Chapter II

3125 Words
Thana’s POV “Waaaaggggggg!” Umiiyak na sigaw ko nang magising ako mula sa isang bangungot. “What happened?” humahangos at nag-aalalang tanong ni Vladimir sakin ng makarating siya sa kwarto ko. “Are you starting to have this dream again Thana?” kitang-kita ko sa mga mata ni Vladimir ang pag-aalala niya sakin. Mula ng mawala ang mga magulang ko ay si Vladimir na ang tumayong guardian ko. Siya ang tumulong sakin upang muling makabangon sa trahedyang dinanas ko. Matagal na panahon na ang lumipas mula nung huli kong maranasan ang ganitong bangungot. Ang akala ko ay hindi ko na muling mararanasan yun pero hindi ko alam kung bakit ngayon ay bumabalik nanaman sakin ang lahat ng masasakit na ala-ala. “Thana?” muling tawag sakin ni Vladimir nang hindi ako sumagot sa tanong niya. “I’m fine Vlad.” Tipid na sagot ko habang pinupunasan ang mga luha ko ko. “You sure? You don’t look fine. Ako na lang ang pupunta sa meeting tonight. Just take a rest.” Sabi nito habang tinatapik ang balikat ko. “Kaya ko naman.” Sagot ko. “Wala naman akong sinabi na hindi mo kaya but it is better for you to take a rest, baka stress ka lang sa dami ng inaasikaso mo this past few days.” Wika niya kaya wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon sa sinabi niya. Nang makaalis si Vladimir ay bumalik na ko sa kwarto ko. Maya-maya ay tumunog ang phone ko.   Demi Calling…   “Hello Demi?” [Cel!!!!!!!!] nailayo ko ang phone ko ng marinig ko ang sigaw niya. “What? Nakit k aba sumisigaw?” iritang sabi ko sakanya. [Ikaw naman! Napakasungit mo talaga!] “Ikaw kaya ang sigawan ko? Ewan ko na lang kung hindi ka mabadtrip!” [Sorry na! but anyway I have good news for you!] “Sure ka good news yan?” [Oo naman! Hahahaha!] “Oh siya! Sige, ano ba yun?” [Are you ready?] “Oo nga! Ano ba yun? Wag ka ng pasuspense diyan!” [Nagmamadali? May lakad ka? Hahaha!] “Whatever Demi! Sasabihin mob a o hindi? Ibababa ko na to!” [Fine! So ayun na nga! Pumayag na sila mom na umuwi ako diyan! Yiiiieeee!] “Wait? What?! Seriously? Oh my! Kelan yan?” [Basta before magstart ang school year!] “Wow! Saan ka raw magsstay? Tawagan mo ako agad pag pauwi ka na para masundo kita!” [That’s another good news! Nakausap ni mom si Vladimir at napagkasunduan nilang diyan ako magstay! Oh diba? Ang saya! Hahaha!] “Seryoso? Hay sa wakas may makakausap na kong iba. Sawang sawa na ko na si Vladimir na lang ang lagi kong nakikita hahaha!” [So paano Cel? See you soon! I have to go na marami pa akong aasikasuhin na papers para makauwi diyan] “Mm… Sige! See you soon! Take care! Bye!” [B-bye!] Yun lang at binaba na niya ang linya. Si Demi ay kababata ko na siya na ring naging bestfriend ko. Hindi kami mapaghiwalay noon bago nangyari ang trahedya sa mga magulang ko. Halos araw-araw ay lagi kaming magkakasama. Actually tatlo kaming matalik na magkakaibigan, si Demi, Ako at si Athan. Si Demi ang kasama ko sa lahat ng kalokohan ko habang si Athan naman ang laging sumasaway samin. Matapos ang trahedyang nangyari noon ay nagdesisyon ang parents ni Demi na magstay sa ibang bansa para malayo sa g**o habang si Athan naman ay hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya bigla na lang silang nawala kasama ng kaniyang pamilya. Noon ay palagi kong itinatanong kay Vlad kung nasaan na sila Athan pero hindi naman niya kailanman sinagot ang tanong ko kaya naman hindi ko na rin inalam. Ngayon ay magsisimula muli ako sa panibagong buhay ko bilang college student, papasok na muli ako sa University, susubukan kong mamuhay muli bilang normal na tao. Kung iniisip niyo na hindi naman mahirap yun, well, iba ang sitwasyon ko dahil hindi naman ako isang tao. Oo! Tama ang pagkakabasa mo. Hindi ako tao dahil isa akong bampira. Ako, si Vlad, si Demi, si Athan at lahat ng magulang naming ay mga bampira. Nabibilang kami sa isang lihim na organisasyon na tinatawag na VCSS o Vampire Clan Social Security. Ito ang nangangalaga sa karapatan naming mga bampira na mamuhay ng payapa sa mundong to. Oo! Kahit na ang tingin samin ng mga tao ay halimaw ay may karapatan pa rin kami na mamuhay sa mundong to. Gumawa ang organisasyon ng paraan para makapamuhay kami ng normal at hind imaging iba sa mga tao, halimbawa na lang ang paglabas namin kahit na mataas ang sikat ng araw. Meron kaming tinatawag na SPI o Sun Protection Injection para maprotektahan kami at hindi kami masunog pag natamaan ng sikat ng araw. Hindi rin kami brutal tulad ng alam ng mga tao dahil hindi naman namin kailangan umatake ng mga tao para sipsipin ang dugo nito. Ang totoo ay matagal na kaming hindi umiinom ng dugo ng tao. Natutunan naming inumin ang dugo ng hayop tulad ng sa baboy at iba pa. Sa katunayan ay ito na ang kinalakihan ko at mula pa noon ay hindi ako nakatikim ng dugo ng tao. Ayon sa mga magulang ko ay nagiiba ang kulay ng mga mata naming at lumalabas ang pangil namin kapag dugo ng tao ay iinumin namin. Bukod pa roon ay ibang lakas raw ang idinudulot ng dugo ng tao sa aming mga bampira pero hindi ko naman kailangan yun. Unang-una ay mahigpit na ipinagbawal ng VCSS na gamitin namin ang aming kakayahan lalo na sa harap ng isang mortal. Ito ang pinakamahigpit na batas ng VCSS na mayroon ding napakabigat na parusa. “Thana?” rinig kong tawag ni Vladimir na pumutol sa pagmumuni-muni ko. Lumabas ako ng kwarto para salubungin sya. “How’s the meeting?” agad na tanong ko. “Seems like we will close the deal. May mga hinihintay na lang akong papeles at maayos na ang lahat.” Nakangiting sabi niya. “I wonder why you are so interested in this company. Kung tutuusin ay kaya mo naming bilhin na lang ito.” Takang tanong ko sa kanya. “Hindi naman ipinagbibili ang kompanyang ito at sa tingin ko ay magiging magandang asset natin ito.” Paliwanag niya. “Whatever Vlad! Anyway tumawag sakin si Demi at uuwi na raw siya rito before magstart ang schoolyear. Bakit hindi mo naman sinabi sakin na nakausap mo pala ang parents niya?” tuloy-tuloy na tanong ko kay Vlad. “Gusto kasi ni Demi na siya ang magsabi sayo. Alam mo naman ang kaibigan mong yun. Ipipilit niya kung ano man ang gusto niya. You can’t imagine what she did para pumayag ang parents niya.” Nakangising sabi ni Vlad habang nagsasalin ng wine sa wine glass niya. “What do you mean? Anong ginawa niya?” pag-uusisa ko. “Ask her once she arrived. Baka awayin pa ko non pag ako ang nagkwento sa’yo.” Seryosong aniya. “Fine.” Tipid na sagot ko habang sumisimsim ng wine. “By the way, naayos ko na rin ang enrollment mo. Next week kailangan mong pumunta sa University para sa Id picture mo.” Paalala niya. “Remind me next week then.” Mataray na sagot ko. “You and your temper.” Napabuntong hininga na lang siya sa ugali ko. Although sanay naman na siya sakin. “I want to open up a new business.” Maya-maya ay sabi ko. “What business?” naiintrigang sagot niya. “A bar.” Tipid na sagot ko. “A bar? Why? I mean why all of a sudden gusto mong mag open ng business?” takang tanong niya. “I just want to.” Kibit-balikat na sagot ko. “Okay.” Matipid na sagot niya. Ganito na ako kakilala ni Vlad. Pag tipid na tipid na ang mga sagot ko, ibig sabihin ay ayoko ng sumagot ng tanong at makipag usap sa kanya.   Kinabukasan ay pinag-usapan namin ni Vlad ang plano ko sa Bar na ipatatayo ko. Lahat ng detalye mula sa structure hanggang sa interior design ay planado ko na. Mabilis naming pinaumpisahan ang plano. Sa tingin ko ay aabot pa ito bago magbukas ang klase kaya maasikaso ko pa ito bago ang pasukan. Mabilis lumipas ang mga araw at dumating na ang araw na kailangan  ko ng pumunta sa University para sa ID picture ko.   “Greenfield University” basa ko sa malaking pangalan ng Unibesidad sa harapan nito. “Hmmm… What’s so special about this school para dito ako ipasok ni Vladimir?” tanong ko sa sarili ko habang naglalakad at pinagmamasdan ang buong lugar ng biglang… “Boogsh!” “Ouch!” rinig kong daing ng babae na ngayon ay nakabulagta sa sahig. Tiningnan ko lang siya saka muling nagtuloy sa paglalakad ko. “Hey! Aren’t you gonna apologize? Tingnan mo ang ginawa mo sakin!” galit na sigaw niya. Huminto ako at nilingon ko siyang muli at tiningnan mula ulo hanggang paa. “Buhay ka pa naman, Wala ka naming sugat, mukhang okay ka naman? Nakakasigaw ka pa nga.” Walang emosyong sabi ko sakanya saka ako muling nagtuloy sa paglalakad ko. “You freak! Argh!” sigaw niya muli ngunit tinaas ko lang ang kanang kamay ko para kumaway sakanya. “Tss… napaka-arte.” bulong ko sa sarili ko habang nakangisi. Nang makarating ako sa room kung saan ako kukuhanan ng ID picture ay agad akong sinalubong ng isang professor. “Hi! If I’m not mistaken, you are Ms. Thana Celestine Rivera right?” agad na bati nito sakin ngunit tumango lang ako bilang  tugon. “By the way I’m Ms. Javier. Follow me I’ll assist you with everything you need to do.” Nakangiting sabi niya kaya sumunod naman ako rito. Hindi naman nagtagal ay kinuhanan na rin nila ako ng litrato. “Uhmm… Ms. Rivera? Can you please remove your eye glasses? Nagrereflect kasi yung light. Please?” pakiusap ni Ms. Javier kaya naman tinanggal ko ang salamin ko. Lumapit siya sakin at inayos ang buhok ko. “Wow! I knew it! You’re so beautiful Ms. Rivera. Malabo ba ang mata mo? I suggest na magcontact lens ka na lang. Sayang ang ganda mo kung itatago mo lang sa malalaking salamin na ito.” Tuloy-tuloy na sabi niya habang inaayos pa rin ang buhok ko. “I’ll try that Ma’am once maging komportable na siguro ako sa mga paligid ko at sa mga estudyante rito.” Seryosong sagot ko. “I’ll look forward to see you around without those glasses. Don’t worry, mababait naman ang mga student dito. Ready?” sabi niya habang nakahawak sa dalawang balikat ko. Tumango na lang ako sa mga sinabi niya. Nang matapos ang kuhanan ng ID picture ay may mga papers pa silang pinafill-up sakin bago ko nakuha ang ID at badge ko. Nang matapos ay dumirecho na ko sa Bar na pinapagawa ko para kamustahin ang construction nito. Mukhang maayos naman ang mga tauhan na nakuha ni Vladimir dahil pulido ang pagkakagawa nito sa bawat detalye na gusto kong mangyari rito. Matapos kong asikasuhin ang Bar na ipinapagawa ko ay agad rin naman akong umuwi. “Vlad? Akala ko ba may lakad ka? Bakit nandito ka pa?” nagtatakang tanong ko sakanya ng maabutan ko siyang sa receiving area habang nagtsa-tsaa. “Kakauwi ko lang actually, sakto ang dating mo. May bisita ka.” Nangiting sabi niya. “Bisita? Sino? Nasaan?” Sunod-sunod na tanong ko sakanya ng biglang… “Cel!!!!!!!!!!!!!!!!!” DInig kong sigaw niya habang tumatakbo pababa ng hagdan. “Demi?” Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya. “Bakit hindi mo ko tinawagan? Hindi mo sinabing ngayon ang dating mo.” Masayang salubong ko sakanya. “Surprise! Hahahaha!” sabi niya habang nakataas sa magkabilang gilid niya ang mga braso at mga kamay niya. Yumakap agad siya sakin ng makalapit siya sakin. “Grabe namiss kita Cel!” masayang masayang sabi niya. “Ako din! Sobrang namiss kita!” masayang sagot ko sa kanya. Sa tagal naming hindi nagkita ay talagang namiss ko siya. Wala kaming ginawang dalawa kundi magkwentuhan, sa daldal ni Demi ay wala siyang tigil sa pagkwekwento ng mga nangyari sakanya mula ng umalis sya hanggang sa makabalik siya rito. “Oo nga pala, ano nga pala ang ginawa mo para mapapayag mo ang  parents mo na bumalik ka rito?” seryosong tanong ko sakanya. Sa tingin ko ay matindi ang ginawa nito para mapapayag ang magulang niya na bumalik siya rito ng mag-isa. “Aish! Grabe kaya yung sakripisyo ko para makabalik dito. Biruin mo? Hindi ako uminom ng dugo ng isang buong araw tapos hindi rin ako nag-inject ng SPI. Grabe Cel! I almost die!” emosyonal na kwento niya pero… “Aray!” Daing niya ng batukan ko siya ng malakas. “Bakit ka ba nambabatok diyan?! Nageffort na nga ako para magkasama ulit tayo tapos mababatok ka lang diyan?!” pagdra-drama niya. “Tigilan mo ko sa drama mo. Bakit mo naman ginawa yun kahit alam mong pwede mong ikapahamak yun! Baliw ka ba?” panenermon ko sa kanya. “Wala na kasi akong choice at gustong-gusto ko ng umuwi rito. Eh kahit ano namang pakiusap ko sakanila ayaw nilang pumayag, kaya ayun ganon ang ginawa ko.” Pagdadahilan niya habang pahaba ng pahaba ang nguso niya kaya naman inambahan ko ulit siya dahil sa pagka-irita ko sa pag-iinarte niya na agad naman niyang nailagan. “Cel hindi ka ba masaya na magkasama na tayo ngayon. Wag ka ng mainis diyan kasi tapos nay un okay? Ang importante nandito na ko.” Malambing na sabi niya sakin kaya napabuntong-hininga na lang ako. Totoo naman na masaya akong nandito na siya atleast hindi na ako palaging mag-isa. Matapos kasi ng trahedyang nangyari sa buhay ko eh naging mas ilag ako sa mga taong nakakasalamuha ko. Natuto akong maging mas maingat at halos malimutan ko na ang pangarap kong makapamuhay ng normal dahil hindi ko na magawang makipagkaibigan pa. “Oh siya sige na nga! Anyway anong plano mo this coming school year? Saan ka papasok?” tanong ko kay Demi. “Tinatanong pa bay un? Syempre kung saan ka papasok, dun din ako.” Masayang sabi niya. “Eh anong course ang kukunin mo?” pag-uusisa ko. “Uhmmm… Ano bang course mo?” pagbabalik ng tanong niya saking habang nakangiti. “Sa Music  ako papasok. Alam mo naman nay un talaga ang hilig ko.” Nakangiting sabi ko sakanya. “Music? Hmmmm… Pwede!” biglang ngiting sabi niya na parang may bumbilyang umilaw sa ulo niya o baka imagination ko lang yun? Hahaha! “Don’t tell me na umuwi ka rito ng hindi mo pa talaga alam kung anong kurso ang kukunin mo?” taas kilay na tanong ko sa kanya. “Well… uhmmm… parang ganon na nga hehehe!” putol-putol na sabi niya habang nakapeace sign. “Demi?!” Pinandilatan ko siya habang ang kilay ko ay mas mataas pa ata sa hairline ko pero siyempre joke lang yon! Hahahaha! “Hello Cel? Sa tagal na nating namumuhay sa mundong to at sa dami na ng course na natake ko tingin mo ba pag-iisipan ko pa yan? Wake up Cel! Hindi naman tayo tao para isipin kung anong magiging work natin in the future! Duh?! Nakakalimutan mo yatang bampira ka at hindi tao?” mataray na aniya na tila isang malaking bato na pumukpok sa ulo ko para magising sa katotohanang iyon. Matagal na panahon rin akong hindi pumasok sa eskwela ang totoo ay ito ang unang kurso sa kolehiyo na kukuhanin ko. Nung mga nakaraang taon kasi ay inabala ko ang sarili ko sa pagtulong kay Vlad sa pagpapalago ng aming mga negosyo. “Yeah right.” Malungkot at tipid na sagot ko saka ako naupo sa sofa. Nakita kong sumenyas si Vladimir na aakayat na muna siya kaya naman tumango lang si DemI sakanya bago ito naupo sa tabi ko. “I’m sorry Cel.” Malungkot na panimula niya. “I didn’t mean to offend you. Hindi ko na dapat sinabi yun, Sorry.” Malungkot pa ring aniya. “No. It’s okay. Totoo naman ang sinabi mo. Minsan nga siguro ay nakakalimot ako sa totoong pagkatao ko.” Malungkot na pag-amin ko. “Sorry Cel… akala ko kasi ay nag-iba na ang pananaw mo mula nung… alam mo na.” alam kong ang trahedyang dinanas ko ang tinutukoy niya. “Okay lang. Siguro nga tama kayo. Imposible talagang makapamuhay tayo ng normal. Imposible na maging pantay ang karapatan ng mga tao at mga halimaw na tulad natin. Imposibleng makapamuhay tayo ng hindi na kailangan itago ang tunay nating pagkatao pero sa totoo lang nakakapagod ng magtago. Nakakapagod ng magpanggap.” Halos naluluhang sabi ko. Hindi na nagsalita si Demi bagkus ay niyakap niya na lang ako at pinaramdam niya sakin na kahit na anong mangyari ay nasa tabi ko lang siya para suportahan ako. Tumulo ang luha ko dahil sa katotohanang napaka imposible kong makamit ang pangarap na yon. Napaka imposibleng matanggap kami ng mga tao kahit pa sa totoo lang ay mas nakakatakot sila kumpara sa amin. “Ay naku tama na nga tong kadramahan ko. Balik tayo sayo, Naayos mo na ba ang lahat ng kailangan mo para makapag enroll?” tanong ko sakanya ng nakangiti habang pinupunasan ang mga luha ko. “Mmm.. Si Vlad na ang bahala dun, wag mo nang alalahanin. Bukas sabi niya sakin ay pupunta ako sa University para magpapicture.” Alam kong pilit siyang ngumingiti dahil nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala niya sa akin. “Demi wag mo na akong alalahanin. Okay lang talaga ako.” Matamis akong ngumiti sakanya para hindi na siya mag-alala. “Are you sure?” Nag-aalala pa ring tanong niya. “Ofcourse! Ganito na lang labas na lang tayo bukas after mong mag-asikaso ng mga kailangan mo sa University.” Masayang anyaya ko sakanya. “SIge! Gusto ko yan! Sobrang namiss ko ang lugar na to!” Masayang aniya kaya naman pinakita ko sakanya na masaya rin ako. Matapos ang usapang iyon ay hindi na naming muli pang binuksan ang usapin tungkol sa pangarap ko at lalo na ang trahedyang nangyari sa amin ng mga magulang ko. Mas pinili naming ni Demi na mag-enjoy habang bakasyon pa.may ilang buwan pa kami para makapag-libot at makapag-saya. Hindi naman na ako hinayaan ni Vladimir na sumama pa sa pag-aasikaso sa mga negosyo naming dahil kaya naman na niya raw iyon ng mag-isa. Mas gusto raw niya iyon dahil walang kokontra sa mga desisyon niya. Natuloy ang usapan naming ni Demi, matapos niyang manggaling sa University ay agad kaming umalis upang mamasyal. Una niya akong niyaya sa mall dahil raw ang mga damit na dala niya ay parang hindi akma sa panahon ditto sa pilipinas. Matagal na namalagi si Demi sa ibang bansa kaya naman talagang hindi nababagay rito ang makakapal na damit na dala niya kaya pinahiram ko muna siya ng ilang damit ko para pansamantala niyang magamit habang hindi pa siya nakakapamili.   Mall… Nagikot-ikot kami sa mga boutique hanggang sa mapagod kami sa dami ng kanyang pinamili. “Grabe Demi! Magagamit mo ba lahat yan?” tanong ko sakanya. Limang tauhan ni Vlad ang kasama naming pero lahat sila ay halos hindi na magkandaugaga sa pagbitbit ng mga pinamili ni Demi. “Cel, ayoko ng paulit-ulit ang damit ko. Actually konti pa nga iyan noh? Naawa na lang ako sa kanila kaya iyan na lang muna ang binili ko sa ngayon.” Sabi niya habang nakaturo sa mga tauhan na kasama namin. Literal akong napanganga sa sinabi niya dahil sa tingin ko ay Mas Marami pa ang mga ito kaysa sa Mga damit ko sa cabinet ko. Nagpasya kami ni Demi na mamahinga muna sa isang coffee shop at habang nakaupo kami ay naramdaman kong tila may nakamasid na mga mata sa amin. Unti-unti kong iginala ang aking paningin para makita kung sino iyong nakamasid sa amin pero hindi ko iyon makita. Nakapagtataka lang na kahit saang anggulo ako magmasid ay hindi ko iyon makita. “Bakit parang hindi ka mapakali Cel?” maya-maya pa ay tanong ni Demi ng mapansin niyang balisa ako. “Ha? Anong sinasabi mo diyan? Imagination mo rin eh.” Tanggi ko sa sinabi niya pero hindi ko napigilan ang mapalingon ng maramdaman ko ang titig na iyon sa likuran ko ngunit halos anino na lang niya ang nakita ko. “Who are you?” bulong ko sa sarili ko.   To be continued…                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD