you can't die

1033 Words
Chapter 6. Tumalikod siya dahil hindi niya kaya Ang nakikitang paghihirap ng binata.Tumulo ang mga luha sa mga mata niya.Bakit ginawa ito ng mga kapatid?Noon pa alam na niya ang gawain ng mga ito pero di niya akalaing mamamatay tao na pala ang mga ito.May isang pasyang nabuo sa kanya .Pagkatapos nito ay babalik siya ng Amerika at hindi na babalik kailanman sa lugar na ito. Lumabas na si Mang Doming.Kumusta na po siya manong?tanong niya rito. Natanggal na ang bala sa katawan niya pero kailangan na siyang madala sa lungsod para doon magamot sagot nito. Lumabas na rin sina Raymund at Ryan. Nabawi niya ang lakas at kahit nanghihina ay pinilit niyang bumangon.Kinuha niya ang jacket at nakita ang bintana Hawak niya ang tagiliran.Wala na siyang pakialam kung mamatay siya ngayon.Kahit isa lang sa tatlo ang mapatay niya.Agad niyang binuksan ang bintana at tumalon.Ahhh...! Hinang-hina na ang katawan niya.Hindi siya makakapayag na mamatay ng ganito na lang.Naglakad siya patungo sa sasakyang nakaparada sa labas hawak ang susi na nakalapag sa lamesa kanina.Agad niyang binuksan ang makina at pinasibad ang kotse upang hanapin ang mga hayop na yon. Cameron!ano po yon?naku yong binata umalis dala ang kotse!ano po?!sundan natin!Agad silang sumakay sa kotse ni Ryan at sinundan ang kotseng gamit niya kanina.Mukhang patungo sa mansiyon ang lalaki.Nagpapakamatay ba siya?!pagkatapos natin siyang iligtas ipapain niya ulit ang sarili sa kamatayan?!inis na wika ni Raymund.Intindihin na lang natin siya mahirap ang pinagdaanan niya.Ang mga magulang niya ay dating trabahador sa tubuhan.Sayang ang kinabukasan ng batang yon matalino pa naman at mabait....wika ni Mang Doming.Kung ganon ay dating nagtratrabaho sa kanila ang mga magulang nito?Bilisan mo Ryan....pakiusap niya.Pagdating natin sa bahay ipark niyo sa malayo ang kotse.Ako na ang bahala sa mga kapatid ko.Pero hija delikado ang iniisip mo!nag-aalalang sabi ni mang Doming.Huwag po kayong mag-alala hindi ako sasaktan ng mga kapatid ko....Pano ka nakasiguro?ang ama mo nga nilalason nila ikaw pa kaya?si Raymund. Hindi ako sasaktan ni kuya Azmon.Pero nasa impluwensiya sila ngayon ng droga...huwag kayong mag-alala kaya ko ang sarili ko...pangako niya sa mga ito. Wala ng nagawa ang mga ito kundi sundin siya. Nagkalat ang mga tauhan ng mga Villaruel sa mansiyon.Kailangan niyang makapasok ng walang nakakapansin. Dahan-dahan siyang lumapit sa nakatalikod na bantay at sinakal ito mula sa likuran.Ng mawalan ito ng malay ay agad niyang kinuha ang baril nito.At nagpalit ng uniporme ng mga ito.Isinuot niya ang amerikana at pantalon nito saka ito ikinubli sa madilim na bahagi.Hahanapin niya ang mga demonyong yon at papatayin.Wala na siyang pakialam kung dito na rin siya mamatay. Wala pa ring nakakapansin sa kanya at malayang nakapasok sa loob.At doon sa malaking sala naroon ang tatlong magkakatid at nag-iinuman na parang walang nangyari.O pare kumusta sa labas?tanong ng isa sa mga tauhan ng mga ito.Ayos lang sagot tipid niyang sagot.Nasaan na si Cameron?bakit wala ang babaeng yon dito?kuya hayaan mo na teenager si bunso siyempre matagal nawala sa Pilipinas.Alam niyo namang mahalaga siya sa'tin.Kung may mangyaring masama don tapos ang maliligayang araw natin sagot ni Azmon. Ang sabihin mo kuya talagang sobra ang pag-aalala mo kasi nga may pagtatangi ka sa bunso natin nakangising turan ni Aranon. May kapatid pala silang babae.Ngayon lang niya nalaman.Tumalikod siya para hindi mapansin ng mga ito. Nilingon niya ang mga ito.Maingat na inilabas ang baril na hawak.Mabilis ang mga kilos at pinatamaan ang mga ito.Ahhh....!p*******a!hinabol siya ng mga ito.Habulin niyo may nakapasok!!! Mabilis siyang dumaan sa likod ng bahay dahil walang mga bantay.Hawak ang brasong may tama ng baril ni Azmon. Huwag niyong hayaang makatakas!boses ni Aranon.Agad siyang sumakay sa kotse bago pa siya maabutan sa labas .Sundan niyo!bulyaw ng mga ito sa mga tauhan sa labas.Agag sumakay ang mga ito sa sasakyan para sundan ang pangahas na pumasok. Agad bumaba si Cameron ng makitang nagkakagulo sa labas ng mansiyon.Nakita niyang ang binata na lumabas at sumakay sa sasakyan ni Ryan.Mabuti na lang at umabot siya.Hindi ito pwedeng mamatay.Kailangan niyang pigilan ang masamang balak ng mga kapatid.Lumabas din ang dalawang kapatid at mga tauhan para sundan ang lalaki.Agad siyang nagtungo sa loob ng kanilang bakuran.Mam Cameron...nagulat ang isa sa mga tauhan ng kapatid pagkakita sa kanya. Nasa tatlo ang natirang tauhan nito at pang-apat ang kapatid na si Alex.Inalalayan ito ng mga tauhan at nagpapadala sa ospital.Kuya...!Cameron baby ..dito ka lang muna ha?pupunta lang si kuya sa ospital nadali ako eh....!Dax maiwan ka dito para magbantay Kay papa...utos nito.Tumango ito. Pag siniswerte ka nga naman sa loob-loob niya.Nagtungo siya sa labas ng makaalis ang kuya niya at sumakay sa kotse ni Alex.Hindi siya masyadong marunong magmaneho hindi pa niya masyadong gamay ang lahat.Hello Ryan ..?Cameron?sagot nito.Iisa lang ang naiwan dito sa bahay maliban sa mga kasambahay.Kayo na ang bahala sa papa ...sige...paano ka?tanong nito.Susunod ako...pag wala pa ako ng isang oras hanapin niyo na ako.Mag-iingat ka....sabi nito.Agad siyang umalis para sundan ang mga ito.Kailangan niyang iligtas ang lalaki. Hindi ka pwedeng mamatay kuya pakakasalan pa kita remember?!napangiti siya sa kalokohan.Naalala pa niya ang sinabi niya rito siyam na taon na ang nakakaraan.Pero alam niyang hindi kailanman mangyayari lalo na ngayong sukdulan ang galit ng binata sa kanyang pamilya.Maraming dugo na ang nawala sa kanya at hinang-hina na rin siya.Bumagal ang patakbo niya sa sasakyan at huminto siya sa gilid ng kalsada.Marahil dito na matatapos ang lahat.Paparating na ang mga humahabol sa kanya.Napangiti siya ng mapait.Dito na niya haharapin ang kamatayan.Kinuha niya ang baril at itinutok sa sintido.Ipinikit niya ang mga mata.Mas nanaisin niyang siya ang kumitil sa sariling buhay kesa mamatay sa kamay ng mga hayop na to .Malapit na ang sasakyan ng mga kapatid sa nakahintong sasakyan ni Ryan.Mukhang isusuko na nito ang buhay o magpapakamatay ito.Hindi!dumaan siya sa kabila.Hindi ka pwedeng mamatay!sigaw niya at lumitaw ang kotse niya sa harap ng paparating na sasakyan ng mga kapatid.Teka!babangga tayo!sigaw ni Azmon. Bumangga ang sasakyan ng mga ito sa gilid ng kanyang sasakyan.Malakas na salpukan ng mga sasakyan ang maririnig sa paligid. Blangko na paligid niya tumama ang ulo niya sa matigas na bagay kasabay ng pagtulo ng mainit na likido sa kanyang mukha.Sa nanlalabong paningin ay nasilayan pa niya ang sasakyang ginamit ng binata at ang paglapit ng isang tao doon .Tuluyan na niyang ipinikit ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD