Chapter 5:

3011 Words
Cliona P.O.V "Hala anong nangyari?". "Ay kawawa si Ate" "Pinatid ata ni Aero" "Baka sya naman ang target ngayon" "Nakakatakot!" Rinig kong mga bulungan ng mga chismoso at chismosa na Estudyante sa paligid namin. "Huminahon ka" bulong sakin ni Mika saka ako tinulungan tumayo. Huminga pako ng malalim para pigilan ang pang gigigil ko. "Ano bang problema mo!" Sigaw sakanya ni Mika. Inabutan naman ako ni Katty ng tissue at tinulungan ako punasan ang mga dumi sa damit at katawan ko. Bwiset! "Yan! Yan ang problema, yang Mayabang mong kaibigan!" Balik na sigaw ni Aero na sya namang pinigilan ng mga kaibigan nya. "Paalisin nyo yan sa harapan ko habang malinaw pa ang pangingin ko" halos bulong na sabi ko kay Mika. "AT ANONG GAGAWIN MO KUNG DI AKO UMALIS!" sigaw nya ulit kaya unti unti kong inangat ang pangin ko sakanya. Gulat syang napatingin sakin. Agad namang hinawakan ni Mika ang braso ko para kumalma ako. "Umalis kana" pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil baka dumanak ang dugo dito pag di ako nakapag pigil. "Sige na Zee alisin nyo nayang kaibigan nyo sa harap namin" kalmadong sabi ni Mika. Nag patuloy naman ang pag punas ko sa katawan ko. "Clio ayos kalang?" Baling sakin ni Katty pinulot naman nila Roi yung tray ko na nalaglag. "Kuya pa linis naman po!" Tawag pa ni Katty sa Janitor. "Oo ayos lang ako Salamat" sabi ko at nag paunang lumabas sa canteen. Pinag titinginan pako ng mga tao sa canteen. Agad akong pumunta sa likod ng school at doon nilabas ang galit ko. Agad kong pinag susuntok ng ilang beses ang pader don dahilan para magkaroon ang sira at bahid ng dugo don galing sa kamay ko. "BWISIT BWISIT BWISIT !!" Akma ko sanang susuntukin ulit yung pader ng may biglang humila saakin at yakapin ako. Nagulat ako sa ginawa nya dahilan para matulak ko sya at mabilis naman syang napa upo sa kalsada. "SINO NAG BIGAY SAYO NG KARAPATAN PARA YAKAPIN AKO!" sigaw ko sakanya napupuno na ang galit ang buo kong katawan kaya dali dali akong tumakbo paalis don at dumeretcho sa Banyo. "Kumalma ka, kaya mo yan" bulong ko sa sarili ko saka ako nag hilamos. Napapikit ako sa sakit ng hugasan ko ang kamay ko na puro dugo nya. Huminga pako ng ilang beses bago ko naisipan mag palit ng uniform ko. "Cliona!" Tawag nila sakin ng makapasok ako sa room. Agad naman hinawakan ni Mika ang kamay ko saka umiling. "Oh my goshhhh anong nang yari jan!?" Si katty naman ang humawak kaya iniwas ko agad sakanya ang Kamay ko. "Wala to" sabi ko saka sila nilampasan. Nag tama pa ang mata namin ni Justine na pilit na ngumiti sakin. Hindi ko naman sya pinansin at dumeretcho na sa upuan ko at tumingin sa bintana. "Sorry pala kanina diko naman sinasadya" rinig ko pang bulong ni Justine sa tabi ko. Diko sya sinagot o tinapunan manlang ng tingin. Hindi ako alam kung anong magagawa ko kung di ako nakapag pigil kanina sobrang galit ang naramdaman ko. Tsk! Dahil lang diko tinggap ang thank you nila papatirin na nya ako? Ha! Ang babaw ng pananaw nya sa buhay! Mag pasalamat ka talaga! Bwisit! "Ms.Wolverson!" Nagulat ako dahil sa pag tawag sakin ni Ms. Deguzman. "May problema ba?" Tanong nya ulit. Kaylangan ko makalabas dito gusto ko makahinga ng maayos. "Pupunta po akong clinic" pinakita ko sakanya yung kamay kong nag dudugo nanaman. "Oh my! Sige sige lumabas kana" "Dalin mo mamaya yung bag ko" bulong ko kay Mika ng maka daan ako sa harapan nya. "Thank you Ma'am" sabi kopa bago ako lumabas ng classroom. Natigil lang ako sa pag lalakad ng may humarang sa harapan ko. "San ka pupunta?" Tanong nya saken "Clinic" tipid kong sagot "Why?" Tanong nya ulit kaya tinaas ko ang kamay ko sakanya at pinakita ang nag dudugo kong kamao. "What happen to that?" Halata mo ang pag aalala sa mata nya na hindi ko naman kaylangan. Hindi ko sya sinagot at tingnan lang sya ng seryoso."W-what?" "Zee!" Tawag ng kaibigan nya. "Oh, Hi Cliona!" Bati sakin ni Aris habang naka ngiti. "Hi" nakangiti ding bati ko na kinagulat nya. "Wohhhh! Nginitian nyako Dre!" Baling nya kay Zaggy na para bang big deal sakanya ang pag ngiti ko. "Sasamahan na kita sa Clinic" Sabi ni Zaggy "Anong ginagawa mo dito!?" Eto nanaman tayo si Goku nag susuper sayan nanaman. Hindi nako magugulat kung isang araw mag kame kame wave nalang sya sa harapan ko. Hindi ko sya pinansin at nginitian si Zaggy. "Hindi na salamat nalang una nako. Bye!" Sabi ko atsaka sila nilagpasan "Dre! Nginitian nyako kanina nakita moba yun!" Rinig ko pang sabi ni Aris. Napa iling nalang ako dahil sa inasta nya. Ngayon lang ba sya naka kita ng naka ngiting babae? Hindi naman dahil araw araw sila nag ngingitian ni Katty. Agad akong pumunta ng Clinic para ipalinis yung sugat ko. "Anong nang yari jan?" Tanong ni Nurse Kath. "Sariling katangahan lang po" pilit na ngiti ko. "Nako ang ganda mo kaya wag mo sugatan ang sarili mo" sabi nya habang dinadampian ang sugat ko ng alcohol bahagya pakong napapaiwas dahil sa hapdi. "Maraming salamat po" sabi kopa "Mag iingat ka sa susunod" ngiting sabi ni Nurse Kath kaya nginitian ko din sya bago kumaway at umalis. Dumeretcho ako sa parking lot. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. "I just arrive waiting for both of you where's Mika?" Tanong pa nya. "Hindi pa uwian" sabi ko "Then why are you here?" Tanong pa nya ulit saka tiningnan ang kamay ko agad ko naman tinago yun sa likod saka ngumiti sakanya ng malake. "What happen to that!?" Inis na tanong nya saken atsaka hinugot ang kamay ko para tingnan. "ARAY!" masyado panget ang pag hawak nya sa kamay ko kaya naramdaman ko ang kirot non. "What the f**k happen to this!?" Sabi nya ulit but for this time galit na talaga sya. "Wala yan nag pigil ng galit kaya nagkaganyan. Ano ba kaseng ginagawa mo dito?" Tanong ko ulit sakanya. "Come with me" sabi nya ulit saka ako hinatak. "Teka! Saan ba!?" Pigil ko sakanya saka pabadog na hinila ang kamay ko sakanya. Putcha masaket ah! "Kakain bilisan mona may sasabihin ako" sabi nya ulet kaya tinaasan ko sya ng kilay. "Eh bakit hindi mo nalang dito sabihen? Gusto kona umuwe" dapat hard to get ako minsan. "Really? Dito talaga?" Napahinga nalang ako ng malalim bago ako napaunang mag lakad sakanya. "Bilisan mo nagugutom nako! At pizza lang ang kakainin naten wala ng iba!" Pinag buksan pa nya ako ng shot g*n door kaya dun ako umupo pumunta kami sa Mall at tulad ng sinabi ko sa pizza hut kami pumunta. Isa sa mg stress reliever ko ang pizza kaya dito ako nag yaya. "Oh anong sasabihin mo?" Tanong ko sakanya bago kumagat ng pizza. "Lilipat nako sa school nyo, exchange student" sabi nya. Tumango tango pako. "Yun lang pala—ANO!!!?" halos mabilaukan ako dahil sa sinabi nya napatayo pako dahilan para mapatingin samin ang mga tao sa loob. I mean sakin lang. Kaya ngumiti ako saka nag sorry sakanila. Nakakahiya ka Cliona! "Anong sabi mo!" Sigaw na bulong ko kay Cameron na natatawa na saken kaya sinipa ko sya sa ilalim ng lamesa. "What!?" Inis na nyang tanong ulit saken. "Exchange student!? REALLY!?" Pinanlakilan kopa sya ng mata sign para wag nyang ituloy ang balak nya. Pero nginitian nya lang ako. "Alam bato ni Valerie?" Sabi ko dahilan para mawala ang ngiti nya. "Nope. Unless sabihin mo" ngisi nyang tanong. Ganyan to dahil alam nyang diko gagawin yun dahil kung nag kataon parang nagpakita na din ako sakanila. "Ulol!" Inirapan ko sya dahil sa inis. "But, Dad knows sinabi ko sakanya then he said I'm Good kase mababantayan na daw kita" proud nyang sabi. "Really?" Kunwari excited kong tanong kaya nakangiti syang tumango saken. "Anong tingin nyo saken BATA!? hello! Eighteen nako kaya diko kaylangan ng Bantay! Atsaka isa pa College hall ka habang nasa 4th year ako kaya dimo rin ako mababantayan duhhh" pag si Cameron talaga ang kaharap ko lumalabas ang pagiging maarte ko kaya hanggat maari ayoko syang kasama. "It's ok I have my eyes inside your room" ngisi nyang sabi kaya napakunot ang noo ko. "Sino aber!? Si Mika!? Ha! Asa!" Sabi kona saka padabog na kinain yung natitirang pizza sa box. "Hindi lang sya and that's abig secret. Finish that and we'll buy some staff" sabi nya para mapangiti ako. "What!?" Kunot noo nyang tanong. Lalo naman akong ngimiti sakanya. Napahinga naman sya ng malalim saka tumango kaya nag liwanag ang muka ko. "Yes!" Agad akong tumayo saka hinila sya palabas ng pizza hut. Una kaming pumunta sa supermarket para bumili ang ilang mga pagkain sunod naman naming pinuntahan ang ilang mga nag titinda ng damit dito bibili daw sya ng Suit nya tapos ilang polo at shirts syempre hindi ako nag pahuli kumuha din ako ng kung anong makita kong damit sinamahan kona din sila Mika, Rio, Rumsel at Katty ok lang kahit ilan hindi naman ako mag babayad nito HAHAHAHA. Sunod syang pumunta sa shoe section at nag sukat habang ako tumitingin lang. "Get what you want nahiya kapa" sabi nya para mapairap ako. "No thanks bibilan ako ni Juancho" nilandian kopa ang pagsabi ko sa pangalan ni Juancho dahilan para mapa kunot ang noo nya. "What!?" Inis nyang tanong. "Bibilan ako ni Juancho!" Asar ko ulit "Shut up!" Natawa ako dahil sa reaksyon nya! Kahit kaylan talaga pikon to HAHAHAHAHA. "Kukuha nako ah sabi mo yan" sabi ko "Sige basta ikaw mag bayad" sabi nya habang nakangisi. "Eto napaka damot mo ah!" Ako naman yung nainis sakanya kaya sya naman yung natawa. Ang bilis talaga ng karma. "Get what you want" sabi nya habang natawa kaya di nako gumalaw sa kinatatayuan ko dahil sa inis. "Bahala ka bilisan mo jan!" Sabi ko saka paunang lumabas. Nasakanya lahat ng pinamili namin kaya nahihirapan syang dalin lahat yun kaya kinuha ko sakanya yung iba naming pinamili saka kami dumeretcho sa Toy kingdom. "Human size of little pony" rinig kong sabi ni Cameron kaya napangiti ako ng malake. Human size, Sarap! "This way Sir" sabi ng sales lady habang nakangiti ng malaki halatang kinikilig kay Cameron dahil namumula pa sya. Tsss "I'll get that here's my card" sabi nya sabay abot ng card nya sa cashier na namumula den. Diko naman sila masisisi dahil gwapo naman talaga si Cameron. Mabaet,Maputi, Gentleman kulang pa ang salitang perpekto kung tutuusin kaso nga lang walang girlfriend dahil ang lagi nyang sinasabi. "Sayang lang sila sa oras at magugulo lang nila pag aaral ko" Kaya minsan pinag iisipan syang bakla without knowing na makalaglag panty pag ngumiti si Cameron. Well yun ang sabi ni Mary sakin dati kaya pinag hawakan kona sya lang naman ang kilala kong patay na patay kay Cameron. Kung meron man ay sigurado yung mga ka batch mate nya. Pero lahat sila dedma lang kay Cameron. Meron nga akong narinig noon na sana daw ay libro nalang sya para lagi syang hawak ni Cameron. Like seriously? "Let's go" aya nya sakin habang tulak tulak yung cart na pinag lalagyan ng Mga pinamili namin. Dalawa yun kaya tig isa kami. Nang makarating kami sa Parking lot Nilagay namin lahat sa kotse nya yung mga pinamili namin saka ako sumakay sa tabi nya. Halos isang oras din kaming nasa mall kaya siguradong uwian na. "Nasa school pa yung motor ko siguradong uwian nadin kaya dumeretcho tayo don" sabi ko kay Cameron. Agad naman syang tumango. Ilang minuto pa ang hinintay ko bago kami makarating sa parking lot ng ISM at tama ako uwian na. Pag baba ko saktong nakita ko sila Mika kasama yung tatlo at sila Aris na nag tatawanan habang palabas. Agad akong kumaway sakanila ng makita nila ako. Nag paunang tumakbo sila Roi, Rumsel at Katty papunta sakin. "Oy teh san ka galing?" Tanong agad ni Roi sakin ng makalapit sya. "Ayyyyyyy PAGKAENNNNNN!" sabay nilang sigaw ni Rumsel kaya napatingin ako sa likod ko at si Cameron na nag lalakad papunta samin. "Cameron!" Sigaw ni Mika saka patakbong lumapit kay Cameron at niyakap. Uulitin ko ang sinabi ko kanina. Kung si Mary patay na patay kay Cameron eto naman si Mika deads na deads hindi dahil sa may gusto sya kay Camerom sadyang feel nya lang yumakap kay Cameron. "Ay teh kilala?" Halata ang gulat sa mata nila katty ng kayapin ni Mika si Cameron. "Anong ginagawa mo dito?" Sabi ni Mika na nasa tabi kona pala "Kumain kami sa labas" sagot ni Cameron. Kaya napatingin sya sakin habang naka nguso. "Andaya bat di nyoko sinama!" "Nasalubong ko lang din sya dito kanina" sagot ko. "May pasalubong naman kami sayo kaya wag kang umarte jan" dagdag kopa dahilan para mag liwanag ang mata nya at dali daling tumakbo sa sasakyan ni Cameron. "Sya nga pala eto si Roi, Rumsel saka Katty" pakilala ko sa tatlo na nag unahan pa sa pag hawak sa kamay ni Cameron. "Cameron" pakilala nya sakto namang datung nung tatlong lalaki "Hi Cliona!" Bati ni Aris kaya ngiting tinanguan ko sya "Hi" sabi din ni Zaggy at tulad kanina ngiting tango ang sinagot ko sakanila. "Hoy Katty nanjan na ang Aris mo wag kang makiaagaw samin!" Saway ni Roi kay Katty na nakikipag agawan parin sa kamay ni Cameron. "Ay ano bayan wag na nga!" Natawa ako dahil napanguso ng matindi si Katty. "Ah eto pa Si Aris tapos si Zaggy" pakilala ko sa Dalawa "Hi" maangas na sabi ni Aris at talaga namang masama ang tingin kay Cameron "Hi" nakangiting sabi ni Zaggy tinanguan naman sila ni Cameron. "And eto si Goku" turo ko kay Aero na kunot noong nakatingin sakin. "Nag susuper sayan yan kaya ingat ka" biro kopa dahilan para mapatawa silang lahat syempre maliban kay Aero. "Anong sabi mo!" Singhal nya saken kaya nginitian ko lang sya saka tumingin kay Cameron na kunot noong naka tingin saken. Kaya inirapan ko din sya. "Hoy ano to!" Sigaw ni Mika mula sa Parking habang nilalabas yung box kaya napatakbo agad ako. "Akin yan!" Halos madapa nako dahip baka ilabas nya yung laman non. Nang makarating ako agad akong hinablot sakanya yung box ko na nabuksan na nya kaya sinara ko yun at binalik sa likod ng kotse ni Cameron. "Pakeelamera ka!" Singhal ko sakanya habang sya nakangisi saken. "Yun pala laman non HAHAHAHAHAHA!" Tawa nya dahilan para ma curios yung tatlo. "Anong laman?" Takang tanong ni Katty. "Wala!" Sabi ko at tinakpan ang bibig ni Mika dahil baka madulas delikado. "Ano nga yun te?" Tanong ulit ni Roi "Sige mag salita ka diko ibibigay sayo yung pinamili ko" banta ko sakanya. "Sa susunod nalang may kaylangan pako eh" natatawang sabi ni Mika kaya binatukan ko sya. "Bukas kona ibibigay yung sainyo Uwi na chu!" Pang tataboy ko sakanila. "Oy meron daw tayo mga bakla halina't umuwi baka mag bago ang desisyon sa buhay ng Cliona" natawa ako dahil sa sinabi ni Roi unauna naman silang tumakbo papunta sa kanya kanya nilang sasakyan. "Oh kayo umuwi na din kayo" taas kilay kong baling dun sa tatlo. "Bye!" Sabi ni Aris agad naman akong kumaway sakanya. Ganon din naman si Zaggy at sa huli si Goku na masama ang tingin saken. "Ano!?" Tanong ko sakanya "Wala!" Sabi sabay padabog na sinara ang pintuan ang kotse nya at pinaharurot paalis. Nang mawala silang lahat saka ko tingnan si Mika ng masama na syang nag mamadaling tumakbo papunta sa motor nya at pina harurot yun. "Sumunod ka nalang sa bahay sa motor ko ako sasakay. Ingat!" Kumaway pako kay Camerom bago lumapit sa motor ko at pinaharurot yun. Aero P.O.V Inis akong nag drive pauwi sa bahay! Agad naman akong sinalubong ng Bunganga ni Ailey. "Sino nanaman ang pinatid mo!?" Bungad nya sakin kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Pwede ba ang ingay mo" inis ko sabi at nag madaling umakyat sa kwarto ko. "Kumain ka muna!" Utos nya ulet kaya mas lalo akomg nainis "Busog ako ikaw nalang" sabi ko saka pabagsak na sinara ang pinto. Bwiset na Cliona yun! Tawagin pa naman akong Goku! Tingin nya saken may sayains!? Hindi naman dilaw ang buhok ko! Pag naaalala ko yung ngiti nya kanina parang gusto ko sumabog sa galit. Hindi maganda ang ngiti nya nakakairita! Sino di maiirita don nakangiti ang labi nya pero walang emosyon ang mata nya! Tsss buti nalang naalala ko na malapit na umuwi si Tyreen kaya nawawala ang pagka badtrip ko. Kaibigan namin si Tyreen pero may gusto na talaga ako sakanya hindi ko lang masabi dahil diko kaya umamin. At alam nya ang mga kalokohan ko dati pero dahil na ngako ako sakanya na mag babago nako bago sya umalis pero dahil sa lintek na dare namin eh diko natupad yung pangako ko sakanya. Dumagdag patong si Cliona nakakakulo ng dugo. "Kung mag papahalik ka siguraduhin mong walang ebidensya" "Kung mag papahalik ka siguraduhin mong walang ebidensya" "Kung mag papahalik ka siguraduhin mong walang ebidensya" Napahawak ako sa ulo ko ng pumaulit ulit yun sa utak ko! BWISETTTTTT! Isa pa ding Alistaire nayan kung hindi nyako hinalikan edi sana hindi ako pinag tawanan ni Cliona at nahawakan pa nya ang malambot kong labi! (O_0) Napahawak ako sa labi ko. Hinawakan nya lang naman yun pero bat parang nakuryente ako? Aishhhhh! Nababaliw kana Aero! "Aero! Kumain kana" katok sa pinto ko kaya napatingin ako don. "Wala papo akong gana Manang" sabi ko at nag talukbong ng kumot. "O sya bumaba ka nalang pag nagutom kana" sabi pa nya. "Sige po" napa buntong hininga pako bago sumagot. Itulog mo nalang yan Aero bukas na bukas wal na yang inis na nararamdaman mo ngayon. Pinakalma ko ang sarili ko bago ko maisipang matulog nalang Imbes na sayangin ko ang oras ko kakaisip kung pano ako makakaganti kay Cliona bukas. HAHAHAHAHA HUMANDA KA SAKIN BUKAS! MARARAMDAMAN MO ANG GALIT NG ISANG AERO TYSON! HUMANDA KA CLIONA WOLVERSON!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD