Kabanata 3 ✓

2073 Words
Kabanata 3: Traitor Pavian’s POV Taong 2010 MATULING LUMIPAS ang mga taon, bente anyos na siya at maraming alam sa pasikot-sikot sa buhay. Kagaya nang ipinangako sa kaniya ni Onyx ay naging malakas siya. Naging masama ang kaniyang gawain ngunit alam niya sa sariling kailangan niyang lumaban para hindi siya tapak-tapakan at kayan-kayanin. “Pst! Pavian!” pagtawag ni Joel, ang lalaking mataba sa kaniya. Napatingin naman siya dito. “Bakit?” tanong niya. “Dukutan mo nga ang babaeng ‘yon,” pag-uutos nito sabay turo sa dalagitang nag-iisang namimili. Napakunot naman ang kaniyang noo dahil hindi naman siya mandurukot. “Bakit naman ako ang gagawa ‘non? Hindi ko naman trabaho ‘yon, Kuya Jo.” Umismid naman ito at siniko ang mga kabarkada nitong kasamahan din namin sa sindikato. “Oo nga pala. Sipsip ka kasi. Mahina ka, simple lamang ang ipinapagawa ko sa ‘yo ngunit hindi mo naman magawa,” saad nito. “Oh, madali pala edi ikaw na ang gumawa, Kuya Jo.” Kitang-kita ko ang galit sa mukha nito at ang panlalaki ng mga butas ng ilong nito. “Tado ka talaga kahit kailan, Pavian! Akala mo naman kung sino kang magaling. Ni-hindi ka naman nakapag-aral kaya’t huwag kang magmayabang!” sigaw nito. Nilayasan niya ito at nagtungo sa kagrupo niya. Napailing naman sila at natawa na lang siya. “Yari ka na naman kay Tabs. Ginalit mo ang taba niya, Pavs.” pang-aasar ni Hulio, kaibigan niya. “Sus! Hayaan niyo nga si Kuya Jo. Palagi kasing lumalamon ng chicharon kaya’t mainit ang dugo sa ‘tin,” sabat naman ni Leroy, kaibigan niya rin. “Hayaan niyo siya gan’yan naman lagi si Kuya Jo. Habang tumatagal akala mo’y bossing natin,” aniya na ikinatawa naman ng kaniyang mga kaibigan. “Siya nga pala ro’n tayo magbabantay sa kabilang eskinita. Tatambangan natin ang mga mandurukot.” Ang gawain naman nila’y nakawan ang mga magnanakaw. Ang makukuha nila’y ginagawang panustos nila sa kanilang samahan. Hati-hati sila ng gawain. “Balita ko nga pala’y may traydor sa samahan natin,” singit ni Leroy at napatingin naman siya. “Huh? Sino naman? Ang bait-bait ni Onyx sa ‘tin tapos may gagawa pa nang gano’n?” tanong niya. “Walang dapat pagkakatiwalaan bukod sa sarili. Masuwerte nga ko na may kaibigan ako sa inyo. Bali-balita lamang ‘yon. Narinig ko lang sa usapan ng grupo ni Kuya Jo.” “Anumang mangyari ay mas pipiliin ko si Onyx ang maging pinuno natin kaysa sa kung sino. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya,” saad ni Hulio at ngumiti. Kahit na lapnos ang balat nito sa mukha’y makikitaan talaga ng pagkapositibo. “Ako rin, taliwas ako at ipaglalaban ko si Onyx dahil iniligtas niya ‘ko sa mga magulang kong nambubugbog sa ‘kin,” pagsang-ayon ni Leroy. “Hanggang dulo’y hindi ako magiging iba kay Onyx. . .” Nagsingitian naman silang tatlo at magkakasamang nagtungo sa karinderya para kumain. Sila na ang kaniyang itinuturing na mga kapatid at kasanggang-dikit. MAGKAKAROON ng isang piyesta ang isang baranggay kaya’t tibang-tiba ang samahan. Napatingin siya kay Onyx na nagbibilang ng pera sa isang tabi. Nagtagumpay din sila sa pananambang sa mga magnanakaw kung kaya’t masarap ang kanilang ulam. “Sana’y masayaran ng salapi ang mga palad ko,” bulong ni Leroy at siniko naman ito ni Hulio. “May makarinig sa ‘yo d’yan at mapaparusahan ka,” sabat nito at sumimangot naman si Leroy. “Ano’ng ipinagbubulungan ninyo?” tanong ni Kuya Jo at agad naman nagsipulasan ang kaniyang mga kaibigan kaya’t bumaling naman ito sa kaniya. “Wala, kumain ka na lang, Kuya Jo.” sagot niya at inismiran naman siya nito. “Nababanas talaga ako sa ‘yo. Tandaan mo, mas nauna ako kaysa sa ‘yo rito kaya’t huwag kang magmayabang sa ‘kin, Pavian. Mangmang ka rin katulad ko pero mas mataas ako kaysa sa ‘yo,” pagmamaliit nito sa kaniya. “Kahit naman wala akong pinag-aralan ay madiskarte ako’t marunong magpakumbaba,” aniya at binangga naman nito ang kaniyang balikat. Kulang na lang ay sapakin siya nito. “Joel. . .” Napalingon naman sila kay Onyx na masama ang tingin. Agad naman lumayo sa kaniya ito. “Bakit po?” tanong ni Kuya Jo. Sinapak ni Onyx ang mukha nito na ikinatumba nito. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata. “Huwag kang magmataas. Talampakan lamang kita, Joel. Ayaw ko sa lahat ay may ginagawang katarantaduhan mula sa likuran ko,” istriktong turan nito. Nagulat naman sila nang ilabas nito ang baril at pinaputukan ang kaliwang palad nito. “Pantay-pantay at hindi nanlalamang. . .” usal nito at umalis. Nagsidatingan naman ang mga kasamahan ni Kuya Jo na hindi malaman ang gagawin ngunit masama ang tingin sa kaniya. Lumayo na lang siya at kinabahan dahil sa sinabi ni Onyx. ‘Bakit naman nito gagawin ‘yon? Gano’n na ba kasama si Kuya Jo at pati ang kanilang pinuno’y gagawan nang masama.’ Napabuntonghininga siya at lumabas muna para magpahangin. Naupo siya sa sementong sirang hagdanan. Napatingin siya sa madilim na kalangitan na may mga nagkikislapang mga bituin. “Mabuhay ka, Pavian. . .” Naalala na naman niya si Tatay Pablo at ang mga aral at gabay na kaniyang alam mula rito. Malungkot siyang napangiti. “Mabubuhay po ‘ko, Tatay. Kagaya ng nais niyo para sa ‘kin,” usal niya at humangin nang malamig na ikinapikit naman niya. “Ano’ng idinadamdam mo d’yan, Bata?” tanong ni Onyx at nagulat naman ako nang makitang nasa madilim na parte pala ito habang naninigarilyo. “Nagpapahangin lang po ‘ko,” sagot niya. “Nakikita ko ang aking sarili sa ‘yo noon, Bata. Pinagkaitan ng karapatang magkaroon ng kumpletong pamilya. Inabandona ako ng mga magulang ko at ibinigay ako sa tiyuhin kong may sapak sa ulo. Walang ibang ginawa kundi ang gawin akong labasan ng sama ng loob,” pagku-kuwento nito sabay hithit ng sigarilyo at binuga sa kawalan. “Sabi ko sa sarili ko ‘non na aalis ako at magkakaroon ako ng buhay na malayo sa hayop na pagtatrato niya sa ‘kin. Bawal maging mahina dahil kakayan-kayanan ka lang. Naging matibay ang loob ko habang naging palaboy ako ng ilang taon. Halos lahat na nga’y pinasok ko. Mandurukot, barker, tagalinis ng sasakyan at tagabuhat ng mga tinda sa palengke. Ngunit nabago ang buhay ko sa Drako.” Napakunot naman ang kaniyang noo dahil do’n. “Drako?” tanong niya at humithit naman ito ng sigarilyo at itinapon ang upos sa kung saan. “Ang Drako ang tahanan ko. Si Boss ang kumupkop sa ‘kin habang dinudukot ako ng mga nagbebenta ng lamang loob na mga lalaki. Tinuruan nila ‘kong maging matapang at malakas. Naging mamamatay tao ako at milyon-milyon ang mga dumadaan sa palad ko,” sagot nito. “Bakit napadpad naman po kayo rito kung maganda naman pala ang buhay niyo ro’n?” Napatingin naman sa kaniya ito at napangisi. “Dahil umibig ako sa kliyente namin na isang ipinagbabawal sa samahan namin,” sagot nito. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata. ‘May inibig pala si Onyx?’ “Kakatuwang nahulog ang aking puso sa babaeng kliyente namin. Tuso siya kaya’t nagustuhan ko siya ngunit hindi niya ‘ko puwedeng mahalin dahil nakatakda na silang ikasal ng taong gusto niya. Payo ko lang, huwag kang maging tanga sa pag-ibig kundi mawawala ang mga pinaghirapan mo sa isang iglap lang,” sagot nito. “Wala naman po sa isip ko ang gan’yan,” aniya na ikinatawa naman nito. “Gwapo ka, Bata. Maraming humahanga sa ‘yong mga kababaihan ngunit hindi mo lang napapansin ‘yon kaya’t may mga naiinis na mga kasamahan mo sa ‘yo. Huwag kang magtiwala nang basta-basta. Pagkatiwalaan mo lamang ang ‘yong sarili dahil tuso ang kapalaran.” Namula naman ang kaniyang dahil do’n na ikinahalakhak naman nito. Maya-maya pa’y dumating si Molly ang kaulayaw nito. “Kumusta, Pavian? Siya nga pala gusto kang makilala ni Luisa. Magaling siya sa pagpapaligaya ng lalaki,” malanding turan nito na ikinailang naman niya dahil bukod sa suot nitong maiksing damit ay hantad pa ang mga malalaking dibdib nito. “Ayaw mo ba na makatikim ng sarap, Bata?” mapang-asar na saad ni Onyx na ikinailing niya at dali-dali siyang tumakbo papasok sa tulugan nila. Nabunggo niya pa si Leroy na may kakaibang tingin sa kaniya. “Oh, bakit ka humahangos?” tanong nito at agad naman siyang umiling. “Matutulog na ‘ko,” sagot niya. “Aysus! Akala ko naman kung ano na nangyayari sa ‘yo. Maaga pa naman, ah. Sige, mamaya na lang kami matutulog ni Hulio kasi may pupuntahan pa kami.” Tumango-tango naman siya. Nagtungo na siya sa kaniyang banig. Napabuntonghininga siya dahil ayaw niya mag-isip nang kung anu-ano tungkol sa mga babae. ‘Ano naman ang mangyayari sa ‘kin? Eh, wala naman akong matipuhang babae?’ tanong niya sa sarili at humiga sa kama sabay titig sa kisame. Napakunot naman ang kaniyang noo dahil hindi naman siya bakla o ano ngunit wala lang talaga sa kaniyang isip ang gano’ng bagay. “Bahala nga kayo sa buhay ninyo. Matutulog na lang ako,” dagdag niya at ipinikit na lang ang mga mata para makapagpahinga. NAALIMPUNGATAN naman siya nang may naramdaman niyang mainit ang paligid. Napadilat siya ng kaniyang mga mata at tumingin sa paligid. Tulog na tulog ang mga kasama niya sa kwarto. Dahan-dahan siyang tumayo at nakaamoy siya nang nasusunog. Binuksan niya ang pinto at agad sumalubong sa kaniya ang makapal na usok na nagmumula sa silid ni Onyx. Dali-dali siyang nagtungo sa kwarto nito ngunit nakasarado. Bumalik muli siya sa kwarto. “Gumising kayong lahat. May sunog!” sigaw niya at naalimpungatan naman ang iba. Tinapik-tinapik niya ang mga pisngi ni Leroy at Hulio na amoy alak pa ang mga hininga. “Gumising na kayo, ano ba!” Nagtakbuhan naman ang iba palabas at napasigaw. Marami na ang lumabas ngunit wala pa si Onyx. Agad siyang nagtungo sa banyo at binasa ang damit para hindi niya masyadong masinghot ang usok. Kinuha rin niya ang palakol na nasa gilid na pangsibak ng kahoy. Tumakbo siya at pinalakol ang seradura ng kwarto ni Onyx hanggang sa bumukas. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata nang makita niyang nakabulagta na ito at may dugo sa tagiliran. “Onyx!” hiyaw niya. Dumilat ito at napangisi. “Oh, Bata. Bakit hindi ka pa umaalis?” nahihirapan nitong turan. “Hindi po ‘ko aalis hangga’t hindi po kita kasama,” sagot niya. Binigyan rin niya ito ng telang may tubig. Tinulungan niya ito at ibinuhos ang buong lakas niya para mapasan ito. Ubo ito nang ubo habang siya nama’y naluluha na rin sa kapal ng usok. Biglang may nalaglag na malaking tipak ng kahoy sa kanilang daraanan at nahagip naman ang likod ni Onyx kaya’t napadapa siya. “Iwan mo na ‘ko, Bata. . . Mabuhay ka, Pavian. . .” usal nito. Umiiyak na rin siya dahil ayaw niyang iwanan ito lalo na’t malaki ang kaniyang utang na loob dito. “Ayaw ko po. . .” “Huwag kang sutil. Tandaan mo ang mga bilin ko sa ‘yo. Magtungko ka sa Drako at ipakita mo ito.” Inabot nito sa kaniya ang isang kwintas na may imahe ng dragon. “Hindi! Lalabas tayong magkasama,” buong lakas niyang turan at tumayo. Malakas siya at kayang-kaya niyang iligtas ito. Nagdilang anghel nga siya dahil hindi niya mawari na gano’n pala siya kalakas. Kung gusto’y may paraan ngunit kung ayaw naman ay maraming dahilan. Lumabas sila sa kabilang tagusan kaya’t walang sumalubong sa kanila. “Huwag kang magsasabi na ligtas tayo. May traydor sa samahan. Kailangan nating umalis dahil nanganganib ang ating buhay. . .” bulong nito. Nagpalinga-linga siya at nakakita ng sasakyan na nakaparada. Nilapitan niya ‘yon at halos magkandarapa na siya. Binasag niya ang salamin at binuksan ang seradura ng sasakyan. Pinahiga muna niya sa likod na bahagi si Onyx. Paika-ikang umikot para makaupo na sa upuan sa harap ng manibela. Yumuko siya at may kinalikot para mapaandar ang sasakyan. Sanay naman siya gano’ng gawain kaya’t mabilis naman niyang napatunog ang makina. Agad naman niyang pinasibad ang sasakyan para makarating sila sa isang klinika na alam niya. Napaisip naman siya habang minamaneho ang sasakyan. ‘Sino ang traydor at gustong pumatay kay Onyx?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD