na niyang ipinikit ang mga mata.Nagtatawanan ang mga kuya niya mula sa malayo ay nakikita nila ang ginawa nila kay Julianne.Hindi niya lubos maisip na ganito na kasama ang mga kapatid.Pati si manong Doming ay nanghilakbot sa nakita. D-Diyos ko po....!Manong baka buhay pa siya hintayin niyo ako dito!Humingi po kayo ng tulong dali!Saan ka pupunta senyorita?!Agad siyang kumilos ng makaalis ang mga ito.Lulusong po ako sa tubig.Ho?!naku wag po masyadong mapanganib!Ayos lang po ako basta humingi kayo ng tulong wala pong mangyayari sa'kin!madali po!Napakamot ito sa ulo at tinawagan ang ilang tauhan ng ama nito na matagal ng Wala sa kanila subalit tapat at maaasahan pa rin.Halos lahat ng mga nasa mansiyon at mga tauhan ng mga kapatid at tulad ng mga itong halang ang bituka. Agad siyang lumusong sa tubig kasabay ng malakas na kabog ng dibdib.Mabuti na lang at marunong siyang lumangoy.Napakinabangan niya ngayon ang pagiging atleta niya sa school niya. Asan ka na ba?tanong niya habang sinusuyod ang ilog.Hanggang sa makita niya ang binatang nakalutang sa di-kalayuan.Mabilis niyang tinungo ang kinaroroonan nito at ginamit ang buong lakas para maiahon ito mula sa ilog.Ang bigat mo kuya .....malapit na tayo hang on there ...Nasa mababang parte na sila ng tubig.Habol niya ang hininga ng makaahon sila.Ng makabawi ng lakas ay agad pinakinggan ang t***k ng puso nito. Mahinang-mahina na.Kailangan mong mabuhay!Hindi ka pwedeng mamatay!She tried to push his chest and give him mouth to mouth resitation.Hindi ka pwedeng mamatay naiintindihan mo?!pakiusap gumising ka na!wake up!patuloy siya sa ginagawa hanggang sa lumabas ang tubig mula sa bibig ng binata.Napaubo ito kasabay ng pagmulat ng mga mata nito. Isang babae....ginigising siya nito mula sa masamang panaginip.O baka patay na siya at isa itong anghel sa kalangitan. Napakaamo Ng Mukha nito.May sinasabi ito pero hindi niya maunawaan at tila naglalakbay pa ang kanyang diwa. Hindi-hindi ito panaginip ...Hindi rin siya patay.Ang lahat ng nangyari at nasaksihan niya kanina lang ay totoo. Nilibot ng paningin ang buong paligid.Naramdaman niya ang kurot mula sa kanyang tagiliran at balikat.Mga tama ito ng baril.Basa din ang buo niyang katawan.Tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata at nagsimula siyang humagulgol ng maalala ang lahat. Agad siyang niyakap ng babae.Be strong and live your life ...forget the this painful day....How can I....?I can't even protect them....!I'm such a looser!Sssshhh ....tama na.....Senyorita!agad lumapit si Mang Doming sa kanila kasama at tatlong tauhan ng papa niya.Tulungan niyo po kami kailangang maialis siya dito.Raymond tulungan nito akong buhatin siya utos ni Ryan.Tumango naman si Raymund. Dinala nila ito sa isang ligtas na lugar. A-anong gagawin natin kuya?tanong niya kay Ryan.Hindi natin siya pwedeng dalhin sa ospital.Sa lungsod mahihirapan ang mga kapatid mo na hanapin siya pero marami ng nawawalang dugo sa kanya.Kailangan munang maagapan ang pagdurugo.Pinunit nito ang suot na sando ng binata ng matanggal ang jacket nito.Lumantad ang magandang katawan at makinis na balat nito at ilang pilat. Namumutla na ito at tulala.Raymund yong patalim at alcohol...utos ni Ryan at agad nitong inabot ang mga ito.Nilagyan ng busal ang bibig nito.Tiisin mo kailangang matanggal ang bala saka ka namin dadalhin sa lungsod kung nais mo pang mabuhay.Tama ito....binigyan pa siya ng isang pagkakataon para mabuhay.At hindi niya ito sasayangin. Bago siya mamatay papatayin niya muna ang mga hayop na iyon sinusumpa niya! Hmmmp .....!mahigpit niyang isinara ang mga kamao kasabay ng paghiwa sa balat kung saan naroon ang balang bumaon sa tagiliran.Matinding sakit pero wala ng sasakit pa sa ginawa ng mga hayop na yon sa kanyang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD