Chapter III

2473 Words
Kieran’s POV Pag gising ko, pakiramdam ko ay wala akong ganang tumayo mula sa kinahihigaan ko ngunit hindi pa rin ako mapakali dahil sa huling mensahe na natanggap ko mula kay Addie. “Sinong kausap niya kagabi?” muling tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa cellphone ko. Nawalan ako ng lakas ng loob na muli siyang tawagan para tanungin. Ibinaba ko ang cellphone ko habang nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Nalunod ako sa malalim na pag-iisip at hindi ko na napansin kung gaano ako katagal na nakatitig doon hanggang sa may marinig akong katok mula sa pintuan ng kwarto ko. “Kieran? Gising ka na ba?” Dinig kong sabi ni Noona. “Oo.” Tipid na sagot ko. “Papasok ako ha?” Paalam niya. “Mm… Sige lang.” Sagot ko bago siya tuluyang pumasok sa kwarto ko. “May problema ba?” agad na tanong niya nang makaupo sa gilid ng kama ko. “Wala naman. Ayos lang ako.” Nakangiting sagot ko. “Dongsaeng, kahit ngumiti ka diyan ay kita ko naman na may pinagdadaanan ka. Sabihin mo sakin, anong problema? Yung tungkol bas a graduation mo?” nag-aalalang aniya. Ang totoo ay nakalimutan ko na ang tungkol doon pero naisip ko na iyon na lang ang idahilan upang hindi na masyadong mag-isip si Noona. “Bakit kaya ganoon sila mom and dad?” malungkot na tanong ko sa kanya. Napabuntong-hininga si Noona bago siya tuluyang sumagot. “Pagpasensyahan mo na lang Dongsaeng masyado lang silang abala sa negosyo. Isa pa ay narito naman ako di ba?” nakangiting aniya. “Thank you Noona.” Nakangiti ring tugon ko saka ko siya niyakap para hindi na siya mag-alala pa. Madalas ay si Amber at si Manang Sally na lang ang umaasikaso sa akin. Halos sila na ang tumayong magulang para sakin dahil daw sa sobrang abala ng mga magulang naming ni Amber. Pilit ko naman iyong iniintidi ngunit hindi ko maiwasang maramdaman na iba talaga ang pagtrato ng mga magulang naming kay Amber kaysa sa akin pero hinayaan ko na lang marahil ay hindi talaga ako nakitaan ng mga magulang naming ng interes tungkol sa negosyo kaya ganoon na lang sila katabang sa pakikitungo sa akin. Kung tutuusin ay iniisip ko pang maswerte ako dahil kahit ganoon sila sa akin ay hindi naman nila ako pinabayaan at isa pa ay lagi naming nariyan si Amber para sa akin siguro ay panatag rin ang mga magulang naming dahil sa isipin na iyon. “Oh siya! Tama na ang drama. Tara? Lunch na at hindi ka pa tumatayo diyan mula kanina.” Napatingin ako sa orasan at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang oras. “Noona bakit hindi mo agad ako kinatatok?” nagmamadaling sabi ko sa kanya. Dali-dali akong tumayo at pumasok sa banyo para maligo. Narinig ko si Noona na nagsabing sumunod na lang ako sa dining area para kumain bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ko. Mabilis akong naligo at nagbihis. Halos mabilaukan na rin ako sa pagkain dahil sa pagmamadali. “Iho, dahan-dahan at baka naman ma-empacho ka niyan! Bakit k aba kasi nagmamadali eh wala ka naming pasok ngayon?” Pagpapaalala ni Manang Sally. “Naku Manang baka may date lang yan at late na siya sa usapan nila ng “girlfriend” niya.” Pangbubuyo naman ni Noonan a sinadya pang ipagdiinan ang salitang girlfriend habang umaaktong nagqoute sa hangin. “Aysus! Ganoon ba? Akala ko nga ay broken-hearted ang batang iyan dahil buong umaga ay parang wala sa sariling nakatitig lang sa kisame. Ni hindi nga niya napansin na naglinis na ako roon.” Tuloy-tuloy na kwento ni Manang Sally. Halos mabilaukan ako sa sinabi ni Manang kaya agad naman niya akong inabutan ng tubig. “Ganoon ba talaga ako katagal na nakatulala para hindi ko mapansin si Manang kanina?” tanong ko sa isip ko. “Naku ikaw na bata ka dahan-dahan ka nga at nabubulunan ka na sa pagmamadali mo. Mag-aantay naman iyang nobya mo.” Panenermon sakin ni Manang. “Wala po akong date. May usapan lang po kami nila Drake na sabay-sabay kaming mamimili ng isusuot namin para sa graduation. Sasabihin nanaman po kasi nilang late nanaman ako.” Mahinahong sagot ko. “Hay naku! Mga kaibigan mo naman pala ang kasama mo eh hayaan mo nang malate ka sa usapan niyo kaysa naman hindi ka matunawan diyan sa kinakain mo.” Tuloy-tuloy na aniya kaya naman wala na akong nagawa kundi ang magdahan-dahan dahil hindi nanaman ako titigilan ni Manang sa kakasermon niya. Nang matapos akong kumain ay saktong tumunog naman ang phone ko.   Drake Calling…   [Pre! Nasaan ka na? Nandito na kaming apat, late ka nanaman!] “Papunta na ko! Nasermunan pa ko ni Manang eh!” [Sige! Sige! Bilisan mo ah!] “Oo! Paalis na!”   Yun lang at binaba ko na ang linya. Nagpaalam na ko kila Manang at Noona bago ako ako umalis. Siyempre wala ang parents ko dahil madalas ay maaga silang umaalis para asikasuhin ang negosyo nila. Nang makarating ako sa mall ay agad akong sinalubong ng pang-aasar nina Drake at Luther. “Pre late ka nanaman! Kelan ka kaya sasakto sa usapan?” Panimula ni Drake. “As aka pa diyan Drake hahaha! Pag hindi late yan hindi si Kieran yan! Hahaha!” gatong naman ni Luther. “Tigilan niyo na yang asaran diyan. Tara na!” saway naman ni Sef. “Yes Kuya!” Sabay na sabi nina Drake at Luther habang nakasaludo pa saka tumawa ng tumawa. “Nagsimula nanaman kayo.” Napapailing na sabi naman ni Blake. “Tara na! Nandito na nga ako panay pa tunganga natin dito.” Sabat ko naman. Nagsimula na kaming maglakad para pumunta sa paborito naming boutique. Agad kaming sinalubong ng mga sales lady para i-assist. Hindi rin biro ang presyo ng mga damit rito dahil kilala ang brand na ito hindi lang dito sa pilipinas kundi sa buong mundo. Inilabas nila ang pinaka bago nilang designs para pagpilian naming lima. Isang White suit ang napili ko na tinernohan ng blue longsleeves at dark blue na necktie. Simple ang disenyo pero naghuhumiyaw ang pagiging elegante nito lalo na nang isuot ko ito. “Bagay na bagay ang suit na napili nyo sa inyo Sir Kieran. Parang ginawa talaga ang damit na ito para sa inyo. Pati ang sukat ay saktong sakto at wala ng kailangang iadjust!.” Masayang komento ng nag-aassist sakin. “Wala namang damit na hindi babagay sakin.” Sabi ko ng nakangiti saka kumindat sa kanya. Pigil na pigil ang ngiti ng sales lady pero halata sa kanyang kinikilig dahil sa sinabi at ginawa ko kaya natawa na lang ako. Nang matapos kaming lahat sa pamimili ay dumerecho na kami sa paborito naming coffee shop. Maganda kasi ang ambiance ng lugar at tahimik. Malimit ay kaunti lang ang tao rito dahil na rin sa napakamahal ng kape nila rito. “The Usual.” Dinig kong sabi ni Sef sa waiter bago kami tuluyang naupo sa madalas naming pwesto. Itong spot na to ay lagging nakareserve samin dahil ito lang sa buong shop ang pwestong hindi mapapansin ng kahit na sinong pumasok rito. Nang maiserve na ang order namin ay napansin ko ang isang babae na pumasok sa coffee shop may kasama itong isa pang babae pero iba ang dating ng babaeng iyon.mula ng pumasok siya ay halos hindi ko na maialis ang tingin ko sa kanya. Kahit na naguusap-usap ang mga kasama ko ay halos wala akong naiintindihan. Maya-maya ay napansin ko siyang lilinga-linga ng tingin. “Sino kayang hinahanap niya?” sabi ko sa isip ko habang kunot-noo siyang pinangmamasdan. Patuloy lang siya sa pagmamasid sa paligid niya kaya naman naisip kong baka naramdaman niya na nakatingin ako sa kanya. “Ang lakas naman ng pakiramdam niya?” Bulong ko habang napapa-iling at nakayuko dahil ayokong mahuli niya akong nakatitig sakanya. “Sino pre?” Biglang tanong naman ni Blake. “Ha?” nagugulat na sagot ko. “Sinong malakas ang pakiramdam na sinasabi mo.” Pa-uulit niya sa sinabi ko. “Nasabi ko ba nang malakas yun?” sabi ko sa isip ko habang kakamot-kamot sa ulo ko. “Wala.” Tipid na sagot ko. “Nakoooo! Maiba ako naalala ko na kung bakit late tong si Kieran kanina. Hahaha!” Maya-maya ay sabi ni Luther. “Bakit pre?” agad namang pag-uusisa ni Drake. “Malamang pinuyat ni Addie! Hahaha!” tatawa-tawang sabi ni Luther. “Ha? Hindi ah!” Agad na tanggi ko. “Nakoooo! Wag mo nang itanggi pre! Nung madaan ako sa tapat nila kagabi nakita ko pa siya sa Balcony parang kilig na kilig habang kausap ka sa phone eh! Grabe kayo! Inaabot kayo ng hating-gabi sa phone? Tibay niyo ah!” Mahabang kwento ni Luther. Agad akong natigilan at naalala ang text sakin ni Addie kagabi. “Saan ka naman galing at inabot ka ng hating-gabi Luther?” sabat naman ni Drake na binulungan naman ni Luther na nagpahagalpak ng tawa sa dalawa. Napapailing na lang sina Sef at Blake sa g**o ng dalawa naming kasama ng bigla akong magsalita. “Hindi naman kami nagkausap kagabi. Hindi ko nga siya makontak kagabi dahil busy ang phone niya.” Pahina ng pahinang sabi ko. Agad na natigil sa kakatawa ang dalawa at biglang sumeryoso. “Seryoso ka dre?” nagugulat na tanong ni Luther tila tinatantya kung seryoso ba talaga ako sa sinabi ko. “Oo.” Tipid na sagot ko. “Sorry dre! Hindi ko alam.” Agad na paumanhin ni Luther. “Ayos lang pre.” Seryosong sabi ko. “Nagkausap na ba kayo ni Addie tungkol dito?” tanong naman ni Sef. “Ang totoo ay hindi pa. Hindi ko kasi alam kung paano kong itatanong sakanya,” pag-amin ko. Napabuntong-hininga na lang ako sa katotohanang kahit na gaano kalakas ang loob kong mandarag ng ibang tao pero pagdating kay Addie ay tumitiklop ako. “Dre’ ayokong mag-isip ka ng iba ha? Pero yun lang kasi talaga yung nakita ko kagabi. Pasensya na akala ko talaga ay ikaw ang kausap niya.” Nahihiyang ani Luther. “Sabagay pre mahirap ngang itanong yung ganyan kay Addie baka naman kasi kung sabihin mong sinabi lang ni Luther sayo na nakita siyang may kausap sa phone kagabi eh isipin niya sinisiraan lang namin siya sayo.” Namromroblemang sabi ni Drake. “Pwede mo namang itanong na lang sakanya kung bakit hindi mo siya makontak kagabi.” Payo naman ni Sef. “Tama si Sef, hindi naman masamang magtanong lalo na at nasa relasyon naman kayo. Karapatan mo naman yun. Sabihin mo na lang na nag-aalala ka dahil hindi mo siya matawagan kagabi.” Dugtong naman ni Blake. “Mas madali nga sana kung ganon pero…” pagputol ko sa sinasabi ko saka ko nilabas ang phone ko at pinakita sakanila ang message ni Addie kagabi. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa nabasa. Ayokong mag-isip ng iba pero hindi ko maiwasan. Malaki ang tiwala ko sakanya pero halos kinumpirma ng sinabi ni Luther ang hinala ko tungkol sa message na natanggap ko mula kay Addie. “Pag-usapan niyo na lang ng maayos pre. Baka naman kaibigan niya lang ang kausap niya.” Payo naman ni Sef. “Oo nga dre. Baka mali lang din ang iniisip ko kagabi, nakainom din kasi ako. Mas mabuti ngang kausapin mo na lang agad siya.” Sabi naman ni Luther. “Susubukan ko. Hanap na lang siguro ko ng tyempo.” Sagot ko naman habang nakahawak sa batok ko at nakatingala. Nang iderecho ko ang paningin ko ay agad na tumama ito sa babaeng kanina’y pinagmamasdan ko. May kakaiba talaga sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing mapapatingin ako sa kanya ay hindi ko na maialis ang tingin ko sa mukha niya lalo na pag ngumingiti siya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Maya-maya pa ay nagkaayaan na kaming umuwi pero hanggang sa paglabas ko ng coffee shop ay hindi ko napigilan ang sarili kong muling mapalingon sa kanya. Nang makasakay kami sa kanya-kanyang sasakyan ay agad rin kaming nagpaalamanan. Nauna na silang umalis sakin dahil bago ko paandarin ang sasakyan ay nagtext muna ako kay Addie. To: Hon +6391613689** Message: Hon, Can we talk? Punta ko diyan okay lang? Message sent!   ************   From: Hon +6391613689** Message: Sorry hon! Wala ako sa bahay ngayon. May lakad kami ng friends ko.   Napabuntong-hininga na lang ako dahil hindi tulad ng dati ay hindi ako nakareceive ng message galing sakanya mula kanina at hindi rin siya nagsabi sakin na may lakad pala siya. Madalas sa aming dalawa ay siya ang palaging nagu-update ng mga whereabouts niya. Ako nga itong hindi mahilig magtext sakanya. Pakiramdam ko ay may nagbabago pero ipinagkibit-balikat ko nalang ito. Lumipas ang mga araw pero hindi ko na nabuksan pa ang topic na ‘yon. Hindi na rin naman namin napag-usapan ng mga kaibigan ko dahil matapos ng araw na yon ay bumalik rin naman sa dati ang samahanan naming kaya’t naisip kong baka nga nagkakamali lang ako sa iniisip ko. Hanggang sa dumating na nga ang Graduation day namin. Tulad ng inaasahan ko ay si Noona ang umattend sa graduation ko. Hindi rin halos kami nakapag-usap ni Addie dahil abala rin siya bilang siya ang Valedictorian ng batch namin. Ang totoo ay sobrang proud ako sa naabot niya. Sadyang napaka talino at talented niya kaya naman masasabi kong napakaswerte ko sakanya dahil bukod doon ay napakabait rin niya. Nang matapos ang ceremony ay agad ko siyang sinalubong at iniabot ang bouquet ng red rose na inihanda ko para sakanya. “Congrats hon!” nakangiting bati ko sakanya matapos kong ibigay ang mga bulaklak na dala ko. “Oh! Thanks hon! I love you!” masayang aniya. “I love you more.” Nangiting sagot ko. “Addie picture! Ah, excuse lang muna Kieran ha?” paumanhin ng adviser namin. “Hon, sorry mamaya na lang. text kita ha?” paumanhin ni Addie kaya tumango lang ako at isinenyas ang kanang kamay ko para bigyan sila ng daan. Pagtalikod ko ay agad naman akong sinalubong ni Kath. “C-cong-grats K-Kieran.” Bati nito sakin kaya naman agad akong ngumiti. “Salamat Kath! Congrats din sayo.” Bati ko rin sakanya saka ko ginulo ang buhok niya. “T-Thank y-you! G-Gift K-ko nga p-pala p-para s-sayo.” Nahihiyang sabi niya saka niya iniabot ang isang itim na box. “Uy! Salamat! Nag-abala ka pa. Naku pasensya ka na at wala man lang akong regalo para sayo.” Paumahin ko. “O-Okay l-lang. S-Sana m-magustuhan mo a-ang r-regalo ko” nahihiya pa ring aniya. “Oo naman siyempre galing sayo eh! Pero mas magugustuhan ko kung hindi ka na ganyan magsalita kapag kaharap mo ko okay?” nakangiting sabi ko sakanya saka ako yumuko para magpantay ang mga mata namin. Nakita ko naman ang pamumula ng kanyang pisngi kaya lalo akong napangiti. “S-Susubukan ko.” Tipid na sagot niya. “Aasahan ko yan ha?” masayang ani ko. “Sige.” Maikling sagot niya pero hindi na sya nautal. “Yan ganyan nga—“ naputol ang sinasabi ko ng tawagin na ako nila Noona. “Sige Kath kailangan ko ng umalis. See you!” paalam ko sakanya. “Sige, Ingat!” sagot niya naman. Napangiti ako dahil naiderecho na niya ang salita niya. Agad naman akong sumunod kila Noona. Nang makasakay kami ng sasakyan ay muli kong nilingon ang kinaroroonan ni Addie ng mapansin kong may kausap siyang lalake. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito mula sa kinaroroonan ko habang si Addie naman ay naka side view. Hindi ko na sana papansinin ito ngunit nanlaki ang mga mata ko ng tumabi it okay Addie at nakahawak pa sa bewang nito. Parang gusto kong bumaba para sitahin ang lalake pero ayoko namang gumawa ng eksena at mageskandalo sa mahalagang araw para sa amin kaya naman wala na akong nagawa kundi ang tanawin sila hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko.   “Tch! Sino kaya ang lalakeng ‘yon? Bakit parang okay lang kay Addie na may ibang lalake na nakahawak sa bewang niya at mukhang masaya pa siya?” napapabuntong hiningang tanong ko sa sarili ko. “Okay ka lang Dongsaeng?” biglang tanong sakin ni Noona. “Maybe.” Kibit-balikat na sagot ko.   To be continued…

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD