
Sa isang sikat na paaralan sa lungsod ng maynila ( IS MANILA), si Aero Tyson ay isang bully na estudyante dahil sa kapangyarihan, yaman, at gwapong muka na kanyang ipinag mamalaki, pero sa hindi inaasahang pagkakataon, isang babae ang darating sa kanyang buhay, si Cliona Verity Wolverson, na sinalo na ata ang lahat ng kayabangan sa mundo, pabalang kung sumagot, walang emosyon kung tumingin, hambog sabi ng iba.
Nag simula sa isang engkwentro sa Cafeteria kung saan tinulungan ni Cliona ang isang lalaki na syang binubulyaw ni Aero, hanggang sa mabaling lahat ng atensyon ni Aero kay Cliona, pinag tuunan ng oras para inisin, patirin,ihampas sa kanto ng lamesa o kung ano ano pang kalokohang mag papatahimik sa nagagalit nyang sistema, pero kahit na ganon nya kung itrato si Cliona ay bukas palad naman sya nitong tinutulungan, lingid sa kaalaman ng lahat, hindi normal na babae si Cliona, misteryo ang kanyang buhay, maging ang pangalan o muka ay hindi mo makakabisado sakanya, lalong lalo na ang estado nito sa buhay.
Posible kaya ang bully na si Aero ay ma in love sa isang babaeng halos isumpa nya na? O posible kaya na mahulog din ang loob ni Cliona sa isang lalaki na walang ginawa kundi ang pahirapan ang buhay nya?
He was a bully, and she was conceited.
They both didn't like each other until......
He was deceived by the engaged woman, while she was deceived by her past boyfriend, He was in healing process, while she was already moved on, He was in denial, He fall in love.....
He was safe, while she was the sound...
Safe ate sound
©Jamelle Joy

