NAKARATING kami ni Khalil sa apartment nang walang nag-iimikan sa buong biyahe. Alam kong gusto niyang magtanong tungkol sa inasal ko kanina subalit sinikap kong iparamdam sa kaniya na wala akong balak magsalita. “We’re here,” anunsiyo ni Khalil dahil ilang minuto nang nakahinto ang sasakyan sa harap ng apartment subalit hindi man lang ako tuminag. Napaangat ako ng tingin at agad na nasalubong ang nagmamasid niyang mga mata. I forced myself to smile at him. “Thank you for driving me home, Khalil. Mag-ingat ka pauwi.” Wala na akong narinig na sagot mula sa kaniya kaya nagpatuloy na ako sa pagbaba ng sasakyan. Akmang bubuksan ko ang hindi kataasang gate ng apartment nang maramdaman ko ang kamay ni Khalil sa aking braso. “Bakit?” tanong ko kahit may ideya na ako kung bakit siya bumaba ng

